Remmy Mabilis akong tumakbo palayo mula sa direksyon nina Yuri at Ciara. Sigurado ako sa mga sandaling ito ay sinabi na ni Ciara kay Yuri ang tungkol sa lahat ng mga nangyari. Sigurado rin ako na kamumuhian ako ni Yuri kaya tama lang ang naging desisyon ko na tumakbo na lamang palayo kaysa maging komplikado pa ang lahat ng bagay sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na inalintana ang mga taong nakakasalubong ko sa gitna ng hallway. Ang tanging mahalaga sa mga sandaling iyon ay makaalis ako sa lugar na ito. gusto kong mapag-isa hanggang sa tuluyan nang tumila ang mga luha na patuloy pa ring bumuhos mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Sinusunod lamang ng katawan ko saan mang direksyon nais nitong pumunta. Gulong-gulo na ang isip ko. Litong-lito na a

