Yuri's POV Excited akong gumising dahil ito ang pinaka-unang araw namin ni Remmy bilang magkasintahan. Hindi na ako makapaghintay pa na muli siyang makita at makasama. Ngunit bago ang lahat, may importanteng bagay pa akong kailangan gawin. Gusto kong kausapin si Ciara tungkol kay Remmy. Hinding-hindi matatahimik ang loob ko hangga't hindi ko nakaka-usap si Ciara nang masinsinan. Alam kong may sinabi siya kay Remmy na dahilan para masaktan ang damdamin nito. "Mukhang maaga ka ngayon, anak," sabi ni mama. Nasa hapag-kainan ito kasama nina papa at Kate na masayang kumakain ng agahan. "Sorry, kuya kung hindi na kita ginising. Ang alam ko kasi'y alas nuebe pa ng umaga ang first period ni'yo," sabi naman ni Kate. "I have something to take good care of, that's why," sagot ko. Nagkatinginan si

