Chapter 20

2056 Words
CHAPTER 20 SHANE'S POV "Ano bang nangyari kanina at bakit nasa labas kayo niyong mansyon? Gabi na ah. At tyaka ikaw naman Shane, akala ko tulog ka no'n?" bungad na tanong sa akin ni Courtney nang nasa harap na kaming lahat ng hapag. Napalunok ako at hindi alam ang isasagot sa tanon nya na yon. Hindi ko pwedeng sabihin na may sinundan akong lalaki sa labas tapos nalaman kong si Burn pala yon. Ramdam kong lahat sila ay nagaantay ng magigin sagot ko pero hindi ko magawang magsalita. "She just sleep-walked. Don't ask her anything related to that anymore, let's just eat." napaangat ako nang tingin nang marinig ang seryosong sabi na yon ni Jethro. Sinabi nya yon habang nagsasandok ng pagkain. He didn't looked at me. Alam kong nac-curious pa rin naman sya hanggang ngayong tungkol do'n pero mas pinipili nyang wag nalang intindihin yon. I can't tell it to him, to anyone here. Hindi talaga pwede. "Sleep-walked? Bago yun ah. I never heard or saw Shane do that before." nagtatakang sabi ni Courtney habang kumakain. Napayuko nalang ako at tahimik na kumain. Totoo naman kasi. Napaka suspicious naman nung sleep walking eh hindi ko pa naman yon nagawa sa buong buhay ko. Gusto kong pasalamatan si Jethro dahil sa ginawa nyang pag cover up sa akin pero alam kong ayaw na din nyang pag usapan ang tungkol do'n. "At isa pa, bakit ang tagal nyo sa kusina kanina tapos mauuwi lang pala sa pag order nalang ng pagkain? Ano bang mga pinaggagawa nyo?" nagtatakang tanong pa ni Courtney. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi at ng tainga ko nang marinig ang sinabi nya na yon. I remembered the rough yet satisfying thing we did. Napatingin ako sa counter top na kanina ay pinaghigaan nya sa akin na sana hindi ko nalang ginawa dahil mas lalong namula ang mukha ko. "Oh Shane, bakit nangangamatis yang mukha mo?" bahagyang nakangisi na tanong ni Lawrence. Sa tingin ko ay may kutob na sya sa kung anong ginawa namin dito sa kusina kanina. Mas lalong nag init ang mukha ko to the point na hindi ko na sila kayang tignan. "Kumain nalang kayo." seryosong sabi ni Jethro dahilan para matigil na ang asaran. Kumain nalang kami at buti naman ay hindi na nila in-open up pa ulit yung tungkol do'n. Baka mas lalo pang mamula ang mukha ko na iisipin pa nilang may sakit ako. Napatingin ako kay Jethro sa gitna ng pagkain at nakita ko naman syang nakatingin rin sa akin. Ako nalang ang unang nag iwas ng tingin dahil naalala ko kung bakit nag order nalang kami imbes magluto. Napaka wild naman kasi, sa kusina pa gusto gawin. ** Pagtapos kumain ay nagsiakyatan na sila Lawrence at si Courtney naman ay kasama si Seth. Si Jethro naman ang naging in-charge sa paglilinis sa kusina ng mga pinag kainan habang ako naman ay nasa sala at nagliligpit ng mga ginamit nila kanina. Habang nagliligpit ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kung ano. Para bang sa bawat kilos ko ay may nakamasid sa akin. Si Burn ba? Hindi ko din alam. Umiling iling nalang ako at nagtuloy na sa pagliligpit. Nang matapos ay diretso na akong umakyat sa taas. Hindi ko na nahintay pa si Jethro at nahiga na ako kaagad sa kama. Halos kagigising ko lang pero yung antok ko parang hindi naman nabawasan. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may maramdaman akong parang nag vibrate. Napatingin ako sa side table at nakitang nakabukas ang phone ko. Doon siguro nanggaling yon. Kinuha ko yon at tinignan. Nangunot agad ang noo ko nang may makitang isang message galing sa hindi kilalang sender. Napuno agad ng kuryosidad ang katawan ko kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dali daling binuksan yon. From: 09********* I need to talk to you. Let's meet at your school tomorrow Ms. Professor, lunch time. - B Napaawang ang bibig ko nang mabasa ang mensaheng yon. Kahit na B lang ang nakalagay na clue sa kung sinong nag padala no'n ay alam na alam ko na kaagad kung sino. Anong kailangan nyang sabihin sa akin? At paano nya nalaman na nagtuturo na ako bilang professor sa Bradford? Don't tell me nakamasid sya palagi sa akin? Hindi ko tuloy malaman kung may balak ba syang masama or wala. I mean, siguro naman kung may malalaman kayong nag s-stalk sa inyo iisipin nyo agad masama ang balak 'di ba? Napahingang malalim nalang ako sabay delete ng message na yon na galing kay Burn. Matapos kong mai-delete yon ay nilapag ko nang muli yon sa side table na pinaglalagyan kanina. Nanatili akong nakahiga lang sa ibabaw ng kama habang nakatulala sa kisame. Alam kong mali na mag delete ng messages, lalong lalo na ang magtago ng kung anong bagay sa asawa ko, pero wala akong magawa. I know Jethro would never let me go to Bradford pag nalaman nya yung tungkol kay Burn. Yun ang ayaw kong mangyari kaya kahit mahirap sa akin, pilit ko tong itatago sa kanya. Alam ko rin naman na hindi nya pakikialaman ang phone ko pero ewan ko ba, something in me urged me to delete the message to make sure na hindi nya nga talaga mababasa. I know I sound so toxic right now pero ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan. What the hell is wrong with me? ** Kinabukasan ay inasikaso ko kaagad ang mga papeles ko sa table bago tuluyang pumunta sa first section na naka-assign sa akin today. "Alam mo na ba kung saan yang room na yan? Like saang building?" tanong sa akin ni Levy habang naglalakad kami bitbit bitbit ang ilang gamit namin. "Oo naman, alam ko naman na kahit papano. Miss Faye told me the locations of my students for this day kaya hindi na ako mahihirapang maghanap." sagot ko sa kanya habang yakap yakap ang ilang mga libro. "Ahh, nasabi na pala nya sayo. Sa akin kasi ay si Miss Shin ang nagturo." sagot naman nya. Napatango tango nalang ako at nagtuloy sa paglalakad. Hindi ko maiwasang hindi ma-excite habang papunta sa first section na tuturuan ko. Kumaway kaway ako kay Levy nang kailangan na naming mag separate. Magkaiba kasing building located ang tuturuan namin. Ngiting ngiti ako nang makapasok ako sa room na yon. Even the students look happy to see me. Nakakataba lang ng puso. JETHRO'S POV "Ano ba talagang nangyari kagabi?" bungad na tanong sa akin ni Lawrence pagbaba ko palang ng sala. Dumampot agad ako ng biscuit na nakalapag sa coffee table at naupo sa tabi nya habang kinakain yon. "Hindi yung sa kusina ah. Alam ko na ginawa nyo don kaya kayo nagtagal. But what I mean is, yung bakit nasa labas kayong dalawa ni Shane kagabi. Come on man, you can't fool me by saying na nag sleep walk si Shane. We all know na hindi naman nya ginagawa yon." dagdag nya pa. Inubos ko ang laman ng bibig ko at uminom ng orange juice na nandon din sa table sabay tinignan sya. "I saw her, outside. I can't really say na nag sleep walk sya because she's conscious when I saw her. Nandoon sya sa likod na parte ng mansyon habang nakatulala sa kung saan." seryosong sagot ko sa kanya. Nakita kong namuo ang pagtataka sa mga mata nya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I don't really know what happened. Tulog sya sa taas tapos nagising sya then dire diretso sya doon." dagdag na sabi ko pa. Umayos sya sa pagkakaupo at tinuon lang ang atensyon sa akin. "Did you asked her anything? Related to that? Or what really happened at bakit nandoon sya?" sunod sunod na tanong nya. "No. I want to know yet I don't want her to know that I want to." napatiim bagang na sabi ko sa kanya. Sumandal sya sa pagkakaupo habang nakatingin pa rin sa akin. "Besides, she didn't even told me anything kahit na hindi ako nagtatanong. That only means that she also, doesn't want to talk about it." pagpapatuloy ko. Umakto naman sya na parang nagiisip. Hindi ko na din talaga alam kung anong gagawin ko. I feel that she's hiding something from me pero ayoko namang isipin nya na pinagdududahan ko sya. She's carrying our child so I need to be careful with my actions. Masyado syang emotional because of her condition. "So, what are your plans now? Maga-ala detective ka ba para malaman kung anong nangyayari sa asawa mo?" tanong nya. Napahinga nalang ako ng malalim bago sumagot. "Nothing. If she really is hiding something, I'll wait for her to tell it to me. Hindi ko sya pipilitin na magsabi..." sagot ko sabay tingin sa kanya. "... If she has plans to tell it to me at the first place, hindi na dapat ako gumawa ng way para malaman yon." seryosong pagpapatuloy ko. Tumingin ako sa picture nya na nasa lock screen wallpaper ng cellphone ko. I really do hope that you're not hiding anything. SHANE'S POV Natapos ang ilan sa mga classes na dapat kong attend-an sa umagang yon. Napatingin ako sa maliit na orasan sa ibabaw ng table ko at nakitang malapit na nga palang mag lunch time. Sumagi kaagad sa isipain ko ang text message na natanggap ko kagabi. Seryoso ba sya sa sinabi nya? Nandito na ba sya sa Bradford? Kinuha ko ang cellphone ko ay nagtipa ng mensahe sa numerong yon. To: 09********* It's almost lunch time. Where are you? Are you here already inside the campus? What are you wearing? I pressed send at nag antay ng response galing sa kanya. Wala pang isang segundo ay meron na agad syang sagot sa akin. From: 09********* Yeah, I'm here. Let's talk at the library. Main library. Napaisip ako nang mabasa ang mensahe nya na yon. Main library? Saan nga ba ulit yon? May pumasok na isang teacher sa office kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nilapitan yon. "Ah, Ma'am? May gusto lang sana akong itanong. Saan po ba located yung Main Library?" tanong ko sa babaeng teacher na yon habang nakangiti. "Ay, Main Library ba kamo? Doon lang yon banda sa cafeteria. Katabi lang no'n. Makikita mo naman din yun kaagad." nakangiting sagot nya sa akin. Tumango tango ako habang nakangiti rin. "Ganun ba. Thank you!" malawak ang ngiting sagot ko sa kanya. Kinuha kong muli ang cellphone ko at nag send ulit ng message. Bago ako mag tipa ay sinave ko ang number nya na yon sa contacts ko at pinalitan na rin ng nickname. B nalang siguro lalagay ko. To: B Okay, noted. I'll go head there now. Tinignan ko ang table ni Levy at hindi ko sya nakita doon. Nilibot ko ang paningin ko sa buong office at wala akong nakitang bakas nya. Siguro hindi pa sya tapos sa klase nya. Nagkibit balikat nalang ako sabay labas na ng office. Siguro naman ay hindi sya magagalit kung hindi na ako magpapaalam sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong idadahilan ko pag nakita ko sya kaya mas mabuti nalang na hindi sabihin. Masasabon pa ako ng wala sa oras pag nangyari yun. Nakita ko na ang Main Library at pumasok na kaagad sa loob. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa loob ng bungad ng library pero wala akong nakitang pamilyar na katawan. Where is he? Hindi ko naman mailabas ang phone ko dahil may poster dito na nagsasabing bawal mag cellphone. Nagpasya akong lumapit sa librarian na nasa front desk at nagtanong. "Uhm, Miss? May pumasok bang lalaki dito na medyo may katangkaran tapos naka sumbrero?" tanong ko sa librarian na nakaupo doon. Binalingan nya naman ako ng tingin at nang makitang naka uniporme akong pang guro ay nawala ang pagkakataas ng kilay nya. Wow biglang umamo. "Ay, Ma'am wala po akong nakitang nakasumbrero pero may pumasok ng po ditong lalaki ngayon ngayon lang. Baka po nandoon sa dulong banda ng library." nakangiting sabi nya. Walang sumbrero? Hindi na ba sya nagtatago ng mukha nya ngayon? Nginitian ko pabalik ang librarian na yon at nagpasalamat sabay lakad na papunta sa dulong parte ng library. Unti unting bumagal ang paglakad ko nang may makitang lalaki na nagiisang nakaupo sa isa sa mga upuan sa parte na yon ng library. Nakatalikod yon sa akin pero alam ko na kung sino sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD