Chapter 18

2000 Words
CHAPTER 18 SHANE'S POV Unti unti kong idinilat ang mga mata ko nang maalimpungatan ako. Kahit na hindi pa ganoon ka-linaw ang paningin ko dahil nga sa kagigising ko lang ay napansin ko agad ang pigura ng isang tao sa harapan ko. Nasa sulok lang yon ng kwarto ko. Hindi ko man makita ang itsura ng taong yon, alam ko at ramdam na ramdam ko na sa 'kin lang yon nakatingin. Sinubukan kong kusot-kusutin ang mga mata ko para maaninag ng maayos ang taong yon. Nang luminaw ang paningin ko ay tyaka ko lang napansin na gabi na pala, mahaba haba din ang naging tulog ko. Nandoon pa rin sa sulok yung taong yon at hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya. "S-sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" nauutal kong tanong. Hindi gumalaw o nagsalita man lang ang taong yon at nanatili lang na nakatayo sa gilid. Dun ko lang napansin na nakasuot ito ng cap kagaya at hoodie, kagaya nung nakita kong lalaki dito sa mansyon nung isang araw. Pati na rin yung sa nakita nga ni Jethro sa may hospital na lalaki rin. Posible nga kayang iisang tao lang sila? Pati itong nasa harapan ko ngayon? "Sino ka bang talaga?" tanong ko ulit pero hindi pa rin sya sumasagot. Akma na sana akong lalapi para makita ng maayos yung mukha nung lalaki nang bigla nalang itong tumalon sa nakabukas na bintana ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nyang yon. "Hoy teka!" sigaw ko sa kanya. Sinubukan ko syang pigilan pero tuluyan na syang nakatalon palabas. Dinungaw ko ang bintana at nakitang nakatayo nalang sya doon sa baba habang nakaangat ng tingin sa akin. Nanlamig ang batok ko nang makita nanaman ang pamilyar nyang ngisi. Sya nga siguro yung lalaki nung isang araw. Kagaya nung una ko syang nakita, nakatabing ang suot nyang sumbrero sa mga mata nya kaya bibig at ilong nya lang ang nakikita ko. Iba talaga ang pakiramdam na dulot sa akin ng mga ngisi nyang yon. Para akong hinuhukay sa ka-loob looban ko. Nanatili syang nakatayo doon na para bang inaantay akong sumunod sa kanya. Gusto ko talagang malaman kung sino ang lalaking yon at kung anong kailangan nya sa akin at sa pamilya ko. "Antayin mo ako dyan bababa ako." pabulong na sabi ko na alam kong narinig nya dahil mas lumawak ang pagkakangisi nya sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang tumalikod para lumabas ng kwarto. Hindi naman ako pwedeng tumalon doon kagaya ng ginawa ng lalaking yon. Baka imbes na makatapak sa baba, mapaanak pa ako ng wala sa oras. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakita na 7 pm na ng gabi. Ang haba nga talaga ng naging tulog ko. Tinignan ko ang kama namin at wala akong nakitang Jethro doon, pero napansin ko ang baso na nakalagay sa gilid sa may side table. Nilapitan ko yon at nakitang baso yon na may laman na gatas. May note din sa gilid. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako habang nakatingin do'n. Siguro hindi pa tapos ang kasiyahan nila sa baba pero inalala nya talaga akong tignan dito sa kwarto habang tulog. At may pa-ganto pa. Binuklat ko ang maliit na note na yon na nakatupi sa dalawa at binasa. "I just checked on you, I don't want to wake you up. You look so beautiful, awake or even asleep. I don't want to ruin my gorgeous wife's beauty rest. Drink this when you're finally awake. I love you." Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang mabasa ko ang nakasulat doon. Kahit kailan talaga, hindi sya nauubusan ng pasabog. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya as time passes by. Dahil sa mga ganitong ginagawa nya. Simple yet it makes my heart more in-loved and attached to him. Kinuha ko na ang basong may gatas na yon at ininom. Nang maubos yon at binalik ko na sa pagkakapatong sa side table. Tinago ko naman sa bulsa ko ang note na sinulat nya sa akin at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Sana nandoon pa yung lalaking yon. ** Bitbit bitbit ang tsinelas ko ay naglakad ako sa hallway nang nakayapak lang. Mahirap na, siguradong may makakarinig sa akin dahil sa footsteps ko pag nakasuot sa akin ang tsinelas na yon. Nakita kong bukas ang kwarto ni Seth nang mapadaan ako doon. Nang silipin ko ang loob no'n ay walang bakas ng anak ko sa loob. Siguro nandoon na sya sa baba kasama nila. Sumilip ako sa may hagdanan at nakitang nandoon nga silang lahat sa sala, maliban kay Levy Siguro umakyat na sa kwarto nila at natulog na. Nagk-kwentuhan nalang yung dalawa habang nagiinom, si Courtney naman ay nilalaro nalang si Seth. Hindi ako pwedeng dito dumaan para lumabas, hindi pa ako nakakababa makikita na nila ako kaagad. What should I do? Napaawang ang labi ko nang may maalala. May isa pang pintuan na may hagdanan dito papunta sa kusina. At sa kusina, may pintuan din palabas ng mansyon. I could go there to get out without them noticing me. Tama, doon nalang ako dadaan. Sana lang walang pumasok ng kusina at manatili lang muna sila sa sala. I know I would be in a lot of trouble when Jethro found out about this pero desperada na ako. I need to know who that guy is at alamin kung ano bang kailangan nya sa amin. I need to talk to him. Naglakad na ako papunta sa dulong bandang hallway at nakita ang pintuan doon. Binuksan ko na yon at bumungad sa akin ang maliit na hagdanan pababa sa kusina. This supposed to be one of the emergency doorways kapag may problema sa main stairs na magl-lead sa sala. Nang makababa ako ay lumingon lingon muna ako sa gilid. Nang walang makitang ibang tao ay dali dali na aoong nag lakad-takbo papunta sa isa pang pintuan sa kusina palabas ng mansyon. Sinuot ko na ang tsinelas na kanina ko pa bitbit at lumabas na. Nang tuluyang makalabas ako ay malamig na simoy ng hangin kaagad ang nanuot sa balat ko. Napayakap ako sa sarili ko nang dahil doon. Dapat pala ay nagdala ako ng kahit na blazer man lang. Nakalimutan kong gabi na sa sobrang pagmamadali. Bumuga nalang ako ng malalim na hininga bago tuluyang naglakad papunta sa likod na parte ng mansyon, kung nasaan panigurado ang lalaking yon. Dahan dahan akong napatigil sa paglalakad nang makitang nakatayo ilang dipa ang layo sa tinatayuan ko ang lalaki. Napatingin ako sa kamay nya nang ilahad nya yon sa akin. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa nakangisi nyang mukha pati doon. Gusto nya bang humawak ako sa kamay nya? At saan nya naman ako dadalhin? Wait, does he know na buntis ako? Hindi sya nagsalita, as if naman na umaasa akong gagawin nya. Nanatili lang syang nakatingin sa akin habang nakaangat pa rin ang isang kamay nya. Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit sa kanya at hinawakan ang kamya nya na yon. Bago sya tuluyang tumingin sa dinadaanan nya ay nakita ko pa kung paano nya kagatin ang labi nya nang tanggapin ko ang kamay nya. Namula ng bahagya yon dahil sa ginawa nya. Dahan dahan syang naglakad pa-diretso habang nakahawak sa kamay ko. Nakaaalalay lang sya sa akin habang naglalakad, doon ko napagtanto na alam nya nga ang pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung anong maiisip ko sa pinapakita ng lalaking 'to. Masamang tao nga ba talaga sya o hindi? Bakit nya to ginagawa? Sobrang daming katanungan sa isipan ko ang gustong gusto ko nang masagot. At ang lalaking 'to lang ang pag asa ko para mabigyan ng kasagutan ang mga yon. Tumigil kami nang makarating ng tuluyan sa likod na parte ng mansyon. Binitawan nya ang kamay ko nang dahan dahan at unti unting humarap. Hindi na sya nakangisi ngayon at nakaporma lang ng thin line ang mamula mulang labi nya. Nakatayo lang sya sa harap ko, walang ginagawa o sinasabing kung ano. What does he want me to do? "A-anong gagawin ko? Bakit mo ako dinala dito?" nauutal at naguguluhang tanong ko. Hindi pa rin sya nagsalita at nanatiling nakaganon lang. Napalunok ako nang mapatingin ako sa sumbrero na suot suot nya. Nasa loob yon ng hoodie nya kaya kailangan pang alisin dapat ang hoodie bago maalis ang sumbrero. Teka, gusto nya bang alisin ko ang mga yon sa kanya? Gusto kong itanong yon ng diretso para malaman ang sagot nya o kung ayos lang na gawin yon. Pero alam kong hindi nanaman sya magsasalita. Bahala na. Unti unti kong inangat ang mga kamay ko palapit sa kanya. Dahan dahan kong inalis ang hoodie na nakapatong sa ulo nya at nang maalis yon ay tanging sumbrero nalang nya ang nakaharang sa mukha nya. Yung sumbrerong yon nalang at makikita ko na ang mukha nya ng tuluyan. Huminga ako at bumuga ng malalim na hininga bago tuluyang inalis ang sumbrero nya na yon. Nahugot ko ang hininga ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang buong mukha nya. "Hi, Shane.." bati nya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Unti unti akong napaatras habang nanlalaki pa rin ang mga mata. Hindi ko magawang iiwas ang pagkakatitig ko sa lalaking yon at ganoon din sya sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko at bumilis ang paghinga ko. Para akong hihimatayin. "Shane!" dinig kong tawag sa akin sa 'di kalayuan. Alam kong si Jethro yon pero hindi ko magawang tumakbo o pumunta manlang sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa totoong katauhan ng nasa harapan ko. Dahan dahan syang lumapit sa akin. Ipinuwesto nya ang bibig nya sa gilid ng tainga ko at nagsalita. "Someone's looking for you. I'll see you again, soon. Bye Shane Abigail.." napalunok ako nang marinig ng maayos ang boses nya nang sabihin ya yon. Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ang labi nya sa pisngi ko. Ang laki ng pinagbago ng boses nya, maging ang pagkilos nya at ang paraan ng pagtingin nya ay iba. Ibang iba. Sinuot nyang muli ang sumbrero nya ag ang hoodie sa uluhan nya bago tumalikod at tuluyang umalis. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan syang mawala sa paningin ko. What the hell did just happened? Hindi ba ako nananaginip? JETHRO'S POV "Is Shane still sleep?" tanong ni Courtney. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakikipaglaro pa rin sya kay Seth. Binalingan ko ng tingin ang wall clock sa sala at nakitang alas syete na ng gabi pero hindi pa bumababa si Shane. "I think so." simpleng sagot ko sabay lagok ng alak na hawak hawak ko. "Daddy I'm thirsty." napatingin ako kay Seth nang marinig ang sinabi nya na yon. Ngumiti ako sa kanya at tumayo. "What do you want? Juice?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Chocolate, Chocolate milk." nakangusong sabi nya. Napatawa naman ako nang makita yon. "Okay, wait for me here. I'll get you some." I said to him at naglakad na papuntang kusina. Nagtaka ako nang makitang bukas ang pintuan sa kusina palabas ng mansyon. Bukas yon na para bang may kalalabas lang. Who could that be? May kung anong nag udyok sa akin para lumabas at tignan kung sino yon. Nang makalabas ay may nahagilap agad akong buhok ng kung sino. Wait, is that Shane? Hindi pa muna ako sumunod sa kanya at nanatili lang na nakatayo doon sa labas. That would be impossible right? Why would she go out in the middle of the night without any company? Pumasok akong muli sa kusina at nagsalin ng gatas sa baso. Siguradong inaantay na 'to ni Seth. "Here bud." I tried my best to smile at him nang makalapit ako sa kanya bitbit ang basong yon. Nang makuha nya sa akin yon ay bumalik ako sa labas. Dinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lawrence pero hindi ko na sya nilingon. Malakas ang kutob ko na kay Shane ang buhok na nakita ko kani kanina lang. Hindi ako pwedeng magkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD