Chapter Thirty-six -Arriya- “Iha, anak kmusta kana? Pwede ba tayong mag-usap?” Malungkot na salita ni Mommy sa akin andito kami ngayon sa may swimming pool area, kanina ko pa napapansin na gusto ako ni Mommy makausap kaya naman dito ako nagtungo ng sa ganoon ay makapag-usap na rin kaming dalawa. Hindi naman ako galit dito dahil sa mga nalaman ko, pero napapaisip parin ako kung anong klaseng pamilya ba talaga meron kami at bakit ganoon na lang karami ang lihim ng pamilyang ito. Wala naman akong karapatan na manghusga dahil alam kong may dahilan ang lahat ng ito at hindi rin biro ang mga pinagdadaanan ng aking mga magulang, maging ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya rin namang problem ana iniisip kaya ayokong mas lalong maging pabigat sa mga ito ng dahil lamang sa gusto kong malaman at

