Kasalukuyan Third Person's POV Nanatili si Jin mula sa kaniyang kinatatayuan habang sinasariwa ang mapait na kahapon. Wala pa ring humpay sa pagbuhos ang masasaganang luha mula sa kaniyang mga mata dahil sa labis na kirot na nararamdaman ng puso niya. Kay tagal niyang inasam ang pagkakataon na muling makita at makasama ang bukod tanging babae na itinitibok ng puso niya ngunit huli na ang lahat nang abutan niya ito dahil nasa piling na ito ng ibang lalaki. Parang isang matalim na punyal na bumaon sa kaniyang dibdib nang sandaling masaksihan niya kung gaano kasaya si Remmy sa piling ng iba. Labis-labis siyang nasaktan habang ito'y masaya at punong-puno ng pag-ibig ang mga mata. "Alam kong wala akong karapatan na makaramdam ng anumang kirot ngunit nasasaktan ako, nadudurog ako ng sobran

