Page 13 - Walang Paalam

4292 Words
PAGE 13       Walang Paalam ************** Kinabahan ako sa mga sinabi ni Samantha. Hindi ko alam kung ano iyong pinatutungkulan niya pero ramdam ko na hindi iyon maganda. Nang umaga ngang iyon. ***** Napabuntung hininga ako ng malalim. Narito ako ngayon sa library ng Villa Catalina. Dito din ako kinausap nina Marielle kagabi lang. Kinakabahan na ko samantalang nasa tapat pa lang ako ng pinto nito. Bakit? Nandito kasi si Don Marteo. Gosh! Kala ko nakauwi na sila e. Ba't nandito pa siya? Sa totoo lang, ayaw kong magpakita. May mali kasi akong nagawa kaya natatakot ako. Muli akong napahinga ng malalim bago pumasok sa loob. May samdalung katahimikan na namagitan sa amin. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng library ngayon. Mas nakakakaba tuloy yung sitwasyon. Bakit kaya niya ko gustong makausap? Tahimik akong nagdadasal na sana ay hindi ito tungkol sa pagpasok namin sa Villa Rosana. Pero anu pa nga ba any ibang posibleng dahilan maliban doon? "Uhm" tumikhim siya at agad akong napatingin. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. Kinilabutan ako. Iyong pair of eyes niya kasi .... Gosh!! Ngayon alam ko na kung saan nagmula ang mga matang iyon. Iyong mga mata nina Marielle, Dennis, Vincent at --- "I've heard that you decided to quit the job kaysa sumali sa competition. Tama ba?" Nakarating na pala sa kaniya agad ang issue. Me gahd!! Mahina akong tumango. "Opo." "Ayaw mo ba kay Dennis kaya tinanggihan mo ang offer?" Bahadya akong natigilan at napatitig sa may kamay kong nakapatong sa lap ko. Hindi naman sa ayaw ko kay Dennis. I find him very appealing at mabait talaga siya. Gwapo pa siya, mayaman, getleman. He is every girls Prince Charming. Hindi naman talaga siya mahirap na magustuhan pero hindi talaga ako maka-kapa ng mas malalim pang feelings para dito kundi bilang kaibigan lang. Hindi na lang ako sumagot sa tanong ni Don Marteo. Alam ko na kahit paano ay alam niya rin kung ano ang dahilan ko. "Alam mo ba na umalis sina Dennis ngayon para lang ayusin ang issue sa inyo?" "Ho?!" Gulat akong napa-angat ng tingin. "They'll be having a press conference sa Manila. They didn't tell you?" Mabilis akong umiling. E, kaya naman pala nag-iinit ang ulo ni Samantha. "I don't want to interfere to this event. Hinayaan ko na sina Marielle na ayusin ang dapat nilang ayusin. Kung meron man dapat na ayusin. Pero ipinatawag kita hindi dahil sa bagay na iyon, hija. May ibang bagay pa." Natahimik ako at hinintata ang kaniyang sasabihin. Eto na... eto na.... "May nakapagsabi sa akin na may ginawa kang labag sa napagkasunduan dito sa isla. Meron nga ba?" Hindi ako nakapagsalita at nanatili lang na nakatitig kay Don Marteo. "Nagpunta ka ba sa Villa Rosana, Ms. Montes?" Nanlake ang mga mata ko. Kumabog nang mabilis na mabilis ang puso ko. Paano? Sina Thessa at Mheily ang kasama ko noon. Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng lihim na iyon. "May nakakita sa iyo." Dugtong niya na para bang nahuhulaan niyang nagtataka ako sa isip. Eto yata ang pasabog ni Samantha. Nakita niya yata kami?! Hindi ako nakaimik. Nagbaba na lang ako ng tingin at nanahimik. Naging malikot ang mga mata ko. Lagot! Anong sasabihin ko? "Alam mo na bawal na bawal ang pumunta doon di ba? Pero nagpunta ka pa rin. Anong dahilan?" Napalunok ako. "Sagutin mo na lamang ako, hija. May nakapagsabi lang sa akin na nakita ka na papalabas ng Villa Rosana. May kasama ka pa bang iba na nagpunta doon?" Medyo natigilan ako. Ako lang daw. Ibig sabihin, hindi nakita nung kung sino man ang nagsabi kay Don Marteo na hindi lang ako ang nangahas na pumasok sa Villa Rosana. Matagal bago ako nakapagpasyang magsalita. Nag-isip akong mabuti. Huminga muna ako ng malalim bago muling nag-angat ng tingin kay Don Marteo. "Gusto ko lang pong malaman kung bakit bawal magpunta sa Villa Rosana." "Hindi pa ba sapat na sinabi sa inyo na delikado doon?" "Hindi naman po delikado doon." Mariin kong wika. "At wala pong multo doon. Walang masamang espiritu o anu pa man." Nabitin ang paghinga ko. "Kung ganun, anong ginawa mo dun? May kasama ka di ba? Sino ang kasama mo na pumunta doon?" Bumalon ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ba ganito ang nagaganap? Hindi ko maipaliwanag iyong nadarama ko. Huminga ako ng malalim. "Sorry po. Wala po akong ibang dahilan kundi na-curious lang po ako. Writer po ako at alam naman ninyo ang nature ng trabaho ko. Pasensya na po kung nangahas ako na suwayin kayo. Saka wala po akong kasama noon. Ako lang po mag-isa." Matiim niya akong tinitigan. Sana maniwala siya sa akin. Sana maniwala siya. Napabuga ako ng hangin. "Paalisin niyo na lang po ako pero wala na po akong maidadahilan na anuman. Sorry po." ***** [Flashback moment] Magkahawak ang mga kamay na pumasok kami ni Thessa sa loob ng malaking mansyon ng Villa Rosana. Napahanga kami. Sobrang luwang sa loob. Ang ganda ng interior at design. Kumakabog ang puso ko habang tumitingin sa loob. Natatakpan ng mga puting tela iyong mga gamit at maagiw sa loob. Pero sa tingin ko ay pwede pa ring matirhan ang bahay na ito. Sobrang maayos pa kasi. Bakit naman pinagbabawal kami dito? Wala naman akong nararamdaman na nakakatakot sa loob. Saan naman kaya nanggaling iyong kwento ng multo? Pero meron akong kakaibang nararamdaman. Para bang... Para bang nanggaling na ako sa lugar na ito. Nakita ko si Mheily na umikot sa lugar. "Bumalik na tayo sa Villa Catalina." Ani Thessa. "Wala namang nakakatakot di ba? Ang ganda nga dito. Alam niyo ba na mayroong labinlimang rooms dito? Isang library, isang office--" Nagtatakang napatitig ako kay Mheily habang nagsasalita siya. "Mheily paano mo nalaman iyan?" Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin. Matagal. "Oo nga Mheily. Paano mo nalaman? Nakarating ka na ba dito?" Curious na tanong ni Thessa. Napahinga siya ng malalim. Humakbang palapit sa amin. Kinakabahan ako sa anumang sasabihin niya. Parang alam ko na yun pero hindi ko alam. Basta kakaiba yung feeling. "Alam ko dahil nakarating na ako dito. Totoo." Seryosong wika ni Mheily. Nakita ko sa mga mata niya ang biglang pagbungad ng kalungkutan. Pait. Galit. "Ta-talaga?" Hindi makapaniwala si Thessa. "Twenty years ago nang maganap ang tinatawag nila na Rosana's Fire at natupok ng napakalaking apoy ang buong Villa na ito. Hindi niyo ba tatanungin kung bakit alam ko?" "Bakit? Bakit alam mo?" Ako na yung nagtanong. "Dahil nandito ako nung gabing iyon. Nandito ako, ikaw at si Thessa." Mariin niyang sinabi iyon. Hindi kumukurap ang mga mata. Natigalgal ako at hindi nakapagsalita. Si Thessa naman ay nagulat din. "Se-seryoso ka ba Mheily?! Ngayon lang ako nakarating sa Isla na ito. Ngayon lang ako nakapasok sa Villa na ito. Paano nangyaring--" "Posibleng hindi mo na naalala dahil mga maliliit pa lang tayo nun. We are age five or six, pero ako, hindi ko makakalimutan iyon dahil araw araw na ipinapaalala sa akin ng Nanay ko ang nangyaring iyon. Sinisisi niya si Don Marteo dahil sa nangyari." Sarcastic pa siyang natawa. Natahimik si Thessa. "Architect ang Tatay ko at isa siya sa nagdesign ng Villa na ito. Isa, dahil tatlo silang main architect nang Villa at ng original na plans ng Resort. Ang tatay ko, isang Architect Rosales at Architect Montesa?" "Architect Rosales? As in Mario Rosales? Tito ko iyon na namatay sa isang -- " natigilan saglit si Thessa. "Sa isang fire accident. Ibig sabihin?!" Napabuga ako ng hangin. "Umalis na tayo dito." Matiim akong tinitigan ni Mheily. "Naalala mo na ba?" "Wala akong naalala. Wala na akong naaalala sa nakaraan, naiintindihan mo ba?" Tinalikuran ko si Mheily at umakmang aalis na. Pero mabilis niya akong pinigilan sa braso. "Hindi mo naaalala o ayaw mong alalahanin? Ano ka ba Rein? Tatay mo ang isa sa namatay sa sunog na iyon!" Bigla ko siyang nilingon. Nanginig ang buo kong katawan pero hindi ako nakapagsalita. "Namatay sila dahil pinabayaan sila ni Don Marteo." "Wag ka namang ganyan Mheily! Hindi ba aksidente lang iyon?!" Pigil sa kaniya ni Thessa. "Hindi iyon aksidente! May sumadya sa sunog na iyon! Totoo ang sinasabi ko!" Piksi ni Mheily. Tinitigan niya ako at kitang kita ko kung paanong napuno ng luha ang mga mata niya. "Totoo ang sinasabi ko Rein. Alam mo ba kung gaano katagal akong naghintay sa pagkakataong makabalik sa Isla na ito? Twenty years. Kinamatayan na lang ng Nanay ko ang matindi niyang poot sa mga Escaner." "Tama na Mheily!!" Bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan iyong nararamdaman kong pagkalito. "Bakit mo ba toh sinasabi sa min ngayon? Ano bang gusto mong mangyari?!" Napaatras si Mheily mula sa akin. "Useless na rin ang sinasabi mo dahil marami ng years ang lumipas at nakalimutan na nang lahat ang nangyari." "Kinalimutan ng lahat? Kinalimutan mo na rin ba ganun?" Tumingin si Mheily kay Thessa. "Nakalimutan mo na rin ba?" Hindi sumagot si Thessa. "Bumalik na tayo sa Villa Catalina, Mheily. Tara na Thessa." Wika ko sa kanila. Mabilis akong lumabas ng Villa. Deretso na nga akong sumakay dun sa bike na dala ko at umalis nang hindi sila kasabay. [End of Flashback] ***** Nanghihinang napaupo ako sa may ibabaw ng kama. Ang lungkot ko ngayon. Sobra. Hindi dahil sa kailangan ko ng umalis. Malungkot ako dahil sa ganitong paraan ako aalis. Napahinga ako ng malalim. "Bakit di mo sinabi?" Gulat pa akong napatingin sa may bungad ng pinto tapos ay nakita ko si Mheily na nakatayo doon. "Dapat sinabi mo na lang na nandoon din ako at si Thessa." Umiling ako ng mahina. Hindi ko na gustong palakihin pa yung issue. "Hindi na Mheily. Aalis na rin naman ako kaya okay lang." "Ibig mong sabihin magku-quit ka na sa show? Talaga?!" "What's wrong about that? Ganun din naman ang mangyayari." Bahadya siyang humakbang papalapit sa pwesto ko. "Bakit kasi hindi mo na lang sinabi na kasama mo kami ni Thessa na nagpunta sa may Villa Rosana? Bakit? Ayaw mo ba kaming matanggal sa competition?" Umiling ako. "Hindi naman kasi kailangan." "Ayaw mong malaman nila ang kaugnayan natin sa nangyari noon?" "Sinabi ko na, Mheily. Wala akong naaalala sa mga sinasabi mo." Mahinahon ko pang wika sa kaniya. Bakit ba pinagpipilitan niya ng sobra ang bagay na ito? "Okay." Humalukipkip siya. "Pero hindi mo pwedeng itanggi na may mali sa contest na ito. Like, panu napili ang mga candidates. They are not randomly picked. May hinahanap sila." Napahinga ako ng malalim. "Alam ko na mahirap paniwalaan ang sinasabi ko. Subukan mong magtanong o alalahanin ang nakaraan Rein." Nagbaba ako nang tingin. Napalunok. "Hindi ko na maaalala yun Mheily. I don't remember anything in the past now." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sorry." Bahadya siyang natigilan habang nakatitig sa mga mata ko. Namagitan ang sandaling katahimikan sa amin. Napabuga siya ng hangin. "Are you really gonna leave like this? Ganun lang ba talaga?" "Mheily, hindi madali sa akin na umalis sa ganitong paraan. Hindi ko sinabi na kasama ko kayo noon dahil nag-aalala din ako para sa inyo. Lalo na sa yo. Sana naman wala kang gawing pagsisisihan mo pagkaraan." Muli siyang huminga ng malalim. "Don't worry about me. Worry about yourself." Hindi ako nagsalita. Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? "Don't trust them. Pagsisisihan mo kung magtitiwala ka sa kahit kanino sa kanila, Rein." Natigilan ako. Tinitigan niya ako ng pailalim at ramdam ko iyong intense ng pagkakatitig niya. "Mheily?" "Hindi mo sila mapagkakatiwalaan Rein. Kahit sino sa kanila hindi mapagkakatiwalaan. Alam ko na kaya ka aalis ay dahil kahit paano ay naniniwala ka sa sinabi ko. Natatakot ka na harapin ang nakaraan. Pero Rein, alam din natin na palabas lang lahat ito. Kung naging mabait sila sa yo yun ay dahil may kailangan sila mula sa yo. Wag mo sanang sasabihing hindi kita binalaan." Sunod sunod akong napailing. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mong kailangan nila mula sa akin?" "Alalahanin mo Rein. Siguradong alam mo kung ano iyon." Bigla siyang tumalikod mula sa akin at humakbang paalis. Nagpakawala ako nang mabigat na buntunghininga. Kinakabahan ako. Naguguluhan. Wala akong ideya kung ano yung bagay na pinatutungkulan ni Mheily. O kung bakit niya nasabing natatakot ako. Natatakot saan? Ano bang nangyari sa akin habang narito sa Isla? Naguguluhan na talaga ako. *****  [Thessa's POV] "Anong sinabi mo sa kaniya?" Kita ko sa mukha ni Dennis iyong matinding galit na pinipigil niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, nakakatakot. Huminga ako nang malalim. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mga taong naroon. Nasa room kami ngayon, magka-share kasi kami ng room ni Mheily at ngayon ay narito sina Ms. Marielle, Dennis, Vincent at Andrew. Isa itong confrontation dahil ngayon lang nalaman nina Marielle na nakaalis na ng isla kanina si Rein. At hindi nila nagustuhan iyon. Hindi nila inaasahan. "Anong sinabi ko?" Balik tanong ni Mheily. "Nakita sa cctv na magkausap kayo ni Rein sa room nila bago siya umalis. Ikaw ang huli niyang nakausap." Galit ang tonong ani Andrew. Nasa gilid lang siya ng silid. Kuyom ang mga kamao. "Wala akong sinabing masama sa kaniya. Hindi ko din naman siya sinabihang umalis. Tinatanong ko pa nga siya kung bakit siya aalis. Sinisisi niyo ba ako?" "Walang naninisi sa iyo dito Mheily, tinatanong lang namin." Nagsalita si Marielle na kalmado lang ang tono. "E, parang ganun na rin yun." Piksi ni Mheily. "Walang kasalanan si Mheily." Sabi ko. Napatingin sa akin si Marielle. "Thessa? May alam ka ba?" Napalunok ako. "Ang alam ko lang ay kinausap siya ni Don Marteo tapos nagpasya na siya na umalis." "Si Lolo?" Gulat na napalingon si Dennis. May boses na nagsalita mula sa naka-open na pinto. "Pinaalis siya dahil may ginawa siyang against the rule. Ganun lang yun." Nalingunan namin si Samantha. "Anong against the rule?" Nagtatakang tanong ni Dennis. "Nagpunta siya Villa Rosana nang walang paalam. At alam ko na hindi siya nag-iisa." Ngumisi si Samantha. "Tama ba Mheily?" "Ma-epal ka rin ano!?" Galit na napatayo si Mheily pero mabilis ko siyang pinigilan sa braso bago pa siya makalapit kay Samantha. "Nagpunta kayo doon? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Marielle. "Ms. Marielle --" ani ko pero agad pumigil si Mheily. "Wala kami doon. May pruweba ka ba na naroroon kami?" Masamang tinitigan ni Mheily si Samantha. Hindi naman nakaimik si Samantha. "Wala di ba?! Dahil wala ka naman doon. Sinungaling ka!" "Nakita ko si Rein na nanggaling sa Villa." Malakas na wika ni Samantha. "Nakita ko." Madiin niyang wika. "Ibig sabihin ay naroroon ka rin?! Nagpunta ka din sa Villa Rosana? Baka ikaw yung pumasok sa Villa!" Balik sigaw ni Mheily. "Wag mong baliktarin ang istorya!" "TAMA NA!" sigaw ni Dennis. Tumingin siya kay Mheily. "Mag-usap tayo." *****  [Fastforward] [Rein's POV] Namiss ko ang mausok na siyudad. Namiss ko ang maingay na kalsada. Napabuga ako nang hangin. "Pinapanood ko nga yung show na yun e. Malapit na bang matapos? May napili ba si Dennis? Bet ko dun si Thessa e." Nakangiting wika ni Aling Maria habang nakasunod ang tingin sa akin. Paakyat na ako nang second floor ng dorm house at naabutan ko siya sa may maliit na salas nang bahay. "Hindi ko po alam. Pero malapit na po yun matapos." Bahadya akong lumingon. "Si Jona po?" "Ayy!! Hindi ko pa nakikitang dumating." Napapiksi siya bigla. "Pagsabihan mo nga pala yang kaibigan mo. Atrasado na ang upa niya sa kwarto at palagi pa siyang madaling araw kung umuwi. Hindi ko alam kung ano nang pinagkakaabalahan niyan e. Nagka-boyfriend lang ay napakatigas na ng ulo!" Napaisip ako. May boyfriend si Jona? "Sige po. Kakausapin ko po siya." Tapos ay dumeretso na ko sa room namin. Pagdating ko sa room namin ay wala naman akong napansin na kakaiba sa gamit ko o sa kaniya. Baka nga hindi siya madalas mag-stay dito e. Nang maibaba ko na ang mga gamit ko ay naupo ako sa gilid ng kama ko. Blanko ang utak ko ngayon. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. Naging napaka-stressfull nang lahat at ayoko nang isipin. Nahiga na lang ako at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. ***** Sinabayan ako ni Marlyn habang naglalakad sa mahabang corridor nang office. May dalawang araw akong nagpahinga. Tumawag lang ako sa office para magpaalam na hindi muna magrereport. Kailangan ko kasi ng pagkakataon to recollect myself and my thoughts. Natuyo ang utak ko dahil sa Isla Catalina sa at sa buong competition na iyon. Ngayon lang uli ako nagreport ng personal kay Sir Mike. Naintindihan naman niya ang nangyari. I bet, nakausap na siya ni Don Marteo o nang kung sinoman mula sa Isla. Baka si Renz. Pero mas nagulat yata ako sa ibinalita niya. "Narinig ko na tatapusin na nila by this month yung show." "Talaga?" Kausap ko ngayon si Marlyn "Pero ang totoo ay ititigil na nila yun, narinig mo ba yung nangyari?" "Oo. Sinabi sa akin ni Sir Mike." Naupo na ko sa may pwesto ko. Si Marlyn naman ay nakasunod pa rin sa akin. "Ganun lang. Wala ka bang ikukuwento dyan?" "Wala. Masyadong magulo." "Oo. Magulo nga. Lalo na ng makita ko yung tsismis sa yo at sa Escaner na yun. Grabe! Nagkadevelopan ba kayo?" Nginisian niya ako. "Hindi Marlyn. Tsismis lang lahat yun. Walang katotohanan." "Eto naman, friends naman tayo dito e." Matiim ko siyang tinitigan. "Kwento ka naman dyan." "Wala Marlyn. Wala talaga." "Damot naman." Simangot niya. "Binanggit din ba sa'yo ni Sir yung nangyari nung nakaraang gabi? Nagka-sunog daw sa Isla. Mabuti hindi ganun kalala kaya hindi na nila ibinalita." Napahinga ako nang malalim. Narinig ko nga iyon. Iyon nga ang binalita sa akin ni Sir Mike. It was the very night na nakabalik ako sa dorm. Walang idenetalye si Sir Mike sa nangyari pero dahil yata dun kaya napagpasyahan na nilang i-end yung competition. Sana lang walang kinalaman si Mheily sa nangyaring iyon. Ang salbahe ko. Pinag-iisipan ko ng masama si Mheily pero alam ko na hindi niya iyon gagawin. Kahit gaano pa kalaki ang galit niya sa mga Escaner. Ramdam ko na hindi niya iyon magagawa. "Sige. Balik na ko sa upuan ko. Ayaw mo namang magkwento e." Ani Marlyn then iniwan na niya ko. Tumango na lang ako. After minutes ay kinuha ko yung phone ko at nagdial nang number. Pero katulad nang nagdaang araw, hindi ko makontak iyong number na tinatawagan ko. Nagri-ring lang yun tapos walang sumasagot. "Jona? Jona?! Ano nang nagyayari sa yo?" Bulong ko sa sarili. Hindi nga umuuwi si Jona. Nag-aalala na tuloy ako. Pilit kong pinag-busy ang utak ko para lang wag ng isipin ang mga bagay bagay na may kaugnayan sa Isla Catalina. ***** Gabi na nang maka-balik ako ang dorm house. Nagpunta ako sa alam kong pinapasukan na call center company ni Jona pero hindi ko siya nakita o nahanap. Naka-recieve naman ako ng tawag mula kay Marlyn. "May naghahanap sa yo na lalake kanina." Nagtaka ako. "Sino?" "Ewan. Di ko natanong yung pangalan e. Basta ang gwapo saka mukhang bigatin kasi ang ganda ng wheels. Uwian na kasi at nasalubong ko na lang siya sa labas ng building. May tinatago ka bang mayamang boyfriend?" Natigilan ako at napaisip. Hindi kaya si---? Pinigilan ko ang sarili ko na mabanggit kahit ang pangalan niya. "Well, hinahanap ka nga pero sabi ko nakaalis ka na. Tinatanong niya kung saan ka nakatira?" "Sinabi mo kung saan?" Naalarma ako. "Hindi. Hindi ko nga alam kung saan ka nakatira, adik ka!" Sagot niya agad. Napabuga ako ng hangin. "Sorry. Pero Marlyn kung sakaling bumalik kung sino man iyon ay huwag mong ibibigay ang number ko ha. Please?" "Tinataguan mo ba yun?" "Ahhh... basta. Please lang. Eto lang sana pagbigyan mo ko." "Okay fine. Pero sigurado naman na mahahanap ka nun kasi mukhang hinahunting ka talaga nun." Hindi na lang ako nakaimik. Nagpaalam na siya sa akin at natulala na lang ako. Tama. Mahahanap niya ako. Dapat ba ay magtago na ko? Pero sino nga ba iyong naghahanap sa akin? Marahas akong napabuga ng hangin. "Don't be paranoid Rein! Wala lang yun!" Iling pa ako nang iling sa sarili para lang paalisin lahat ng nararamdaman kong pagkabahala. Bakit ba ako matatakot sa kanino man? Wala naman akong nagawang masama ah. "I need to do something. I need to divert my attention. Tama na ang isip ng isip tungkol sa Isla Catalina. Tama na dahil hindi mo na iyon maalala." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ilang ulit na napa-inhale at na nag-exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Sabi nila nakakarelax daw kung gagawin mo ito ng paulit ulit. So ganun ang ginawa ko. ***** SA tuluyang pag-end ng competition sa Isla Catalina, si Teresa Alcoran ang napili ni Dennis Escaner. Marami ang natuwa sa outcome ng show at marami rin ang lihim na nadismaya. Iyon yung mga fans ni Dennis na "broken hearted" daw. Bakit ba hindi na lang sila maging masaya para sa crush nila? Tss. Walang announcement kung kailan ang kasal pero, alam ko... palabas lang ang lahat. Kung may disappointed ng sobra sa ending ng show na iyon. Ako na yun. Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa may malaking TV monitor na nakasabit sa dingding ng company canteen. Naka-flash kasi sa monitor ng currently airing na showbiz news show ang balita tungkol sa pagtatapos nga ng paghahanap ni Dennis sa babaeng mapapangasawa niya. Clap. Clap. Para kay Andy dahil naging napakaganda ng write up niya sa ending ng show. "HUY!" Nagbaba na ko ng tingin at sinalubong iyong tingin ni Marlyn. Minasdan ko pa siyang naupo sa katapat ko na silya. "Anong tinititigan mo diyan?" "Pinapanuod ko yung news?" Walang ganang sabi ko na lang. Pero ang totoo naiinis ako sa news na yun. "Sus! Parang di mo alam na palabas lang nila yan. Hindi naman sila ikakasal kaya wag ka ng bitter dyan." Nakangising aniya. Napangiwi ako ng mukha. "Anong bitter? Hindi noh!!" Grabe! Ano bang meron sa lumabas na tsismis tungkol sa min ni Dennis at paniwalang paniwala ang isang ito? "Hindi daw?" Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang sinasabayan ng pagkain. "Alam mo. Kung kasama ka talaga sa competition na yan malamang iboto na kita." "Iboto na ano?" Nagsalubong ang mga kilay ko. "Iboto na patalsikin agad. Kasi ang OA mo sa pagka-bitter. Baka maging man-hater ka na hah? Sabihin mo na nga ang totoo." "Alam mo? Ang walang kwenta mong kausap." Napapiksi ako. "Hindi ako bitter. At mas lalong hindi ko gugustuhin na mapasama sa competition na yan!" "E di mabuti pala talagang di ka kasali dyan." "Nakita ko kung anong nangyari sa show na yan. At ang totoo, hindi ako man-hater noon pero dahil dyan ay nagsisimula na kong maging man-hater." "Sobra ka naman!" "Hay naku, Marlyn!" "Oo na. Hindi ka na bitter. Sorry na." Napailing na lang ako at sumandal sa inuupuan ko. Nawalan na ko ng ganang kumain. "O, kumain ka na. Ilang araw na kitang napapansin na hindi kumakain. Nagda-diet ka ba?" "Hindi. As if may ikakadiet pa ko? Nang-iinsulto ka lang yata e. Wala na kong gana kasi nakakainis kang kausap." Pero ang totoo, wala lang naman sa akin iyong sinabi ni Marlyn. Sanay na naman ako sa ugali nitong assumera much. Masyadong makapag-conclude sa mga bagay bagay. "Eto naman. Sorry na nga sa nasabi ko e. Hindi naman toh mabiro. Sorry na. Kumain ka na." "Ayoko. Sa 'yo na yan." Iling ko. "Ang OA naman." Bulong niyang narinig ko. Lihim na lang akong napabuntung hininga. Ano pa bang magagawa ko e wala na kong gana. Iyong binili ko na lang na pineapple juice ang ininom ko. Malapit na kong maging man-hater. Totoo iyon. At habang tumatagal ay lumalala ako. Kailangan ko ng magpa-check sa doctor. Doctor sa utak. Dahil ilang araw na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Palagi kasi akong nagigising sa madaling araw dahil sa panaginip ko. "Syangapala," biglang pukaw ni Marlyn sa lumilipad kong isip. Napatingin ako sa kaniya. "Tapos ko na palang i-edit iyong pinasa mo na manuscript at nai-bigay ko na yun kay Sir Mike. So, ang hihintayin na lang natin ay ang hatol ng inampalan. Pero so far, malakas ang paniniwala ko na iyon ang mapipili ni Sir para sa susunod na featured book ng publication. Gosh! I'm excited na. Di ba halata?" Napangiti ako ng mapait. "Mabuti naman kung ganun. Antagal ko ng binigay sa yo.yun pero ngayon mo lang naipasa." "E, sa naging busy." Palusot pa niya. Nagkibit balikat ako. Nakarinig ako ng mga yabag mula sa likod ko. Nakatalikod kasi ako mula sa pinto ng canteen kaya di ko nakikita iyong mga pumapasok. Hindi naman ako nag-abalang lumingon dahil alam ko na mga empleyado naman yun ng kumpanya. "Pero sure ka ba na ayaw mong ipapublish sa book yung pangalan mo? Sayang naman, hindi malalaman ng madla ang kahusayan mo." "Iyong kikitain sa book ang mahalaga sa akin kaya stick tayo sa usapan natin." "Okay fine. Whatever." Aniya sabay angat ng tingin. "Iyong---" Nagtaka ako nung bigla siyang huminto sa pagsasalita at tila namaligno sa kinauupuan. Nabitawan pa nga niya yung fork na hawak niya at nakangangang natulala sa hangin. "Huy?!" Tawag pansin ko sa kanya tapos ay napatingin ako dun sa direksyong tinititigan niya. Paglingon ko ay nanlake ng mga mata ko at namutla ng sobra. Nalaglag ang panga ko at parang nabitin ang aking paghinga kasabay ng pagdagundong ng dibdib ko. Nakatayo siya sa tabi ko, just inches away. "Finally, i found you." Narinig kong wika niya na halos hindi naglalayo ang mga bibig at ngipin. Matiim akong tinitigan ng dark brown niyang mga mata na napakalalim kung mangusap. Napalunok ako habang hindi inaalis ang mga tingin sa kaniya. "Ang sabi ko sa yo ay hintayin mo ako. Pero hindi ko sinabi na umalis ka ng walang paalam."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD