Remmy's POV Pagkatapos naming mag-usap ni Jin ay nagpaalam na ito. Nasa loob pa rin ako ng silid, nakatayo habang wala pa ring humpay sa pagbuhos ang aking mga luha. Masakit pa rin sa loob ko ang mga nangyari ngunit kailangan kong tanggapin na hanggang doon na lamang ang hangganan ng aming ugnayan. Alam kong mahirap, ngunit kailangan ko nang putulin ang anumang damdamin na nararamdaman ko para sa kaniya dahil ayaw kong maging unfair ang lahat para kay Yuri. Mahal na mahal ko si Yuri at ayaw ko siyang saktan. Masakit ngunit naniniwala ako na darating din ang tamang panahon na makakakilala si Jin ng babae na siyang magpapahalaga at magmamahal sa kaniya nang higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko noon para sa kaniya. Ang tanging hiling ko sa Poong Maykapal, sana'y panatilihin siyang li

