CHAPTER 14
SHANE'S POV
"Why don't we call Zeighmour? Or blizz, or Courtney? Namimiss ko na sila, kamustahin natin." suhestyon ni Levy habang nagaayos pa rin kami sa kwarto.
I glanced at her nang marinig ang sinabi nya na yon.
"Kamustahin sila at first then after that sabihin yung nangyayaring kung ano satin?" may halong sarkasmo sa boses ko nang sabihin ko yon sa kanya.
Tumingin naman sya pabalik sa akin at parang nagi-isip pa.
"Oo, ganun naman talaga eh. Alangang papuntahin natin sila Jethro sa Underworld na walang ka-alam alam yung mga nandoon. Ano yon surprise visit?" sunod sunod na sabi nya sabay taray sa akin.
Napairap nalang din ako at napatawa ng mahina dahil sa reaksyon ng mukha nya.
"Mamaya siguro. Kakausapin ko pa si Jethro tungkol dito, if they want me to let them know what's happening. Kesa naman kumilos ako ng walang permission sa kanya." dagdag na sabi ko sabay sara ng drawer.
"Hmm, sabagay." pagsang-ayon naman ni Levy.
-
Inaksaya lang namin ang araw na yon sa paglilinis ang pagliligpit sa mansyon.
Hindi ko na rin muna nakausap si Jethro tungkol sa pag alis nila papuntang Underworld.
Clearly, he's hesitating to go. Ayaw nya kaming iwanan. And I understand him for that.
Tomorrow will be something I can say, big?
Napangiti ako nang makita si Seth at si Jethro na naglalaro sa sala. Hindi ko maiwasang hindi mapahawak sa tyan ko nang makita sila.
Our family will be a lot more happier pagkalabas ni Baby.
The next day...
"Shane, Shane!" nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtawag na yon sa labas ng kwarto namin.
Mapungay ang matang tinignan ko si Jethro na mahimbing pa rin na natutulog sa tabi ko.
"Shane!" dinig kong sigaw muli ng nasa labas. If I'm not mistaken, si Levy yon.
Ang aga aga kung makahampas sa pintuan akala mo walang natutulog.
Iling iling akong tumayo para pagbuksan sya ng pintuan. Sinuot ko ang tsinelas ko at naglakad na palapit sa pinto.
"What?" pikit ang isang matang tanong ko nang mabuksan ang pintuan.
Nangunot ang noo ko nang makitang bihis na bihis na kaagad sya.
"Anong what what ka dyan? Hello? Girl? This is our first day as professors sa Bradford yet tulog na tulog ka pa dyan kanina." mataray na sabi nya. Nangunot ang noo ko at pilit na ipino-proseso ang mga sinasabi nya.
"Isn't it still morning? Afternoon classes ang tuturuan natin hindi ba?" napapakamot sa ulo na sabi ko. Nawala ang nakataas na kilay ni Levy nang dahil doon.
Napabuntong hininga ako.
"You thought morning classes tayo? Ewan ko ba sayo Lev, masyado kang excited." dagdag ko pa. Umiling iling naman sya sabay hawak sa braso ko.
"Eh ano naman kung afternoon classes pa tayo? Aren't you excited to tour around Bradford? At tyaka hindi pa nga tayo naaassist sa mga table natin sa teacher's lounge." nakahawak sa pulsuhang sabi nya sa akin.
I gave her a bored look pero yung mukha nya ay mukha pang nagmamakaawa.
Nilingon ko si Jethro sa kwarto namin at hindi pa rin naman sya nagigising. Maybe I'll just leave a note na aalis na kami.
Hindi titigil si Lev hanggat hindi ako pumapayag na maagang umalis.
"Fine, fine.. Maliligo lang ako. Mag intay ka nalang doon." sabi ko sabay buntong hininga.
Puro buntong hininga nalang talaga nagagawa ko.
Kitang kita naman ang namuong excitement sa mga mata nya nang marinig ang mga sinabi kong 'yon.
"Yay! Dalian mo na maligo dyan! Babush!" natutuwang sabi nya sabay lakad palayo.
Sinundan ko nalang sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa paningin ko bago ako pumasok muli sa kwarto.
Umupo ako pabalik sa kama namin at binigyan ng halik si Jethro sa noo.
Pumasok na ako ng banyo at nag asikaso.
-
Napailing iling nalang ako habang may ngisi sa labi nang makitang tulog na tulog pa rin si Jethro na nakahiga sa kama.
Nag iwan nalang ako ng sulat sa isang sticky note na dinikit ko sa side table bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nagtaka ako nang mapansing ang dilim sa hallway. Nilingon ko ang bintana na may nakatakip pa rin na kurtina.
Hindi naman namin 'to sinasara or what. Bakit nakaganito 'to?
Siguro tatanungin ko nalang si Levy or si Lawrence. Baka isa sa kanila ang nasilaw nung magpunta dito kaya isinara nalang.
Lalapit na sana ako sa bintana na yon upang alisin ang kurtina na nakatabing nang may maramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod.
Napangiti ako nang maisip na baka si Jethro yon na nagising na.
"Gising kana pala. Nabasa mo ba yung iniwan kong note sa side table ng kama natin?" sabi ko sa taong nakayakap sa likod ko.
Ilang minuto akong nag intay ng sagot mula sa taong yon pero nanatili lang syang nakayakap sa akin.
"Jethro?" pagtawag ko sa kanya. Tinignan ko ang kamay na nakapulupot sa leeg ko at natigilan ako nang makitang hindi kamay ni Jethro yon.
"Missed me, Shane?" malamig na sabi ng taong yon. Hindi ko makilala ang boses nya pero parang may kung anong epekto sa sistema ko ang boses nya.
Nanlamig ang buong katawan ko at hindi ko rin maigalaw ang mga kamay ko.
I want to struggle and back away from whoever this is pero naunahan ako ng takot.
Base sa boses nya ay lalaki ang taong yon. I just don't know who. Magnanakaw ba sya?
"W-who are you? And why do you know me?" nanginginig na tanong ko.
Naramdaman ko ang hininga ng lalaking yon sa bandang tainga ko kaya napapikit ako ng mariin.
"You know me. I know you." sagot nya sa sinabi ko. I want to shout.
Malapit lang sa amin si Jethro kaya pag sumigaw ako ay siguradong maririnig nya ako kaagad pero hindi ko magawa.
Naunahan ako ng takot.
"Don't worry, I won't harm you. I'll just make you... a dangerous person, more than Maureen ever was." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ng babaeng kumontrol sa katawan ko noon.
Why does he knew her?
Hindi ako nakapagsalitang muli nang marinig ang mga sinabi nyang yon.
Naramdaman ko nalang na unti unti syang kumawala sa pagkakayakap sa akin.
Hindi ko magawang lumingon kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya ng lalaking yon sa likuran ko.
Nang magkaroon ako ng lakas ng loob na lingunin kung sino yon tyaka naman sya nawala nalang bigla.
Napaupo ako sa sahig nang manlambot ang mga binti ko sa sobrang kaba na naramdaman ko.
Hindi rin normal ang paghinga ko at namamawis rin ako ng malamig.
Sino ang lalaking yon? Bakit nya kilala si Maureen? Bakit nya ako kilala?
Anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya na 'I'll just make you a dangerous person, more than Maureen ever was.'?
"Shane!" napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na yon.
Nakita ko si Levy na nagtatakang nakatingin sa akin. Dali dalo syang lumapit sa direksyon ko at inalalayan akong tumayo.
"What happened to you? Ayos ka lang ba? Bakit nakaupo ka dyan? A-anong nangyari?" sunod sunod na tanong nya sa akin nang makatayo ako.
Lumunok pa ako ng ilang beses bago sinagot ang mga tanong nya.
"W-wala 'to, napaupo lang ako kasi may naapakan akong kung ano. Ayos lang ako." sagot ko sa kanya. Pinilit kong diretsuhin ang boses ko habang sinasabi ang mga yon.
Nanlalamig pa rin ang buong katawan ko at bahagya pa rin na nanginginig ang kamay ko pero pinilit kong magmukhang maayos.
Para hindi na rin magtanong pa nang magtanong si Levy.
Alam kong 'di nya ako titigilan sa kakatanong nya, pero ayokong sabihin sa kanya ang nangyari.
Siguradong pag nakarating yon kay Jethro ay kung ano ano na ang iisipin no'n.
Ayokong mas lalo syang ma-paranoid at mas madagdagan pa ang mga iniisip nya.
Baka hindi na ako patuluyin no'n sa pagtuturo sa Bradford at dito nalang sa mansyon buong maghapon araw araw pag nalaman nya.
"Are you sure you're okay? Ano ba yung naapakan mo?" nag aalalang tanong pa rin ni Levy.
Tinignan ko sya sa mga mata at nginitian. I tried my best not to look awkward nang ngumiti ako sa kanya.
"Hindi ko rin nakita eh, dumulas na din kasi nung naapakan ko. Wag kana magalala dyan, wala namang nangyaring masama sa akin." nakangiting sabi ko sa kanya.
Mukha naman syang nakumbinsi na sa mga sinabi ko kaya hindi na sya nagtanong pa ulit.
Inalalayan nya ako sa paglalakad pababa.
"Sa susunod kasi mag iingat ka, buntis ka pa naman." sabi nya habang naglalakad kami.
Huminga ako ng malalim nang marinig ang mga sinabi nya na yon.
Buntis ka pa naman.
Hindi ko maiwasang hindi mag alala para sa mga anak ko, lalong lalo na sa nasa sinapupunan ko.
Who knows what will happen next pag nagpakita nanaman sa akin yung lalaking yon?
Baka kung ano pa ang gawin nya sa akin at sa pamilya ko.
Hindi ko pa nakikilala ang taong yon pero bakit ganito nalang ang hatid nya sa akin? Boses palang naman nya ang naririnig ko.
Sino ba talaga sya?
"Uh, wala ka bang napansin na kung sinong nakapasok sa mansyon kanina?" tanong ko kay Levy nang makababa kami ng hagdan.
Nilingon nya ako na may nagtatakang mukha.
"Wala naman. Hindi ko pa naman binubuksan yung gate sa labas, bakit? May nakita ka ba?" nakakunot ang noo na tanong nya.
Umiling iling ako.
"Wala, bunga lang siguro 'to ng naging panaginip ko kanina." sagot ko naman sa kanya.
Napa 'ahh' sya at tumango tango nang marinig yon.
"Ahh, ganun ba. Wa ka na bang naiwan? Alis na tayo?" tanong nya. Nakangiti naman akong tumango.
Naglakad na kami palabas ng mansyon. Hindi ko nakita si Lawrence sa sala, mukhang pati sya ay tulog na tulog pa rin.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kung ano ano.
I can't stop the feeling na baka may nakatingin sa amin, nagmamasid.
Hindi mawala sa isipan ko ang lalaking yon maging ang mga sinabi nya.
How is he related to Maureen? Matagal nang wala si Maureen, that incident was years ago. Sino yung taong yon?
Mas lalong namuo ang kaba sa dibdib ko.
What if hindi pa sya patay? Paano kung gagantihan nya kami? Paano kung may mamamatay nanaman sa amin?
Paano na ang pamilya ko? Ang mga anak ko?
"Shane?" natigil ako sa pagiisip nang marinig ang pagtawag sa akin ni Levy.
Nakatigil na pala ako sa may bandang labasan ng mansyon.
"Hmm?" pinilit kong ngumiti sa kanya at nagtuloy na sa paglalakad.
"Are you okay?" bungad na tanong nya sa akin nang makalapit na ako.
"Oo naman.." nakangiting sagot ko sa kanya. Pansin kong gusto nya pa akong tanungin pero hindi na sya nagsalita pang muli.
Pumasok kami sa kotse at sya na ang nagprisinta na magmamaneho. Siguro naramdaman nya na may kung ano akong iniisip.
Nang nasa labas na kami ng mansyon ay nahugot ko ang hininga ko nang makita ang pamilyar na pigura ng lalaki na nakatayo sa gilid ng gate.
That man.
Sya yung lalaki na nasa loob ng mansyon kanina.
Hindi ko magawang maialis ang paningin ko sa kanya. Nakasuot sya ng itim na cap at purong itim rin ang damit nya.
Nakasuksok sa loob ng bulsa ng pants nya ang mga kamay nya. Nakatakip ang mga mata nya gamit ang cap na suot suot nya kaya bibig nya lang ang kita.
Pinilit kong inisip kung sino ang lalaking yon pero hindi ko sya magawang makilala kahit anong gawin ko.
Nanlamig ang batok ko at napahigpit din ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko nang makita ang nakakapanindig balahibong ngisi ng taong yon.
Parang kahit nakatakip ng cap ang mga mata nya ay nakikita nya akong nakatitig sa kanya.
Hindi ko naiiwas ang paningin ko sa misteryosong taong yon hanggang sa tuluyan kaming makalayo sa mansyon.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko na dulot dulot sa akin ng taong yon.
Ang mga ngising yon, bakit parang nakita ko na yon noon?
Bakit pamilyar? Sino ba talaga ang lalaking yon?
Ano ang kailangan nya sa akin?