Remmy's POV Labing-anim na taon na ang nakalipas... December 24, 2005 9:00 PM Bigla akong nagising nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa kusina. Agad akong bumangon mula sa kama at isinuot ang panloob kong tsinelas. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa may kaliwang bahagi ng pintuan, eksakto alas nuebe na ng gabi. Ilang oras na lamang ang nalalabi bago sumapit ang pasko. Bago ako lumabas ng aking silid ay excited akong isinabit sa likod ng pinto ang isang pares ng pulang medyas na binili sa akin ni mama noong nag-intermission dance ako sa foundation ng paaralan na pinapasukan ko ngayon. Kinasanayan ko na kasi na magsabit ng pulang medyas sa tuwing sasapit na ang pasko dahil sa paniniwala na nagbibigay si Santa Claus ng maraming regalo sa mga batang tulad ko. At ni minsa

