CHAPTER 15
SHANE'S POV
Sa buong byahe namin papuntang Bradford ay hindi nawala sa isipan ko ang lalaking nakita ko sa mansyon.
I can't stop thinking about him and who he is. Paano kung sasaktan nya kami at ang pamilya ko?
Who knows what that guy is after.
Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paulit ulit na lingon sa direksyon ko ni Levy.
Alam kong ramdam nya na may kung anong bumabagabag sa akin yet she didn't bother asking.
Alam nya naman na kung meron at gusto kong ipaalam ay sasabihin ko sa kanya kahit hindi nya ako sabihan na sabihin ko.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Nakakailang buntong hininga na ako ng malalim. At kung may makakakita sa akin ngayon bukod kay Levy, iisipin na nahihirapan ako huminga.
Para na akong aso dito.
"We're here." sabi ni Levy sa gilid ko sabay tigil ng kotse.
Nang dungawin ko ang labas ng kotse ay saka ko lang napansin na nakatigil na nga pala kami sa parking lot.
Inalis ko na ang seat belt ko at lumabas na ng kotse.
Pansin ko pa rin ang ginagawang pasulyap-sulyap ni Levy pero hindi naman sya nagsasalita or nagtatanong.
"Where should we go first?" tanong ko kay Levy nang makalabas na kaming dalawa.
Umakto naman sya na animo'y nagiisip. Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid ay nakitang ang daming estudyante.
Sobrang daming kotse na nakaparada sa parking lot. Mga estudyante talaga dito mga sosyal.
May sari-sariling mga kotse, mukha pang mga mamahalin.
"Maybe we should head to the teacher's lounge first?" nilingon ko si Levy nang magsalita na sya.
"Hmm, pwede naman. Alam mo ba kung saan papunta yon?" tanong ko sa kanya. Tumango tango naman sya kaya pumayag na akong doon muna kami pumunta.
Naglakad na kaming dalawa at pansin namin na may kung anong ingay na nanggagaling sa main court ng school.
"Ano kayang meron?" takang tanong ni Levy nang mapansin nya din ang kumpol ng mga estudyante.
"I don't know, seems like may program? Or event or something?" nagtatakang sagot ko rin sa kanya.
Nakita namin si Ms Shin na nasa bungad na banda ng court. May ilang mga teachers rin na nandoon at ibang supervisors.
"Hi! I was looking for the both of you. Sakto lang ang dating nyo. I forgot to announce kahapon nung nagkita tayo na may opening ceremony for teachers." nakangiting bati nya sa amin.
Nginitian rin naman namin sya at nakipag beso pa kami. Napansin ko rin na nasa gilid nya yung Secretary nyang masungit.
Pero this time hindi ko alam kung bakit pero hindi nya kami magawang tignan sa mga mata.
Ano kayang problema ng babaeng 'to? Parang bigla syang naging maamong tupa.
Nung una akala mo kung sino. Para pang matanda na may pms sa sobrang taray.
"Ahh, kaya pala ang daming students ngayon dito sa court." sagot naman ni Levy sa kanya.
"Maya maya pa naman magsisimula yumg program. You can still put your things sa teacher's lounge if you want to. I can ask Red to assist you there." sabi nya sabay tingin sa katabi nya which is yung secretary nya.
So, Red pala ang pangalan nya. Saktong sakto sa regla, red.
"Ay hindi na po Miss. Alam naman ni Levy kung saan located yung lounge. Right, Lev?" pagtanggi ko sabay tingin kay Levy na tumango tango naman.
"Yes Miss, alam ko naman na. No need to assist us. Kaya na po namin, thank you." nakangiting sabi nya kay Miss Shin na nasa harapan namin.
"Are you sure?" tanong nya sa amin. Nakangiti naman kaming tumango tango sa kanya.
"If that's what it is then okay. After nyo doon diretso kayo dito ha? We'll introduce you sa mga students para makilala kayo as Professors at hindi daan daanan lang." dagdag nya pa na sinagutan lang namin ng mga ngiti.
"So if you please excuse me..." nakangiti nyang pagpapaalam. Tumango tango kami na nakangiti pa rin sa kanya bago sya tuluyang bumalik sa kumpol ng mga teachers.
Binalingan ko ng tingin si Levy nang magsalita sya at tuluyang makaalis si Ms Shin at si Red.
"Biglang umamo yung secretary ni Ma'am eh no. Ano kayang nangyari don." nagtatakang sabi nya habang nakasunod pa rin ng tingin sa kanila.
Nagkibit balikat nalang ako.
"Beats me. So, saan ba yung teacher's lounge na yon? Nangangalay na ako sa bag ko." reklamo ko sa kanya.
Madami dami din kasi akong nilagay dito. Some of the things inside are decorations I can use sa table ko.
Para naman magkabuhay yon.
"Malapit lang yon doon sa registrar's office. Napansin ko yon nung pumunta tayo kahapon. Tara na." pag aaya nya sa akin.
Nauna syang maglakad kaya sinundan ko nalang sya.
Located yung mga office kagaya ng registrar at iba pang admin facilities ng school na yon sa isa left wing ng Bradford kaya medyo mahaba naging lakad namin.
Sa lower right wing naman yung mga buildings for junior students and sa upper right wing naman yung mga seniors.
Wala nang makikitang mga estudyante sa left wing part ng school. Kung meron man yun yung mga nauutusan ng kani kanilang mga teachers.
Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa lugar kung saan nakita naming nakatayo si Mika kahapon.
She's not there but I can still recall her appearance when we saw her.
Hindi ko alam kung tama ba yung sinasabi ni Jethro na kaluluwa nya lang yon.
I don't know. Nung nakaharap namin sya I an feel her presence na sya nga talaga yon.
Not her wandering soul kundi sya mismo.
"Huy, nakatulala ka nanaman dyan. Andito na tayo." napabalik ako sa ulirat at napatingin kay Levy nang magsalita sya.
Nakatingin lang sya sa akin nang may nangungunot na noo nang tignan ko sya.
"Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa parang balisa eh. Hindi ko na sana papansinin kaso para kang baliw dyan na biglang tutulala." nakangiwing sabi nya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Wala, masama bang tumulala? May policy ba na nagbabawal doon? Is it illegal?" sunod sunod na tanong ko na may bahid na sarkasmo sa boses ko.
Inirapan naman nya ako sabay pihit sa kulay gray na pintuan sa harapan namin.
Tinignan ko ang nakasulat sa itaas ng pintuan na yon at nakitang Teacher's Lounge nga ang nakalagay doon.
Sumunod na ako kay Levy na pumasok doon nang makapasok na sya.
May ilang mga teachers na nandito pa at sinalubong naman nila kami ng ngiti nang makita nila kami.
May iba rin na parang may ginagawa pa kasi nakatapat sa laptop, hindi rin kami nagawang lingunin.
"Hi, kayo ba yung bagong teachers?" tanong sa amin ng isang babae.
Nakasuot sya ng pang teacher na uniform kaya naisip ko agad na guro din sya dito.
She's wearing a gray blouse na may black ribbon. Gray din yung pencil cut skirt nya at naka-nude syang stocking and a normal length heels na black.
Nakatali rin ng maayos ang buhok nya into a bun and she's all smiles habang nakatingin sa amin.
She seems like a happy-go-lucky teacher. Yung teacher na kahit gaano ka ka-pasaway ay ipapasa ka pa rin.
Yung teacher na nadadala sa konting suyo, charot.
"Hello, yes kami nga yun. I'm Shane Abigail Callahan and this is my friend Levy." pagpapakilala ko sa kanya.
Nakipagkamay ako sa kanya at sunod naman ay si Levy.
"Call me Lev." nakangiting sabi ni Levy na syang inirapan ko naman.
Ayaw nya talagang natatawag sa apelyido nya. Masyadong maarte.
"Nice meeting you Shane and Lev! My name's Faye. Teacher din ako dito." nakangiti nyang sabi sa amin.
Nginitian ko naman sya awkwardly. I want to say to her na obvious naman na teacher sya because of her outfit but I don't want to sound mean.
Gusto ko talagang sabihin pero mananahimik nalang ako.
"Yeah, we can see that. By the way, do you mind if I ask kung saan yung table namin?" walang preno naman na sabi ni Levy.
Nang tignan ko ang mukha ni Faye ay mukha namang hindi nya minasama yung sinabi no Lev na yon.
"Yes of course! There, yung dalawang bakanteng tables na yon sa inyo yon." turo nya sa may bandang likod nya.
Tinignan ko yon at nakitang magkatabi kami ng table ni Levy.
Buti naman, hindi ko na kailangang lumipat lipat ng upuan para lang makipag chikahan sa kanya sa vacant.
"Nandyan na din yung mga uniforms nyo. 5 sets yan, meron din for friday kapag may p.e." dagdag nya pa.
Nakita naman namin na nakapatong lang ang mga yon sa ibabaw ng table.
"Thank you." nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian nya rin naman kami pabalik.
"Oh sya, diretso nalang kayo sa court para doon sa program after nyo mag ayos ng mga gamit nyo." nakangiti nyang pagpapaalam sa amin bago tuluyang lumabas.
Sumunod na rin naman yung iba sa mga teachers ilang minuto nang makalabas sya.
Kaming dalawa nalang ni Levy ang natira sa loob ng office.
Dumiretso kaming dalawa sa mga tables namin at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng excitement nang makita ang mga uniforms.
"Suotin na kaya natin to ngayon para hindi tayo out of place? Siguro naman nai-laundry na 'to?" tanong ni Levy habang hawak hawak ang mga uniforms nya.
Binuksan ko yung isa at inamoy. Mabango naman, pwede na nga 'to suotin kahit ngayon na mismo.
"Yeah, mukha namang nalabhan na. Suotin na natin." pag sang ayon ko sa kanya.
Tumango tango naman sya sabay punta ng comfort room dito sa office bitbit bitbit ang isa sa uniform nya.
Sakto rin naman yung naisuot namin na sapatos, babagay naman.
Inayos ko nalang muna yung mga gamit ko sa bag sa table at tyaka sumunod na rin sa pagbihis nang lumabas si Levy.
-
Tinignan ko muna ang sarili ko ng buo sa salamin sa comfort room bago lumabas.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakikita ang sarili ko na suot suot ang uniform na yon.
Hindi pa naman ganoon ka-umbok ang tyan ko kaya hindi pa masyadong halata. Depende nalang kung tititigan talaga.
Paglabas ko ng comfort room ay nangunot ang noo nang hindi ko nakita si Levy sa office.
"Lev?" tanong ko. Tinignan ko bawat sulok ng office pero hindi ko sya makita.
Wala rin sya sa table nya. Baka lumabas?
Dali dali kong inayos ang ilan sa mga gamit na natitirang nakakalat sa table ko at lumabas na doon.
Lumingon lingon ako sa hallway at nakita ko si Levy na nakatayo sa dulong parte noon.
"Lev!" sigaw ko sa kanya. Hindi nya ako nilingon at nanatili lang syang nakatayo doon.
Naglakad-takbo akong lumapit sa kanya at hinawakan ko kaagad sya sa braso nang makalapit ako.
"Lev? Anong ginagawa mo dito? Ni hindi mo manlang ako sinabihan na lalabas kana ng office." bungad ko sa kanya pero hindi sya nagsasalita at nakatitig lang sa kung saan.
"Hey, are you okay?" nagtatakang tanong ko ulit sa kanya.
Hindi pa rin sya nagsalita kaya nagtataka kong tinignan kung ano yung tinititigan nya.
Nanlaki ang mga mata ko at nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko yung kanina nya pa tinititigan.
Kaya pala halos hindi nya ako magawang kausapin.
LEVY'S POV
Paglabas ko sa comfort room ay sumunod namang pumasok si Shane sa akin.
Nagmodel model pa ako sa office nang masuot ko na yung uniform.
"Buti sakto lang sa 'kin." nakangiting sabi ko sa sarili ko.
Biglang nag ring yung cellphone ko at nakitang si Lawrence ng tumatawag.
Lumabas ako ng office para sagutin sana yung tawag nya nang may mapansin ako paglabas ko.
May nakita akong babaeng nakatayo lang sa isang sulok ng hallway.
"Teka.. parang pamilyar yun ah." mahinang sabi ko. Siningkit ko pa lalo yung mga mata ko para tanawin kung sino yon at napaawang ang labi ko nang makitang yun yung babaeng nakita namin kahapon.
Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw yung mga paa ko para lapitan sya.
"H-hi, ayos ka lang ba?" nauutal na tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
Hindi sya sumagot sa tinanong ko na yon kaya napalunok nalang ako sa kaba.
Hindi kaya tama yung sinabi ni Jethro na kaluluwa nalang itong babaeng nasa harapan ko ngayon?
Nanlamig ang batok ko nang maisip ko yon. Lord wag mo naman akong takutin ng ganito.
Napatigil ako sa pagiisip ng kung ano ano nang unti unti nyang iangat ang mga kamay nya.
Nakaturo yon sa isang direksyon. Walang lumabas na kung anong salita sa bibig nya kaya nilingon ko kung ano yung tinuturo nya.
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang buong katawan ko nang makita kung ano yon.