Chapter 7

2036 Words
CHAPTER 7 JETHRO'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Takas na liwanag na nanggagaling sa araw ang humahampas sa mukha ko. Uminat inat ako at nang maidapo ang braso ko sa tabi ko sa kama ay wala akong makapa kundi kumot nalang. Dinilat ko ang magkabilang mata ko at nagtaka ako nang wala akong makitang bakas ni Shane sa tabi ko. "Wife?" mahinang tanong ko sa kawalan. Ilang segundo akong nag-antay sa pag asang nasa bathroom lang si Shane pero walang lumabas na Shane sa kahit na anong sulok ng kwarto namin. Where the heck is she? Binalingan ko ng tingin yung maliit na orasan sa side table ng kama at mas lalong nangunot ang noo ko nang makitang mag a-alas dyis pa lang ng umaga. Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga at wala nang sinayang na segundo pa at lumabas na ng kwarto. 'Maybe she's inside Seth's room?' tanong ko sa sarili ko. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Seth at pagkabukas ko ng pinto ay wala akong nakitang Shane sa loob no'n. Si Seth lang ang nandoon na mahimbing pa rin ang tulog. Pumasok ako at umupo sa tabi ng anak ko. Hindi ko na naiwasan ang hindi bumunga ng hininga nang hindi ko pa rin sya nagawang makita dito. Binalingan ko ang anak ko na humihilik hilik pang natutulog habang nakayakap sa malambot nyang unan. Hinalikan ko sya sa noo at dahan dahang tumayo na sa pagkakaupo sa kama nya sabay labas na ng kwarto. Baka naman nasa kusina sya at nagluluto ng agahan namin? Yun nalang ang huli kong naiisip na pwede nyang gawin, pag wala pa sya dito isa lang ang ibig sabihin no'n. Nasa labas sya. Nakarating ako ng kusina na walang nakikitang pigura ni Shane sa bawat sulok noon. Napatiim bagang ako. If she's not here then where is she? Nagpasya akong bumalik sa kwarto ko. Pagdating doon ay hinagilap ko agad ang cellphone ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang ilang missed calls. Galing kay Lawrence? Bakit kaya? Ako na mismo ang tumawag sa kanya nang hindi na sya nag-missed call pa sa akin. "Yo' bro, is Shane there? Kasama ni Levy? I woke up without her next to me." bungad na sabi ko sa kanya nang sagutin nya ang tawag ko. "Why do you think I called you multiple times at 9 am in the morning?" nakakaloko at may halong inis sa boses na sabi nya. Napahawak nalang ako sa noo ko nang ma-realize ko ang ipinupunto nya. "Levy's not there either?" tanong ko para kumpirmahin ang hinala na namumuo sa isipan ko. "Yes... Just like you, I woke up without her next to me." napapa-buntong hininga na sagot nya sa naging tanong ko. "So, what now? I can't just go out to find her, tulog na tulog pa ang anak ko sa kwarto nya." bigla kong sabi sa kanya nang maalala ko si Seth. "Should I just come over? Siguradong pag pauwi na yung dalawang yon galing sa kung saan man yung pinuntahan nila, dyan yon di-diretso. Levy know's I'll be mad at her for not telling me that they'll go out." makahulugang sabi ni Lawrence na syang tinangu-tanguan ko lang. He's right. Hindi nagagawang pumalag ni Levy kay Lawrence because Lawrence is the dominant one in their relationship. At isa pa, iba magalit si Lawrence. For sure mas pipiliin ni Levy na dito dumiretso pagka-uwi nila kaysa doon sa bahay nilal ni Lawrence. And besides, she got Shane as her cover up. At kabaliktaran ng relationship nila ang relasyon namin. When it comes to me and her, Shane is the one who's a lot more scary than me when she's mad. "And also, Levy didn't take the wheels. Kaya sigurado akong dyan ang diretso ng mga yon kasi pipilitin yon ng asawa ko." naiinis na sabi nya. Napatawa nalang ako ng mahina nang mapansin na mas nagiging obvious ang umuusbong na inis sa boses nya. "Stop laughing. My wife's pregnant, I'm worried about her. Aren't you worried about Shane? Your wife's pregnant either. They both are." biglang sabi nya nang marinig ang mahihinang tawa ko. "Of course, I am. Who wouldn't worry? I just don't want to exaggerate things and think negatively..." sagot ko sa sinabi nya. "... So, just come over here and let's talk things ou, hanggang sa dumating na yung dalawa." pagpapatuloy ko. Yun ang huli kong sinabi bago ko ibinaba ang tawag. Bumaba nalang akong muli sa kusina at nagpasyang gumawa na ng agahan. Maya maya sigurado gising na si Seth. And for a few minutes, Lawrence will be here. Sigurado akong hindi pa yon kumakain dahil sa kakaisip sa kung nasaan man yung asawa nya. Wherever they are right now, I just hope that both of them are safe. - SHANE'S POV "Saan nga ba dito ulit yung Registrar's office?" nagtataka kong tanong at nilingon si Levy. I tried sounding as fine as possible. Kanina pa kasi nya ako hindi binibitawan sa balikat, siguro iniisip nya na kung ano ano nanaman ang pumapasok sa isipan ko. "I don't have any idea where either. Should we go ask for directions?" suhestyon nya na syang tinanguan ko naman. Tumingin tingin kami sa paligid. May nakita akong isang babaeng estudyante na nasa 'di-kalayuan. Paano ko nalaman na estudyante? Nakasuot sya ng uniporme ng paaralan na 'to at ng pang third year high school student na necktie. Nakayuko lang ang babae na yon at nakatayo lang sa isang pwesto na animo'y may inaantay. Napansin naman siguro ni Levy ang ginagawa kong pagtitig doon sa babae kaya nang maglakad ako ay wala na syang itanong pa at sumunod nalang din sa akin. "Ah... Miss? May gusto lang sana kaming itanong, kung ayos lang sayo." bungad na sabi ko nang makarating kami sa harapan ng babae. Hindi nya kami tinignan at nanatili lang syang nakayuko. Hindi rin sya nagsalita bilang pag-sagot sa mga sinabi ko. Nagkatinginan kami ni Levy. Ilang minuto pa ang nagdaan at hindi nagsalita ang babae na yon kaya binulungan na ako ni Levy. "Should we ask another person? I think she's not fine. Ni hindi manlang nya tayo dinapuan ng tingin kahit isang segundo manlang." pabulong na sabi nya sa akin habang nakatingin doon sa babae na nasa harap namin. Na hanggang ngayon nakayuko pa rin at walang imik. Tinignan ko rin yon at mukhang wala talaga syang balak tignan at sagutin kami. "A-ah... Sorry for bothering you. Sa ibang tao nalang kami magtatanong." medyo may bakas ng paga-alinlangan sa boses na sabi ko sa babae. Hindi pa rin yon sumagot kaya hinawakan ko na si Levy sa braso igagayak na sana palayo nang may maramdaman akong malamig na kamay na humawak sa kabilang braso ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko at napalunok ako nang sunod sunod. Nagtatakang nilingon ako ni Levy at napako rin ang tingin nya sa isang kamay na nakahawak sa akin. Unti unti kong nilingon ang nagm-may ari ng kamay na yon at nakitang yung babae yon na kinakausap namin kani kanina lang. She's still not looking at us at nanatiling nakayuko lang sya. Nahugot ko ang hininga ko nang ang isang kamay nya naman ay umangat sa ere habang nakaturo sa isang direksyon. Sinundan ko yon ng tingin at nakitang nakaturo iyon sa isang parte ng building na hindi kalayuan sa amin. Is she pointing where the Registrar's office is located? Gusto ko sana syang tanungin ng tungkol doon pero sigurado ako na hindi nanaman nya ako sasagutin. I just assumed na yung hinahanap na namin ang tinuro nya. Imposible namang tinuro nya lang yon nang walang dahilan, hindi ba? Hindi ko magawang magsalita kahit na gusto ko dahil nakatuon pa rin ang pansin ko sa pagkakahawak ng babaeng iyon sa akin. Sobrang lamig ng mga kamay ng babae na yon na akala mo nanggaling sya sa kung anong malamig na lugar. Or 'di kaya tumambay sya sa loob ng refrigerator para maging ganun ka-lamig ang katawan nya. "A-ah, salamat Miss. Sige mauna na kami, salamat ulit." dinig kong sabi ni Levy nang ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi ko pa rin nagawang magsalita. Siguro naisip nya rin na kahit ako ay hindi magawang magsalita. Ikaw ba naman hawakan bigla ng kung sino. Tapos hindi pa nagsasalita na akala mo may kapansanan. Si Levy na mismo ang nag-alis ng pagkakahawak sa akin ng babae na yon. Nahirapan pa sya pag-bitiwin yon dahil sa tigas ng pagkakahawak sa akin ng babae. Nang magawa nyang mai-alis ay wala na syang inaksayang oras pa. Dali dali nya akong hinatak palayo doon at papunta sa itinuro sa amin ng babae. "Jusko, ang creepy no'n ha. Sino ba yung babaeng yon? Tumayo balahibo ko sa kanya." sunod sunod na sabi ni Levy nang makalayo kami. Nilingon ko ang kinatatayuan ng babae na yon kanina at napalunok ako nang makitang wala na sya doon. Napakabilis naman no'n magkakad. Halatang hindi ordinaryo. "Sa tingin mo yung Registrar na yung tinuturo sa atin ng babae na yon?" tanong nya habang naglalakad pa rin kami. "Wala naman sigurong masama kung susubukan natin yung sa itinuro nya. Kung hindi yun yon, eh 'di ask nalang tayo sa iba." sagot ko sa kanya na syang tinanguan naman nya. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa tapat ng isang pintuan kung saan namin nakita na tinuro ng misteryosong babae na yon. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. Sa loob ng silid na yon ay bumungad sa amin ang office type theme. Kung hindi man ito ang Registrar, siguro pwede kaming dito nalang magtanong. Hindi na sa kung sino sinong nakakatakot na babae. "Hello?" bungad ko nang makapasok kami. Maya maya pa ay may lumapit sa amin na isang babaeng naka-office attire. Nakasuot ito ng puting long-sleeve na pinatungan ng itim na coat. Sa pang-ibaba nya naman ay isang pencil cut skirt na above the knee lang ang haba. Nakasuot rin ito ng bilog na bilog na glasses. I think she's in her mid 30's? Wala lang naisip ko lang. Ang pormahan nya kasi ay mukhang pang 'ganon' ang edad. "What can I do for the both of you?" tanong nito na may mataray na tono. Nilingon ko si Levy na nasa kanan ko at nakitang napataas sya ng kilay nang marinig ang tono ng boses ng babae. "Is this the Registrar's office by any chance?" nakangiting tanong ko. I don't want to sound rude. Kahit na gustong gusto ko na syang tarayan. "Ano sa tingin mo? Cafeteria?" mataray na tanong nito na nakataas pa ang kilay. Napaawang ang labi ko nang dahil do'n. Wow ha, attitude. Wala manlang bakas ng galang sa pagkakasabi. "Taray nito ah..." dinig kong bulong ni Levy na halata namang sinasadya nyang marinig ng babae na yon. Hindi naman yon nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin habang nakataas ang kilay. "We just want to confirm out application as professors in this university. We already passed our papers and the requirements needed months ago." maayos na pagkakasabi ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay at tumalikod sa amin. Naglakad ito papasok ng isa sa mga pintuan na nasa loob ng office na 'to. "Yun ba yung nakausap mo nung nagpasa ka ng papers natin?" tanong ni Levy nang makaalis ang babae na yon. "No... I don't recognize her voice. And besides, professional ang pakikipag-usap sa akin nung babaeng nakausap ko that time. Not like that, sounds rude." pagkukumpirma ko sa kanya. Maya maya pa ay lumabas muli galing doon ang babae ngunit ngayon ay may kasama na itong isa pang babae. Isang may kataandaang babae na nakasuot rin ng pang office attire. Nakangiti na agad ito pagkalabas palang ng lintuan na yon. I guess she's the one I talked to with last time. "Nice meeting you in person Mrs. Callahan..." nakangiting bati nito sabay hawak sa kamay ko upang makipag-kamay. Nginitian ko rin ito. Bumaling naman sya sa babaeng kasama ko. ".... And Miss?" tanong nito habang nakatingin sa kanya. "Call me Levy." nakangiting sabi nya na syang naging dahilan para lingunin ko sya. Kahit kailan talaga. "Miss Levy... Welcome to both of you, Bradford's newly hired professors."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD