KABANATA 27

1119 Words

Remmy's POV Kasalukuyan akong nasa gitna ng pagsusulit kasama ang tatlo pa sa mga kaklase ko na lumiban din noong araw ng finals namin. Sabi sa akin ni Mary Anne, ang babaeng nasa gawing kanan ko ay nagkataon daw na nagkasakit ang mama niya kaya napilitan siyang lumiban. Nagtatrabho umano ang papa niya sa ibang bansa ganoon din ang nakatatanda niyang kapatid kaya walang ibang naiiwan sa bahay nila kundi ang mama niya na siyang nag-aasikaso sa lahat ng nga gawaing bahay. Ang sabi naman ni Arci, ang babaeng nasa gawing kaliwa ko, wala raw siyang nakuhang pamasahe sa araw na iyon. Ginawa niya na umano ang lahat ng makakaya niya ngunit bigo siya na makahanap ng pera lalo na ngayon na panahon ng pandemic. Isang simpleng may-bahay ang kaniyang ina samantalang ang ama naman niya ay namamasada

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD