CHAPTER 13
SHANE'S POV
Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig ang sinabi na yon ni Jethro.
Hindi namin maikakaila na tama sya, may punto ang lahat ng mga sinabi nya.
There's another mystery, na kahit na wala naman kaming kinalaman dito ay kami pa rin ang tutulong para malutas ito.
Or wala nga ba talaga kaming kinalaman sa nangyayaring ito? Hindi ko alam kung bakit, but I have a feeling that somehow this case is connected to what we're experiencing.
Yung papel. Iniisip ko na yung papel na yon, may kung anong koneksyon sa nangyayaring misteryo sa dati naming eskwelahan.
"I have something to share..." biglaan kong sabi bilang pambasag sa katahimikang namuo.
Naagaw ko naman ang atensyon nilang lahat nang magsalita ako.
"What is it?" tanong ni Jethro sa gilid ko. Binalingan ko sya ng tingin saglit bago inilabas ang papel na kanina ko pa hawak hawak.
"Last night, nagpunta ako sa kwarto ni Mom. While I was busy thinking about the past and the memories we all shared, someone throw something on the window na halos katabi ko lang.." panimulang sabi ko. Nakita kong umayos ng upo si Jethro nang marinig ang mga sinabi kong yon.
Hindi naman sila nagsalita kaya nagpasya akong ipagpatuloy ang pagk-kwento.
"Nung tignan ko yung sahig, there's a crumpled paper. Naisip ko yun siguro yung binato sa bintana. Syempre nagtaka ako kasi papel lang yon tapos nakabasag pa ng bintana. So I reached for it and found out na may bato sa loob noon. Nung inalis ko yung papel, there are words written in it." pagpapatuloy ko.
Binuklat ko yung papel na hawak hawak ko sa harapan nila at inilapag yon sa coffee table na nasa harapan namin.
Natuon naman ang pansin nila doon.
"Hi shane, welcome back - 22.88.888.66. Yan ang mga salita at numero na nakasulat. I just don't know what does numbers at the end of the sentence meant." pagsabi ko sa kanila. Nakatitig lang sila doon habang nangungunot ang mga noo nila.
Kahit siguro sila ay walang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga numero na yon.
"Inisip ko na baka nant-trip lang na kung sino yung nambato nyan. But to know exactly na nandoon ako sa loob ng kwarto ni Mom bago binato yan, I think that was more of just a coincidence..." tinignan ko sila isa isa "... Kahit kayo rin naman siguro ganon naiisip, hindi ba?" palipat lipat ang tingin na sabi ko sa kanila.
I said those words not as a question but as a matter of fact.
Hindi na kami bata para isipin na coincidence lang yon. Grabeng pagkakataon naman yon, saktong sakto.
"Yeah, you're right. I also want to share something." napatingin naman kaming lahat kay Jethro nang sya naman ang magsalita.
Hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko. I can feel his worriedness. Siguro dahil na rin sa nai-kwento ko.
"Someone also threw something like that in our room, just a few minutes ago." seryosong sabi nya. Tinitigan nya ako matapos nyang sabihin yon.
Nangunot ang noo ko nang marinig sya.
"Minutes before you entered our room. Tinakpan ko lang ng kung ano yung bintana para hindi mo mahalata na sira yon. Baka isipin mo pa ako ang may gawa dahil sa inis ko." dagdag nya pa.
Yeah, he's right. Ganoon talaga ang iisipin ko kung nagkataon na nakita ko yon.
Syempre sakto pa na alam kong nainis sya sa ginawa kong 'di pagpapaalam and punching or throwing something at the window causing the glasses to break isn't that suspicious.
"May natanggap ka rin na papel?" tanong ni Lawrence.
"Yup." maikling sagot ni Jethro sabay labas ng kung ano sa bulsa nya.
Nakita namin na isang papel rin yon at kagaya ng ginawa ko, ay binuklat nya yon sabay lapag sa coffee table.
"Hi Jethro, see you soon - nibefmfof." malakas na basa naming tatlo nila Levy at Lawrence sa nakasulat sa papel na nailapag ni Jethro.
Kagaya ng sa akin, may kung anong nakasulat sa dulo ng phrase. Pero kung sa akin ay mga numero, sa kanya jumbled letters naman na hindi maintindihan.
"I have no idea who threw that there. Nung tinignan ko naman yung labas ng bintana, I saw no one. So I thought too na baka nant-trip lang ang nagbato." seryosong sabi ni Jethro. Napahilamos nalang ako sa mukha ko.
