Remmy's POV Baon ng puso ko ang labis na kirot hanggang sa maka-uwi na ako. Pakiramdam ko'y pinagtatataga ang dibdib ko ng ilang libong beses dahil sa labis na kirot na aking nararamdaman. Ang inaakala kong masayang pagkikita namin ni Yuri ay nauwi lamang sa labis na sakit at kalungkutan. Nagdidilig si mama ng mga halaman sa bakuran nang madatnan ko. Inabot ko ang kaniyang kamay at nagmano. "Kumusta ang lakad mo, anak? Nag-enjoy ka ba?" sabik na sabik na tanong sa akin ni mama. "Opo, ma," matamlay kong sagot. "Sige po, magbibihis lang po muna ako," paalam ko matapos ay tumalikod na. Dahan-dahan akong napadausdos sa sahig. Sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi akin ni Yuri ay mas lalo lamang akong nasasaktan. Pinilit kong ngumiti at magpanggap na tila okay lang ang lahat sa harap ni

