Page 14 - Trust You

4387 Words
PAGE 14       Trust you ********* "Sino ba sya Rein? Siya rin yung lalaking naghahanap sa yo last time e. Ang gwapo niya? Boyfriend mo ba?" "Hindi. Hindi ko siya boyfriend." Mariing wika ko. "Ay, grabe ang hot niya!!" Pigil na kilig ni Marlyn. Hindi nito tinatanggal iyong pagkakatitig sa binata, parang ngayon lang nakakita ng gwapo. "Kung ayaw mo sa kanya akin na lang. Kahit tira tira mo na lang yan papatusin ko pa rin!" "Anu ka ba!?" Mabilis kong react. "Ang dumi ng isip mo ha! Anong tira tira?" "Bakit? Don't tell me hindi mo pa nalawayan yan? Ayy, grabe! Kahit madre lalabas ng kumbento makita lang yan." Hindi ko napigilan ang pamumula ng mga pisngi ko sa sinabi niya. Napahiya ako, mabuti na lang at walang tao sa paligid maliban sa min dalawa. Nainis na ko talaga! "Ang dumi dumi ng utak mo Marlyn. Saan mo ba naririnig yang pinagsasabi mo?!" "Adik ka ba?! Nagka-asawa na ako at natural na lumalabas sa bunganga ko ang mga salitang sinasabi ko. Kaya nga ako hiniwalayan kasi mabunganga daw ako e." May konting pain na sumilip sa sulok ng mga mata niya at naramdaman ko iyon. Tumawa siya pero alam ko na pilit na yun. Huminga ako ng malalim sabay tingin sa kung saan nakapwesto si Andrew. Tama. Si Andrew nga itong pinagpapantasyahan ni Marlyn. Hindi ko naman siya masisi dahil totoo naman yung sinasabi niya. Saka, hindi lang si Marlyn at ako ang panakanakang sumisilip sa may bintana ngayon. Pati iyong ibang ka-officemate namin ay nakikitingin din. Feeling artista. Nakatayo si Andrew sa may labas ng building namin. Nakasandal sa isang itim na sasakyan na hindi ko alam ang tatak pero batid ko na mamahalin sa itsura pa lang. Nasa second floor kasi kami ni Marlyn at parehong naka-tanaw kay Andrew sa labas. Mabuti na lang at makulimlim iyong panahon. Hindi masusunog ang maputi nitong balat sa init ng araw. Medyo may concern. Psh. Alam ko na hindi ko maiiwasan ang pagkakataong ito na muli kaming magkita. Hindi lang ako ready na makita siya agad. Hindi din pala ako naghanda actually. Lumayo na ko mula sa bintana at naupo sa pwesto ko. Pero wala na akong maisip na gawin. Lutang na ang utak ko. Grabe! Nagmamalfunction na naman ang brain ko. "Rein?!" Nagulat ako nang mag tumawag sa akin. Napalingon ako at agad lumapit yung tumawag sa akin at walang anumang yumakap ng mahigpit. "Andy?!!" Gulat kong bulalas ng makilala kung sino iyon. "REIN?!!" bigla siyang humikbi. "Bakit bigla kang umalis? Hindi mo man lang ako sinabihan. Huhuhu...." umiiyak na siya sa balikat ko. "Andy, sorry." Naguilty naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman kasi. Umalis ako ng hindi nagsasabi sa kaniya. Partner pa man din kami tapos ganun ang ginawa ko. Ang bad ko, i know. Naunahan na kasi ako ng emosyon ko. Kumalas naman siya mula sa pagkakayakap sa akin. "Sorry. Hindi kita naipagtanggol sa kanila." "Wala naman silang ginawang masama sa akin." Pilit akong ngumiti at pin-pat siya sa balikat. "Wag ka ng magdrama dyan. Sorry kung hindi ako nagsabi sa yo. Pero napaganda naman yung ginawa ko dahil nabasa ko yung mga write ups mo at sobrang gaganda. Mahusay ka na." "Ikaw kasi ang nagturo sa akin." Hikbi