Remmy's POV Kasalukuyan... Mahigit labing-anim na taon na rin pala ang nakalipas ngunit ang lahat ng mga nangyari noon ay sariwa pa rin sa aking alaala, ang maamo niyang mukha, ang malamyos niyang tinig at ang init na nagmumula sa kaniyang palad. Araw-araw akong nag-aabang, nagbabaka-sakali na mapadaan siya ngunit lumipas ang maraming taon ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na muli siyang makita, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na muling makasama ang itinuturing na first love ko. Ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana. Hindi ko namalayan na tuluyan na palang nilamon ng dilim ang buong kapaligiran. Siguro nga talaga ay sinadya lamang ng tadhana na pagtagpuin kami sa pagkakataon na iyon at mabilis ring pinaghiwalay dahil sa isang rason. Kung hindi marahil dumating

