Page 11 - She Cries

3849 Words
PAGE 11       She cries ******** "I proposed to her but she said no." Napamaang ako lalo na ng marinig ko ang mahina niyang paghikbi. Parang ako yung nasaktan. Parang gusto ko na ring umiyak. Eto ba ang kinade-depress ni Renz? Dahil tinanggihan siya ni Liza na magpakasal? Ganun?! Ganito na ba kalalim ang love niya kay Liza at dahil dito ay nagagawa niya yung mga dating hindi niya nagagawa? Stupid! Nakaka-baliw talaga ng pag-ibig! Grabe! Napa-inhale ako ng maraming hangin. Mahinang tinapik ko siya sa balikat. "Renz?" Tinignan ko siya. "Tinanggihan ka lang naman niya na magpakasal hah? Hindi ka pa niya brineak. Baka hindi lang siya ready na magpakasal pa. Baka may gagawin pa siya o may pangarap pa siyang gustong gawin." Napatiimbagang siya. "Rein, naman! Binigyan ko na siya ng mahabang time para sa pangarap niya. Hindi na naman biro ang marating niya ngayon di ba?!" Natigilan ako. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Renz. Selfish pala siya at possessive masyado. "Natatakot lang naman ako na mawala pa siya sa akin. Kung mas malayo pa ang marating niya at mawala siya sa tingin ko, baka makahanap siya ng iba." "Renz, siguro hindi naman ganyan kababaw ang pagmamahal sa yo ni Liza. Hindi ka ba nagtitiwala sa kaniya?" "May tiwala ako sa kaniya pero sa mga tao sa paligid niya wala." Mariin bawat salita ni Renz. Hindi na ko nagsalita. "Tutol sa min ang parents niya at malapit na siyang umalis pa-America. Hindi pwedeng hintayin ko na lang ang mga mangyayari." Napabuga siya ng hangin. "I want her to stay." "Dapat sabihin mo sa kaniya yan." Nag-angat ng tingin si Renz at tumitig sa akin. "Lahat ng doubt mo. Lahat ng takot mo. Sabihin mo kay Liza. Kasi kahit na madepress ka ngayon o malungkot ka habambuhay, hindi niya malalaman kung di mo sasabihin." Tinitigan niya ako na parang namamangha. "Pero sana pakinggan mo din ang sasabihin niya. Kasi Renz hindi madaling desisyon ang magpakasal. Dapat maintindihan mo din yun." Muling namagitan ang katahimikan namin. Iyong mahinang ingay mula sa party na lang ang naririnig ko pati na rin ang mabibigat niyang paghinga. "Kung sasabihin ko sa kanya ang doubt ko hindi ba siya matu-turn off sa akin. Ayaw niya sa mahina." "Hindi ka naman mahina. Kung magagawa mo sa kaniyang sabihin yan matapang ka ng labanan ang takot mo. Then you can be strong at anything." Napabuga ako ng hangin. Bakit ko ba toh ginagawa? Ako nga, walang tapang na magtapat ng sarili kong damdamin. May authority ba ako na magsalita ng ganito sa kaniya? Huminga siya ng malalim at napatitig ako sa kaniya. Kanina, iyong mukha niya ay feeling lost pero ngayon mukhang gumagaan gaan na iyong aura niya. "Okay. I'll do it." Wika niya then he turned to face me. "Sasabihin ko sa kanya lahat ng doubt ko at takot. Thank you Rein for listening and telling me that." "Wala yun." Hindi ako makangiti. Gusto ko pero ayaw ng katawan ko. Lumapit siya at walang salitang yinakap ako. Mahigpit. Mariin akong napapikit para damhin ang init na nagmumula sa katawan niya. It wasn't the first time na nayakap niya ako. Countless times na. At noon, iyong puso ko ay nagdidiwang nang husto kapag ginagawa niya ito. Simpleng gesture na walang meaning sa kaniya pero langit na para sa akin. My God! He never know i like hugs. He never knows i like kisses. And he never knows i like him. Parang namatay ang puso ko at this very moment. It was so painful. Farewell hug na ba ito? Hindi ko kaya!! "WHAT'S THIS?!!" Anang isang malakas at matinis na boses. Gulat kaming nagkalas mula sa pagkakayakap ni Renz at sabay napalingon sa nagsalita. And then we saw Liza in furious anger. Iyong tensyon biglang tumaas. "Renz?! Nalingat lang ako may kasama ka ng ibang girl?!! Are you really trying me?" Namumula ang buong mukha ni Liza. Seriously, mukhang hindi niya ako nakilala. "No! That's not true!" Linapitan ito ni Renz at sinubukang hawakan pero lumayo lang si Liza. "No!" Bulyaw ni Liza tapos ay bigla niya kaming tinalikuran at tumakbo paalis. Si Renz naman ay walang dalawang isip na sumunod sa kaniya. Medyo na shock siya sa nangyari pero nakabawi din agad. Naiwan tuloy akong nag-iisa. Katulad ng dati. *****  [Thessa's POV] "Kanina ka pa ngiting ngiti? Lasing ka na ba?" Pinuna ko na yung weird na look ni Dennis kanina pa. Pagkarating niya pa lang kasi ay nakangiti na siya. Para bang may nangyari na maganda on his way sa event hall. "Maybe a little tipsy. Pero okay pa ko." Umarko ang mga kilay ko. "You sure of that?" "Yah, i'm sure." Then ngumiti lang siya. Nagkaayaan kami na maglaro ng billiards. Pero dahil hindi ako marunong sina Dennis, Vincent, Samantha at Mheily lang ang naglaro. Nanuod na lang kaming naiwan. Nag-toss coin muna sila sa kung sinu ang magiging magpartner. Naging partner sina Samantha at Vincent tapos sina Dennis at Mheily. Hindi iyon nagustuhan ni Samantha pero napilitan pa rin siyang maglaro. Nakamasid ako sa kanilang apat. Nakikita ko na lasing na nga si Dennis. Si Samantha ay pasimpleng dumidikit kay Dennis kapag nakakatiyempo. At promise, she tried, ewan ko lang kung gawain niya talaga, na gawing seductive at sexy ang bawat galaw niya sa paglalaro. Si Vincent naman ang nadidistract sa ginagawa ni Samantha pero magaling pa ring maglaro. Samantalang si Mheily ay focus lang sa game. Sa una ay lamang sina Vincent at Samantha then nakabawi sina Dennis at Mheily. Sa last shot, si Mheily ang gagawa. Dito ang desisyon ng kung sino ang mananalo sa game. Pumwesto na si Mheily ng maayos tapos ay sinipat ang mga bola. Isang shot lang at ito ang madedetermine kung sino sa kanila ang panalo. Nang tumira na si Mheily, lahat kami ay nakatuon sa may bola. Excited kaming lahat. "YES!!" Sabay na sigaw nina Mheily at Dennis ng pumasok yung last ball. "Yehey!!" Nag-appear kami nina Leilyn sa katuwaan at pumalakpak pa. Si Vincent, naka-smile lang pero si Samantha, naka-frown. Nagtatalon pa kami sa tuwa pati sina Dennis. When out of the blue biglang niyakap ni Dennis si Mheily at kiniss ito. Smack kiss iyon. Natigilan ako habang nakatayo at nakatingin sa kanila. Si Mheily, natulos sa kinatatayuan niya at natulala sa hangin. Si Dennis, lasing, kaya un-aware yata sa kung anong nagawa niya. Gusto ko nga siyang lapitan agad at batukan. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Leilyn sa tabi ko. Immerse kasi siya sa kasiyahan kaya hindi napansin ni Leilyn iyong naganap. "THIS IS NO FUN GAME!! UMUWI NA TAYO!!" Malakas na sigaw ni Samantha na ikinagulat namin. Bigla siyang nag-walk out ng scene. "I guess, we can call this a night." Wika ni Vincent. Tumingin ako sa kaniya at tumango. *****  [Rein's POV] Dapat umuwi na lang ako. Napahinga ako ng malalim. Dapat bumalik na lang ako sa may hotel at matulog. Masyado nang gabi. Pero, nabobother ako. Gusto kong malaman kung ano ng nangyari kina Renz at Liza. Gusto kong magpaliwanag. Baka kasi mali ang isipin ni Liza. Baka isipin niyang i'm trying to get his man. Hingang malalim uli. Was it possible? Hindi nga yata ako nakilala kanina ni Liza e. Tumingin ako sa paligid. "No. I wanted to explain myself. Okay." Bulong ko. Nagpunta ako sa area kung saan ko nakitang tumakbo si Liza. Sinundan siya ni Renz so i'm sure na nandito lang sila. Tila isang malaking garden itong lugar na ito. Matataas at malalago ang mga puno at sanga sa paligid. At dahil gabi na, iyong mga maliliit na liwanag mula sa mga nakasabit na maliliit na lamp iyong nagbibigay ng liwanag at ganda sa lugar. Mabagal ang hakbang ko. Iyong sound ng mga kuliglig lamang ang ingay sa paligid. Then, hindi nagtagal ay namataan ko ang dalawang tao na nakatayo may kalayuan mula sa akin. Nakilala ko sila agad. Sina Renz at Liza. Parehas silang naka-side view mula sa pwesto ko. Huminto ako sa paghakbang. Sa huli ay nagtalo ang isip ko sa kung anong gagawin ko. Lalapitan ko na ba sila? O baka, bukas na lang kaya. Kaya lang bukas na ang balik namin sa isla. Hindi ko na makikita si Liza. Magkahawak sila ng mga kamay at masinsinang nag-uusap. Hindi ko sila naririnig syempre, nasa malayo ako e. Pero i'm pretty sure na nagkakasundo na sila. Kumalabog ang puso ko nang makita ko ang dahang dahang paglapit nang mukha ni Renz kay Liza. Nanlake ang mga mata ko at napaawang ang mga labi. THEY'RE GOING TO KISS!! Sigaw ng utak ko. RUN!! HIDE!! CLOSE YOUR EYES!!! Gusto ko sanang gawin yun kaya lang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Na-glue na yata ako. I anticipated the kiss. I'm cursing myself. Biglang may kamay na humawak sa balikat ko at pumihit sa katawan ko patalikod mula kina Renz. Nagulat pa ako nang mag-connect ang mga mata namin. Matiim na nakatitig sa akin ang mga mata niyang dark drown. Si Andrew. Lalong lumakas iyong kabog ng dibdib ko at sa sobrang lakas ay nabibingi na yata ako. No!! Inaatake yata ako sa puso. Ang hirap huminga. Hindi ko na nga namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko. Para bang may automatic switch iyon na nag-turn on at pumatak na lang ng walang babala. Napahinga nang malalim si Andrew habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. "Kaya ayaw kitang nawawala sa paningin ko." Makahulugang bulong ni Andrew tapos ay hinawakan ako sa kamay at hinila paalis sa lugar na iyon. Wala akong lakas para tumanggi. Namalayan ko na lang na lulan na kami ng isang kotse. Matapos ang ilang minutong katahimikan sa amin ay pinaandar na ni Andrew yung sasakyan at pinasibad iyon paalis. Nakatingin lang ako sa may labas ng bintana sa tabi ko. Umaagos pa rin ang mga luha. Parang waterfalls talaga, ayaw magpaawat. Napasapo ako sa ulo ko at napasandig sa may salaming bintana. Humikbi ako. Alam niyo yun. Pigil na pigil ko kanina pa iyong paghikbi ko tapos ngayon isang beses lang na hikbi pero parang ang lakas nun. Napasulyap ako kay Andrew. Nahihiya ako dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong emosyon. Nakita ko ang pagtiim ng mga bagang niya at pagdilim ng kaniyang aura. Sasabog na ang bulkan... malapit lapit na. Naiirita na yata siya sa akin. Well, hindi ko naman sinabing hilahin niya ako kung saan di ba? "May tissue dyan sa may dash board." Malamig niyang wika. Wala akong dalang panyo. Alam ko na mukha na kong ewan sa kakaiyak ko. Sayang effort kong mag-make up. Baka hindi muna ako makipag-usap sa salamin pagkatapos nito. Kumilos ako para kunin iyong sinasabing tissue ni Andrew sa may dash board. Meron nga doon. Isang box at bago pa. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan. "Papalitan ko na lang." Ani ko sabay singa. Lubos lubusin na natin ang kahihiyan ko. Ano pa nga bang magagawa ko di ba? "Hindi mo na sana sila sinundan. Kung nag-aalala ka na baka mag-away sila dahil sa yo. Hinayaan mo na lang sana." Napatingin ako sa dahil sa mga nasabi niya. "A-alam mo ba kung anong nangyari?" "Nakita ko." Hindi tumitinging aniya. "Stalker ka ba?! Bakit ba lagi kang nakabantay sa kin?!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Stalker? Bakit? Sikat ka ba para i-stalk?" Umismid ako sabay bulong. "Hmf! Di daw stalker." Singhot singa uli. Panaka naka pa rin iyong pagpatak ng luha ko. Lintek na yan! Ayaw mag-paawat eh!! Wala na bang bukas?! Marahas siyang napabuga ng hangin. "Tumahan ka na. Naiinis na ko." Sinulyapan ko siya. "Bakit na naman? E, hindi ko mapigilan umiyak e!" "Nakaka-bad trip kasi! Alam mo ba ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay makakita ng umiiyak. Pasalamat ka at hindi pa kita pinababa kung ibang tao ka malamang iniwan na kita sa gilid ng daan." Piksi niya. Napa-arko ang mga kilay ko sa kaniya. "What?!" Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako sa concern na ipinapakita niya sa akin o baka hindi. Kasi naman!! Ayaw niya daw sa taong umiiyak. Bakit? Masamang bang umiyak?!! Minsan lang ako umiyak pagbabawalan pa ko!! Sobra toh!! Sobra talaga! Para akong sira. Para akong baliw. Pinipigilan ko na ngang maghisterikal. BIGYAN NIYO KO NG BEER AT MAGPAPAKALUNOD AKO SA ALAK NGAYONG GABI KASI SOBRANG HAPDI NG PUSO KO! ANG SAKIT SAKIT! ANG HIRAP TANGGAPIN!!! But i have to deal with Andrew first. Ayoko nang ma-attach sa kahit kanino ngayon. Enough with Renz. May Liza na siya. Enough of this unrequitted love. Hindi ito healthy kanino man. Oo nga pala. Type yata ako ng kumag na ito!! Better na patigilin ko na siya. Tinawanan ko siya ng pagak. "E di maganda. Iiyak ako hanggang makarating tayo sa hotel para tuluyan ka nang ma-turn off sa kin!" Nakita ko yung pagtagis ng mga bagang niya. "Wala akong sinabing nakaka-turn off ka!" Muling piksi niya. Lalong dumilim ang anyo. "Sabi mo ayaw mo sa iyakin?!" Humikbi muli ako. "IYAKIN AKO!! KAYA PWEDE BANG MA-TURN OFF KA NA SA'KIN. WAG KA NANG MAGKAGUSTO SA KIN!!" Biglang kinabig niya sa papunta sa gilid ng daan iyong sasakyan. Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko, mabuti na lang at may seatbelt. Matalim ang tinging tinitigan niya ako. "SIGE LANG REIN. UMIYAK KA PA!! KAHIT AYOKONG NAKIKITA KANG UMIIYAK. BAHALA KA. PERO LAST MO NA YAN! DAHIL AKO, WALA AKONG BALAK NA PAIYAKIN KA NG GANYAN. KAHIT KELAN." There was a moment of silence. Parang huminto ang oras sa aming dalawa o baka pati ang puso ko huminto na sa pagpintig. Bumagsak ang balikat at panga ko. Gosh! Baliw yata ang lalakeng ito. Hindi. Iling ko. Baliw talaga siya! Baliw 2x. Napa-inhale ako ng maraming hangin at muling napuno ng luha ang mga mata ko. Tinitigan ko siya kahit na nanlalabo ang paningin ko sa mga luha. "God thank you." Usal ko na mahina. Nababaliw na nga ako di ba? Susunod nito tatawagin ko na lahat ng Santo na kilala ko at magpapa-eulogy na ko. Eulogy para sa puso kong namatay. Napakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. "Atleast hindi lang pala ako ang baliw dito. May mas malala pa pala kesa sa akin. Wag kang mag-alala. Pareho tayo ng sitwasyon. Pareho tayong inlove sa taong hindi dapat natin mahalin. Congrats sa tin. Maging magkaibigan tayo sa mental." Tinanggal ko bigla yung seatbelt ko at binuksan ang pinto. Mabilis na akong nakalabas bago pa man niya ako mapigilan. Natulala yata siya sa sinabi ko kasi di siya agad nakapagsalita. "T@#$^/#$!! REIN?!" malakas niyang sigaw. Humakbang na ko sa gilid ng daan. Mukhang mabait si God ngayon. Medyo maambon kasi iyong panahon. Empty iyong kalsada. Saan na nga ba kami? Hindi ko kasi alam ang lugar na ito. Anyways. Mabagal ang hakbang ko sa ilalim ng mahinang ulan. Nasa kaliwang kamay ko yung tissue box tapos iyong isang kamay ko naman ay panay ang pahid at punas sa mga bumabagsak na luha mula sa mata ko. Hikbi ako ng hikbi. Hindi ko magawa yun kanina kasi nasa tabi ko si Andrew. "REIN?! STOP!" Hinigit niya ang kaliwa kong braso. Napahinto ako at napaharap sa kaniya. Iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko pa nararanasan ang ganitong klase ng kabiguan. No! Kahit noong hindi ko na nakita ang Daddy ko. Walang luha na nagmula sa akin. Bata pa ko nun e. Hindi ko naiintindihan ang nagaganap. Kahit noong naaksidente kami ni Mama at hindi ko na siya nakita pagkaraan, wala akong na-feel na pain. Konti lang siguro. Pero hindi pain iyon e, emptiness. Hindi ako umiyak noong dinala ako ng mga di ko kilalang tao sa isang bahay ampunan. Alam ko na sandali lang ako doon. Alam ko na nag-iisa na lang ako pero hindi ako umiyak. Pero bakit ngayon?!! Bakit ba kasi si Renz pa? Bakit hindi na lang iba? Bakit ba ganito na lang kasakit ang magmahal? Ganito ba talaga dapat yun? Palagi bang ganito?!! "Rein?" Mahinang tawag ni Andrew sa akin. "I'm sorry okay. Tama na. Huwag ka ng umiyak." Hikbi lang ang naisagot ko sa kaniya. Marahan kong tinatanggal ang kamay niya na pumipigil sa braso ko. "Please. Gusto ko lang mag-isa. Hayaan mo na lang ako." Mahinang wika ko. Nanghihinang binitiwan niya ako. Humakbang na ko uli. Hinayaan niya ako. Habang naglalakad ako, walang anumang bagay na tumatakbo sa utak ko. Basta naglalakad lang ako. Mabuti pa nga yun e. Mainam pa iyon. ******  [Fastforward] "Anong nangyari sa cocktail party?" Nag-angat ako ng tingin kay Thessa. Nasa isla na uli kami. Particular sa may Villa Catalina. Narito kami ngayon sa may beranda ng villa. Walang schedule ng activity ngayon dahil may bisita daw na dumating sa resort. One day na ang lumipas mula ng matapos iyong group date nina Thessa, Casey, Mheily, Leilyn at Samantha. "Nahalikan ni Dennis si Mheily." Nakangiting ani Thessa. "Ganun - tsup! Mabilis lang." Nanlake ang mga mata ko sa gulat. "Talaga?! Nakita niyong lahat, nakuha ng camera?" Tumango tango siya at ngumiti. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "E, bakit mukhang masaya ka pa?" "Wala lang." Mabilis niyang sagot. "Masama ba?" Umiling ako. Ang weird nitong Thessa na toh! "Buti hindi sinapak ni Mheily si Dennis?" Biglang tumawa si Thessa. Napakunot noo naman ako. "Yun na nga!! Pagkatapos nang nangyari, galit na galit si Mheily. Kesyo hindi daw siya prepared sa kiss na yun!" Napangiwi ako. "Loka loka ka." "Nakakatawa lang kasi." Naiiling sa kakatawa si Thessa. "Tapos si Samantha din galit na galit." "Hindi maganda yun. Baka kung anong gawin ni Samantha." Mahinang ani ko. Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao. Parang may nami-miss lang ako. "Kunsabagay." Kibit balikat ni Thessa. "Pero wala namang magagawa si Samantha kung anong gawin ni Dennis di ba? Hindi pa siya ang napipili." Tumango ako. "Syangapala, nasa cocktail party ka rin di ba? Saan ka nagpunta at hindi mo alam ang mga nangyari?" Napatingin ako sa kaniya. "Bu-bumalik agad ako ng hotel." "Oh?!" Tinignan niya ako ng mataman. "Sinungaling. Nauna pa kaming makabalik sa yo sa hotel. Alam ko kasi narinig ko na si Andrew ang sumundo sa iyo." Natigilan ako at hindi nakaimik. "Saan kayo nagpunta ni Andrew hah?! Nanliligaw na ba siya sa yo?" Mabilis akong umiling. "HINDI." "Ows?!" Aniya. Sasagot pa sana ako kaya lang -- "Oo nga. Hindi kapanipaniwala." Narinig naming boses mula sa likod ko. Sabay kaming napalingon ni Thessa. Lumapit sa amin si Mheily at naupo sa isa sa bakante pang pwesto sa garden set na kinaroroonan namin. "Nasaan pala yun sina Andrew at Vincent? Hindi ko sila nakikita. Nasa resort din ba sila?" Tanong ni Mheily. "May business daw na pinuntahan si Vincent sa Manila. Sinamahan siya ni Andrew." Si Thessa. Sabay kami ni Mheily na tumingin kay Thessa. "Bakit?" Patay malisyang tingin niya sa min. "Nagpaalam sa yo si Vincent? Sabi niya?" Tanong ko saka makahulugang napangisi. "Nagsabi siya sa akin. Masama ba?" "At ikaw." Binalingan ako ni Mheily."Nagpaalam sa yo si Andrew di ba? Imposibleng hindi dahil nakita ko siyang nagpunta sa room niyo bago tayo umalis ng hotel." Si Mheily. Nakatingin naman sa akin ng matiim. Pinamulahan ako ng mukha. "Hindi naman--" "Oi! Nag-blush siya. Totoo yun!" Pang-aasar ni Mheily. "Tseh!!" Ismid ko. Pero totoo naman na nagpunta si Andrew sa room namin ni Andy kinabukasan ng umaga para sabihin na maiiwan daw sila ni Vincent doon at hindi makakasabay sa min pabalik ng isla. Hindi ko naman siya pinapasok ng room. Sa may corridor lang. Siguro kaya alam ni Mheily kasi nakita niya. Ewan ko ba kung bakit kailangan gawin yun ni Andrew. Feeling naman nun mamimiss ko siya. Hindi pa nga ba? Iling iling. Hindi kaya! Naalala ko binigyan niya pa ako ng gamot dahil baka daw masakit ang ulo ko sa kakaiyak. Thoughtful naman kaya hinayaan ko na lang. "Wala pala ang mga gwapo. Pwede tayong magliwaliw." Nakangiting ani Mheily. "Eiii... baka may namimiss ka lang at gusto mong puntahan." Si Thessa. "Sino naman?" "Si Dennis." Sabay ngisi ni Thessa. "Si Mr.Kiss-Stealer." "Kiss-Stealer?" Ulit ko pa sabay tingin kay Mheily. "Ayaw mo ng kiss n'ya?" "HAIST!! Wag niyo nang ipaalala." Piksi ni Mheily. Natawa kami. "Ano? Sama na kayo?" ~ Mheily. "Saan?" ~ ako. "Sa bayan." ~ Mheily. "Sama ako." ~ Thessa. Napatango na lang ako bilang pag-sang-ayon. ***** May kaniya kaniyang ginawa ang mga contestant ng event kaya kaming tatlo nina Mheily at Thessa ay nagpunta nga ng bayan. Nanghiram kami ng isang tig-iisang bike pantranspo. Medyo malapit nang mag-hapon noon kaya pawala na yung init. Dahil nakapasyal na rin naman kami sa bayan noon kaya alam na namin ang mga gusto naming puntahan. Ako, bumalik ako dun sa may magandang simbahan sinamahan naman ako nina Thessa. Palingon lingon ako sa lugar. Baka kasi makita ko na naman iyong matandang babae na nameet ko dati. "May hinahanap ka ba Rein?" Puna sa akin ni Thessa. "Hah?" pilit akong ngumiti. "May nameet kasi ako na weird na matanda dito noon e. You know, hinulaan niya ako na nasa malapit na lang daw yung naka-destined na lalake para sa akin. Iyong lalakeng mamahalin ko daw." "Oh?" Napangiti si Thessa. "Oo. Gusto ko sana siyang makausap uli." "Bakit? Para sabihing natapuan mo na nga yung lalakeng destined para sa yo?" "Sino naman ang sasabihin ko?" Nagtaka ako. "Sino pa nga ba? Si Andrew?" "Hindi ah!" Umiling ako. "Sasabihin ko sa kaniya na nagkamali siya nang hula. Ikaw! Kanina ka pa Andrew ng Andrew. May crush ka ba kay Andrew?" Natawa si Thessa. "Oi, over hah. Next level ka na sa pagka-denial. Pinamimigay mo na siya." "Magtigil ka na sa kalokohan mo." Inirapan ko na siya. Lumapit ako sa may pwesto kung saan pwedeng magsindi ng mga kandila for prayers. Sina Mheily at Thessa ay nasa malapit sa may altar. Kumuha ako ng tatlong kandila na naroon at naghulog ng ilang barya sa may donation box. Napansin ko ang isang matandang lalake na tumabi sa akin at kumuha din ng ilang kandila. Kaya lang ng sisindihan na niya yung isa sa hawak niya ay bigla iyong dumulas sa kamay niya at nahulog sa sahig. Hindi naman ako nagdalawang isip na pulutin iyon para sa matanda. "Eto po." Habang inaabot ko sa matanda yung kandila. Minasdan ko ito. Weird kasi naka-cap siya kahit nasa simbahan. "Salamat hija." Aniya at ngumiti sa akin. "Pa?!" Boses ng isang babae. Napatingin ako sa kung kanino nanggaling ang boses na yun at nakita ko ang isang magandang babae. Siguro nasa edad 45 na siya pataas at sa pustura at ayos nito, mahahalata mong mayaman ito. Kunsabagay, etong matandang katabi ko naman ay mukhang hindi din biro ang pananamit. Halata din sa tindig nito ang magandang pamumuhay. Baka mga guest sila sa resort? Nakalapit na yung babae sa tabi ni Lolo. "Pa, sabi ko ho sasamahan ko na kayo. Inunahan mo na naman ako." "Aba'y kasalanan ko ba kung mabagal kang kumilos." Tumingin ako sa paiwas sa kanila. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko sa sinabi na yun ni Lolo. Sandali. Nag-second look na ko kay Lolo. Mayamaya'y bumakas sa mukha ko ang pagkamangha. "Don Marteo?" Bulalas ko ng hindi inaasahan. *****   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD