CHAPTER 17
SHANE'S POV
"So tell me, what the hell is actually happening?" bungad na tanong sa amin ni Courtney habang kumakain sa dining table.
Sa totoo lang kanina pa kami andito pero wala ni isa sa amin ang nag open about sa topic na yon.
Now it change, obviously. Siguro hindi na nakatiis si Courtney sa sobrang pagiging curious kaya sya na mismo ang nagsalita.
I looked at Levy at tahimik lang din sya na kumakain. Ni hindi manlang sya nag angat ng tingin simula kanina nung naupo kami dito.
Naiintindihan ko naman sya. Kahit naman ako ganoon din dahil don sa nakita ko kanina but she's the one who saw it first.
At alam kong pati si Mika ay nakita nya na rin.
Tumingin sa akin si Jethro like as if he's asking me for a permission para mag kwento sya.
Nginitian ko nalang sya bilang pag sabi na ayos lang at nagtuloy tuloy na sa pagkain.
"It all started at the hospital. Nung time na nalaman namin na buntis si Shane. There's this someone, a guy, talking to Seth nang puntahan ko sya sa parking area." panimula nyang sabi. Napaangat ako ng tingin sa kanya habang nangungunot ang noo at alam kong maging sila Lawrence ay ganoon ang ginawa.
Wala akong alam sa mga sinasabi nya. He didn't told me about that!
Tinitigan ko sya ng may nangunguwestyon na mga mata. Tinignan nya lang ako ng diretso saglit at nagpatuloy na sa pagsasalita.
"I didn't get a chance to get a glimpse of the guy's face. Nakatakip yon ng sumbrero. When he felt my presence in the area, bigla nalang syang tumakbo. And when I asked Seth, he told me na hinahanap nung lalaki si Shane." pagpapatuloy nya. Tinitigan nya ako nang sabihin nya ang huling sentence na yon.
The guy's looking for me?
"Wait, is that a stalker?" nagtatakang tanong ni Courtney habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Hindi ko na hinabol yung lalaki, sinama ko nalang si Seth sa akin papunta sa kwarto ni Shane sa loob ng hospital since yung driver ay halatang pagod, nakatulog. But as I was getting close to her room, I saw the guy again. This time nakadungaw na sya sa loob ng kwarto ni Shane. Hindi ko pa rin sya nahabol kasi bigla syang tumakbo ulit. Masyadong malakas ang pakiramdam nya." tiim bagang na sabi ni Jethro.
I saw how his fist clenched. Halatang naiinis sya habang nagk-kwento.
Napaawang ang labi ko nang may maalala ako.
A guy wearing a cap. Bakit parang pamilyar sa akin ang image na yon?
Imposible naman yung iniisip ko. Ang sabi ni Jethro nung time na sinugod ako sa hospital nya nakita yung lalaki, that was days ago.
And the guy I saw inside the mansion wearing also a cap was just recently.
Was that just a coincidence o sadyang paborito lang suotin ng lalaking yon yung ganoong outfit?
"They guy you saw, anong kulay ng cap na suot suot nya?" tanong ko bigla. Nalipat naman ang atensyon nila sa akin especially Jethro na nangunot agad ang noo.
"Black, he's wearing black cap.." napalunok ako nang marinig yon at mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ang sunod na sinabi nya.
"... And a hoodie." pagpapatuloy nya habang nakatitig ng mariin sa akin. Nanuyot ang lalamunan ko nang marinig yon.
"Bakit mo natanong? Have you saw the guy I was referring to before?" dagdag na tanong nya pa.
Kinalma ko ang sarili ko bago sya tignan ng diretso at tyaka ngumiti.
"No, akala ko lang na nakita ko." I tried my best not to stutter and to not look awkward nang sabihin ko yon sa kanya.
Tinignan nya pa ako lalo na parang sinusuri kung nagsisinungaling ba ako o hindi pero tinitigan ko rin sya ng diretso bilang pagganti.
Alam kong pag nag iwas ako ng tingin agad sa kanya ay mas lalo nyang iisipin na nagsisinungaling ako.
Which is true.
Ayoko pang sabihin sa kanya. Baka mas lalo nya akong hindi payagan na ituloy ang pagtuturo ko sa Bradford kapag nalaman nya.
At pati sa bahay bantay sarado ako.
Naiintindihan ko naman kung ganoon nga ang mangyayari. Ayaw ko lang talagang sabihin muna sa ngayon kasi sigurado ako na mas lalo syang magaalala.
Mas lalong madadagdagan ang iisipin nya and I don't want that. I don't want to stress him out.
"Are you sure?" seryosong tanong pa rin ni Jethro sa akin. Mas lalo kong pinalawak ang ngiti ko sa kanya.
"Yes, more than a hundred percent sure." nakangiting sagot ko sa kanya.
Hindi na sya nagtanong pa muli so I think nakumbinsi ko naman na sya kahit papano.
"How about doon sa school? And yung sa papers or whatsoever na nabanggit mo sa akin kanina sa phone call?" sunod na tanong ni Courtney habang nakatitig kay Jethro.
"About those, lahat kami na nandito naka-receive ng ganon from who-knows-who. Well of course, except kay Seth. They were like welcome messages and I suspect na kung sino man nagpadala non ay kilala kami... Tayo." seryosong sagot nya kay Courtney.
"About naman sa school. I actually think Shane or Levy can explain that properly but I don't think they're capable of doing that now kaya ako na ang magsasabi." sabi nya habang nakatingin sa aming dalawa.
Inangat ko ang tingin ko kay Levy at nakita kong kahit sya ay nakatingin na din sa akin.
Napabaling ang tingin ko sa mga kamay nya na nakahawak sa kubyertos, nanginginig ang mga yon.
Napansin din siguro yon ni Lawrence na katabi nya lang kaya hinawakan nya ang mga kamay ni Levy.
"There's this girl, Mika who's reportedly been missing for several weeks. Sa mismong school nawala, even her parents doesn't know where she is. Sa eksaktong araw na may program sa Bradford sya nawala." panimulang kwento ni Jethro.
Lahat naman kami ay nakatutok sa kanya kahit na si Courtney nalang naman ang may hindi alam no'n.
"Some suspected na baka patay na sya but her body is nowhere to be found either. And then kanina lang, a body of a girl was found but it was not Mika's body. It was a body of another girl, Maia. She was brutally killed according to the condition of her dead body. And si Levy at Shane ang nakakita sa katawan nya." pagpapatulot nya.
Napalunok ako nang maalala ang katawan ng babae na yon.
The way her eyes were locked at me na para bang alam nyang may nakatinin sa kanya even though she's already dead makes my skin crawl.
"But there are reports about students seeing Mika in some parts of the school. Tapos bigla nalang nawawala. Even Shane and Levy saw her. Nakaharap pa nga nila pero nung nalingat lang sila saglit, she's gone." nakita kong napaawang ang labi ni Courtney nang marinig ang sunod na sinabing yon ni Jethro.
"If the body of the Mika girl is still not found, at sa school nga sya nawala pero may mga studyante pa na nakakakita sa kanya, what if... what the students were seeing and what Levy and Shane saw, was her soul?" tanong nya na naging dahilan para maagaw nya ang atensyon namin.
Kagayang kagaya ng sinabi ni Jethro.
"But that can only happen, if her body is in the Underworld. Or someone na galing sa Underworld, actually has her body... But who?" nanghina ang boses nya sa huling sinabi nya na yon.
Lahat kami ay napaisip sa mga sinabi nya. Wala akong alam sa ganon pero imposibleng walang sense yon kasi dalawa na silang nagsabi.
"I can't think of anyone bukod kay Maureen, but she's gone right?" tanong ni Lawrence habang nakatingin kay Courtney.
"Yes, she is. Imposible rin na sya yon, she's gone forever. She can never go back to our world. But what if..." sagot nya. Tinignan ko syang diretso at nakitang napatingin din sya sa akin.
"What if what?" mahinang tanong ko habang nakikipagtitigan sa kanya.
"What if she has a disciple? Na may galit rin sa inyo?" sagot nya. Napalunok ako nang marinig yon.