uli. "Pero natuyo ang utak ko dyan sa sobrang hirap." "Hindi. The best ang nagawa mo." "Wala akong alam kung ano ang nangyari at kung bakit ka umalis maliban dun sa tsimis sa inyo ni Dennis. Hindi naman big deal iyon pero bakit kailangan mong umalis?" Napailing ako ng mahina. "Andy, pabayaan mo na yun. Tapos na kasi." Ilang saglit pa ay nagkwento na si Andy sa kung paanong si Thessa ang pinili ni Dennis. Pati iyong mga naging reaction ng hindi napili lalo na ni Samantha na sobrang na-broken ang puso. "Iyong last part puro edited at tampered na lang. Wala na rin kasi nun si Mheily." "Nasaan si Mheily?" Nag-aalala kong tanong. "Na-confine siya sa hospital sa bayan after nung maliit na sunog sa may Isla. Isang cabin lang naman yun pero hindi namin alam na nasa loob pala si Mheily. Mabuti na lang at na-save siya nina Dennis. Kaya lang ayaw naman niyang magsalita kung may nagset-up ba nun o aksidente lang na nangyari." Napaisip ako. Sino naman kaya ang gagawa nun kay Mheily? Hindi naman pwedeng ipahamak niya ang sarili niya di ba? "Ang weird nga nun e. Kaya nga nahirapan talaga ako sa pagsulat." Nagbaba ako ng tingin at natahimik na lang. Napahamak si Mheily? Ano kayang totoong nangyari? Kailangan ko siyang makita. Pati na rin si Thessa. Kailangan ko silang makausap. "Rein?" Napatingin ako dun sa nagsalita at nakita ko si Renz na malungkot ang ngiti sa akin. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at humarap sa kaniya. Pero hindi ko inaasahan na bigla niya akong yakapin ng mahigpit. As in mahigpit na mahigpit. Nagpause for a moment ang mundo. Ako lang yung buhay na humihinga. Tanggalin natin iyong tunog nang mga kumakantang anghel mula sa langit sa background kasi masakit pa ang puso ko. Nasa moving on stage ako ngayon. Pero takte! Panu ako makakamove kung ganito ang ibubungad niya sa akin?! Tell me?! Ewan ko ba. Pero parang may something sa pagkakayakap niya sa akin ngayon. Di tulad noon na parang natural lang sa amin ang yakap. "Renz?" Pin-at ko siya sa likod habang nakayakap pa rin sa akin. Nagresume na yung time. Thanks Harry Potter. "Rein, namiss kita." Kinilabutan ako sa sinabi niya at hindi na ko nagsalita. Conjuring na yung sunod na palabas. Joke lang. Wala naman yung meaning. Bakit ba? Binitiwan na niya ako at tinitigan sa mukha. "Nag-worry kami sa yo. Umalis ka ng hindi nagpapaalam sa amin. Hindi mo dapat ginagawa yun." "So-sorry." Yun lang ang nagawa kong sabihin dahil in state of shock ako e. "Oi, grabe. Payakap din ako Papa Renz. Hindi mo ba ko namiss?" Biglang entrance ni Marlyn. Nasa tabi ko pala siya. Mabuti na lang. "Hi Marlyn. Namiss kita." Nakangiting ani Renz at umakmang yayakap kay Marlyn. "Hups! Hindi mag-aabot yung mga braso ko pag yinakap kita." "LOKO TOH!!" Bulyaw ni Marlyn. Natawa si Renz ng mahina. Natawa rin kami ni Andy sa joke na yun. Medyo plus size kasi itong si Marlyn pero napakaganda naman ng face. Saka taklesa talaga siya at maingay. "Joke lang. Peace tayo." Nakatawang ani Renz kay Marlyn at yinakap na ito. "Sarap naman yakapin ni Winnie the Pooh!" "PANG-ASAR KA!!" Biglang tulak ni Marlyn. "Masarap talaga ako pero hindi ako si Winnie!!!" "Winnie the Pooh." Nakatawang pagtatama ni Andy. "Yun na nga yun!" Ismid ni Marlyn. Nagkatawanan na naman kami. Nakangiting napatingin ako sa gawi ni Renz at nasalubong ko ang tingin niya sa akin. Weird nang feeling. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkita ah.. bakit ba parang may nagbago sa kaniya? ***** Nakahanap ako ng paraan para makatakas mula kay Andrew. Sumabay ako kay Renz papalabas ng building. Pero nakapagtataka naman na wala na si Andrew dun sa pwesto niya kanina at wala na din yung kotse na gamit niya. So, nonsense din yung sinabi ko na natakasan ko siya. "Akala ko magtatagal pa bago masundan uli ang project natin." Gulat ang expression na napatingin ako sa kaniya. Nasa loob kami ng sasakyan niya at nakatuon ang mga mata niya sa may kalsada. Hindi ko naintindihan iyong sinabi niya kasi lutang ang isip ko. Naiwan ko yata sa may office. Try ko kayang balikan? Wag na lang. Baka nandun na si Andrew. Eiii.... utak ko ang ligalig. "A-ano yun?" "May susunod na tayong project." Nakangiting aniya. "Anong project?" "Wala pa bang sinasabi si Tito Mike?" Natawa siya. "Naku! Hindi ko siya pwedeng pangunahan dahil pagagalitan ako nun. Nabanggit lang naman niya iyon kanina." "Ano nga yun?" Nakangiting sinulyapan niya ako. "Kung sasabihin ko sa yo makikipag-date ka sa akin?" "HAH?!" Parang nawala sa pwesto ang puso ko sa itinuran niya. Wae!? Nawala nga sa pwesto ang puso ko. "Sasabihin ko sa yo ang good news kung papayag kang mag-date tayo." "Nagbibiro ka ba Renz?" Hindi ko mapakalma ang sistema ko. Nag-uunahan ang kabog sa dibdib ko. Parang may drum na tinatambol sa loob. "Gusto mo bang mag-away na naman kayo ni Liza?" Sandali siyang natahimik pagkasabi ko noon. Sabi ko na nga ba... may feeling akong mali dito e. "Hindi na naman niya malalaman. Nasa malayo siya at wala na kami." Humina ang boses niya sa pagkakasabi nun. Napamaang ako. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at biglang bumaling sa labas. Hindi ko na keri ito. "Paki tabi na lang dyan sa tabi." Sabi ko ng hindi tumitingin. "Hah?!" Nagtatakang react ni Renz. "Dito na lang ako." Inihinto niya sa tabi iyong sasakyan. "Ihahatid kita sa inyo." "Hindi pwede." Iling ko habang tinatanggal iyong seatbelt ko. "Masungit iyong landlady ko. Ayaw niya sa mga bisita." "Rein?" "Salamat sa ride." Mabilis kong itinulak pabukas iyong pinto at humakbang palabas. Lumakad na ako palayo at hindi lumingon. ***** NANGHIHINA ako nang makarating na ko ng dormhouse. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bakit naman ganito ang feeling ko ngayon? Wala lang. Naaalala ko kasi yung sinabi ni Renz kanina. Tsk. Dapat ay matuwa ako kahit konti dahil malaya na si Renz at inaya niya akong mag date. Kung totoong break na sila ni Liza ay may pag-asa na uli ako. Pwede na kami?!! Ganun?! Pero alam kong mali. Maling mali at pati ang puso ko ay sumasangayon sa opinyon ko sa nagaganap. Totoo kayang break na sila ni Liza? Kaya ba ang weird ng feeling ko? Shocks! Ayoko ng feeling na ito. Hindi maganda. Umaasa na naman ako e. Baka masaktan lang ako at ayoko naman nun. Ayoko rin na maging panakip butas lang dahil nagbreak na sila ni Liza. Alam ko kaya na mahal na mahal ni Renz si Liza at hindi ganun kadali na itapon na lang basta ang past nila. Tama Rein, magiging panakip butas ka lang. Magiging rebound ka lang niya kung sakali. Sa huli, kapag nagkaayos na sila ikaw din ang mukhang tanga at kawawa. Saka di naman ako yung taong mahilig makisawsaw sa affair ng iba. Napailing iling ako. Narito na ko sa tapat ng inuupahan ko na room. Marahan kong in-open yung pinto ng silid at pagpasok ko ay may napansin na kong kakaiba. Napaatras ako at mabilis na bumaba uli para hanapin si Aling Maria. "Aling Maria, dumating po si Jona?" Nilingon naman niya ako agad. "Ahh... Oo. Parang nakita ko nga siya kanina. Wala ba sa taas? Baka umalis na naman. Ganyan naman yang kasama mo na yan." Umiling siya. "Mga kabataan ngayon talaga! Mga pasaway!" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Dumating at umalis siya uli? Anong drama nun sa buhay?!! Umakyat na uli ako nang room at sinubukan na tawagan si Jona. Pero panay lang ang ring ng cellphone niya at hindi naman sinasagot. Sobrang nag-aalala na ko sa kaniya. Kahit hindi ko naman siya kamag-anak ay mahalaga pa rin siya sa akin kasi kaibigan ko siya. Si Jona kasi ang tumutulong sa akin kapag nagigipit ako noon. Kahit bagong magkakilala palang kami ay mabait na siya sa akin kaya nakagaanan ko na siya ng loob. Hindi ko masyadong hinahayaan ang sarili ko na ma-attached sa ibang tao pero si Jona, meron kaming mga bagay na pinagkakapareho at naiintindihan ko siya katulad ng pag-intindi niya sa akin. Ulila din kasi sa magulang si Jona. Mag-isa na lang sa buhay. Kaya siguro ganun siya ka-carefree. Kasi wala naman siyang mga bantay at responsibilidad sa buhay. Pareho lang naman kami pero iba kasi yung outlook niya sa life. After nang maraming try na tawagan siya ay sumuko na rin ako. For now. Mula ng dumating ako galing Isla Catalina ay hindi ko pa nakikita si Jona. Nakakabother na. Nahiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Iniiwasan ko noon ang mga ganitong klase ng moment. Iyong, empty ang room. Walang tao maliban sa akin tapos tahimik. Gusto kong magsulat pero walang ideyang pumapasok sa utak ko. Kaya ang moment na ito ay kawalan lang... as in ... i'm lost in my thoughts. Nakita ko sina Andy at Renz kanina. Pati na rin si Andrew. Makikita ko rin ba sina Marielle at Dennis? Ayoko na sanang magkaroon ng anumang koneksyon sa kanila pero paano naman mangyayari iyon? Sa kumpanya nila ako nagta-trabaho. Hindi directly under ng sinuman sa kanila pero ganun na rin. Mga boss ko sila. Mga BOSS. Kasama dun si Andrew dahil --- dahil isa din siyang Escaner. Napabuga ako ng hangin ng maisip yun. Shocks! Ayaw kong mapasali sa magulo na nilang mundo pero hindi ko naman napansin na may Escaner palang nakabantay sa akin. Nakakainis! Hindi ako naging maingat. Dapat napansin ko na noon pa yun. Nalaman ko lang na Escaner pala si Andrew noong nagpunta kami sa siyudad para sa group date nina Dennis. Nagpaiwan ako sa hotel at nagresearch lang ako nang mga bagay bagay tungkol sa mga Escaner. At noon ko natuklasan na may kapatid nga palang mas bata si Dennis. And that was none other than Andrew. Nalaman ko na may kapatid pa silang babae na years ago lang nang isapubliko. Illigitimate kasi pero noon iyon. Ngayon legal na. Lahat sa isla na iyon ay pagpapanggap lang. I can't believe i put myself into that mess. Nakakainis!! Wala na yung ordinary life ko. Na-ruin na. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan na lang ako nang gising mga past 10pm. Nakaramdam ako ng gutom. Naupo ako at chi-nek yung phone ko then i saw it. Nanlake ang mga mata ko. Missed Call from Jona. Dalawang beses lang at hindi pa yun nagtatagal na oras. Mabilis kong idinial ang numero niya at after few rings ay sumagot na siya. "Jona?!!" Bungad ko. Pero hindi ko siya agad narinig kasi ang ingay ng background niya. Nagtaka tuloy ako. "Hello. Sino toh?!" "Jona si Rein ito. Nasaan ka?" Narinig ko yung pagsinok niya. God! Lasing siya. "Rein?! Oi, namiss ko ang ganda ng boses mo. Ang cute cute talaga!!" "Tss. Jona, lasing ka ba?!" "Oo. Konti. Medyo. Parang." "Nasaan ka?" Past 10 pm pa lang lasing na tong babaeng ito?! May binanggit siya na kilalang bar at ninote ko naman agad. "Wag kang aalis dyan ha. Susunduin na kita." "Dala ka ng pera hah." Tapos ay tawa niya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Pasaway! Pasaway talaga! In-end ko na yung call at mabilis na kumilos para mag-ayos ng sarili. Mga minutes lang ay pababa na ko papunta sa first floor ng dormhouse. "O, saan ka pupunta?" Tawag pansin ni Aling Maria na nasa maliit na salas pa pala. Nanunuod pa ng kung anong drama sa TV. "Susunduin ko po si Jona." Mabilis ko iyong sagot na deretso sa pinto. May sinasabi pa si Aling Maria pero hindi ko na narinig kasi patakbo na akong lumabas. Paglabas ko nang gate ay napahinto naman ako at wala sa loob na napalingon sa kanan ko. Nagulat ako. Bahadyang napanganga ang mga labi sa pagkagulat at walang kurap na napatitig sa isang taong nakatayo at nakasandal sa isang itim na sasakyan. Nang makita niya akong lumabas ng gate ay parang nabigla din siya. Pero saglit lang kasi mabilis na naging blanko ang expression niya. Ang galing niya talaga sa gawaing iyon. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kaniya. Nang humakbang siyang papalapit sa akin ay biglang kabog na naman ng dibdib ko at nabuhay ang mga paru paro sa sikmura ko. Ganito lagi ang epekto niya sa akin e. "An-Andrew?!" Mahinang anas ko nang huminto siya sa paghakbang ilang steps mula sa akin. Matiim na naman siyang nakatitig sa akin. Shocks! Ang galing naman talaga niya. Nahanap niya ko AGAD! "May pupuntahan ka ng ganitong oras?" Sa mga sinabi niyang iyon ay biglang nag-snap sa utak ko kung ano sana ang gagawin ko. Napatingin ako sa kotseng nasa likod niya. "Dala mo ba yan?" Ani ko, tukoy iyong kotse na mamahalin sa likod niya. Saglit siyang nag-isip. "Yah. Dala ko." Lihim akong napapiksi. "Ganun?" Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Can you give me a ride?" Nagtataka ang tingin niya sa akin. ***** AFTER hour ay nasa loob na kami ng isang sikat na Bar sa metro. Atubili akong pumasok sa loob. Nakarating na ako sa bar na ito may ilang beses na dahil sa mga event at gathering na ginagawa ng company pero hindi ko talaga gusto ang lugar. Masyado kasing maingay at mausok. Well, ano pa nga bang maasahan mo sa isang bar? May ilang beses akong nabangga sa mga taong nasasalubong ko. Ewan ko ba kung bakit parang ang sikip sikip ng lugar na iyon. O dahil mga lasing na ang mga naroroon kaya 'kala nila ay ang luwang ng daan. Tss. Napapamura ako sa isip lang. Ayaw kong maghanap ng gulo sa ganitong klase ng lugar. Naramdaman ko naman ang kamay ni Andrew na maingat na nakaalalay sa akin. Sinulyapan ko siya pero sa paligid lang siya nakatuon. Doon siya sa mga taong nasasalubong namin nakatingin. Biglang may lalakeng umatras papunta sa pwesto ko at bumangga sa akin ng malakas. Muntik na kong madapa pero mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at hindi ako nasubsob sa sahig. Atsaka nakasalo agad sa likod ko si Andrew. Naramdaman ko nga yung mahigpit na pagpulupot ng braso niya sa beywang ko then hinila niya ako ng padikit sa katawan niya. Iyong itsura namin, yakap niya ako mula sa likod. Kinilabutan ako. "Sorry Miss." Wika nung lalakeng nakabangga sa akin at umangat pa ang kamay para hawakan ako pero mabilis na pumigil dito si Andrew. "Tch! Hands off!" Bulyaw ni Andrew sa lalake sabay tulak rito. Natigalgal naman ako sa gulat. Mula bumbunan hanggang talampakan ay kinilabutan ako. Nagblush ako at mabuti na lang at hindi nakita ni Andrew yun dahil sa malamlam na liwanag sa paligid. Ramdam ko kasi yung init ng katawan niya mula sa likod ko. Pati yung mainit niyang paghinga na dumadampi sa ulo ko, feel na feel ko. Nanginginig ako. Walang salitang umatras palayo yung lalake. Ako naman, marahas kong tinanggal yung braso ni Andrew na nakayakap sa kin. "Tsansing ka!" Mariing puna ko sa kanya saka ko sinundan ng matalim na irap. Pero ang bilis ng pintig ng puso ko. Sobra. Hindi ko nga alam kung panu ko nagawang humakbang pa. Huminga ako ng malalim para makalma ang sistema ko. Kahit konti. Inilibot ko na lang ang mga mata ko sa paligid. Nakaikot na kami sa paligid ng dance floor. Then hindi din nagtagal ay nakita ko si Jona. Nasa may dance floor din at nagsasayaw sa gitna ng karamihan. Natigilan ako saglit at minasdan ang kilos niya. Halata sa galaw nito na lasing na siya talaga. Napailing ako. Matagal ko na siyang napagsabihan sa ugali niyang iyon e. Nawawala kasi siya sa sarili niya kapag nalalasing. Linapitan ko na si Jona at hinawakan ng mahigpit sa braso. "JONA?!!" Malakas kong tawag sa pangalan niya. Nilingon naman niya ako agad. "OI, REIN!! Nandito ka na nga. Ang bilis ahh." Ngumisi pa siya sa akin. "Lumipad ka ba?!" "Lasing ka lang. Halika na at umuwi na tayo." Pero bigla niya lang hinila ang braso niya mula sa akin. "Ayoko! 'Maya na! Halika, samahan mo muna ako." Tapos ako naman ang hinawakan niya sa braso at hinila papunta sa gitna ng dance floor. May malakas at mabilis na beat ng tunog sa paligid. "AYOKO! Jona?!!" Pigil ko sa kaniya. Nabitiwan niya ako ng dumating si Andrew at pinigilan na siya. Nabigla si Jona pero saglit lang. "May date ka?! Andaya!?!" Napangiwi ako sa sinabi niya. "Halika na. Ako nang bahala sa kaniya." Sabi ni Andrew tapos ay hinila na niya si Jona papaalis ng dance floor. Mabilis naman akong sumunod sa kanila. Nang marating namin ang kotse ni Andrew ay ibinigay muna niya