Remmy's POV Mabilis kong inilayo ang aking mga labi mula sa pagkaka-ugpong sa kaniyang mga labi nang bigla kong maalala si Yuri. Ang lalaking iniibig ko, ang siyang nagmamay-ari sa puso ko. Isa itong malaking kataksilan sa relasyon namin lalong-lalo na sa pagmamahal niya sa akin. Bakit ako nagkakaganito? Bakit ko hinayaan ang aking sarili na magpadala sa aking emosyon? Paano ko nagawang pagtaksilan ang pagmamahal niya sa akin? Isang malaking kahihiyan! Nakakahiya ako dahil hinayaan ko ang ibang lalaki na humaplos sa akin, hinayaan kong humalik sa mga labi ko na dapat sana'y si Yuri lamang. Bakit hindi ko man lamang naisip na may lalaki ng nagmamay-aari na sa puso ko? Bakit? Bakit? Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili. Hindi ko alam kung anong klaseng espirito ang sumapi sa a

