CHAPTER 3

2938 Words
CHAPTER 3 I was so hyper the whole day. Namataan ko pang nagulat si Tiyang ng makita akong pumanaog ng maaga, bihis na bihis at preparadong pupunta na sa eskwelahan. “Himala, Mhel!” Si Tiyang na tila nahihiwagaan. Umupo ako at mabilis na nilantakan ang hotdog na inihanda niya sa hapagkainan. “Maaga po kasi akong natapos sa review ko kagabi kaya maaga din akong nakatulog.” I reasoned out which is true. Hindi kasi ako masiyadong babad sa cellphone dahil hindi naman ako active sa mga social accounts ko. Isa pa, pahirapan ang signal dito sa amin. We can’t even install a WIFI connection here. Ang sabi ng PLDT ay baka next year pa silang magsimulang mag-install dito. Depende na din kong marami ang magpapakabit. We tried buying pocket WIFI but no avail. Cantugas is like a dead zone when in terms of internet connection. Kaya halos lahat ng mga estudyanteng willing na pumanaog patungong tribo ay nagtitiis na lang. Mas malakas kasi ang signal doon keysa dito sa barangay. Nang matapos akong kumain ay mabilis akong lumabas ng bahay. Abot tenga ang ngiti ko sa bawat apak ko sa hagdanan pababa. “Ate!” Tawag sa akin ni Forrest habang papalabas siya ng mansiyon. He was wearing a white polo uniform and black slack paired with a black school shoes. I heard yesterday that Greg enrolled Forrest last week. Akala ko ay hindi na siya tatanggapin ng school. Malapit na rin kasi ang sembreak. Forrest is already behind. Nagkibit balikat na rin lang ako. Kilala naman kasi ang mga Montellana sa buong lungsod. Dati kasing Mayora ang mga lola at lolo nila. They were known to be the most influential family here in our province once. Hanggang ngayon ay palaisipan kung bakit unti unting nawawala sa kanila ang lahat gayong wala namang nababalitang korupsiyon patungkol sa pamamalakad ng pamilya nila. I waved at him. “Wow! Gwapo natin ngayon, ah?” Kumunot ang noo niya sa akin. Tumawid ako ng kalsada patungo sa kanya. Habang siya ay inilagay ang bag sa kanyang Honda na motor at inilabas sa kanilang gate. “I’m always handsome, Ate. What’s with that question?” Kita ko ang pamumula ng pisngi niya sa sandaling tumama ang sikat ng araw sa kanya. Paniguradong pagkakaguluhan ito sa campus. Masiyado kasi siyang gwapo para turingang isang tipikal na probinsiyano. Kunbaga, he’s not the stereotype of being a province’s gentlemen. Hinampas ko kaagad ang balikat niya dahil sa kanyang kayabangan. “Umuwi ka lang naghasik ka na naman ng kayabangan.” Sumimangot siya at hinimas ang nasaktang balikat. “Ang brutal mo talaga, Ate. Katulad ng dati, parang bakal sa bigat niyang kamay mo.” Tumawa ako sa sinabi niya. I was slightly offended but I heard that from him many times before. Wala na itong effect sa akin. “Oh, shut up! Pikon ka lang dahil hindi mo ako matatalo.” “Kung makaasta ka akala mo naman ilang taon ang tanda mo sa akin.” Umismid siya sa akin. “Kasalanan ko ba iyon! Ikaw itong tawag ng tawag ng Ate sa akin kaya ka nasasanay tuloy.” He smirked. “Utos ni Kuya. Hindi pwedeng baliin. He might punch me for real.” Nagtataka akong nag-angat ng tingin sa kanya. “Ha?” Umiling siyang natatawa. “Wala.” He then handed me a white helmet. “Sakay na. Sabay na tayo patungong school.” Saad niya at pilit akong pinapaangkas. “Baliw ka ba! You are not still eighteen yet. Wala ka pang lesensiya.” Nilingon niya ako. Ang ekspresiyon niya ay tila nababagot sa mga litanya ko. “Come on, Ate. We will be going to be late. Besides, wala namang check point patungong school. I can drive now, what’s the fuss?” “Did Greg know about this?” “Ibibigay niya ba sa akin kung hindi?” Naiinis ko siyang tinapunan ng tingin. “Eh, nasaan ba kasi ang Kuya mo? Siya na lang ang maghahatid sa atin!” Akmang papasok ako ng gate nila ng pinigilan niya ako. “f**k!” Narinig kong mura niya ng hindi ko siya nilingon. “Damn it! Lagot na naman ako ni Kuya nito.” Hindi pa man ako nakakaabot sa pinto nila ay bumukas iyon at iniluwa ang isang babaeng mas matanda sa akin ng