CHAPTER 6
SHANE'S POV
Lumabas ako ng kwarto ni Mom na hawak hawak ang daspan na punong puno ng mga bubog galing sa bintana.
Hindi ko maiwas ang tingin ko doon. Hindi ko kasi talaga alam kung sino ang pwedeng gumawa noon.
Ngayon ko lang naalala na halos kauuwi lang naman namin, paanong may kapitbahay kami dito na gagawa no'n?
Wala naman akong maalala na may nakakita sa amin na pumasok dito sa bahay. Ang bilis naman nalaman ng mga kapitbahay na nakauwi na kami gayong biglaan lang naman ito.
Umiling iling nalang ako at nagtuloy na sa paglalakad pababa ng hagdan.
Itatapon ko nalang kaagad itong mga bubog na 'to at baka paglaruan pa ni Seth, makasugat pa.
"Hey wife... wait what happened to that?" napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Jethro. Nakita ko s'yang nakakunot ang noo na nakatayo sa bandang dulo ng baba ng hagdanan.
"Ha? Ito ba?" tanong ko at sabay taas ng kamay ko kung saan nakahawak sa daspan na may lamang mga bubog.
"Nabasag kasi yung bintana sa kwarto ni Mom, I think some kids are playing outside at hindi nasadyang may naibato sa bintana natin. I am planning to take these broken glasses to the trash." pagpapatuloy ko habang nakangiti sa kanya.
Tinignan ko sya at nakita ang mukha nyang mukhang walang interes sa mga sinabi ko ngayon ngayon lang.
Hindi ba itong daspan ang tinutukoy nya?
Humakbang sya ng ilang dipa palapit sa akin at may kinuha sa bulsa nya, nilabas nya ang isang puting panyo.
Napaigtad ako nang bigla nyang itinaas ang kamay nyang may hawak na panyo at walang ano ano pa ay ipinunas yon sa ilong ko.
Ilang segundo rin ang nagtagal na pinupunasan nya ng maayos ang ilong ko gamit ang puting panyo na yon.
Maya maya pa ay inilayo nya na ang panyo sa mukha ko at diretsong tumingin sa akin.
Nagtataka ko syang tinitigan nang matapos sya sa ginagawa nya.
"A-anong meron sa ilong ko? Bakit mo pinunasan? May dumi ba?" sunod sunod na tanong ko sa kan'ya. Huminga sya ng malalim habang napapapikit ng mariin samantalang ako ay nagaabang lang ng isa-sagot nya.
"Your nose was bleeding, you didn't noticed?" may halong paga-alalang tanong nya.
Napaawang ang labi ko at mas lalong napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi nya na yon.
Nagdudugo ang ilong ko?
Dahan dahan akong umiling iling sa kanya bilang pagtanggi.
Hinawakan nya ang kamay ko at inialis ang pagkakahawak ko sa daspan. Kinuha nya yon sa akin.
"Ako na ang magtatapon nito. You should go to our room and rest. If you're not feeling well, just tell it to me immediately okay?" may bahid pa rin ng paga-alala sa boses na sabi nya.
Tumango tango ako ng dahan dahan bilang pagsang-ayon.
Inilapit nya ang labi nya sa noo ko at dinampian ng halik yon bago naglakad palayo.
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makalayo na sya sa paningin ko.
Naiwan ako sa may bandang gitna ng hagdanan na nagtataka pa rin sa nangyari.
Iniangat ko ang palad ko at kinapa ang parte ng ilong ko kung saan pinunasan ni Jethro yon.
Nagdugo ang ilong ko? Nagdugo nang hindi ko manlang nararamdaman?
Kung tutuusin ayos lang naman na hindi ko mapansin. Ang kaso lang doon ay alam ni Jethro na pagdating sa mga ganitong bagay, malakas ang pakiramdam ko.
Kaya rin siguro kanina na hindi rin nya agad nasabi sa akin na may dugo ang ilong ko, kasi maging sya ay nagtaka rin.
Napapikit nalang ako bago umakyat nang muli sa itaas upang pumanhik na sa kwarto ko.
Siguro kaya lang nagdugo ang ilong ko ay dahil sa pagbasag na nangyari sa bintana ng kwarto ni Mom.
Hindi ko talaga alam, bahala na. Mas lalo lang akong maguguluhan kung pati ganoon kaliit na bagay ay p-problemahin ko pa.
Maii-stress lang ako.
Pagkapasok palang sa kwarto ay nahiga na ako ng diretso sa kama. Nakatihaya akong nakahiga habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto na yon.
Iwasan mo nalang ang mag isip kung ano-ano Shane.
Walang maidudulot na maganda ang pagi-isip ng kung ano ano sa anak mo.
-
Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto.
Pungay pungay ang mata na dumilat ako at napansin ang isang braso na nakapulupot sa tyan ko.
Nilingon ko ang nasa likod ko at nakita ang mukha ng natutulog kong asawa. Napangiti ako nang masilayan yon.
Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanya at binalingan ang maliit na orasan sa gilid ng kama na nakapatong sa side table.
Alas otso na pala ng umaga, sakto lang ang gising ko.
Kailangan ko pang mag asikaso at pumunta sa school ko noon, sa Bradford Academy, upang mag inquire.
Dahan dahan kong inialis ang nakapulupot na braso ni Jethro sa akin at umupo na ng higaan.
Tinignan ko ang tyan ko at hinawakan yon. Hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan ko kaya pwedeng pwede pa naman akong mag-trabaho.
Alam kong napag-usapan na namin ito ni Jethro noong sinabi ko 'to sa kanya. Hindi ko naman na talaga kailangang mag-trabaho kung tutuusin, kaso ayoko naman na nandito lang ako sa bahay araw araw at buong araw pa.
Mamamatay ako sa buryong hindi sa pagod.
Binalingan ko syang muli na mahimbing pa rin na natutulog at dahan dahang hinawakan ang buhok nya.
I know there's a chance that he'll be mad at me, pero gusto ko talagang gawin ito.
Lalambingin ko nalang sya mamayang pag uwi ko para kahit papano may pampalubag-loob ako.
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at isinuot ang tsinelas ko. Maga-asikaso na ako para mas mabilis akong makarating doon.
At hindi rin mainit. Sigurado akong madami nang estudyante doon pag mas nagtagal pa ako.
Ayoko rin na magising pa si Jethro nang hindi pa ako nakakaalis dito. Siguradong hindi nya rin ako paaalisin pag ganon ang nangyari.
Dali dali na akong naligo para makaalis na kaagad.
-
Wala pang 20 minutes ay naka-ayos na ako. Binalingan kong muli si Jethro na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
Good grief.
Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Seth sa sarili nitong silid. Naabutan ko syang mahimbing rin na natutulog.
Wala na akong sinayang na oras at dali dali nang lumabas ng bahay. Pumasok na ako sa kotse at may naalala.
'Si Levy kaya? Ngayon din ba sya mag i-inquire sa Bradford?' tanong ko sa sarili ko.
Nagpasya akong tawagan sya upang malaman. Para na rin may kasabay ako na mag ikot-ikot sa campus na yon.
Ringing...
"Oh, Shane. Ngayon ka rin ba aalis?" bungad nya sa akin nang sagutin nya ang tawag ko.
"Yes, nakabihis na nga ako. Actually, nakasakay na pala sa kotse. Dadalhin mo ba yung kotse mo o dadaanan nalang kita dyan?" tanong ko sa kanya.
"Daanan mo nalang ako dito. Siguradong mahuhuli ako pag inilabas ko pa 'tong kotse sa garahe. Alam mo naman na mabilis ang pakiramdam no'n ni Lawrence."
Hindi ko mapigilang hindi matawa nang dahil sa sinabi nya na yon.
Parehas nga pala kaming buntis kaya masyadong protective sa amin ang mga asawa namin.
"Oh right. Sige, antayin mo nalang ako dyan. Baka mamaya pag dumating ako dyan maliligo ka palang. Sasabunutan talaga kita." nagbabanta kong sabi sa kanya. Narinig ko syang natawa sa kabilang linya.
"Wag ka mag-alala, kanina pa ako nakapag-ayos. Ikaw nalang hinihintay ko."
Napailing iling nalang ako sa naisagot nya. Himala, excited din siguro ang gaga kaya maagang nakapag-ayos agad.
"Oh siya, punta na ako dyan. For sure pag tinagalan pa natin masasabayan pa natin ang paglabas ng mga estudyante. Haggard to the max level talaga." natatawang sabi ko. Narinig ko naman ang paghagikgik nya.
"Okay b***h, Ingat. Bilisan mo alipin." sagot nya sabay baba bigla ng tawag.
Nakataas ang kilay kong tinignan ang cellphone ko nang gawin nya yon.
Tignan mo tong babaeng to, tinawag pa akong alipin. Ang kapal talaga.
Mas mukha pa nga syang alipin kaysa sa akin.
Napailing iling nalang ako at ibinulsa na ang cellphone sabay paandar ng kotse.
-
Itinigil ko ang kotse ilang dipa ang layo sa bahay na tinitirhan ni Levy at Lawrence.
Bago pa man kasi ako makatigil sa tapat ng bahay nila ay nakita ko na ang kung anong senyas ni Levy sa tapat ng gate nila.
Hindi ko man maintindihan ng lubos ang pinapahiwatig nya sa mga pinag-gagawa nyang mga sign language ay hinulaan ko nalang ang nais iparating noon.
"Ang dami mong alam." bungad ko sa kanya nang makalapit na sya sa kinaroroonan ko.
"Duh, alam mong malakas pakiramdam ni Lawrence. Eh 'di nahuli pa tayo kung doon mo itinigil sa tapat ng bahay namin yung kotse." umiirap na sabi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi naman ganito ka-taray si Levy. Ewan, siguro dahil nalang din sa buntis sya kaya ganito nalang kung magsungit sungit sa akin.
"Oo na pumasok kana dito at para makaalis na tayo. Ang dami mo pang dinadada dyan." I sounded as sassy as possible. Duh, hindi pwedeng sya lang ang magsu-sungit sa aming dalawa.
"Whatever..." nagtataray na bulong nya bago tuluyang pumasok sa kotse at umupo sa tabi ko.
Nilingon ko sya at nakitang napalingon din sya sa direksyon ko.
Natawa nalang kaming parehas nang mapagtanto ang wala sa lugar na pagta-taray namin.
"Gawin kaya natin to sa harap ng mga asawa natin nang sabay, ewan ko nalang kung hindi maloka ang mga yon pag tayong dalawa na ang nagsungit sa kanilang dalawa." natatawang suhestyon nya.
Natatawa rin naman akong tumango tango sa sinabi nya na yon.
"Pwede rin. Mamaya pag nalaman na nila na nawawala tayo sa bahay." sagot ko sa kanya sabay paandar nang muli ng engine ng kotse.
-
Ipinarada ko ang kotse sa parking lot ng Bradford Academy. Bumaba na kaming dalawa ni Levy sa kotse at parehas kaming napalibot ng tingin sa paligid noon.
May mga nabago sa mga buildings at may mga nadagdag na ilang imprastraktura sa paaralan na ito, pero kahit ganoon ay ang pakiramdam na makapasok muli dito matapos ng ilang taon ay kagaya pa rin ng dati.
Yun ang walang pinagbago, at hinding hindi magbabago.
May mangilan-ngilan na rin na mga estudyante ang lumalabas sa kani-kanilang mga silid.
Sakto lang pala ang dating namin, hindi pa kami mahihirapan nitonna makipag-siksikan sa mga bata.
"Sa registrar ba muna tayo?" tanong sa akin ni Levy samantalang ako ay patuloy pa rin sa paglibot ng tingin sa paligid ng campus na yon.
Narinig ko ang sinabi nya pero hindi ko sya sinagot, kaya nagsalita syang muli.
"Shane?" pagtawag nya sa akin sabay kalabit sa braso ko.
Nilingon ko naman sya at tinitigan ng diretso.
"Is everything okay? We could go back some other day if you want to. You don't have to force yourself." sabi nya. May halong paga-alala sa boses nya nang sabihin nya yon.
Tumango tango ako sa kanya at ngumiti para iparating na ayos lang ako.
"Yes, I'm fine. I just remembered something." mahinang sabi ko sa kanya sabay baling ulit ng tingin sa paligid.
"Memories, huh..." mahinang sabi nya rin. Dahan dahan akong tumango tango nang marinig yon.
"Naaalala ko lahat ng naganap sa lugar na ito. Memories started flashing back to me as I laid my sight again in this place... both memorable and traumatizing." biglang sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagsunod ng tingin sa mga estudyanteng dumadaan.
Naramdaman ko ang kamay ni Levy sa balikat ko. Hindi ko naman sya nilingon.
Hinawakan ko ang kamay nya na nakapatong sa balikat ko at mahinang pinisil yon.
Nanatili kami sa ganoong posisyon bago ako nagsalitang muli.
"Let's go... Mahihirapan pa tayo mamaya mag-palipat lipat ng pupuntahang mga building pag nagsilabasan na yung lahat ng mga estudyante." pag aya ko sa kanya.
Kita ko pa rin ang bakas ng paga-alala sa mga mata nya nang tignan ko yon. Nginitian ko nalang sya para iparating na ayos lang talaga ako.
Hinawakan ko ang kamay nya at iginayak sya papunta sa registrar's office.