Episode 14 Angel "Ito na ang resulta." nilapag ni Philip sa harap ko ang brown envelope. Nasa loob n’yon ang DNA Results. Hindi alam ni Blake na magkikita kami ni Philip. Alam niya ay may pupuntahan akong isang kaibigan. Hindi niya naman tinanong kung sino at okay lang sa kaniya. Kaya pagkahatid ko kay Simoun sa school ay dumiretso na ako dito sa napag-usapan naming lugar ni Philip. "Nakita mo na ba ang resulta?" tanong ko. Tumango siya. "Yes. Pero mananatili pa rin akong tahimik para ikaw ang makaalam mismo ng naging resulta." Nagkaroon ako ng pag-asa na hindi talaga siya ang ama. Malungkot ang pagkakasabi niya. Sabi naman kasing hindi siya ang ama ni Simoun. Una kong tiningnan na resulta ay ang kay Blake at Simoun. Tiningnan ko si Philip. Blanko pa rin ang mukha. Nanginginig ang