ilang taon. She was smiling from ear to ear to Greg but when she saw me at the door, her smile died. “Hi, Mhelanie…” Nahihiyang bati sa akin ni Susana. What the heck is she doing here? I looked at Greg. I saw how his smile fades into something unknown expression. Dumilim ang mukha niya at bahagyang kumunot ang noong nakatitig sa akin. Ang gwapo niya sana pero nagsimula nang ngumitngit ang pakiramdam ko. “Why are you still here?” His baritone voice spills to my ears. Ako pa talaga ang tinatanong niya? Parang pinagsisihan ko ata ang kasiyahang ipinagdiriwang ko kagabi. I assumed that Greg likes me because he challenges me last night, but I was wrong. Damn! Tuluyan na talagang nasira ang araw ko. “Nothing. Kukuha lang ako ng payong baka kasi uulan mamaya. Walang payong dala si Forrest kaya ako na mismo ang kumuha.” Saad ko at mabilis na pinulot ang payong na naka-display kasama sa shoe rack nila. Umangat ang kilay niya sa sinabi ko. Angat angat pa, peste! Kinukumbulsiyon ang puso ko sa galit at para hindi mapahiya ay dinahilan ko na ang payong. I don’t think it will rain later but I hopefully wish that it will rain hard. Tinalikuran ko sila bago nagpaalam. Naiinis ako pero hindi ako aalis na luhaan. Tandaan mo, Greg. Crush lang kita! Ang sarap ihampas ng payong sa gate nila. “Oh, anong tinitingin mo diyan?” Angas ko kay Forrest. Ngumisi siya na parang natatawa. Umalis siya sa pagkakahilig sa gate at mabilis na sumakay sa kanyang motor. “Stop being jealous, Ate. Binisita lang naman niya si Kuya dahil magkakaroon nang reunion sa batch nila.” Narinig kong tinawag kami ni Greg pero hindi ako lumingon. “I’m not jealous, Four.” I sighed and climb the motorcycle. “I’m just disappointed.” Susana is an elementary teacher. One year na siyang nagtuturo dito at kilalang sa buong baryo. She’s not just beautiful but she’s kind too. Kaya iyon ang rason kung bakit mas sumasama ang pakiramdam ko. Her family was known here in the town. Malaki kasi ang lupain nila sa buong lungsod at mataas ang kapit sa mga politiko dito sa amin. “Wear your helmet properly, Mhelanie.” Napaigtad ako ng naabot kami ni Greg. Nilingon ko siya. Kahit sa umaga ay hindi ko maiwasang punahin ang katangian niya. He’s really so handsome with just his plain T-shirt and black short. Ka-gwapo bang engineer uy. “Don’t worry, Kuya. Forrest will take care of me for sure.” Sagot ko. Umigting ang bagang niya sa tawag ko sa kanya. Oh, Greg? What’s with that expression, huh? Tama naman ah! Ngayon mas napagtanto kong dapat ko nga siyang tawaging Kuya. Anim na taon ang agwat ng edad namin at dapat lang na tawagin ko siya ng ganoon. Ang plastic, Mhel… “Kuya, huh?” His voice leaves a dangerous path on my system. He tilted his head cockily. Forrest chuckled. Greg glared at him immediately. Napaubo si Forrest at kunyaring inayos ang helmet. “Umalis na kayo. It’s nearly eight.” Then he glanced at his brother. “Drive safely, Four. Wala ka na sa siyudad.” Iyon lang at suplado akong tinapunan ni Greg ng tingin bago umalis at tinungo ulit ang naiwang si Susana sa pinto. As much as I wanted to roll my eyes at her, I just smile instead. Hindi niya kasalanan kung bakit siya maganda. Kasalanan ni Greg kung bakit ang gwapo niya! He can easily seduce and attract any women without even trying. Nang makaabot kami ni Forrest sa entrance ng school ay pinagtitinginan na kami ng ilang estudyante. This is my first time to be with someone else. Dagdagan pang nakaakbay sa akin ang isang ito ay mas lalong naging malalim ang naging bulungan sa bawat classroom na nadadaanan namin. “s**t! Ang gwapo!” Narinig kong tilian ng ilang grupo ng babae sa loob ng classroom nila. “Ay, kasama niya si Mhelanie.” “That must be her boyfriend.” Forrest snorted at the last statement. “Ako? Boyfriend mo? Huwag na lang.” Parang nandidiri niyang saad. Pinukol ko siya ng masamang tingin bago hinatid sa principal office. He’s needed there to know his schedule and subjects. Isa pa kailangang may mag-tour sa kanya para malaman niya kong saan siya papadpad. Mahirap na ang isang ito. He has no sense of direction. Akala mo naman kung anong ikinalaki ng eskwelahang ito. Pagkatapos ko siyang inihatid ay iniwan ko na siya kaagad doon. Mabilis akong pumunta sa assembly hall at nakitang tapos na ang flag ceremony. Nag-aanounce na lamang ng ilang reminders at mga nalalapit na activities. “Mhel?” Lumingon ako sa kung sinong tumawag sa akin mula sa panghuling pila. Nasalubong ko ang matalim na tingin sa akin ni Reymond. Lumapit siya sa akin habang nakayuko. “Why the hell did you lie to me?!” Mariin niyang tanong ng maabot ako sa pila ko. Megan, my classmate, looked at us maliciously. Sinamaan siya ng tingin ni Reymond kaya nabalik ang tingin niya sa harap. “Will you please stop bickering? Can’t you see? Nakikinig ako sa announcement.” Naiirita kong saad sa kanya. He held my right elbow lightly. “Uh-huh! I saw you earlier with a boy. Don’t you dare lie to me! You are already late when you came here. Patapos na nga ang assembly, huwag mo nga akong dramahan.” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Ngayon ay nakuha na niya nga talaga ang atensiyon ko. His lips pursed firmly as he gives me a dagger look. “Are you naïve?” Mahina kong giit sa kanya. “Kaya ko nga hindi ibinigay sa iyo ang number ko dahil hindi kita gusto.” Siya naman ngayon ang nagulat. “Paasa ka.” “Sanay na akong sabihan niyan. So, please leave me alone.” Natahimik siya. Akala ko ay iiwan niya na ako pero nanatili siyang nakatayo doon. “Please, Mhel. I’m serious with you.” Nagsusumamo niyang saad sa akin. Napapikit ako sa takot ng makitang halos mahuli kami sa isa sa mga prefect na nagbabantay sa linya ng bawat section. “I’m not yet ready, Rey. Humanap ka na lang ng iba.” “Will you please stop pushing me?” He sighed heavily. “Fine! But I will still pursue you whether you like it or not.” Seryosong saad niya na nagpakilabot sa akin bago niya ako iniwan doon. I shrugged that thought off and focused on what’s important. I’m not heartless. Sa abot ng aking makakaya ay hindi naman ako nagpapakita ng motibo para magpursigi sila sa panliligaw sa akin. I was known to be a heart breaker. Bahala na silang mag-isip patungkol sa akin dahil kung ako ang tatanungin, wala akong maiisasagot. Umabot sa puntong hanggang sa matapos ang klase ay walang katapusang akong tinutukso ng mga kaklase ko dahil sa amin ni Forrest. Tatawa pa ang loko ng makita ko sa entrance. “Oh, what’s with the long face?” He asked me. Hinablot ko ang helmet mula sa kanya. “Tara na!” May ilang lalaking tumawag sa kanya sa entrance kaya nahinto siya sa pag-start ng motor. “Four?!” Nilingon niya ang mga ito. “Girlfriend mo?” Umiling siya. “Girlfriend ng Kuya ko.” Tapos ngumisi siya. “Una na ako. Kita na lang tayo sa bahay mamaya.” Tanging saad niya at pinaandar na nang tuluyan ang motor niya. Hinampas ko siya ng nasa kalsada na kami. “What the hell did you tell them?!” Umilag siya. “f**k! Huwag ka ngang nanampal, Ate.” Dahil sa inis at pagkabadtrip ko sa kanya ay buong biyahe ay pinaghahampas ko siya. When we reached their gate, I immediately saw Greg together with his batch. Totoo ngang may reunion. Isa iyon sa ina-announce sa assembly kanina. “Uy, Mhelanie!” Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakitang si Blaze iyon. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Lumabas siya ng gate at tinungo ako. “Wow! You’re fully grown now. Ang ganda ganda mo na.” Nagtawanan ang ilang batch sa sinabi niya. May ilan pang nakakakilala sa akin na hindi ko naman kilala ng bumati sa akin. I just nodded politely at them while I focus my gaze at Blaze. Crush ko ito dati. Naturn off lang ako dahil narinig kong may nabuntis daw itong babae at hindi pinanindigan. Kita ko kung papaano nagtaas si Greg ng kanyang kilay. His lips pursed as he looked at me. He looks so pissed while looking at me. Tumayo siya at biglang natahimik ang tawanan ng ka-batch niya. Mabuti naman at walang mga babae sa kanila. Tinapik niya ang balikat ni Blaze at nakita ko kung paano namutla ang mukha nito. Kaagad itong nagpaalam sa akin at bumalik sa grupo. “Magpalit ka na ng damit, Mhel.” Seryosong saad niya. Kanina pa pumasok si Forrest sa mansiyon kaya kami na lang dalawa dito sa labas ang natira. “Wala pa si Tiyang. Tatambay muna ako sa kwarto ni Forrest.” His jaw clenched real hard. “Sa sala na kayo.” “Gusto kong matulog sa kama. Ayaw kong matulog sa sofa.” Ungot ko at umalis sa harap niya. “Hindi kayo sa kwarto ng kapatid ko.” “I’m tired, Greg.” Namumungay kong saad. Iwan ko ba kung bakit ako tinatamad ngayon. His icy stares washed over my body. He smirked. “Gusto mo lang yata matulog sa kwarto ko, babae.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Are you deaf? Ang sabi ko sa kwarto ni Forrest at hindi sa iyo!” “Hindi ako tanga para hayaan kang matulog doon. You are going to sleep in my bed.” Hinuli niya kaagad ang kamay ko. Umamba akong magpumiglas pero seryoso niya akong nilingon. “Ang sarap mo talagang parusahan, bata ka.” He murmured. Sinampal ko ang kamay niya pero hindi siya natitinag. Nag-iinit ang pisngi kong tinatanaw ang biceps niya. How old is he again? Bakit ganito na kaganda ang katawan ni Greg? Animo isang model sa isang sikat na magazine. “Bakit ba? Sanay naman akong matulog sa kwarto ninyo noon, ah!” Nang makaabot kami sa huling baitang ay mabilis niyang tinungo ang kwarto niya. “Exactly. Kaya bakit ayaw mong matulog sa kwarto ko? You used to sleep with me before.” Naghuhumirintado ang puso ko sa sinabi niya. Ano ba yan? Hindi niya ba talaga nararamdaman ang pagkailang ko sa kanya? I like him and yet he chooses to ask me that. “Gusto ko sa kwarto ni Forrest.” Naiirita niya akong nilingon. “Forrest’s classmate will be here. Sa kwarto sila ng kapatid ko mag-aaral kaya makisama ka sa akin.” Hinigit niya uli ako at nabuksan na nga niya ng tuluyan ang kwarto niya. Nakakahiya nga kong doon ako. Pero marami namang kwarto dito sa mansiyon. “Walang ibang bakanteng kwarto dito dahil ipapalinis ko pa ang iba. You have no other choices unless you’ll go home.” Salita niya na parang nabasa ang iniisip ko. Pinukol ko siya ng nakakainis na tingin. “Wala akong susi sa bahay.” Malamya kong sagot. “Then, sleep here and stop being stubborn. Hindi ka na bata, hindi ba?” Nanunuya niyang saad at inayos ang kobre ng kanyang kama at mga unan. Habang ako ay inilibot ang paningin sa kwarto niya. Maganda ang interior. Lumang cabinet at kama lang ang nandoon dahil kakalipat lang nila. I saw a study table and a laptop over it near his bed. Siguro ay dito siya nagtratrabaho. Pero balita ko kay Tiyang ay sa isang malaki na plantasiyon sa siyudad daw magtratrabaho si Greg. Hindi ko nga lang alam ang tamang address. Not that I care but I’m just curious. I sighed. I looked at Greg and I hitched my breath when I saw him staring at me. “B—bakit?” Nauutal kong tanong. “Matutulog ka ba o gusto mo lang makipagtitigan sa kwarto ko?” Suplado niyang tanong. I rolled my eyes. “I’m just checking out your room.” Tinalikuran niya ako at tinungo ang pinto. “Matulog ka na. Gigisingin na lang kita kapag nandiyan na si Tita.” “Are your girl classmates will be here?” Kumunot ang noo niya. “Yes. Why?” “Si Susana?” Tanong ko ulit. “She’ll be here. She’s our batch president.” Bumalik siya at tinungo ang kinaroroonan ko. “What is this question all about?” “Nothing…” Mahina kong saad. “Uh-huh? Nothing?” Umangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. Umiwas ako pero hinuli niya ako ulit. “Are you jealous?” Umawang ang labi ko sa direkta niyang tanong. My heart is getting crazy again. “B—bakit? C—crush ba kita?” Deny ko sa tanong niya. He licked his lips and brought down his hands. Humalakhak siya at nakapameywang na tiningnan ako. “You can lie but your eyes can’t deny it.” Tinalikuran niya ako ulit. “Sleep now, Mhel.” He said again and closed the door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD