Chapter 16

2032 Words
CHAPTER 16 SHANE'S POV "Please wait for our call, kailangan namin ng statements nyo mamaya sa police station. Kahit yung janitor ay kailangan naming makausap. Aasikasuhin lang muna namin 'to. Please excuse us." pagpapaalam ng isa sa mga police officer sa amin na dumating kanina. Nakayuko lang ako at alam kong maging si Levy ay ganoon din. Nilalaro ko lang ang mga daliri ko dahil kanina pa nanginginig ang mga kamay ko. I can't stop thinking about what I just saw. What we just saw. "Yes, sure. Thank you officer.." dinig namin na sagot ni Miss Shin bago ko naramdaman na tuluyang umalis na ang pulis na yon. Ramdam ko ang mga tingin sa amin ni Miss Shin at ni Faye na nandito sa loob ng lounge. Ang nangyari kanina ay agad din nilang nalaman nang may makarinig sa amin. Flashback Naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko sa mga oras na yon. Unti unti akong napaupo sa sahig habang nakahawak sa bibig kong ngayon ay nanginginig na ang labi. Hindi ko na napigilang mapasigaw nang mapadapo ang mga mata ko sa mata ng bangkay na yon. Diretso yon na nakatitig sa amin na akala mo ay buhay pa rin ang may-ari. Ano ba ang nakita ko? Nakita namin? Isang katawan ng isang babae na nakasampay sa railings ng isa sa mga building ng school. Nakasampay lang yon na animo'y damit. Parang walang buto dahil patalikod pa ang pagkakalagay. Punong puno rin ng dugo ang bibig non at nakabaliktad ang ulo na nakatingin sa amin. Tuloy tuloy ang pagtulo ng malagkit na dugo sa bibig nya patungo sa buong mukha nya. "Ahhhh!" hindi ko napigilang isigaw. Si Levy naman ay unti unti rin na napaupo at niyakap ang kanyang mga binti at nagsimulang umiyak nang umiyak. "Ma'am! Ayos lang ho ba kayo?" dinig naming sabi ng kung sino sa sa gilid namin. Mukhang papalapit yon. Naramdaman ko ang mga kamay ng kung sino sa balikat ko at nakitang isang babaeng janitor yon ng school nang iangat ko ang tingin ko. Nanginginig ang mga kamay ko, labi ko at ang dalawang binti ko. Napatingin din ang babaeng janitor na yon sa katabi ko na si Levy na hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak. "Ma'am? Ano pong nangyari sa inyo at bakit kayo sumigaw? Ayos lang ho ba kayong dalawa?" nagaalalang tanong ng babae sa amin. Napalunok ako ng ilang beses bago dahan dahang inangat ang kamay ko. Nagtatakang sinundan ng tingin yon ng babaeng janitor at nang makita nyabang tinuturo ko ay alam kong maging sya ay nagulat. "Diyos ko!" sigaw nya habang napapatakip sa bibig gamit ang magkabilang palad nya. Naramdaman ko rin ang pangingilid ng luha ko nang maalala ko ang itsura ng babae. Hindi mawala sa isipan ko yon. Naramdaman ko nalang na umalis na yung babaeng janitor at pagdating nya ay si Faye, ilang mga guards at si Miss Shin kasama si Red ay nagpunta na sa amin. Inalalayan kami ni Miss Red at ng ilang mga teachers at ipinasok sa teacher's lounge. Tumawag naman sila ng pulis para imbestigahan ang nakita naming katawan. End of flashback "The name of the girl you saw is Maia. She's a third year highschool student, same as the missing girl, Mika." natigil ang pagmumuni muni ko nang magsalitang muli si Miss Shin. Naiangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong sa akin lang din nakatuon ang atensyon nya. "Nawala sya kaninang bago magsimula ang program. According to her classmates and sa teacher na naka-assign sa oras na yon, nagpaalam syang pupunta lang ng comfort room at didiretso nalang sa court pagkatapos." pagsasalaysay nya. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakikinig lang sa mga sinasabi at susunod pa na sasabihin nya. "Nagsimula nalang yung program na hindi pa rin sya dumadating. Sabi rin ng mga classmates nya na galing ng comfort room, hindi daw nila napansin doon si Maia. That's the time when we were informed na may bangkay na natagpuan sa isang building." pagpapatuloy nya sa mga sinasabi nya. Maia and Mika, same sila na third year student at parehas pang M ang simula ng pangalan nila. Was that just a coincidence? Or there's a big picture here na hindi namin maalam kung ano? "Ano ba talagang nangyari Shane? Paanong nandoon kayo at nakita nyo ang katawan ng babaeng yon?" tanong ni Faye. Halatang pati sya ay nagaalala sa amin. Magsasalita na sana ako nang biglang may pumasok. "Ma'am, may naghahanap po kila Ms Shane at Ms Levy. Asawa po siguro nila, dalawang lalaki po eh." napalingon ako sa isang staff na yon na nagsabi no'n. Andito na sila Jethro? How did the news reached them so quickly? "I called them. Nasa personal data mo at ni Levy ang personal numbers ng mga partners nyo kaya kanina nung nalaman ko ay sinabihan ko na agad sila. They deserve to know first what happened to both of you." biglaang sabi ni Miss Shin. Naagaw nya ang atensyon ko at nang balingan ko syang muli ay nakangiti na sya sa amin. I can feel how worried she is. Alam nyang buntis kaming pareho ni Lev. Hinawakan nya ang mga kamay ko at ng kay Lev habang nakangiti sa amin. "Everything's gonna be alright.." sabi nga habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming dalawa. "Shane?" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses na yon ni Jethro. Nakadungaw na sya sa pinto at nang mamataan kami ay binuksan nya na ng malaki yon at pumasok. Kasunod naman nya si Lawrence na diretso kay Levy lang din ang tingin. "Let's go... Red and Miss Faye. Hayaan na muna natin silang mag usap dito." sabi ni Miss Shin nang tuluyang makapasok si Jethro at si Lawrence. Tumango naman sa kanya si Faye at nagsitayuan na silang tatlo. Nginitian ko si Miss Shin ng tipid at ngumiti rin naman sya pabalik bago sila tuluyang lumabas. Umupo sa harapan ko si Jethro at walang ano ano pa ay bahagya nyang hinatak ang katawan ko sa katawan nya at niyakap nya ako. Napapikit nalang ako habang nakasandal sa dibdib nya ang ulo ko. "Are you okay?" mahinang tanong nya habang hinihimas at hinahalik-halikan ang ulo ko. "Kind of.." tipid na sagot ko habang nakapikit pa rin. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin nang marinig nya ang boses ko. "Kaya mo na bang mag kwento sa kung ano talaga ang nangyari? If not, we can just talk about what happened pag uwi sa bahay." tanong nya. Umiling iling ako. "Pag uwi nalang siguro. I'm kind of exhausted." tipid na sagot ko pa rin sa kanya. Naramdaman ko ang paggalaw ng ulo nya. Ibig sabihin ay tumango tango sya sa sinabi ko. "Yes, we'll do that. Saktong suspended ang klase ngayong araw dito because of the incident. Makakapagpahinga at makakauwi na tayo maya maya." dagdag nya. Hindi na ako nagsalita at nanatili nalang na nakapikit habang nakasandal sa dibdib nya. Hinagilap ng kamay ko ang kamay nya at hinawakan ko yon ng mahigpit. "I was scared.." naiiyak na sabi ko. Hinigpitan nya lalo ang pagkakayakap sa akin at patuloy na hinimas ang ulo ko gamit ang isang palad nya. "I know. I'm sorry for coming here late.." mahinang sabi nya sabay halik muli sa ulo ko. Umiling iling ako ulit. "Sakto lang ang dating mo.." mahinang sabi ko at mas lalong pinagsisiksikan ang sarili sa kanya. "Paano nga pala yung sa statements na need sa inyo sa police station?" dinig kong tanong ni Lawrence pero nanatili akong nakapikit habang nakasandal kay Jethro. His warmth... This is what I call home. "Hindi ba pwedeng i-postpone yan? Let's try asking them na kung pwede bukas nalang sila magsabi tungkol sa nangyari. After all, they're both pregnant." sabi naman ni Jethro kay Lawrence. Napadilat ako nang maalala nanaman yung kanina pero napapikit rin muli nang sumagi nanaman sa isipan ko yung mukha nung babae. There's really something bizarre that's happening in this school. "Si Seth, nasaan nga pala sya?" tanong ko kay Jethro sabay angat ng tingin. He looked down on me before saying a word. "He's with Courtney." tipid na sabi nya. Napaawang ang labi ko nang marinig yon. "Courtney? She's here?" kumukurap kurap na tanong ko. Tumango tango naman sya bilang sagot. "I asked her if she can come here to babysit Seth and she agreed. Hindi kita pwedeng hindi punta-puntahan dito sa campus that's why kinausap ko na sya kaninang tumawag si Zeighmour." paliwanag nya habang sinusuklay suklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya. "Where are they?" tanong ko pang muli. "Nasa bahay sila, don't worry about them for now okay? Maayos lang sila don. You should worry about yourself." may bahid ng pagaalalang sabi nya. Bumuntong hininga ako bago tumayo at kinuha ang bag sa table ko. "Are you feeling okay now?" tanong ni Jethro sa likuran ko sabay hawak sa magkabilang siko ko. Nakasunod na pala sya sa akin, hindi ko manlang naramdaman yung pagkilos nya. "Not that okay pero gusto ko na kasi talagang umuwi." sagot ko. Isusuot ko na sana ang bag ko nang bigla nalang yon inagaw ni Jethro. "Let me.." sabi nya sabay suot sa bag ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan sya. Nilingon namin si Lawrence at Levy na parehas na nakahanda na rin na umalis. Nauna silang lumabas ng pintuan ba syang sinundan naman naming dalawa. Nang makalabas sa teacher's lounge na yon ay hindi ko naiwasang hindi lingunin ang hallway kanina. Nanuyo ang lalamunan ko nang makitang nakatayo doon si Mika habang nakayukong nakaharap sa direksyon namin. Sa eksaktong pwesto kung saan ako nakatayo kanina. "Wife? What's wrong?" dinig kong tanong ni Jethro. Nilingon ko sya saglit at binalik muli ang tingin sa sulok ng hallway na yon. Pero wala na akong Mika na nakita doon. "Hey, wife.." sabi nyang muli sabay hawak sa mga braso ko. Pilit nyang iniharap ang mukha nya sa mukha ko. Tinignan ko sya at tyaka lang kumalma ang paghinga ko nang makita ko ang mga mata nya. "Is everything alright?" napalingon kaming parehas kay Lawrence nang magsalita sya. Napatigil din pala sila sa paglalakad at nasa amin lang ang atensyon. "Yeah... Ayos lang ako. Tara na." simpleng sagot ko sabay kapit sa braso ni Jethro. I can sense that he still wants to ask me something pero mas pinili nalang nya na manahimik at sumabay sa akin. - "Mommy!" bungad sa akin ni Seth nang makapasok kami. Iminuwestra ko ang dalawang braso ko sa kanya. Tumakbo naman sya papalapit sa akin. "Be careful!" dinig kong sigaw ng pamilyar na boses at nang makita ko ang bandang likuran ni Seth ay doon ko napansin si Courtney. Niyakap at hinalikan ko sa pisngi si Seth nang makalapit sya sa akin. Nginitian naman kami ni Courtney nang mamataan nya kami. "Go to your daddy. I'll just go talk to you tita Courtney okay?" nakangiting sabi ko kay Seth. Tumango tango naman sya sabay takbo papunta kay Jethro. "So, how's the life of being a professor?" nakangising tanong nya nang makalapit ako sa kanya. "Hindi pa kami nagturo sa ngayon. Something came up at school kaya suspended ang classes ngayong araw." sagot ko sa kanya. Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng mansyon. "Yeah.. Jethro told me about that, na kailangan ka nyang puntahan. So, what happened by the way?" kuryosong tanong nya. Binalingan ko sya ng tingin sabay yakap sa kanya. Mukha syang nabigla sa ginawa ko pero narinig ko nalang syang napahagikgik bago ako niyakap pabalik. "I missed you.." mahinang sabi ko. Mas lalo syang tumawa nang marinig yon. "Akala mo naman ilang taon na tayong hindi nagkikita. Ilang araw palang naman simula nung bumalik kayo dito. Sabagay, sino ba namang hindi makaka-miss sa akin. Sa ganda kong 'to?" nakataas ang kilay na sabi nya. Humiwalay ako sa kanya sa pagkakayakap at tinaasan ko na rin sya ng kilay. Napatawa nalang kaming dalawa nang dahil do'n. "Mommy I'm hungry." sabi ni Seth sabay yakap sa magkabilang binti ko. Tinignan ko sya at nginitian sabay himas sa ulo nya. "Kakain na tayo, okay?" nakangiting sabi ko. Ngumiti rin naman sya na naging dahilan para maningkit ang mga mata nya sabay tango tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD