Chapter Thirty-five -Jacinto- Nakatayo ako ngayon dito sa may balkonahe ng aming kuwarto ng aking asawa at nakatingin sa kalangitan madilim na rin naman ang kalngitan subalit masasabi kong magnada ang gabi ngayon. Isang payapang gabi ang aking nakikita at alam ko rin na ito na ang simula ng aming masayang pagsasama ng aking asawa kasama ang aming mga mahal sa buhay. Nasa ganon akong pag-iisip ng maramdaman kong may mga bisig na pumulupot sa bewang ko at napapangiti na lang ako ng mapagtanto ko kung sino ito at kung gaano kasaya sa pakiramdam na kasama mo ang taong sobra mong mahal ng mahabang panahon, sa dami ng aming pinagdaanan ay hindi ko aakalain na ganito pala kasarap na may malaman mong may isang taong handa akong tanggapin kahit pa sabihing hindi maganda ang ginawa ko dito noong u

