Third Person's POV Natigilan si Remmy nang marinig niya ang boses ni Yuri. Hindi niya alam kung nagkataon lamang ang lahat ng ito o sinasadya ng pagkakataon na pagtagpuin ang kanilang mga puso. Sa pagkakataong ito ay wala na siyang maisip na paraan kung paano pa maiiwasan ang mga bagay na maaaring mangyari. Ramdam ni Remmy ang mga hakbang ni Yuri na papalapit sa kaniyang direksyon. Hindi niya alam kung paano ito haharapin na ganoon ang kaniyang itsura, mugto ang kaniyang mga mata at halos hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa labis na kirot na nagpapahirap sa kaniyang dibdib. "Anong ibig sabihin ng lahat ng ito, Ciara? Hindi ba't nag-usap na tayo, hindi pa rin ba malinaw sa 'yo ang lahat?" mariing tanong ni Yuri nang makalapit na ito sa direksyon nina Remmy at Ciara. "Mahal ko