sa akin yung keys nun at hinayaan ako na magbukas nung pinto sa likod na passenger part. Nagpupumiglas naman si Jona mula sa pagkakahawak ni Andrew. "AYOKO PANG UMUWI! SANDALI! AYOKO PA!!" Nagwawala na si Jona habang pilit namin siyang pinapapasok sa loob ng sasakyan. "JONA?! ANO BA?! LASING KA NA E! TAMA NA!" pigil ko sa kaniya pero nahihirapan ako kasi mas malakas siya di hamak kesa sa akin. "Mamaya na ko uuwi. Ahhh!!" Bigla siyang binuhat ni Andrew at isinakay sa kotse. Nabigla ako pero saglit lang. Wala na yatang ibang paraan e. "S**T!! SINO KA BA?!" Sigaw ni Jona at muntik nang maabot ang buhok ni Andrew para sabunutan. Shocks! Wala talaga siya sa sarili niya. "Sakay na Rein." Baling sa kin ni Andrew. Pinapasok niya ko sa tabi ni Jona sabay sarado ng pinto. Umikot siya para makarating sa may driver side ng kotse. "Sino ba sya?!" Bulyaw ni Jona sa tapat ng tenga ko. "Sino ka ba?! Boyfriend ka ba ni REIN?!! HHA?! HA?!!" Sigaw niya kay Andrew pagkaraan. Napapailing si Andrew habang inihahanda iyong makina ng sasakyan. "Ang ingay mo Jona. Tama na. Matulog ka na lang." Sabi ko habang hawak si Jona sa magkabilang braso. "Boyfriend mo? Boyfriend mo ba yan?!!" Pabulyaw na ani Jona sa mukha ko. Napasimangot ako nang sobra. Paano naman, iyong amoy ng alak. Nakakahilo. "Hahaha..." tawa ni Jona. "Hiwalayan mo na siya. Hiwalayan mo siya dahil iiwan ka din niya at ipagpapalit sa iba!!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ano bang sinasabi mo?!" "Iiwan ka lang niya. Sinasabi ko sa yo! Ngayon pa lang!! Kapag nakuha na niya ang gusto niya. Kapag binigay mo na lahat lahat sa kaniya. Iiwan ka rin niya dahil ganun lang yun para sa lahat ng lalake. MGA MANLOLOKO! MANGGAGAMIT!! P@$$!/@& yan!! MGA MANLOLOKO SILANG LAHAT!!!" Biglang umiyak ng malakas si Jona. Napa-inhale ako ng maraming hangin. Hindi ko alam kung paano pigilan ang bunganga ni Jona pati yung pag-iyak niya. Pagsulyap ko kay Andrew ay nakita ko yung pagtagis ng mga bagang niya sa galit. Ayaw nga pala niya sa umiiyak lalo sa kotse at sa harap niya. Nag-alala naman ako. "IKAW!!" Biglang binalingan ni Jona si Andrew. Namumula ang buong mukha niya sa kalasingan. "KILALA KO NA MGA TULAD NIYO!! MANLOLOKO! MANGGAGAMIT! ANONG AKALA NIYO SA MIN?!! LARUAN?!! KAPAG NAPAGSAWAAN NA ITATAPON NA LANG BASTA! T#/@/@^# NIYO!!" "JONA?!!" Buong lakas ko siyang hinila pasandal sa may upuan. "MANAHIMIK KA NA!!" "SINASABI KO LANG NA GANUN DIN ANG GAGAWIN NIYA SA YO!!" "Tch! Hindi ako ganun." Narinig kong sagot ni Andrew. Tinapunan ko si Andrew ng makahulugang tingin. "Wag mo ng patulan." "TALAGA?! HINDI KA GANUN?! SINUNGALING!! Lahat naman kayo ganyan ang sinasabi sa umpisa! Dahil sa umpisa lang kayo magaling!!" Si Jona uli. "Aisht!! Ano bang gagawin ko para tumahimik ka na lang?!" Natataranta na ko sa nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko. "AGH!" sigaw ko bigla. Nagulat na lang ako at napaatras mula sa kinauupuan ko nang biglang may sumaboy na tubig sa mukha si Jona. Pagtingin ko kay Andrew ay may hawak na siyang bottled mineral water at nangalahati na ang laman nun sa ginawa niya. "ANDREW?!!" Malakas kong sigaw. Sigaw iyon dahil sa matindi kong gulat. Natahimik naman si Jona. Samantalang si Andrew ay hindi naman natinag sa kinauupuan nito. "Feel better hah!" Mariing wika ni Andrew habang galit ang mga matang nakatingin kay Jona. "Kung naloko ka ng isa wag mong lahatin. Hindi ako ganun dahil wala akong balak na lokohin si Rein." Saglit nabitin ang paghinga ko sa sinabi niya. Natulala ako. Hindi na ako pinansin ni Andrew basta bumaling na siya sa may manibela at pinaabante na yung sasakyan. Iyong mahinang paghikbi ni Jona ang nakapagpabalik sa lumipad kong utak. "Ta-tama na Jona." Mariing bulong ko. Niyakap ko na siya at hinimas ang likod niya para patahanin. ***** *****.***** ***** Tulog na si Aling Maria nang makarating kami ng dormhouse. Mabuti naman iyon dahil hindi ko rin kasi alam kung paanong bubuhatin si Jona paakyat ng second floor ng bahay. Nakatulog na kasi ito sa biyahe. Kahit hindi pa ako humihiling kay Andrew ay kusa na niyang binuhat si Jona at pinasok sa loob ng bahay hanggang sa silid namin. "Salamat, Andrew." Mahinang wika ko ng maibaba na niya sa kama si Jona. Napahugot siya ng malalim na buntunghininga bago ako hinarap. "Kayo lang ba dito?" "May dalawa pang okupadong room sa tabi nito. Pero dito, kami lang dalawa." Tumango siya. "I see." Humakbang na siya palapit sa pinto. "Ihatid mo ko sa labas. Bawal ang outsider dito sa dormhouse niyo di ba?" Napamaang ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? Lumabas na siya ng room at sinundan ko naman siya hanggang sa may gate. "Wag ka ng lumabas ng gate. Ilock mo na lang." Aniya tapos ay humarap sa akin. "Rein?" Hindi naman ako nakaimik. Wala akong masabi. Maayos na uli iyong expression niya. I mean, hindi na siya galit. "Sorry dun sa pagbuhos ko ng water sa kaibigan mo. Lasing kasi kaya kelangan niyang magising kahit paano." "O-okay lang sa akin." Kahit medyo napangitan ako dun sa paraan niya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya yun nagawa. "Sana lang hindi gawing big deal iyon ni Jona." "Sana nga." Bulong ni Andrew. "Sana din ay wag mong paniwalaan ang sinasabi niya kanina." Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. "Wala akong balak na lokohin o saktan ka na katulad ng sinasabi niya. Hindi rin kita iiwan kahit anong mangyari." Hindi ako nakakilos ng marahang gagapin niya ang mga kamay ko dalhin iyon sa kaniyang mga labi. Hinalikan niya iyon ng matagal. Kinilabutan na naman ako at ramdam na ramdan ko iyong pagdaloy nangbmaraming mahihinang boltahe nang kuryente sa buong sistema ko. Nangangapal ang mukha ko sa pamumula. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko pagkaraan ng ilang saglit. "Sana pagtiwalaan mo ako Rein. I'm layin' my best on this. Please trust me?" Nag-connect ang mga mata namin. Matagal na magkahinang. Malalim na nangungusap ang mga mata niya sa akin at umaasa sa positibo kong sagot. Words are floating on my mind. I'm lost. I wanted to say it. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Nagsusumigaw. But i can't say the words. Bagkus, iba ang salitang nasabi ko. Iyong bagay na nasa sa loob ko ngayon mismo. "Can i really trust you, Andrew?" Yun lang nasabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD