Episode 15 Angel Kaming dalawa ni Blake ang nagluto ng almusal. Sabi ko ako na pero mapilit siya kaya kami nang dalawa ‘yung nagluto. Haha. Habang wala kaming ginagawa ay sinamantala ko na ang oras. Kinuha ko ‘yung papel na naglalaman ng mga nilista ko na gusto kong gawin namin today. "Blake, ito ‘yung mga gusto kong gawin natin." Sabi ko sa kan'ya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang hinihintay ‘yung iba kong sasabihin. "Una, paliliguan natin si Simoun. Natin ha? Tayong dalawa ang magpapaligo. Tayo. Pangalawa, ayusan natin siya para sa pagpasok niya. Pangatlo, sabay nating ihahatid si Simoun sa school niya ngayon. Pang apat, magde-date tayo. At pang lima, i-enjoy natin ang araw na ito." Gusto ko sanang isama si Simoun kaya lang ayaw um-absent nang bata. Kaya ayan, nagbago ang una

