KABANATA 34

2133 Words

REMMY "Akala ko kung napa'no ka na! Kanina pa ako sa 'yo nag-aalala!" Mabilis na lumapit sa akin si Kate at mahigpit akong niyakap. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala dahilan para mas lalo akong makaramdam nang matinding guilt sa aking sarili, pinag-alala ko siya sa walang kuwentang bagay. Gusto kong pagalitan ang sarili ko nang paulit-ulit dahil pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay mayroon pa akong lakas ng loob na harapin siya. Gustong-gusto kong isumpa ang sarili ko dahil nagawa kong traydurin ang pinakamatalik kong kaibigan. Nagkatinginan kami ni Mary Anne, ngunit mabilis nitong iniwas ang kaniyang mga mata. Hindi ko siya masisisi anuman ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito at mas lalong hindi ko siya masisisi kung biglang nag-iba ang tingin niya sa akin pagkatapos ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD