Chapter 5

2776 Words
CHAPTER 5 Madilim.. Masangsang ang amoy.. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko, purong kadiliman lamang ang naaninag ng mga iyon. Teka nasaan ako? Ang huling naaalala ko lang ay dinala ako sa hospital ni Jethro dahil sa pagkakahimatay ko. Na-discharge ako matapos ang ilang oras at umuwi na sa mansyon. Sinubukan ko pa rin aninagin ang paligid ko pero wala na akong ibang makita pa bukod sa purong kadiliman lamang. What is this place? I don't remember anything na pumunta kami dito. Tatayo na sana ako nang may mahawakan akong malagkit. Dali dali ko agad iniiwas ang pagkakahawak ko don. Tinignan ko ang kung anong malagkit na likido sa kamay ko, ano to? Maya maya pa ay medyo nasanay na ang mga mata ko sa dilim at nang tignan kong muli yung kamay ko ay nanlamig ang buong katawan ko. Dugo, dugo yung nahawakan ko. Pero saan galing 'yon? Ramdam ko pa rin ang bahagyang panginginig ng mga labi ko at ng katawan ko dahil sa nakita ko na 'yon. Nang sinubukan kong gumalaw patayo ay napapikit ako sa sakit na naramdaman ko na nanggagaling sa tyan ko. "A-aray.." Maluha luhang inda ko do'n. Kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko banda roon ay nagawa ko pa rin na kapain yung tyan ko. Wala na yung maliit na umbok sa tyan ko. Ang baby ko! "Baby, baby! N-nasaan ang baby ko?!" nanginginig na sigaw ko. May unti-unting tumulong likido galing sa mga bibig ko na pumatak sa braso ko. Alam ko na agad kung ano yon dahil sa parang kalawang na lasa. Dugo nanaman, galing sa bibig ko naman ang mga yon. Hindi ko alam ngunit nagsimula nang magsituluan ang mga luha ko. Anong nangyayari sakin? "Baby ko.. ANG BABY KO!" "Baby?! Shane! Shane! Wake up! You're having a nightmare." dinig kong sigaw ng kung sino habang niyuyugyog ako. Humahangos akong napadilat at nakita ko si Jethro na patuloy pa rin sa pagyugyog sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin na andito na ako sa kwarto ko sa mansyon. Naiyak ako lalo nang makita ang mukha niya. Panaginip lang pala yon, pero bakit parang totoo ang mga nakita ko? Ang dugo na nakita ko sa paligid ko, ang sakit na naramdaman ko sa tyan ko, parang totoo ang mga pangyayaring yon dahil sa pakiramdam na inihatid noon sa akin. Tinigil ni Jethro ang pagyugyog sa akin nang tumayo ako sa pagkakahiga. "Is there something wrong... wife? What did you dreamt about?" tanong nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Bakas sa tono ng pananalita at ekspresyon ng mukha nya na alalang-alala talaga sya sa akin. Kanina pa siguro nya ako sinusubukang gisingin pero ngayon lang talaga ako nagising. Hindi ko siya sinagot at nanayilimg tahimik. Napahawak ako sa tyan ko at dinama ang maliit na umbok na nandoon. Ibig sabihin lang non ay hindi nga totoo ang napanaginipan ko. Pero bakit ganon? Bakit ganon nalang ang naging epekto ng panaginip na yon sa 'kin? Bakit hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot? "Hey... wife? Are you feeling well? Do you wany me to take you to the hospital?" napatingin ako sa mukha ni Jethro nang magtanong siya ulit. Tinitigan nya lang ako ng ilang segundo, naghihintay ng isasagot ko. Bumuntong hininga ako at umiling iling. Pilit kong iwinaglit sa isipan ko ang naging panaginip ko at ngumiti sa kanya. "Nothing. May napaniginipan lang ako na kung ano, pero wag mo nang intindihin 'yon. I'm fine." mahinahon na sabi ko sa kan'ya habang nakangiti ng pilit. Binalik ko ang tingin ko sa kamay ko na nakahawak sa tyan ko at dahan dahang hinawakan 'yon. Bakas na agad doon ang maliit na umbok kahit na hindi pa ganoon katagal simula numg mabuntis ako. Siguro kung may ibang makaalam na buntis ako tapos three weeks palang pero may umbok na kaagad, iisipin nila na abnormal ang pagbubuntis ko. Ganito talaga ako mag buntis lalo na't may basbas ako ng mahal na reyna. Hindi ko syam na buwan dadalhin sa sinapupunan ko ang magiging anak ko kundi pitong buwan lang. Mabilis siya lumaki. Kaya kailangan yung magpapaanak sakin ay galing sa Underworld. Hindi pa namin napag-usapan ni Jethro ang tungkol doon. Sasabihin ko nalang sa kanya pag nagkaroon ako ng tyempo. Hindi ko rin talagamaintindihan kung bakit napasa sa akin ang mga nangyayari sa mga nakatira sa Underworld kahit na sabihin pa na ilang taon akong naroroon, hindi naman ako doon talaga pinanganak. Siguro dahil sa naging asawa ko si Jethro kaya ganoon? Hindi ko talaga lubos na maintindihan. Hindi ko pa rin inalis ang pagkakahawak ko sa tyan ko, andito pa si baby. Buhay pa ang anak ko. Nakahinga ako ng maluwag nang dahil do'n. Panaginip... Panaginip lang ang mga iyon. Kailangan ko nang iwasan ang pag-iisip ng tungkol doon. Makakasama lang yun sa akin at sa anak ko. "Are you sure? You look pale. Maybe I can take you to the hospital to have you checked." muling sabi ni Jethro. Bakas pa rin ang pagaalala sa boses niya nang sabihin iyon. "W-wala Jethro, I told you" I looked at him. "...I'm fine. You don't need to worry about me." pagtutuloy ko sa sinabi ko. Mas lalo kong nilawakan ang ngiti ko habang nakatitig sa kan'ya para maisip niya na ayos lang talaga ako. I don't want him to worry, alam kong pag sinabi ko sa kanya ay mag iisip lang sya ng kung ano-ano. I'll just keep that realistic nightmare inside my head, mas makakabuti na iyon. Naramdaman ko ang mga palad ni Jethro sa magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata ko at nagsalita. "Baby...you can tell me. Halatang halata kanina na hindi ordinaryong panaginip lang ang nangyari sayo. You keep shouting 'my baby! my baby!' I want to know what dream it is, hindi ako mapakali." pagpupumilit niya habang nakatitig sa akin. Namumungay ang mga mata nya. There's a part of me that wants to tell it to him pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Baby... it's nothing okay? It's just a dream. Ayokong mag exaggerate tayo nang dahil lang sa panaginip kong 'yon. So let's just don't think about it, okay?" pagpupumilit ko. Niyakap ko siya matapos kong sabihin iyon. Hindi na sya nagsalitang muli kaya naisip ko na kumbinsado na sya sa mga sinabi ko. Nakahinga na ako ng maluwag. "Where's Seth?" I asked him. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya. "Asleep in his room, napagod siguro." sagot niya sa akin. Napa 'ah' ako at tumango tango. "You sure you're okay na? I don't want you to get stressed out Shane, you're pregnant. I need to take care of you, that includes telling me what you're feeling. Our baby is inside you." napapabuntong hiningang sabi nya sa akin. Napangiti ako nang marinig ang mga sinabi niya na iyon. Ginantihan rin naman niya ang ngiti ko. "Mom? Dad? What did I just heard? Baby? You're having a baby, Mom?" Napalingon kaming dalawa ni Jethro sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Si Seth ang nagsalita, nakatayo siya sa sa tapat ng kwarto at nakatitig ng diretso sa amin. "Come here anak.." pagtawag ko sa kanya. Dahan dahan naman syang lumapit sa 'min. Napatingin agad sya sa tyan ko, halatang halata ang tuwa sa mga mata niya habang nakatingin doon. "You're right, Seth. You're not a baby boy anymore. You're now a 'Kuya'." sabi ni Jethro kay Seth. Hinawakan niya ang tyan ko sabay tingin ulit kay Seth bago nagsalita. "Mommy's pregnant.." nakangiting sabi ni Jethro. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple nya dahil sa paglunok. "Want to touch it?" nakangiting tanong ko. Dahan dahan syang tumango tango. Iminuwestra ko ang tyan ko sa kanya. Unti unting nilapit ni Seth ang mga palad niya sa tyan ko at hinimas iyon ng dahan dahan. "W-wow... Is it a girl or a boy?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya. Tuwang tuwa siya habang hinihimas ang tyan ko. I can't help but to smile widely while looking at his reaction. "We don't know the gender yet anak, pag malalaman na natin ang gender ni baby, sama sama tayo okay?" nakangiting sabi ko sa kanya. He nodded multiple times habang nakatingin pa rin sa tyan ko. Nag usap silang dalawa ni Jethro tungkol sa magiging baby namin. Napangiti ako ng malawak sa sobrang tuwa nang maisip ang mga magagandanag bagay na nangyayari sa amin. Wala na akong mahihiling pa, ang saya saya na ng buhay ko. JETHRO'S POV Shane and I are having our second baby, I can't explain what I'm feeling right now. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. Masayang masaya. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kani-kanina lang. Ano kayang napanaginipan ni Shane at bakit hindi niya magawang sabihin sa akin? Kung tutuusin madali lang naman niyang masasabi sa akin kung ano ang problema, why can't she tell it to me? Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung ano-ano nang dahil doon. Gusto kong magtampo sa kanya. We're married now but she still hesitates to shared everything to me. Bumuntong hininga nalang ako. Hindi naman pwedeng basta basta nalang akong magtampo lalo na't buntis ang asawa ko. - "Seth! Jethro! Kakain na!" dinig kong sigaw ni Shane mula sa ibabang parte ng bahay. "Let's go Seth. Your Mom is calling for us." pagaaya ko sa anak kong si Seth na may kung anong kinakalikot sa cellphone niya. Napatingin siya sa akin sabay tumango tango. Hinawakan ko ang kamay niya at ginayak ko na siya palabas ng pintuan. Dali dali kaming bumaba ng anak ko papuntang kusina kung saan naroroon si Shane. Napangiti ako nang makita ang ayos ni Shane nang makababa kami. Naka-malaking t-shirt ito na halos nagmukha nang daster sa kan'ya. Nakatali rin nang maayos ang buhok niya na may takas na ilang mga hibla. What she wears right now is so simple yet it looks so f*****g beautiful on her. Kahit anong klaseng damit pa ang suot suot niya ay napaka-ganda pa rin tignan sa kan'yaa. I'm so lucky to have her as my wife. Umupo na kami sa harap ng lamesa at nagsimula nang kumain. Maya maya ay biglang gumalaw galaw yung singsing na suot suot ko. Napatingin ako doon. Napansin ko rin na napatigil sa pagkain si Shane nang mapansin iyon. May kung ano akong pinindot doon at maya maya pa ay lumabas doon ang fairy na binigay samin ni Azalea. "Shane? Jethro?" boses ni Zeighmour ang una naming narinig mula doon. "Yo' bro, what's up?" nakangising tanong ko sa kan'ya. "Hi Tito Zeighmour!" malakas na pagbati ni Seth nang marinig ang boses ni Zeighmour. I can sense something from his voice. Parang may kung ano siyang sasabihin dahil sa tono ng pananalita niya. "Nothing, gusto ko lang sabihin na mag i-ingat kayo dyan ng mga magulang mo." makahulugang sagot ni Zeighmour kay Seth. Nagtaka ako nang marinig iyon. Sabi ko na nga ba. Hindi gawain ni Zeighmour na mang istorbo sa iba lalo na kapag gabi na, there's something going on. "Anong problema, Kuya Zeighmour? Halata naman na may gusto kang sabihin." Si Shane ang nagsalita. Napabuga ng malalim na hininga si Zeighmour. Mas lalo akong nagtaka dahil sa naging asal niya. I don't know why pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba nang dahil doon. "Nanaginip si Ina kanina. In her dreams, someone will die. May isang mamamatay sa atin. Yun lang nakita nya sa panaginip nya. I'm just reminding you both to take care. Hindi malinaw ang naging panaginip ni Ina kaya nagpasya ako na paalalahanan na kayo. If you notice something off, just contact us." mahabang pagpapaliwanag niya. Nagkatinginan kami ni Shane nang marinig iyon. Mas lalo akong kinabahan. Nakita ko rin sa mukha ni Shane na ganun din ang nararamdaman nya. "No one will die okay? Medyo may edad na si Azalea kaya siguro di na ganun ka-linaw ang mga nakikita nya, alam mo yan pre." natatawang sabi ko kay Zeighmour kahit na nagsisimula na akong makaramdamnng kaba. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. "Kaya nga... pero pinapaalalahanan ko lang kayong dalawa. Oh sya, baba ko na. Ingat nalang pre at nagi-inarte nanaman yung asawa kong maarte." natatawang sabi niya. Napatawa nalang din ako nang dahil doon kahit na may kaba pa rin sa loob ko. "What? I'm maarte? Don't make lambing lambing me later sa room ha! I'm maarte pala ah!" dinig na'ming sigaw ni Blizz sa kabilang linya. Napatikom ako ng bibig nang dahil doon at nagpigil ng tawa. Kahit si Shane na nasa harapan ko ay napahagikhik nalang. Uh-oh.. "Sige na pre, may susuyuin ka pa. Mukhang hindi ka pa makaka-score mamaya nyan." natatawa kong sabi kay Zeighmour nang marinig ang sinabi ni Blizz. "N-no baby it's not like tha-" Naputol na yung linya. Napatingin ako sa direksyon nina Shane at Seth. Parehas silang natatawa dahil sa mga narinig, napangiti na rin ako nang dahil doon. Kung ano man yung nakita ni Azalea sa panaginip nya, sana hindi totoo ang mga iyon. Pero kung totoo man, hindi ko hahayaang mangyari yon. Walang mamamatay, walang mawawala. SHANE'S POV Paakyat na ako sa taas nang madaan ko ang kwarto ni Mom. Sumikip ang dibdib ko. How I wish na sana andyan siya sa loob, yayakapin ako, hahalikan, ke-kwentuhan ng kung ano ano gaya ng ginagawa niya noon. Napayuko ako. Alam ko naman na hinding hindi na mangyayari ang mga iyon, wala na sya. Si Manang at si Manong Ruben, wala na sila. Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang pamilyar na kwarto. Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Ang daming alaala na hanggang alaala nalang. Flashback "Mom! Can I sleep here? Pleaseee! I had a nightmare. It's so scary to sleep alone in my room. Mom pleaseee just this night." Nagpapaawang sabi ko. Napatawa si mom. "Okay okay you can sleep here. Come anak. Tabihan mo na si mama." natatawang sabi niya. Tuwang tuwa akong nagtatatakbo sa kama at nagtatatalon. Si Mom naman ay tawa lang nang tawa habang nakatingin sa akin. "Shane sit down. May sasabihin si mommy sayo." seryosong sabi niya na naging dahilan para mapatigil ako sa pagtalon. Tumingin ako sa kanya at umupo sa harapan niya. Ano kaya yun? "Anak, pag one day nawala na ako, you take care of your Ate Blizz okay? Alam mo naman gaano kalampa yon, mas mukha ka pa ngang ate sa inyong dalawa." natatawa nyang sabi. I giggled nang marinig ang mga sinabi niya na iyon. "Promise me anak, no matter what happen in your future never ever give up okay? Ayos lang madapa, basta tatayo ka." she added and then she smiled. Kumunot ang noo ko. I can't understand what she's trying to say but I just smiled at her. "Mahal na mahal kita anak, kayo ni ate mo." nakangiting sabi niya. I hugged her. "We love you too Mom. I promise magiging good girl ako pag laki ko!" malawak na ngiti na sabi ko sa kanya. Natawa nalang si Mom bilang reaksyon sa akin. End of flashback Hindi ko alam na humahagulgol na pala ako habang nakayakap sa unan na nasa kwarto niya. I miss you so much, Mom... Napatigil ako sa pag iyak nang may marinig akong tunog na parang may nabasag na salamin. Tinignan ko ang pinanggalingan ng tunog na yon at nakita ang basag na bintana. May bumato sa bintana ng kwarto ni Mom. Tinignan ko ang sahig sa ibaba ng bintana na yon at nakita ang isang papel na nakalukoy. Tumayo ako at lumapit sa pinagbagsakan ng papel na iyon. Sumilip muna ako sa labas ng bintana upang tignan kung nandoon ang nagbato noon bago ko kinuha yung papel. Sino kaya nagbato nito dito? Alam ko wala namang pasaway na mga bata sa neighborhood namin na pwedeng gumawa nito Binuklat ko yung papel at may bato na nasa loob noon. Kaya pala nabasag yung salamin, may nakabalot palang bato. Binuklat ko yung lukot na papel na iyon at binasa. Hi Shane, welcome back. -22.88.888.66 Napakunot ako ng noo nang mabasa iyon. Napansin ko rin ang mga kumpol ng numero na nasa gilid ng mga salitang iyon. What are those numbers for? I just shrugged. Baka nga mga kapit-bahay lang namin na nanti-trip. Mag g-greet nalang ng welcome back, may pabasag pa ng bintana. Nilapag ko sa side table ng kama ni Mom yung sulat na natagpuan ko at nilinis yung mga bubog na nasa sahig na nanggaling sa nabasag na bintana. "Mga walang magawa sa buhay." umiiling iling na sabi ko sabay kuha ng daspan at walis upang linisin ang nagkalat na mga bubog sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD