Chapter Thirty-seven -Arriya- Hampas ng mga alon sa aking paa ang nararamdaman ko habang naglalakad sa may dalampasigan, tahimik ang karagatan at masasabi kong kalmado ang buong paligid. Kakatapos lang ng aming kasal ni Jacinto at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na masaya na kami ngayon sa kabila ng lahat ng aming napagdaanan. Dito ako dinala ng aking mga paa ng maisipan kong lumabas kanina mula sa kuwarto ng dalawa ni Jacinto, ngayon ko lang din nalaman kung gaano talaga kayaman ang aking aaswa at kung ano talaga ang trabaho nito. Maging aking mga kapatid na lalaki ay ngayon ko lang din natuklasan kung ano talaga ang kanilang mga lihim na trabaho, hindi ko naman nagawang husgahan silang lahat dahil kahit alam kong kayan nilang pumaslang ng tao ay may tamang dahilna pa r

