Sa pagpapatuloy... Jin's POV Ilang taon na ang nakalipas magbuhat nang magdesisyon si papa na tuluyan nang hiwalayan si mama. Pinilit ni papa na maging maayos ang pagsasama nila ni mama ngunit si mama na ang siyang kusang umayaw at bumitaw sa kanilang pagmamahalan. Masakit para kay papa na tanggapin ang lahat lalo na't batid ng Dios kung gaano niya kamahal si mama ngunit nagkaroon na rin ng hangganan ang lahat ng sakripisyo at sakit na idinulot sa kaniya ni mama. Alam kong mahirap, ngunit nakasisiguro ako na darating din ang tamang panahon na maghihilom ang lahat ng sugat na dulot ng masaklap na kahapon. Inaamin ko na may mga sandaling hindi ko maiwasan na isipin si mama lalo na't sa kanilang dalawa ni papa ay siya ang mas malapit sa akin. Kaya ganoon na lamang ang labis na kirot na na