Imposibleng biro-biro lang yung nagbato nyan at nagpadala sa amin. Ang tagal namin na nawala sa lugar na 'to, so how come they'll know we already arrived here?
"Kahit ako din, may natanggap na ganyan." napalingon naman kaming lahat kay Lawrence nang sya naman ang magsalita.
Nilabas nya yon at binuklat din. Nilapag nya rin sa harapan naming lahat ang papel na yon.
"Kung sa inyo may weird na kung ano, sa akin wala." sabi nya nang mabasa namin yung nakasulat sa papel na natanggap nya.
"Nakita ko yan kanina sa seat ng kotse ko, bago pa kami magkausap ni Levy. May napansin kasi akong parang kung sino na naglalakad lakad sa labas ng kotse, ayun nilabas ko. Pero wala akong nakita. Tapos pagbalik ko ayan, may nakalapag nang ganyan sa kotse ko. Akala ko pa nga si Levy nagbukas ng kotse, pero wala pa sya nung mga oras na yon." mahabang paliwanag nya.
Tinignan kong muli ang papel na yon na nilapag nya at binasa ulit yon sa utak ko.
"Hi lawrence, miss us."
Yun lang ang nakasulat. Simpleng greeting lang. Walang kung anong weird kahit na bali-baliktarin yung papel na yon.
Pero napako ang tingin ko sa salitang 'us' na nandoon. What does it mean by 'us'?
Hindi lang ba iisa ang may gawa ng mga 'to? Pero bakit?
Wala akong ibang maisip na pwedeng gumawa nito sa amin. Bukod kay Maureen, wala naman na kaming ibang naka-alitan before.
"Seryoso talaga? Do you mean lahat tayo nakatanggap?" nagtataka pero may halong pagkamangha na tanong ni Levy sa amin.
Nagtaka ako sa sinabi nya. Paanong lahat?
"What do you mean by 'lahat'? May natanggap ka rin?" nagtatakang tanong ni Lawrence kay Levy. Tumango tango naman si Levy at nilabas yung phone nya.
"Oo meron, kani-kanina lang nung pabalik na kami dito. Pero hindi sa papel." sabi nya at may kinalikot saglit sa cellphone nya bago yon nilapag sa harap.
"Hi my sweet Levy, I've missed you? What the f**k?" nangungunot ang noong sabi ni Lawrence nang basahin nya yung nakalagay sa text message.
"Na-receive ko yan kanina nung papasok na tayo dito. Kaya napatigil ako sa paglalakad. As you can see naman, walang kahit na anong clue kanino galing. Even the number that was used to send that message is unknown for me." pagpapaliwanag nya ns nakatingin lang kay Lawrence.
I know what he's thinking.
"Wag ka ngang OA dyan. Hindi ko nga kilala kung sino nag send ng message na yan." nagtataray na sabi ni Levy kay Lawrence.
"Tss." ismid naman ni Lawrence sa kanya. Natawa nalang ako ng mahina nang dahil sa kanila.
"It's obvious na ang nagbigay ng mga welcoming messages na yan sa atin ay pare parehas lang. And it's also clear that it is not just a one person." naging seryoso muli ang awra sa sala nang magsalitang muli si Jethro.
Nanahimik naman yung dalawa nang mapansin na seryosohan na ulit.
"So.. Alin ba ang uunahin nating alamin? Itong may pakana ng mga messages na to? Or yung sa missing student?" tanong ko habang nakatingin kay Jethro.
Nilingon nya ako at tinitigan saka sya nagsalita.
"Both. Alam kong may kutob ka rin na somehow related yung dalawa. We just have to figure out how." seryosong sabi nya habang nakatitig pa rin ng diretso sa akin.
Ginantihan ko naman ang mga matatalim na titig na ipinukol nya sa akin.
He's deadly serious. Kailangan talaga naming seryosohin ito.
"Oh puro kayo titigan dyan, hello? Andito pa kami." napaiwas ako ng tingin kay Jethro nang marinig ang boses na yon ni Lawrence.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang dahil do'n.
"Bukas na start ng pagtuturo namin sa Bradford. Siguro yun na rin gagamitin naming opportunity para malaman yung iba pang background sa pagkatao ng Mika na yon." seryosong sabi ni Levy na syang tinanguan ko naman.
She's right. Magkakaroon kami ng access sa mga personal data ng mga estudyante, not all, but that will do.
And sure ako na yung files ni Mika ay nakatago nalang, since her case is confidential.
Madali nalang naman sigurong mauto yon si Ms Shin. Ang dapat ko nalang intindihin ay yung secretary nyang masungit.
"Are you sure na magiging ayos lang kayo doon ni Levy? You do know that you're pregnant, right?" biglang sabi ni Jethro dahilan para maagaw nya ang atensyon ko.
Ngumiti naman ako sa kanya sabay tango tango.
"Oo naman. Hindi ko naman pababayaan yung sarili ko. Tyaka kasama ko naman si Levy." nakangiting sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga nalang sya at sabay pisil ng kamay ko.
"I-contact nalang natin si Zeighmour to know kung nandoon nga si Mika sa Underworld. Or pwede rin na tayo na mismo ang bumalik doon. To check it properly." suhestyon ni Lawrence.
Nakita kong tumango tango naman si Jethro sa sinabi nya na yon.
I see nothing wrong about going to Underworld personally to know what we're trying to know. Mas okay nga yon.
"Sa ngayon, itago nyo na muna yang mga yan. Magmasid masid nalang muna din tayo dito sa mansyon if may maulit man. Unti untiin natin." sabi ko sa kanila at tumango tango naman sila bilang pagsang-ayon.
"Kayo, dito nalang kaya muna kayo sa amin?" tanong ko kay Levy at Lawrence.
"Walang problema sa akin. Mas okay yon para magkakasama tayong lahat." sagot ni Levy sabay baling ng tingin kay Lawrence.
"Sige, dito nalang din muna kami. Babalik nalang ako sa bahay para kumuha ng ilang mga gamit." sagot naman ni Lawrence na dahilan para mapangiti kaming dalawa ni Levy.
"Tuwang tuwa naman kayo. Palibhasa magkakasama nanaman kayong dalawa sa iisang bubong." nakangiwing dagdag ni Lawrence.
Natawa nalang kaming dalawa nang makita ang mukha nya.
"Oh sya, alis na ako. Para na rin maayos yung mga gamit dito agad." pagpapaalam ni Lawrence. Tumayo sya sabay halik kay Levy bago tuluyang lumabas ng mansyon.
"Pupuntahan ko na muna si Seth sa itaas." pagpapaalam naman sa akin ni Jethro nang tuluyang makalabas na si Lawrence.
Tumango tango ako. He gave me a soft kiss before heading upstairs.
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Levy nang parehas makaalis ang mga asawa namin.
Napatili nalang kaming dalawa at napayakap sa isa't isa.
"Magkakasama nanaman tayo!" natatawang sabi ni Levy na syang ginantihan ko rin ng tawa.
Nagtatatalon kami sa sala habang magkayakap. Mas lalo nalang kaming napatawa nang ma-realize na para kaming hindi buntis kung umakto.
-
"Hindi kaba nagw-worry? Babalik sila Jethro sa Underworld." tanong ni Levy.
Tinapunan ko sya ng tingin ngunit binalik ko rin agad ang mga mata ko sa mga damit na hawak hawak ko.
"Nagaalala ako syempre. Hindi ko naman yun maiiwasan, but what can I do? Hindi rin naman pwedeng balewalain nalang natin ang mga nangyayaring to." sagot ko sa kanya nang hindi sya tinitignan.
Patuloy lang ako sa pagtiklop ng mga damit at mga sapin.
Nagpasya kami kanina na linisin ang kwartong gagamitin nilang dalawa ng asawa nya.
"Wala lang, naisip ko lang. Alam kong malaki pa rin ang epekto sayo ng nangyari sa atin years ago. Kahit naman ako, hindi ko pa rin yon makakalimutan." dagdga nya.
Napatigil ako saglit sa pagtitiklop nang marinig ang sinabi nya na yon.
"Hindi naman talaga natin makakalimutan ang lahat ng nangyari na yon. Maraming nawala sa atin. Pero kung puro takot nalang ang iisipin natin, walang mangyayari. Kailangan nating malaman kung ano ano pa ang mga pagsubok na dadating. For us to solve them." mahabang sabi ko sabay tuloy sa ginagawa.
Nakita ko sa sulok ng mga mata ko na napatingin sa direksyon ko si Levy pero hindi naman na sya nagsalitang muli.