Kanina ko pa yon naiisip but after hearing those words from her, mas lalo akong kinabahan.
Hindi para sa sarili ko pero para sa mga anak ko lalo pa't buntis ako at si Levy.
Hindi kami pwedeng basta basta nalang kikilos nang hindi iniisip ang mga dinadala namin.
At alam kong lahat kami na nandidito ngayon sa dining table ay ganoon ang iniisip.
Why does it have to be this time?
**
Natapos ang lunch namin na yon na puro speculations ang pinaguusapan namin.
We can't just avoid these hints. At alam naming lahat na involve kami dito.
At malakas ang kutob ko na isa nanaman tong problema na hindi namin basta basta masosolusyonan.
Nagpasya silang magkasiyahan ngayong hapon sa living room.
Like a normal inuman session while singing. And as usual, si Courtney ang may pakana at nakaisip.
Welcome party na rin daw para sa kanya.
"Where's Seth?" tanong ko kay Jethro na nakaupo sa couch ng living room.
Tinapik nya ang bandang tabi ng upuan nya pero umiling ako.
"No I won't stay, aakyat ako sa kwarto natin. Baka matulog na muna ako, medyo inaantok ako." sagot ko sa kanya. Hindi naman na sya nagpumilit pa.
"Seth's asleep inside his room. You can go have a check on him bago ka pumunta ng kwarto mo." suhestyon nya. Tumango tango naman ako sa sinai nya na yon.
"Yes, I'll do that. Aakyat na ako." pagpapaalam ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya and I kisses him on his lips.
Medyo tinagalan ko yon, tama lang para mamasa ang labi nya.
Wala naamng nakapansin dahil abala yung dalawa sa pags-set up. Except kay Levy na nandoon lang at nakaupo habang pinapanood silang dalawa.
I think she wants to stay, siguro ayaw nyang mapagisa sa kwarto nila.
Nang ilayo ko ang labi ko sa labi nya ay sinundan nya pa rin yon ng tingin. Mas lalo nyang binasa ang mga yon gamit ang dila nya.
Napaawang ang labi ko pero tinikom ko rin muli.
"Rest well, I love you.." mahinang sabi nya sabay lipat ng tingin sa mga mata ko.
"I love you more." sagot ko naman sabay talikod na at akyat.
Nadaanan ko ang kwarto ni Seth so I decided to have a look inside his room.
Napangiti ako ng tipid nang makitang tulog na tulog sya sa kwarto nya habang nakayakap sa isa sa mga stuffed toys nya.
Hindi na ako tuluyang pumasok sa loob. Tinignan ko lang sya mula sa labas.
Hindi ko maiwasang hindi magalala habang nakatingin sa kanya.
I can't afford the thought of him getting in danger. Nawala ang ngiti ko at pinilit kong kinalma ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang bigat sa dibdib ko.
Sinara ko na ang pintuan ng kwarto ni Seth at tuluyan nang pumunta sa kwarto namin bago pa man ako maiyak.
Humiga agad ako ng patihaya nang makapasok sa kwarto at nakipagtitigan sa kisame.
The room's so quiet. Everything seems to be peaceful.
How I wish na sana nga ganito nalang kaayos ang lahat. But I can't just avoid the thought of us facing another challenge.
Hindi ko maiwasang hindi magisip isip ng kung ano ano habang nakahiga, lalo na't dahil na rin sa mga nangyayaring 'to na hindi ko alam kung paano namin kahaharapin dahil sa sitwayson namin ngayon.
I know and I am well aware that I shouldn't be stressing myself like this pero hindi ko maiwasan.
And I know I shouldn't be.
Kasi kung iiwasan ko ang mga 'to, mas lalo ko lang pinapatunayan na hindi dapat ako magsaya.
Problems deserves to be faced no matter how severe they are. That can prove how strong you are as a person.
And if you avoided them, that can only means that you're a coward.
Ewan, yun talaga ang perspective ko pagdating sa mga problema.
Running away from something doesn't result in anything.
Although hindi masamang umiwas pag hindi mo na kaya. But that doesn't mean to run away from them forever.
Unti unti akong nakaramdam ng antok at unti unti rin bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.