PAGE 15 Miss you ********* Nakita ko iyong nanghihinang pagbangon ni Jona mula sa higaan niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lubusan na siyang nakaupo. "Hang-over?" agaw pansin ko sa kaniya. Mahina lang siyang nagtango ng ulo. Lumapit ako at inabot sa kanya ang isang baso na may lamang tubig atsaka gamot. "Inumin mo ito para mawala yung hang-over ta's wag ka na munang mag duty sa work mo ngayon. Magpaalam ka na lang." Tumango lang siya habang kinuha sa akin yung inaabot ko. "Papasok ka?" "Uhumm." Sagot ko at muling lumapit at humarap sa salamin. Sinulyapan ko siya mula sa repleksyon nito. "Bakit ka naglasing?" "Nagbreak kami ng boyfriend ko." Blankness ang expression ng mukha niya. Parang may malalim na iniisip. "Nag-break lang parang gumuho na mundo mo? Pang-il

