Page 12 - Like You

3739 Words
PAGE 12       Like you ******** Sandali. Nag-second look na ko kay Lolo. Pamilyar kasi siya sa akin sobra!! Mayamaya'y bumakas sa mukha ko ang pagkamangha. "Don Marteo?" Bulalas ko ng hindi inaasahan. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nagtaka. "O, kilala mo si Papa?" Nagtatakang tanong din ng kasama nito. Hindi agad ako nakapagsalita. Para akong na-starstruck e. Napatingin na lang ako dun sa isang lalakeng hindi ko namalayan na papalapit na pala sa amin. "Rein?" Nagulat pa siya pagkakita sa akin. Kahit ako man ay nagulat din. "Dennis? I mean, Sir Dennis." Biglang naalala ko yung kaibahan ng estado namin sa buhay. Ngapala. Boss ko ito. Mga Boss ko. Tumabi si Dennis dun sa magandang babae. AWW! KAINIS! Hindi ko nakilala si Mrs.Escaner. Kaya pala sobrang pamilyar sila sa akin. Mga boss ko pala talaga ito. "Good afternoon po. Sorry po hindi ko kayo agad namukhaan." Paunmanhin ko na bahadya pang yumuko. Nakakahiya. Media pa man din ako. "O, nakita mo ba?" Baling ni Don Marteo kay Mrs. Escaner. "Maganda itong disguise ko. Hindi ako nakikilala ng tao." "Pero 'Pa nakilala pa rin niya kayo agad. " natatawang ani Mrs. Escaner. Nagtatakang tumingin ako sa kanila. "Siguro, effective nga ng konti yung disguise niyo Lolo." Si Dennis na nakangiting nakatingin sa dalawa. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero baka hindi naman mahalagang malaman ko. "Syangapala, magandang hapon sa iyo hija. Pasensya ka na at medyo nagtatalo kasi kami nitong anak ko." Nakangiting ani Don Marteo sa akin. Tunay na anak ang address niya sa asawa ng anak niya. Ang bait niya. Nabigla ako ng konti. "Ah... wala po yun. Hindi nga po dapat ako nakikinig." "Oo nga pala, 'Lo. Ipapakilala ko po siya sa inyo. Siya po si Rein Montes. Official media writer ng event." Nginitian ako ni Dennis. "Hello po." Kimi akong ngumiti. "Hah? Media writer? Hindi ba siya kasama sa pagpipilian mo?" Gulat na wika ni Mrs. Escaner. "Hindi po, Mom. Unfortunately hindi ninyo siya nakita." Sagot ni Dennis. Nagtaka ako pero hindi ko ipinahalata. Ano kayang ibig sabihin nun? Unfortunately hindi nakita? Which means si Mrs. Escaner ang pumili sa 15 candidates sa event na toh? O baka mostly ay siya. "Ohw? My eyes should be check then." React ni Mrs. Escaner tapos ay ngumiti siya sa akin. "Nice to meet you Rein." Inilahad niya ang kaniyang kamay para makipag-shake hands at mabilis ko naman iyong tinanggap. "My pleasure po Ma'm." "Ilan taon ka na hija?" Si Don Marteo. Matiim na nakatitig sa akin. "Twenty-five po." Alanganin pa akong sumagot. Sumulyap ako kay Dennis pero nakangiti lang siya papunta sa akin. "Saan ka nagsusulat?" "Article writer po ako sa Elite Magazine ninyo po. Under Sir Mike. Hindi ko po dala ang ID ko pero--" Natawa si Don Marteo. "Don't panic hija. Hindi naman ako duda sa iyo. Sige na." Ibinigay nito kay Dennis iyong mga hawak na kandila. "Ikaw na ang mag-sindi niyan at papasok na kami sa loob ng simbahan nang mommy mo." "Okay." Tango ni Dennis. "Sige po." "Salamat hija hah. I'll be seeing you." Pahuling salita ni Don Marteo inilahad niya ang kamay niya at nagkipag-shakes sa kin. Gosh!! Election na ba?! Kinabahan ako. Nang wala na sila at kami na lang ni Dennis ang naiwan doon ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. "Haist! 'Kala ko aatakehin na ko." Bulong ko. "Don't worry about what Lolo said. He doesn't mean any harm." Wika ni Dennis habang sinisindihan iyong mga kandila. "Bakit nandito ka pala?" "Hah?! Kasama ko sina Mheily at Thessa. Nasa loob sila ng simbahan. Namamasyal lang kami." "That's good. Nag-eenjoy naman kayo?" "Lagi naman." Kibit balikat ko. Tumingin siya sa akin. "What did you pray?" "Hah?!" "Nagsindi ka ng kandila di ba? So meaning may ipinagdarasal ka. I wanna know if that doesn't bother you." Natigilan ako sandali. "Ahh... dasal ko? Medyo personal kaya akin na lang yun." Natawa siya. "Ganun?" Umiwas ng tingin at bumaling doon sa may mga kandila. "Ako. I am praying that this event comes to at end soon." "Na-nakapili ka na ba sa kanila?" "It's not like nakapili na ko sa kanila but i guess alam ko na kung ano at sino ang hinahanap ko." Nagulat ako. "Totoo?" "Uhumm." Tango niya sabay ngiti. "Don't tell anyone." Mabilis akong tumango. "Okay." ***** Napalunok ako ng sunod sunod. "Sigurado ka ba Mheily? Mapapahamak tayo sa binabalak mo e." Nangangatog din si Thessa habang nakatingin kay Mheily. Si Mheily naman. Tinitignan iyong paligid nang gate. Inaalam kung bukas ba iyon o magagawa ba namin na makapasok sa loob. Kumakabog ang dibdib ko. Sobrang masalsal na pagkabog. Hindi ko maintindihan kung takot ba iyon, kaba o iba. Nakatingala akong nakatingin, tagos pa sa mataas na gate na nakaharang sa amin. "Sure ako dito." Nagawang itulak ni Mheily pabukas ang maliit na gate sa gilid. "O, see. Bukas!" Anunsyo niya sa min saka tumingin. "Tara na?" Parang proud na proud pa si Mheily sa nagawa niya. Okay.. sya na ang bansagan natin na "girl who open the door!" Corny. "Hindi talaga tama ito Mheily. Baka mapagalitan tayo." Nag-aalalang ani Thessa. "Hindi tayo mapapagalitan kasi hindi naman nila malalaman. Maliban na lang kung magsusumbong ka." Pinagtaasan niya ng kilay si Thessa. "Ang lakas naman da kasi ng trip mo." Atubiling sumunod si Thessa habang nakangiwi pa rin. "Kapag tayo, napahamak." "Hindi yan. Sandali lang tayo, promise." Si Mheily. "Rein, tara?!" Tumingin ako sa kanilang dalawa. Blanko ang expression. Tahimik akong sumunod papasok sa maluwang na bakuran niyon. Alam ko na pinagbabawalan kami na magpunta sa lugar na ito. Pero matigas talaga ang ulo ni Mheily at ayaw magpapigil. Gusto daw niyang makita at malaman kung bakit bawal kami sa lugar. Ang Villa Rosana. Restricted na lugar ito para sa min. Makikita ito sa east side ng isla Catalina. Sa totoo lang, ayaw ko rin pigilan si Mheily kasi curious din ako. Alam ko nga lang na mali itong gagawin namin. Trespassing ang kaso namin nito. PERO.... Where your sense of adventure? Sabi nga ni Mheily kanina. Kapahamakan ang bunga nito kapag nahuli kami promise! Pagpasok namin sa may gate ay mag makitid na pathway kaming dinaanan. Matataas na yung damuhan sa buong paligid. Lumilibot ang paningin ko habang naglalakad kami papalapit sa pinaka bahay ng Villa Rosana. Para kaming nag-tour back in time. Kasi iyong design ng bahay ay parang Spanish Era. Nakaka-hanga talaga. Mukhang matatag na matatag pa itong bahay. Kung mapipinturahan lang at maii-repair ang ilang bahagi ay alam kong pan-tourist attraction na ito. Pero bakit? Palutang lutang sa utak ko ang tanong na iyon. Isang malaking question mark. Bakit bawal? Bakit bawal puntahan? Huminga ako ng maraming hangin. Eto na kami... malapit sa may main door ng Villa Rosana. Kinakabahan na ako. Bumibigat ang paghinga. Hindi ko maipaliwanag yung feelings. There's this weird nostalgic feeling pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. "Wag na nating ituloy ito. Kinakabahan na ko." May bahadyang panginginig na iyong salita ni Thessa. Ramdam ko din iyong takot niya. "Takot ka ba?" Nilingon kami ni Mheily. Nasa harapan namin siya at nangunguna. Hindi ko mabasa kung bakit eager na makapasok sa loob ng Villa Rosana si Mheily. "Magdidilim na oh. Baka hanapin na nila tayo sa Villa Catalina." Napabuga ako ng hangin. "Tama Mheily. Bumalik na tayo." Natigilan si Mheily at tumitig sa akin. "Mapapahamak lang tayo kapag pumasok pa tayo." "Sisilip lang ako sa loob." "Wag na." Iling ko. "Saglit lang." Ang tigas talaga ng ulo niya. Lumapit siya sa may pinto at hinawakan ang knob noon. Pero pagpihit niya, hindi iyon bumukas. Naka-lock yata. "See? Siguro hindi talaga tayo pwedeng pumasok sa loob." Sabi ko. Pumihit paharap sa amin ni Mheily sabay hinga ng malalim. "Okay fine. Tayo na." Paghakbang ni Mheily ay natigilan siya kasabay ng pagkatigalgal namin ni Thessa. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at alam ko na ganun din silang mga kasama ko. Bigla kasing bumukas iyong pinto ng Villa. Napalunok ako. Lumingon si Mheily sa loob. "Pasok daw tayo." "Eeehhh.... AYOKO!!" malakas na tili ni Thessa. Mabilis siyang kumapit sa braso ko at nagtago pa sa likod. Biglang tumawa si Mheily. "Haha... joke lang yun. Bukas kaya yung pinto." Napasinghap ako. "Hindi magandang joke yan!" "Sorry naman." Nakangisi pa rin. "Wala naman kasing nakakatakot dito e. Halika na." Muli siyang pumihit at deretsong pumasok sa loob ng villa. "Akala ko ba babalik na tayo sa Villa Catalina?" Si Thessa, mahigpit pa rin na nakakapit sa braso ko. Napailing na lang ako. Sabay kaming mabagal na humakbang papasok ng Villa Rosana. Hindi lang namin inaasahan iyong makikita namin sa loob. Hindi din namin inaasahan iyong matutuklasan namin. ***** Evening. Kumpleto ang walong girls na kasali sa competition sa isang dinner. Courtesy call from Don Marteo Escaner at Mrs. Sophia Escaner, mother ni Dennis. "Elimination mamaya?" Mahinang bulong ni Andy. Gulat akong napatingin sa kaniya. "Hah?!" Nasa kitchen kaming dalawa. "Apat daw ang matatanggal." "Biglaan naman yata." Hindi ko iniexpect iyon. "Bakit? Anong nangyari." "Pinapabilis lang nila ang event, saka may isa yata ay may nagawang violation." Kibit balikat ni Andy. "Violation? Sino? Anong nangyari?" Biglang sumilip ang isa sa staff mula sa may dinner hall. "Rein, tawag ka." Nagtaka naman ako. "Bakit?" Atubili akong lumabas ng kitchen deretso sa dining hall kung nasaan ang lahat. Pagbungad ko palang ay nakatingin na sila. Kinabahan ako. Nakita ko sina Mheily at Thessa na nakatingin din sa akin. Ewan ko... lahat naman sila nakatingin sa akin. Sinalubong ako ni Marielle at binulungan. "Tita wants you to join the dinner." Lalong tumindi ang kaba ko. "Ba--" Bago pa ko nakapagprotesta ay nakita na ko ni Mrs. Sophia. "There you are." Sabay pa kaming lumingon ni Marielle then iginiya na niya ako papalapit. "Good evening po." Bati ko sa kanila pati kay Don Marteo ay bumati din ako. "Sabayan mo kaming mag-dinner hija." Nakangiting wika ni Ma'm Sophia. Nag-aalala ang mukhang napatingin ako sa paligid. Nakita ko si Renz sa sulok at sumenyas siyang pumayag lang ako. Don't tell me, camera is rolling? Napalunok ako. Pagtingin ko sa may director namin, tumango lang siya sa akin. No choice. Naupo na ako at sa tabi pa mismo ni Marielle ako napwesto. Kaopposite ko ng upuan si Dennis. Nang magsalubong ang tingin namin, binigyan niya lang ako ng ngiti. Pero hindi ko kailangan yun. Ampotek!! Kinakabahan ako nang sobra. Ano bang nangyayari? Ramdam na ramdam sa kinauupuan ko ang matinding tensyon sa paligid. Pinasimulan ni Don Marteo ang magarbong dinner sa gabing iyon. Masasarap ang pagkain pero wala yata akong malasahan. Bakit ba ang feeling ko ay kasama ako sa elimination mamaya? Ano ba? Hindi naman ako dapat kasama dito hah?! Pero i need to pretend okay. Hindi ako artista pero bahala na. Right after dinner ay naganap ang tanggalan portion. Bukas ang alis nang mga natanggal and they are Rizza, Casey at Chary. And ang matinding pasabog ay iyong pagquit ni Orpha. Isa sa friend ni Samantha. Pero alam ko na hindi siya nag-quit. Shes been requested to quit. Bakit? Pagkatapos pa nang tanggalan ko uli nakausap si Andy. Sa room na namin then nalaman ko iyong nangyari. Na-inlove siya. Sa loob ng competition ay nagka-secret affair siya sa isa sa mga staff. Bawal iyon syempre. I doubt if its love but siguro ay palabas na lang nila iyon lalo na at ang involve sa affair ay walang iba kundi si Allen. O, my God! That woman w***e never fails to reach my expectations. Dahil alam na alam ko na may gagawin siyang katulad nito. "Nag-quit na sa program si Allen last week pa." "Talaga?" "Akala namin joke lang niya iyon, na may girlfriend na siya at serious na daw siya. Pero mukhang tinotoo kasi nag-quit talaga siya." Bahadyang napa-awang ang mga labi ko sa sinabi ni Andy. Nakakaloka, right?!! Well, akala ko lang naman imposibleng mag-seryoso ang isang katulad ni Allen. Malay ko naman. "Ganun pala." Bulong ko. Tapos nakarinig kami ng katok sa may pinto ng room namin. Ako na yung tumayo para magbukas. Hindi ako agad naka-react nang makita ko kung sino yung kumatok e. "Marielle?" "Sorry to interrupt pero we need to talk to you privately." Seryosong aniya. ***** When worst comes to worst. Akala ko private talk. Iyon pala private meeting. Nandito ako ngayon sa harap ng aming director at present din si Renz sa room. Hindi pa yata matatapos sa biglaang elimination ang magaganap ngayong gabi. "Alam ko na hindi mo in-expect ang elimination tonight Rein." Panimula ng director namin. Si Sir Bert. "Hi-hindi nga po." Sabi ko. Nagtataka ako sa kakaibang na atmosphere dito. "Pero naipaliwanag naman po sa akin ni Andy kung bakit." "Well, thats good. Atleast nabawasan na ang tanong mo. Ngayon, nagtataka ka rin siguro kung bakit tayo nandito?" Nagkibit balikat ako. "Bakit nga po ba? May problema ba sa show?" "Well, hindi ko na patatagalin ang pagtataka mo. Gusto ng inampalan na ipasok ka sa programa as a draw candidate." Natahimik ang paligid. Hindi agad nag-sink in sa utak ko yun. Split-seconds. Tapos .... "NO!!" Nanlake ang mga mata ko at napatitig kay Sir Bert. "I know you would say that." Nakangiting wika ni Marielle. Tumingin ako sa kaniya at nagtaka. May inabot sa akin si Sir Bert na mga pictures. Nagulat ako. Sobrang nagulat. Sa pictures ay makikita ako at si Dennis. Iyong shots ng picture ay mula nang lumabas kami sa kotse niya sa tapat ng isang kilalang boutique hanggang sa pagpasok at pagsusukat ko ng damit. The night of the cocktail party. Ano ba yan? Hindi na yata ako makaka-get over sa gabing iyon. "Netizens are in rage, Rein. Hindi nila gusto na may outsider sa programa na makisali. Sinasabi nila na wala nang pipiliin si Dennis sa end ng palabas kasi nagde-date na kayo kaya nawawalan na sila ng interest sa show. Hindi maganda yun, Rein. We need to do something." Natigilan ako. In rage daw ang mga netizen o baka sila lang yun. "Baka mag-quit na lang din yung mga naiwang candidates kung hindi maiaayos ito. Atsaka, nakita nila kung gaano ka-fond sa yo sina Ma'm Sophia at Don Marteo. They probably be thinking its useless to compete since nagustuhan ka na ni Dennis. Ikaw na hindi kasama sa candidates." Natulala naman ako. GOSH!! Did i do something wrong? Ano bang kasalanan ko? Napahinga ako ng malalim. "Hi-hindi ko naman sinasadya saka, bakit naman sila magku-quit? Mabait lang naman talaga si Ma'm Sophia e." "And the pictures?" Si Sir Bert. "Ano--" nag-isip pa ko. "Dennis just accompanied me to buy a dress. Kasi nga out of the dress code ako that night." Humalukipkip si Sir Bert. "It wasn't enough reason." Lumunok ako. "E, anong gagawin ko? Should i make a public apology for this? Hindi naman yata kailangan iyon." "We thought of solutions, Rein." Tinitigan niya ako. "Enter the competition Rein. Para maging patas sa lahat. Kami ng bahalang gumawa ng ways para maipasok ka sa show. We just need you to say "yes"." Napailing ako ng mabilis. Ayoko. Ayokong gawin. "Kung tatanggi ka, you have another option." Nag-angat ako ng tingin kay Sir Bert. "Quit from the show." Tinitigan niya ako ng matiim. "But i know this is important to you dahil sa promotion." Nakagat ko ang labi ko. I really hate it when they use my personal goals as bribe. It always end up to blackmailing. "You have until tomorrow morning to think about it." ***** Napabuntung hininga ako ng malalim. Malamig ang hangin at masarap sa pakiramdam pero kahit iyon ay hindi magawang pahupain ang kaguluhang nagaganap sa utak ko. Tama... may rumble sa utak ko ngayon. Rumble ng mga bagay bagay at kung ano ang gagawin ko. O, God?! What do i do now? Mariin akong napapikit. Ayokong sumali sa competition pero ayaw ko rin mag-quit sa work ko. Gosh! May ibang ways pa ba? "Rein?" Gulat akong napalingon sa boses na iyon. Nakita ko si Dennis na papalapit sa pwesto ko at nang huminto siya sa tapat ko ay ngumiti siya. Pero tipid na ngiti lang. "Gi-gising ka pa?" Nautal ako dahil sa kaba. Hindi pa rin ako sanay sa presence niya e. Guess, i'll never be. "Ikaw din naman." Sumandal siya sa may railings ng teresang kinaroroonan namin. Nakatalikod mula sa dagat na view namin. "Hindi ako makatulog." Mahinang ani ko. Iyon naman talaga ang dahilan. "I know. Hindi rin ako makatulog. Naba-bother ako dahil alam ko na ako ang dahilan kaya hindi ka makatulog." Tumingin ako sa kaniya. "Sorry kung na-drag kita sa alanganing sitwasyon." Napahinga ako nang malalim. "Hi-hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko." "Pwede sana kung ang piliin mo ay ang competition?" May gulat na bumakas sa mukha ko. What?! Tumitig siya sa akin. Seryoso ang mukha. "Because i really think i like you and i guess magiging interesting ang show kapag kasali ka." Napamaang ako sa sinabi niya. Ano bang nangyayari sa mga tao dito? Bakit parang ginugulo nila ang matahimik kong mundo? Bakit parang trip nilang lahat na paglaruan ako? "That-- that was a bad joke." Bulalas ko. "Panu ka magkakagusto sa akin e hindi naman tayo madalas magkasama? Iyong mga candidates ng competition ang lagi mong kasama di ba? Dapat isa sa kanila ang magustuhan mo." "Gusto ko rin malaman kung paano at bakit." Matiim siyang nakatitig sa mga mata ko. May naalala tuloy ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Hindi ko alam. Pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko ng doble pa kumpara sa nararamdaman ko kanina. Habang nakatitig si Dennis sa akin, biglang sumagi siya sa isip ko. Parang biglang nagkaroon ng malaking kagustuhan ang ang puso ko na makita siya. Tsk! Napalunok ako. OEMGEE! I don't know na talaga!! "Ayaw mo pa rin?" Napatingin ako sa mukha niya. "No. I mean, naguguluhan naman ako. What do you mean you like me? You like me dahil nakakatuwa ako katulad ng sabi mo dati? O you like me dahil wala ka talagang mapili sa mga candidates ng show?" Bahadya siyang napangiti. "Ewan ko. Hindi ko pa rin alam e. Kaya nga gusto kong malaman. Though i really find you interesting." "That don't interest me at all." Huminga ako ng malalim. "Ayokong sumali sa show. Hindi ko gagawin iyon. Sorry." "That was a quick decision." "Ayokong maging unfair sa mga girls at sa yo rin. Hindi tama yun." Hindi na siya umimik nang ilang sandali. "I guess, theres no other choice for me." "Anong choice?" Ngumiti siya sa akin. "Naging honest ka naman sa akin kaya, ako ng bahala sa 'yo. You don't have to leave." Napakunot ako nang noo. Nagpaalam na siya sa akin at naiwan na naman ako sa dun sa may terrace nang mag-isa. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Naku naman!! Eto na naman ako at umiiyak. Baka mabato na ko ng tissue box sa kababawan ng luha ko. Pero --- S**t! Bakit naalala ko siya bigla?! Bakit namiss ko siya bigla? Bakit ba naman kasi sa panahong kailangan ko siya ay saka naman siya nawala? Napahikbi ako. Mukhang wala na talaga akong maaasahan kundi sarili ko lang din. ***** "Hahahahhaaha..." Nakarinig ako ng matitinis na tawa. Mga maliliit na boses. "May bata?" Sa isip isip ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Para bang may humihila sa mga talukap ng mga mata ko para hindi magbukas. Napailing ako nang ulo habang pilit na ginigising ang sarili. Hindi. Alam ko na gising na ako pero bakit ayaw magmulat ng mga mata ko. "Hahahahaha...." Narinig ko na naman iyong mga tawa. Parang papalapit na sila ng papalapit sa akin. Gusto kong sumigaw at tumawag ng tulong. Pero wala akong magawa. Walang anu-ano'y napamulat ako at biglang bumalikwas ng bangon. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Para akong inaatake. Napahinga ako nang malalim. Naramdaman ko sa noo ko yung pagpatak ng mga ga-butil ng pawis. Hinihingal ako na hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit ganun iyong panaginip ko? Nakakatakot. Parang naiiyak na naman ako hah. Bakit ba this last few weeks, simula ng tumuntong ako sa isla Catalina parang nagiging sobrang sensitive na ng puso ko. Ano bang nangyayari?! Mariin akong napapikit. Dahandahan akong nahiga muli. Pumaling ako patalikod mula sa pwesto ng higaan ni Andy. Nakafetus style ng higa. Ang bigat pa rin ng paghinga ko. Nagpakawala ako ng ilang mahihinang hikbi then after seconds, i felt like falling. Falling to an infinite nothingness. May naramdaman akong init na banayad na humaplos sa noo at buhok ko. Nakiliti ako. Pero hindi ako nakapagmulat ng mga mata. With that, i felt comfort. Hindi ko maipaliwanang iyong pangyayari. Basta nakatulog na lang ako ng mahimbing. ***** "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Napahinto ako mula sa paghakbang nang marinig ang boses na iyon. Yes i am. Though i wonder how. Napatingin ako kay Samantha na nakatayo ilang hakbang na lamang ang layo mula sa akin. Nasa gilid siya ng corridor malapit sa hagdanan. "Ako ba yung kausap mo?" Pinagkunutan ko siya ng noo. "Malamang. Wala namang ibang narito maliban sa ating dalawa." Humalukipkip siya. Nagtaka ako. Eto ang unang beses na kinausap ako ng ganito ni Samantha. Dati rati ay kinakausap niya lang ako ng saglit at sweet pa. Pero ngayon, parang galit siya. "Bakit naman hindi ako makakatulog ng mahimbing?" "Dahil nagi-guilty ka sa ginawa mo." "Hah?" Ano naman ang sinasabi niya? "Alam mo, bilib din ako sa 'yo e. Iba iyong ways mo para mapansin. Akalain mo yun? Kunwari walang interest sa competition pero pailalim pala kung kumilos. Ninja ka ba?" Marahas akong napabuga ng hangin at natawa ng pagak. "I'm not into pick-up lines Samantha. Wag ka ng magpaligoyligoy pa." Mataman niya akong tinitigan. "You are trying to sabotage the competition kasi you want Dennis for your own." Nanlake ang mga mata ko. "What? Saan mo naman nalaman ang kalokohan na yan?" "Narinig ko kayo ni Dennis na nag-uusap kagabi. Hindi ko alam kung anong ginawa mo para sabihin niya na gusto ka na niya pero sasabihin ko sa yo ngayon na hindi ako papayag na ganun na lang ang mangyari." "Nagkakamali ka ng iniisip Samantha. Hindi niya ako gusto." "Hindi ako tanga!" Mabilis niyang bulyaw sa akin. Natigilan na ako. "Hmf!" Ismid niya. "Makikita mo mamaya. Humanda ka!" Pagkawika nun ay bigla niya akong tinalikuran at iniwan na natitigilan. Humanda daw ako?! Ano naman kaya ang tinutukoy niya? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD