Page 10 - He Cries

4607 Words
PAGE 10       He cries ******** "Magandang umaga sa inyo." Nakangiting bati ni Ms. Marielle sa lahat nang umagang iyon. Narito kami sa maluwang na bakuran ng Villa Catalina. Excited ang walong contestant sa event ngayong araw. "Alam ko na excited na kayong lahat. Tama ba?" "Yes!!" In-chorus na sagot ng mga contestant. Tumango tango si Ms. Marielle. Ang masasabi ko lang. Ang ganda ni Ms. Marielle. Hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa mga mata niya. Dark brown. Habang tinititigan ko iyon biglang may pumasok sa utak ko. Those eyes. They look familiar. Napaisip ako. "Okay. Bago ang lahat may gusto akong ipakilala sa inyo. Siya ang magiging guide and judge para sa particular task na ito. Kilala ninyo siya, for sure." Hindi ko alam na may guest. "Magugulat ka Rein." Bulong sa akin ni Andy. "So, hindi ko na patatagalin pa." Sabi pa ni Ms. Marielle. "I-welcome natin ang ating guest. (Pause) Isa siya sampung pinakamagagandang mukha sa buong Asya ngayon. Our guesr for today.... none other than supermodel --- Liza Torres." Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga contestants. Ako naman... natulala. LIZA TORRES. Tapos ay entrance ng isang napakagandang nilalang. All-camera focused on her. Nakatingin kami sa bawat hakbang niya. Sa bawat galaw ng kaniyang buhok na sumu-sway sa hangin. Brown iyon na lampas hanggang balikat. Matangkad siya. Pero nakasuot pa siya ng 3inches na stilletos. She's so beautiful and perfect. I can define perfect -- Liza Torres. Napa-inhale ako ng maraming hangin. Syempre kilala ko siya. Siya ang model girlfriend ni Renz. So alam niyo na kung bakit wala akong kalakas lakas ng loob na mag-confessed sa kaniya. Ito lang naman ang karibal ko. "And its quite obvious kung ano ang event natin ngayon. We'll be having a pictorial and a modelling challenge." ***** "Hi Rein." Napalingon ako ng marinig ang boses na iyon. Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Marahan siyang naupo sa harap ko at ngumiti. "Kamusta? Its nice to see you again." Pilit akong ngumiti. "Hi. Liza." She gives me her sweetest smiles. Hindi naman kami close. Nor friends. We really talk that much maliban sa "hi" at "hello". "I was glad to know you were here." "Talaga?" "Renz told me." Tumango ako. "Yeah. Renz." "Tell me. Is Renz behaving well here?" "Hah? What do you mean by that?" Kumunot ang noo ko. "I mean, you know what i mean." Tumawa siya ng mahina. "Alam mo naman ang mga boys. Kapag nalalayo sa mga girlfriend nila ay parang nakakawala sa koral." It's kinda weird di ba? This girl is actually half-American and half-Filipina. Nanirahan siya sa ibang bansa for half her life pero ang fluent niya pa ring mag-tagalog. "Ahhh..." na-gets ko siya. Wala ka bang tiwala kay Renz? Sa isip ko lang yun. "Renz is not like that." "Sure?" Nakasmile uli siya. Parang inaasahan naman niya ang sagot na iyon. "Yah. Very sure." "Hehe... mabuti naman." Nagbaba na ako ng tingin. Ayoko ng magsalita. "So, ikaw naman, kamusta?" "Okay lang." Isa sa staff ang lumapit sa pwesto namin. "Ms. Torres, start na po tayo ng taping." "Okay." Tango ni Liza habang tumatayo na. "See you later Rein." "Yah." Tango ko. Then ay sumunod na siya dun sa staff. Judging na yung ite-taping nina Liza. Tumayo ako sa tabi ng isa sa staff na naroon. Igi-grade muna ng mga judges yung mga outcome pictures ng mga contestant. After less than an hour ay tinawag na iyong mga contestant at pinalinya sa harap, ilang hakbang mula sa long table na kinapupwestuhan naman ng mga judges. Iyong mga judges, sina Liza, Ms. Marielle at Vincent. Isa-isa nilang pinapalapit iyong contestant then make their comments sa mga pictures. Tapos kumuha sila ng limang best pictures. "Ang limang mapipili namin ay makakasama ni Dennis para sa isang group date." For the nth time ay napatitig ako sa magagandang mata ni Ms. Marielle. Tapos ay biglang lumipad ang paningin ko sa taong nakatayo ka-opposite ko. Si Andrew. ****** Humihingal pa ako ng marating ko ang port ng Isla Catalina. Napatanaw ako sa malayo. "Seriously?! Iniwan nila ako?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Nakaalis na kasi yung yate na maghahatid papuntang main island ng Sto. Cristo. Dapat kasama ako dun e. Ngayon ang scheduled group date nina Dennis. At ang limang girls na kasama niya ay sina Samantha, Casey, Mheily, Thessa at Leilyn. Mayroon daw ibang pupuntahan na lugar and iniwan nila ako? Totoo? "Rein?" Bigla akong napalingon ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nalingunan ko si Andrew. Marahang humakbang siya papalapit sa akin. Kumabog ang dibdib ko. Kaba na lagi kong nadarama this last few days lalo na sa kaniya. Siguro dahil iyon sa nagawa ko. O dahil iyon sa mga sinabi niya. "Bakit ngayon ka lang?" Nagtaka ako at tumitig sa kaniya. "Halika na." "Saan?" "Susunod tayo sa kanila." "E, nakaalis na yung yate. Wala ba sila dun?" Bumuga siya ng hangin. "Of course nakasakay na sila sa yate at nakaalis na. Pero kailangan mauna na tayo sa pupuntahan nila. Naroon na sina Andy at (pause) Renz." "Saan?" Naguguluhan naman ako. "Halika na nga." Tinalikuran niya ako at humakbang papabalik sa pinanggalingan ko kanina. Sinundan ko siya kahit na hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ilang oras pa ay nasa isang bahagi na kami ng island na open ground. Tapos ay may helicopter na naghihintay. Nanlake ang mga mata ko. Helicopter? Totoo? Di nga? Napako ako sa kinatatayuan ko habang nililipad lipad ng hangin mula sa umiikot ng elisi nung helicopter iyong buhok ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko, ma-eexcite o matatakot. Napalunok ako ng sunod sunod. "We'll be flying." Narinig kong sabi ni Andrew. Halos pasigaw na iyon dahil maingay na yung sound ng helicopter. "No!" Balik sigaw ko sa kaniya. NO!! You gotta be kidding me. Pwede airplane na lang? "Why? Na-try mo na ba?" Umiling ako. "No but--" "Then you must try this." Nagpatiuna na siya sa paglapit sa sasakyan. Kinakabahan na talaga ako. Sobra! Huminga ako ng maraming hangin. Pikit matang sumunod sa kaniya. First time kong nakasakay sa helicopter. Ibang iba ito sa feeling ng pagsakay sa airplane. Naupo ako sa tabi ni Andrew. Oh, my thank God hindi siya ang magdadrive nun! Napasinghap ako ng malalim. Saglit nag-konek ang mga mata namin ni Andrew. "Are you nervous?" Mahina akong tumango. God! I'm so nervous to death. Hindi lang dahil sa helicopter. Hindi dahil sa fact na nakasakay ako dito at mayamaya ay nasa langit na ito. Meron pang higit na nakakadagdag sa kaba ko. "Don't worry this is safe." Napabuntunghinga ako. Nang makaupo na kami ng maayos ay kinusap ni Andrew iyong captain nang helicopter then lalong umingay iyong sasakyan. Napapikit ako ng mga mata, nakayuko. I was praying hard. Grabe!! Kailangan ba talaga ito? Nang maramdaman ko ang pag-angat ng sasakyan napakapit ang isang kamay ko sa braso ni Andrew. Still, nakayuko at pikit ang mga mata. Maybe i could stay like this the whole flight. Ramdam ko na umangat na ng husto itong sasakyan. Pikit ang mga mata ko pero ramdam na ramdam ko sa tuwing liliko o gagalaw ito. Nakakatakot at kaba. Hindi ko magawang ipakalma ang sistema ko. "Open your eyes. You'll love what you'll see." Narinig ko na sabi ni Andrew. Umiling ako. "Come on. Just try it." Humugot ako ng malalim na buntunghininga. Nanginginig ako. Alam ko. Pero dahil first time ko, gusto ko din makita yung kung anong pwede kong makita for the first time. Dahan dahan akong nag-angat ng mukha at nagmulat ng mga mata. Napatingin ako sa mukha ni Andrew. Nakangiti siya sa akin na parang may nakakatuwang bagay na nasa mukha ko. Then unti unti akong sumilip sa may bintana. Nakita ko yung langit. Grabe! Ang close ng mga ulap mula sa akin. Sa ibaba, pagtingin ko, nakita ko una iyong asul na asul na dagat. Tapos breathtaking scenery. Mahigpit pa rin akong nakakapit sa braso niya. Para akong nilukob ng ibang espiritu. Kanina kasi ay takot na takot akong tumingin sa paligid pero ngayon... Ngayon parang nae-enjoy ko na ang nagaganap. Pero naroon pa rin ang kaba at takot. Natutuwa naman ako. First time kong makasakay ng helicopter at hindi ko akalaing ganito ang experience. Napapa-O ang expression ko sa bawat galaw nung helicopter at sa mga nakikita ko. "Ang galing nito!" Nilingon ko si Andrew. "I told you so." Nakangiting aniya habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko lang sure kung kanina pa ba siya nakatitig. Nang magtama ang mga mata namin ay saka ko lang uli naramdaman iyong kaba ko sa kaniya. Nakalimutan ko nga na nakakapit ako nang sobra sa braso niya. Marahan kong tinanggal iyong pagkakahawak sa braso niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin. "A-akala ko joke lang yung sabi nila na may helicopter ang mga Escaner? May airplane din ba sila?" "Masyadong mataas ang expectations niyo." Ngumiti siya. "Hindi naman nakakapagtaka yun. Nasa kanila na lahat." "Hindi lahat." Napatingin ako sa kaniya. "First time mo ba?" "Oo. Obvious ba?" Mahina akong bumulong. "Bakit ba laging ikaw ang kasama ko sa first time?" Pero narinig pala ako ni Andrew. "Thank you." "Thank you saan?" Nagtataka ko namang tanong. "Atleast, hindi man ako ang first love mo ako naman ang nakasama mo sa ilang first sa buhay mo." Ang weird naman nito. Nagtatakang napatitig ako sa kanya. Napakurap ako. Matiim niya akong tinitigan. Biglang hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinila palapit. Walang anumang hinalikan niya at ako naman ay in total shock. Ibang level of kiss ito... kiss habang nasa himpapawid. Mulat na mulat ang mga mata ko at hindi nakakilos. Saglit lang iyon at halos padampi lang. Pero sobrang lakas ng epekto sa akin. Hindi ko na mapakalma ang puso ko. Namalayan ko na lang na lumalapag na iyong helicopter. Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa mga mata niya. Walang salita akong lumayo mula sa kaniya at kumilos para makababa na nang tuluyan ng nakalapag iyong sasakyan. Narinig ko iyong pagtawag ni Andrew sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Sinalubong naman ako agad ni Andy pagdating ko. Nasa itaas yata ito ng isang mataas na building hindi ko na alam kung anung building. "Rein? Kamusta ang--" bungad ni Andy pero mabilis ko lang siyang hinawakan sa braso at hinila papasok. "Saan tayo?" Malamig kong wika. "Sa hotel." Sagot ni Andy tapos ay sumakay na kami ng elevator. "Sandali si Andrew? Hindi ba natin siya hihintayin?" "Hindi na. Mauna na daw tayo." Sabi ko na deretso ang tingin. Napakunot naman ng noo si Andy. ****** Nagtatakang tinitigan ako ni Andy. "Hindi ka sasama sa mall? Anong gagawin mo dito?" "May tatapusin lang ako na then may ire-research. Ikaw na muna ang bahala." Sabi ko. Naupo na ako sa may ibabaw ng kama at pumuwesto sa gitna nun. Nasa isang malaking Hotel kami ngayon. "Ganun? Okay fine. Wala ka bang ipapabili?" "Wala. Thank you hah." "O sige. Maiwan na muna kita dito." *****  [Thessa's POV] "Meron ba kayong gustong puntahan in particular?" Nakangiting wika ni Dennis habang nasa sasakyan kami at papunta sa kung saan. "I wanna go to the mall." Excited na wika ni Samantha. Tumingin lang ako sa gawi niya. Yaan niyo na. Kawawa naman e. Wala siyang ka-close sa mga kasama ngayon. Hindi naman sa nangkakawawa akong tao hah. Medyo iba lang talaga ang trip ni Samantha sa mga trip namin. Like nakakasundo ko sina Mheily at Casey dahil hindi sila ganun kaarte. Kasundo ko si Leilyn dahil... nakakatuwa siya. Hehehe... basta, nakakatuwa si Leilyn. At ito na nga. Nasa mall na kami. Just like what Samantha requested. Sinabihan kami ni Dennis na pwede naming bilhin anoman ang magustuhan namin. Yaman di ba? Hehe... ayon kasi sa sources ko ay sa family nila ang mall na ito. Wohoh!! Kayo na may mall. Nahagip ng paningin ko si Andy. Iyong aming kasakasama na writer. "Andy, nasaan si Rein?" "Hah? Nasa hotel e. Nagpaiwan may tatapusin pa raw kasi siya." "Ahh..." tango ko. "Mag-isa lang siya doon?" Pareho pa kaming nagulat ni Andy ng marinig ang boses na iyon mula sa likod namin. Nalingunan namin si Dennis. "Si-sir? Nakakagulat naman po kayo." Mabilis na react ni Andy. Hindi talaga siya sanay sa gawaing iyon ni Dennis. Madalas niyang gawin sa amin iyon. "May tatapusin pa daw kasi si Rein." Nakangiting wika ko. Sa totoo lang, napaka-appealing talaga nitong si Dennis. Ang gwapo niya pang ngumiti. Gusto ko na nga siya e. Pero hindi katulad ng pagkakagusto nina Samantha at Mara sa kaniya. Komportable na ko sa presence niya na parang isang ... isang kaibigan. Ganun. "Sayang naman." Nag-smile siya sa min. "Well, enjoy mo rin ito Andy hah." "Yes sir." Nakangiting tango ni Andy. Inilahad ni Dennis ang kamay niya sa akin. Oi! Kilig! Oi kakakilig. Kinilig si Andy. "Pwede bang ako ang maging escort mo today?" Nakangiting aniya sa akin. Napangiti ako. "Sure." Humawak ako sa kamay niya then nauna na kaming humakbang. "Nasaan na sila? Baka magselos yung mga iyon hah." "Hindi pwede." Tawa niya ng mahina. "Pumasok na sila sa loob ng boutique. May gusto ka bang bilhin?" Umiling ako. "Wala. Nakakahiya naman sa inyo. Free na nga iyong pag-stay namin sa may isla ninyo e." "Okay lang naman talaga kung may gusto kang bilhin. Akong bahala sa yo. Friends naman tayo e." Ngumiti ako sa kaniya. Friends. Tama, friends na po kami. Nasabi ko kasi sa kaniya ang tunay na deal kung bakit ako napasama sa competition na ito. Natuwa naman siya sa pagka-honest ko kaya kahit alam niya na hindi na ako kasama dun sa mga girls na nag-ko-compete para maging asawa niya ay hinahayaan niya akong makapag-stay sa isla for free. Gusto daw niya na ma-enjoy ko ang bakasyon na ito. Hehe... bakasyon daw. Pero, actually, in return ay may ginagawa ako para makatulong sa pagpili niya. Spy ba? Hehe...medyo lang. Syempre may mga bagay na hindi nakikita at nalalaman si Dennis tungkol sa mga girls kaya ako naman parang mga mata niya sa loob ng villa. Kinukwento ko sa kaniya yung mga nangyayari sa loob kapag wala siya. Pero hindi ko sinisiraan ang mga kasama ko hah. Wala po akong hidden agenda. Ginagawa ko yun dahil friends kami. Friends. "Sige na, Thessa, pick anything you like. I-credit mo sa pangalan ko." Nakita ko sina Mheily, Leilyn at Casey na nag-iikot sa may boutique. "Okay." Tango ko. Nilapitan ko sina Mheily. "Gusto kong isukat ang isang ito. Saka ito. Pati ito." Masayang ani Leilyn. "Parang ngayon ka lang nakarating ng mall hah?" Puna ni Casey habang nagtitingin sa mga nakadisplay na dress. "Hindi naman. Nakakatuwa lang." Sagot ni Leilyn. "You try this." Inabot ni Mheily ang isang gown sa kaniya. "Para saan yan? Pangkasal ko? Magko-concede ka na ba sa competition?" Pang-asar na ngiti ni Leilyn. "Hindi noh. Ako na ang bibili nito panburol mo." Nakataas ang kilay na banat ni Mheily. "Sobra ka hah!!" Maktol ni Leilyn. Natawa kami ni Casey. "Kung nandito sina Clouie malamang mas malala pa ang marinig mo. Buti nga mabait pa ko sa yo. Di ba, i-sponsor ko pa panburol mo." Ani Mheily na nakangiti. "Huhu... ang bad nyo!!" In the next minutes ay nagsusukat na kami ng mga dress. Kanya kanya kami ng fitting room na inookupa tapos lalabas at rumarampa sa harap ng salamin na parang mga modelo. Wala naman kasing ibang customer iyong boutique na pinasok namin, naka-close muna yun habang naroroon kami. Si Dennis naman ay tuwang tuwa na nanunuod sa amin. Sya pa nga ang naging judge namin. Si Samantha naman... Ayun! Walang choice kundi makisali sa amin. Naki-fitting din ng mga dress at naki-rampa kuno. In all fairness naman lahat ng sinukat niya na dress ay bumabagay sa kaniya. Model kasi kaya alam niya kung ano yung mga damit na makakapag-stand out pa more ng kagandahan niya. After nun ay nagpunta na kami sa isang restaurant at kumain. *****  [Rein's POV] Napahinga ako ng malalim matapos maitali ng maayos ang buhok ko. Nasa hotel pa rin ako. Past 12noon na at ginugutom na ko. So i decided to go outside at kumain. Nakarinig ako ng katok sa may pinto. Mabagal ang hakbang ko papunta sa pinto para pagbuksan kung sinu man iyon. "Hi Rein?" Natigilan ako. "Renz?" "Paalis ka ba?" "Bakit nandito ka? Hindi ka sumama sa kanila?" "Kasama nila ako kanina pero bumalik lang ako. Naglunch ka na ba? Sabay na tayo?" Saglit akong napatitig sa mukha niya. "Okay." Magkasabay na kaming bumaba ng papuntang hotel lobby at deretso sa may restaurant doon. "Bakit bumalik ka dito? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko pagkatapos namibg maka-order ng pagkain. Umiling siya. "No. Actually naka-half day lang ako ng work ngayon. May pumalit sa akin doon." "May iba kang lakad?" Tumango siya. "Mamaya kasi ay may fashion event sina Liza. I'll escort her." "Ahh..." napatango ako at ngumiti. Pero iyong ngiti ko pilit lang. Lihim akong napahinga ng malalim. "Sama ka mamaya?" Gulat akong napatingin ng muli siyang magsalita. "Hah?! Ah... dun sa fashion show?" "Uhm." Tango niya. "Naroon din naman sina Dennis mamaya." "Ahh... kasama sa schedule ba yun?" "Oo. Hindi mo alam? Hindi ba nasabi sa yo ni Andrew?" Saglit akong natigilan ng marinig ang pangalan na iyon ni Andrew. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Pero bakit ako kinakabahan? Wala naman akong kasalanan sa kaniya? Wala din naman siya dito. Pilit akong ngumiti at umiling. "Wala. Wala siyang sinabi." "Ang weird naman nun. Sabi niya siya na daw ang bahalang magsabi ng schedule sa yo. Well, anyway, punta ka mamaya?" Nag-isip ako. Pupunta ba ako? Kailangan ba talaga ako dun? As in? Nagbaba ako ng tingin. Mabuti na lang at dumating na yung waiter at dala na yung in-order namin na pagkain. Nawala na sa topic iyong usapan namin. As usual. The whole moment ay nagkwento siya ng tungkol sa work at tungkol kay Liza. Wala naman din akong maisip na ibang topic. Pero ang sakit sakit lang talaga lagi ng ganito. Bakit ba hindi niya nahahalata na hindi ko gusto iyong topic ng usapan namin? Bakit ba hindi niya napapansin iyong mga pilit kong ngiti at tawa? Masaya ako na masaya siya pero mahirap magpanggap na hindi ka affected kapag matagal. Gusto kong hilahin ang oras ng pagkain namin nang matapos ng lahat ito. Nagdudugo na ang tenga ko at namamanhid na ang mukha ko sa mga expression na hindi ko naman gustong gawin. Torture sa akin ang lumipas na oras. Pagbalik ko sa hotel room ay naghihinang napaupo na lang ako sa may kama. Parang wala din akong nakain. Ubos ang lakas ko. Mapagpanggap ka kasi! Sigaw ng isang boses sa isip ko. Mariin akong napapikit. Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam ang totoo sa hindi. Lahat yata ng tao sa paligid ko ay nabubuhay sa pagpapanggap. Nakakapagod. Nakakatakot. Nakakalungkot. ***** Later that night. Pinuntahan na ko ni Andy para hindi ako makatakas na uma-ttend ng Fashion event sa gabing iyon. Ginanap iyon sa isang kilalang event hall at kasabay ko sa isang sasakyan sina Thessa, Leilyn at Mheily. "Wala kang suot na glasses ngayon Leilyn?" Puna ko sa kaniya nang nasa daan na kami. Nakabest dress nila sila ngayon. Mga binili yata nila sa mall kanina. Napangiti ng maluwang si Leilyn. "Regalo sa kin Rein?" "Regalo?" "Itong mga contacts ko. Niregalo sa akin ni Dennis kanina. Hehe... ang sweet niya di ba?" Kinikilig na wika niya. Natawa ako ng mahina. Ang babaw talaga ng babaeng ito. "Sweet agad? Baka nadidistract lang si Dennis sa kapal ng salamin mo. Nagmumukha ka daw tita niya kapag magkasama kayo." Banat ni Mheily sa bandang likuran ng van. Natawa kami ni Thessa. "HAH!!" Malakas na react ni Leilyn. "Ikaw!! Nag-uumpisa ka na naman sa pang-aasar hah! Inggit ka lang." "Sa 'yo?! Asa!!" Ismid ni Mheily sabay hagikgik. Napasimangot ng husto si Leilyn. "Ang bad mo talaga sa kin! Inggit ka lang dahil mas maganda talaga ako sa yo." "Hah?! Sige fine, paniniwala mo naman yan e. This is a free country, you can do and say what you want!!" "TSE!!" "Tama na yan." Singit ni Thessa sa dalawa na nakangiti lang. Nakangiting ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng umaandar na sasakyan. Ilang sandali pa ay narating na namin ang pakay namin na lugar. Nakahanda na ang lahat. Hindi lang pala isang fashion event ang aatend-an namin. May kasama pala itong cocktail party kaya pala naka-cocktail dress itong mga kasama ko. At ako ang in total out of place sa suot ko. Gosh!! Kaya pala sinasabihan ako ni Andy. "I bet you are mis-informed about this party, lady." Napapitlag pa ako sa pagkakatayo nang marinig ang husky voice na iyon. Gulat akong napalingon at nakita ko ang nakangiting mukha ni Dennis. Saglit akong natulala. Ang gwapo kasi. "Ya-yah. Mukhang hindi ako nakapagprepare." Sabi ko na lang habang umiiwas ng tingin. "Panu yan? Baka hindi ka nila papasukin. You are totally out of the motif." "Okay lang. Babalik na lang ako ng hotel." Tumalikod na ko at akmang aalis na pero mabilis naman niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. "Hups! Grabe ka naman. I didn't intend to make you leave." Nawala iyong ngiti niya at parang nag-alala talaga siya na aalis ako. "Hah?!" Umiling ako. "Hindi. Okay lang talaga. Wala naman akong balak na pumunta pero sinabihan lang ako ni Andy. Pero dahil hindi din naman ako makakapasok sa loob, babalik na lang ako sa hotel. May maiidahilan naman ako sa kanya." Sandaling napatitig sa akin si Dennis tapos ay bigla siyang natawa. Kumunot ang noo ko sa pagtataka sa kaniya. "Sorry." Pigil niya sa sarili. "Nakakatawa ka talaga. Ang weird mo." "Nakakatawa bang maging weird?" "Natutuwa ako sa yo." Aniyang nakangiti. "Halika." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa may parking area. "Saan tayo pupunta?" Pinasakay niya ako ng kotse at agad pinaandar ang makina noon. "Seatbelt lady. I don't want anything to happen to you just in case." He smiled and wink at me. Napasinghap ako. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at nang naka-seatbelt na ko ay pinaandar na niya paalis iyong kotse. May ilang sandali lang at ipi-nark na niya iyon sa tapat ng isang boutique. "Tara." Aniya at nauna nang bumaba. Sinundan ko siya agad hanggang sa pagpasok sa loob ng boutique. Sinalubong kami ng isang magandang staff doon. May ibinulong lang si Dennis sa babae tapos ay nakita ko na parang kinilig iyong girl. Nagsalubong ang mga kilay ko. Linapitan ako nung girl. "Ma'm dito po tayo." Nakangiting aniya. "Hah?!" Napatingin ako kay Dennis. Ngumiti siya sa akin at tumango. Shocks!! I know this! Umiling ako dun sa girl. "Sorry. Wala akong balak na bumili ng dress. Wala akong pambayad" Lumapit si Dennis. "Sinong nagsabing ikaw ang magbabayad? Ako nang bahala sa yo." Umiling ako ng sunod sunod. "No. Ayoko! At mas lalong ayokong magpalibre sa yo ng-- ng, kahit ano!" Napalis ang ngiti niya at mukhang hindi niya nagustuhan ang pagtanggi ko. "Hindi ito basta libre Rein. It's my appreciation of your hard work." "Kahit na." Mariin kong tanggi. "Babalik na talaga ako ng hotel." Umakma akong aalis na pero pinigilan na naman niya ako sa braso. "You can pay me later." Piksi niya. "Ayokong magka-utang." Pinigilan niya ang sarili niya na makapagmura. "Ang tigas ng ulo mo!" "Salamat. Ayoko pa rin." Umiwas na ako ng tingin. Paninindigan ko ito. Hindi naman ako kasali sa competition di ba? Bakit kailangan kong sumunod sa kanila? "Kapag hindi ka pa pumayag isusumbong kita sa boss mo at sasabihin ko na hindi mo ginagawa ang tasks mo." Gulat akong napatingin sa kaniya. Nanlalake ang mga mata. "You won't do that." "Wanna try me?" Tinitigan niya ako ng matiim. "As if naman, paniniwalaan ka niya?!" "I'm the boss." Nagkonek ang mga mata namin at in instance ay may binalot ako ng kaba. Baka gawin niya talaga. Panu work ko? Walang salitang kinuha niya ang phone niya at nagpipindot doon. Kumabog na ang dibdib ko. He can't be serious?! Napapiksi ako sa sarili ko. Nag-fastforward agad iyong isip ko sa mga pwedeng mangyari. Kainis!! "OO NA!! MAGPAPALIT NA KO NG DRESS!" Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "But you won't be paying. Ako na ang pipili at bibili ng dress ko." Napangiwi ako. "Nakakainis naman." Bulong ko at padabog na lumakad sa loob ng boutique. Nakita ko pa yung pagngisi ni Dennis sa sulok ng mga mata ko. Badtrip! Nakadalawang ikot ako sa boutique bago ako nakahanap ng isang simpleng dress na alam kong bagay na sa isang cocktail party. Simpleng dress na iyon at pinakamura pero lintik na yan!! Ang mamahal ng damit dito!!! Like, thousand ang price ng bawat damit. Ayoko nang sabihin kung magkano yung SIMPLENG DRESS na nakita ko. Basta! Ang sakit sakit.... Ang sakit sakit sa bulsa. Napapikit ako ng mata ko habang inaabot iyong credit card ko sa may cashier eh! Parang ayaw ko ngang bitiwan yun!! May gosh!! Buti may laman yung card ko. Medyo malaki na rin yun kasi may pinag-iipunan ako. Pero nakakasama talaga ng loob na mabawasan yung ipon ko dahil sa isang dress na isang beses ko lang din na isusuot. Huhu... panu na yung pinag-iipunan kung trip to Europe?! Napurnada na ng konti!! Huhuhu.... Hindi lang dress iyong binili ko. Pati shoes. Malamang kailangan bagay sa dress iyong shoes e. Haist!! Nang makabalik na kami ng event ay nakangiti pa rin si Dennis. Pang-asar lang! Siya lang masaya at ako hindi na talaga! "Ayun! Nag-change costume pala si Rein kaya nawala." Bungad sa akin ni Mheily nang makapasok na kami sa hall. Ang dami ng tao at nag-umpisa na yung fashion show. "Hi." Nanlalata kong bati. Nawala naman sa tabi ko si Dennis. "Ang ganda ng dress mo." Si Thessa. "Dapat lang. Dahil three moths akong magda-diet dahil dito." Kumuha ako ng isang cocktail drink sa nagdaan na waiter. "Joke ba yun?" Curious na react ni Thessa. Nagkibit balikat na lang ako. After the fashion show ay party na. At promise! Bored na bored na ko. Nakita ko si Renz kanina pero kaninang kanina pa yun. Lumabas ako ng event hall para makasagap naman ng hangin. Hindi ko inaasahang makita si Renz. Linapitan ko siya. Walang ibang tao sa paligid maliban sa min. "Renz?" Tawag pansin ko. Nang lumingon siya ay saka ko lang nakita na ninigarilyo pala siya. Kelan pa siya natutong manigarilyo?! "Rein?" Ngumisi siya. "You look so stunning." Namumula ang mukha niya at mga mata. Lasing yata siya. "Lasing ka ba?" Umiling siya ng madiin. "No." Kinusot niya ng likod ng palad niya ang mata niya. Tinitigan ko siya. "Are you? Crying?" Umiwas siya ng tingin at napailing. "No. Hindi ako ganun kahina para umiyak hah." Sandaling namayani ang katahimikan sa amin. "It's not wrong to cry sometimes. Kahit lalake ka pa. Kahit sino ay pwedeng umiyak kapag sobrang bigat na ng nararamdaman niyang pain." Tinitigan ko siyang muli. "Bakit ba? Ano bang nangyari?" Hindi agad siya umimik. Itinapon niya sa sahig iyong nangangalahati niya pa lang na sigarilyo at tinapakan iyon para mamatay. "Hindi naman talaga ako naninigarilyo. Ngayon lang. Sinubukan ko lang kasi sobrang nadedepress na ko sa nangyayari." Napakunot ako ng noo. "Bakit?" Nakayuko ang ulong sumagot siya. "I proposed to her but she said no." Napailing siya and then i heard him sob. Napamaang ako. Mahina lamang iyon pero parang nadurog ng paulit ulit iyong puso ko. Tinitigan ko siya ng matagal pero hindi ko agad mahanap iyong mga salita that would comfort him. Should i comfort him? Coz honestly, ako yung may kailangan ng comfort. Ang sakit kaya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD