Ciara's POV Parang mga karayom na bumaon sa aking dibdib ang bawat salitang binitawan ni Yuri. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit gustong-gusto ko na palaging saktan ang damdamin ko. Nanatili ako sa aking pagkakayuko habang kuyom ang aking mga kamao. Tuluyang kumawala ang mga luha mula sa aking mga mata dahil sa labis na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko kayang tingnan si Yuri sa mga mata dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa lalo na sa kaniyang harapan. Highshool pa lamang ako noon nang magsimula akong magkagusto kay Yuri. Taglay niya ang mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki; pogi, matalino, maabilidad, maganda ang hubog ng pangangatawan, gentleman, mayaman at higit sa lahat ay may puso para sa mga taong nangangailangan. K

