CHAPTER 8
SHANE'S POV
Nginitian kaming dalawa ng babaeng yon matapos nya sabihin ang mga salitang yon.
"I forgot to introduce myself. I am Miss Shin, and I am the Dean of this school." dagdag nya pa at mas lalong lumawak ang pagka-kangiti nya sa amin.
Nagkatinginan kami ni Levy nang sabihin nya yon.
"Kung ikaw ang Dean ng Bradford, eh sino yang babaeng yan na kanina pa kami sinusungitan?" nakataas ang kilay na tanong nya. Walang preno nya yon na sinabi na parang wala dito yung babaeng sinasabihan nya.
Tinignan ko ang reaskyon nung girl na humarap sa amin kanina at nakitang ganoon pa rin ang mukha nya, parang hindi sya naapektuhan sa mga sinabi ni Levy.
She just continued gaving us a 'wala akong pake' look. Which is kind of annoying.
"Oh, her?" she pointed at the girl "... She'smy secretary. I am very sorry for her attitude, sadyang ganyan na lang talaga sya simula pa nung pumasok sya dito. I actually think na pinanganak na syang ganyan." pagpapa-umanhin ni Ms Shin sa amin tungkol sa babaeng yon.
Akala ko pa naman mas nasa higher position sya kaya ganoon nalang kung magtaray at magsungit.
Don't get me wrong. Kahit sino siguro yan ang sasabihin na may masyadong intimidating na staff somewhere else na akala mo boss then malalaman mo hindi naman pala.
"Anyways, were sorry for arriving here late. Medyo naligaw lang talaga kami sa directions. Buti nalang may isang babae na nagturo sa amin dito. Kung wala ay baka mamaya pa kami makakarating." nakangiti kong sabi sa babaeng nasa harapan ko.
Unti unting nangunot ang noo nya nang marinig ang mga sinabi kong yon. Pati yung secretary nya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano pangalan, na sinungit sungitan kami kanina ay napatingin na din sa amin.
"May babaeng nagturo sa inyo dito?" nagtatakang tanong ni Miss Shin sa amin. Binalingan ko ng tingin si Levy sa gilid ko. Halatang maging sya ay nagtataka sa nagiging akto ng mga babaeng nasa harapan namin.
"Uh, yes. Meron ngang nagturo sa amin just like what I said. Nandoon lang sya sa isa sa mga lumang building kanina, nakatayo." pagpapaliwanag ko sa kanila.
Nagkatinginan ang dalawang babae sa harapan namin. Mas lalo akong nagtataka sa nagiging akto nila.
Mukha silang hindi makapaniwala.
"That girl you said that lead you here, what was she wearing?" tanong ni Miss Shin na mas lalong nagbigay ng pagtataka sa mga mukha namin ni Levy.
"S-shes wearing a high school uniform, with a third year student necktie. Ang strange nga din ng naging akto nya kanina, hindi sya nagsasalita." pagpapaliwanag ko sa kanila.
Kitang kita ko kung paano gumalaw ang lalamunan ni Miss Shin nang dahil sa mga sinabi ko.
"That girl you saw, she's one of the missing girl student here in Bradford." napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi nya.
One of the missing girls? That girl's missing and we bumped into her?
"Magiging isa kayo sa mga propesor ng paaralan na ito kaya siguro walang mali kung malaman nyo ang mga iyon." sabi nya sabay buntong hininga.
Iminuwestra nya sa amin ang mga upuan sa tapat ng office table nya at doon kami naupo.
Itinuon lang namin ang buong pansin namin sa babaeng nasa harapan namin. Binalingan ko ng tingin ang sekretarya ni Miss Shin at napansin kong nakayuko lang din sya.
Nawala ang kaninang aura nya na masungit. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay dahil yon sa binanggit ni Miss Shin.
Tungkol sa babaeng yon na animo'y nawawala daw, tapos nakaharap pa namin kanina.
If only we knew that she's missing, isinama na sana namin sya rito.
"Her name is Mika. She's a third year highschool student from Class 14. That was one week ago when we received a report that a girl from their class disappeared, just disappeared out of nowhere." panimulang kwento nya sa amin. Naramdaman ko ang kamay ni Levy sa mga braso ko nang hawakan nya yon.
Hindi ko sya pinansin at itinuon lang ang buong atensyon ko sa mga susunod na sasabihin pa ng babae.
"We asked her classmates that probably she just doesn't want to go to school. Like, she dropped out or something. Pero ang sabi ng karamihan sa mga kaklase nya at maging ang mga guro nya, hindi raw gawain ni Mika yon. She's an outsanding student at bihirang bihira lamang sya lumiban ng klase. One time, may program ang eskwelahan." pagpuputol nya sabay ayos ng upo.
May inilabas syang ilang mga dokumento at doon namin nakita ang itsura ng nawawalang babae na sinasabi nya.
Napatikom ako ng bibig ko nang makita ang larawan ng babae na yon.
"Kamukhang kamukha nya yung babae na nakaharap natin kanina..." biglang sabi ni Levy sa tabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
Yeah, tama nga sya. Kamukhang kamukha yon ng babae na kinausap namin kanina.
Hindi man namin nakita ang itsura nya dahil sa nakayuko nga lamang ito, at hindi kami hinaharap, ang postura ng kanyang katawan maging ang haba at ayos ng kayang buhok ay parehas na parehas.
"Ito ang huling litrato na nakuhanan sa kanya bago sya nagsimulang mawala ng parang bula." sabi ni Miss Shin.
"Sa mismong event ng Bradford nawala si Mika. No one knows where she's at. Maging ang mga magulang nya ay walang kaalam alam kaya hindi posible na nagpasya lang syang mag absent ng ilang araw at hindi na pumasok."
"Ilang araw syang nawawala at walang nakakaalam kahit na sino dito kung nasaan sya. Kung ayos lang ba sya, or ano. Pero nung nagkaroon muli ng isa pang event sa Bradford, we started receiving reports from students and even professors and staffs of the school, na nakita daw nila si Mika. Bigla bigla nalang daw syang susulpot sa kung saan at pag nilingat nila ang tingin nila sa kanya ng ilang segundo lang, wala na sya sa kung saan nila sya nakita. Ilang beses nangyari ang mga insidenteng yon. And now..." tinignan nya kaming dalawa.
"Kayo naman ang nakakita sa kanya." pagpapatuloy nya. Huminga ako ng malalim nang matapos syang mag kwento.
"Have you already reported this sa mga authorities? Sa pulis? If she disappeared here sa school, there's no doubt na nandito lang sya. Nakikita pa sya ng mga estudyante." sabi ko matapos nyang magsalaysay.
Bumuntong hininga sya at diretson tumitig sa mga mata ko.
"We did. Ilang beses na naming ginawa hoping we'll find her. Kahit nga pag may nag report sa amin na nakita nila sya, pinapahanap agad namin sya dito. But all the time, walang nahahanap na Mika." bakas ang hirap sa mukha nya nang sabihin nya yon.
As the Dean of this school, the weight is on her shoulders. Lalo na't dito pa nawala ang babaeng yon.
The reputation of this school is at stake. Wag nalang sana mag demanda o mag-sampa ng kaso ang mga magulang ni Mika sa paaralang to.
"I hope she'll be found. Pag nakita namin syang muli dito, we'll report it immediately. Tutulong rin kami sa paghahanap nyo sa kanya." pinilit kong ngumiti nang sabihin yon sa kanya.
Ngumiti rin sya sa akin at sabay hinawakan ang kamay ko.
"I hope so. By the way... you can start teaching tomorrow. Ipapa-send ko nalang sa email ninyo ang class schedule nyo." nakangiting sabi nya sa amin na syang tinanguan ko lang.
Tumayo na kaming tatlo at nakipag-kamay pang muli sa kanya.
Binalingan ko ng tingin ang sekretarya nya na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. Hindi na nya kami sinungitan or what.
Unusual, isn't it? Nang mabanggit ang babaeng nawawala na si Mika, hindi na sya muling nag angat ng tingin sa amin.
Iniwas ko nalang ang paninitig ko sa kanya at tinignan nalang ang nakangiting Dean na nasa harapan ko.
"We should get going. Thank you for the warm welcome, Miss Shin. See you again tomorrow." nakangiting sabi ko sa kanya.
Nakipag-beso naman si Levy sa kanya bago nagpaalam na lalabas na.
Nang makalabas kami ng pintuan ay hindi pa agad naglakad si Levy. Napansin ko na parang may tinititigan syang kung saan.
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya at wala naman akong nakitang kung ano.
Iwinasiwas ko ang palad ko sa tapat ng mukha nya.
"Huy!" sabi ko habang patuloy sa pagwasiwas sa palad ko sa kanya.
Binalingan naman nya ako ng tingin na parang natauhan.
"Anong nangyari sayo? Bigla ka nalang tumutulala dyan. Ano bang tinitignan mo don?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"A-ah wala. May napansin lang, tara na uwi na tayo." sagot nya sabay aya sa akin. Umiling iling nalang ako sa kanya nang hatakin nya ako pababa ng building na yon.
"Sa tingin mo, saan kaya napunta yung babae? Parang ang creepy kasi ng pagkawala nya. Natatakot tuloy ako maging professor dito." biglang sabi nya habang naglalakad kami.
Tinignan ko sya saglit at ibinalik rin ang tingin sa daanan namin.
"Kaya nga, kahit ako rin naman naw-weirdohan sa narinig na bigla nalang nawala yung babae. Tapos dito pa mismo sa school, eh 'di sana nahanap nalang din sya kaagad kung dito sya nawala." pagsagot ko naman sa kanya.
Nakita ko syang tumatango tango.
"Paano kaya pag nag start na tayo magturo dito tapos may nawala nanaman..." bulong nya na tamang tama lang para marinig ko.
"Wag ka nga magsabi ng ganyan. Mamaya magka-totoo pa yan eh." pagsasaway ko sa kanya. Ngumuso naman sya at hindi na nagsalita pa.
Tinuon ko nalang ang pansin sa dinadaanan namin.
Labasan na ng mga estudyante ng morning class kaya pansin na pansin ang mga estudyante.
Nakakamiss rin pala talaga dito kahit ma sabihin kong madaming masasamang nangyari at alaala rito.
Napako ang tingin ko sa isa sa mga puno sa bandang gilid ng court. Napangiti ako nang makita yon.
Doon kami dati tumatambay nila Levy kasama ang ilan sa mga kaibigan namin. Minsan after class, pag breaktimr, or pag may vacant kami.
Nanatili akong nakatingin lang doon na pawang nakikita ko pa rin ang masasayang alaala na magkakasama kami.
Napaupo ako nang biglang may mabangga na kung sino.
"Shane!" dinig kong sigaw ni Levy sa akin at inalalayan akong tumayo rin kaagad.
Hinawak hawakan ko ang pwet-an ko habang iniinda ang pagkakabagsak ko na yon.
"S-sorry po miss. Hindi ko po sinasadya." inangat ko ng tingin ang nagsabi no'n at nakitang isang babaeng estudyante yon. Kapansin pansin rin ang necktie na suot suot nya.
Third year highschool student rin.
Patuloy sya sa paghingi ng tawad sa akin at halatang na-guilty sya sa ginawa nya. Pawisan rin sya.
"Sa susunod naman mag ingat ka ha. Tingin tingin ka rin sa dinadaanan mo. Buntis pa naman itong kasama ko." mahinahong pagpapa-alala ni Levy sa babaeng nakabangga sa akin.
"P-pasensya na po talaga ate. Hindi ko naman po sinasadya. Sorry po ulit." pagpapa-umanhin nya at naglakad na palayo sa amin.
Dahan dahan akong inalalayan ni Levy na makatayo at parehas namin na sinundan ng tingin ang batang yon.
"Mukha namang hindi nya rin ako napansin. Tyaka kasalanan ko rin naman kasi sa iba ako nakatingin, hindi sa daanan." pagpapaliwanag ko kay Levy. Inirapan nya ako at pinunasan ang pwet-an ko gamit ang panyo nya.
"Buti hindi pa ganoon kalaki ang tyan mo at 'di ka pa ganon ka-sensitibo magbuntis. Mayayari talaga tayo sa asawa mo." umiiling iling na sabi nya habang patuloy sa pagpunas sa akin.
"Ayos lang ako wag kang mag alala." nginitian ko sya nang sabihin ko yon.
Inismiran nya ako at sabay inalalayan nalang muli na makapaglakad papunta sa kotse namin.
-
"Wala ka pa rin bang natatanggap na text or tawag kay Jethro?" bungad na tanong ni Levy nang makapasok kami sa kotse.
Inilabas ko ang cellphone sa bag ko at tinignan yon. Walang text or ni isang tawag.
"Wala naman, siguro tulog pa or may ginagawa." simpleng sagot ko sa kanya.
"Ewan ko lang ah. Kahit si Lawrence walang text or tawag sa akin. Nakakapagtaka." sabi nya habang nakatingin sa phone nya.
Pinaandar ko na ang engine ng kotse at lumunok.
Siguro magkasama na yung dalawa at alam na magkasama kami ni Levy.