CHAPTER 21
LEVY'S POV
"Faye? Nakita mo ba si Shane?" tanong ko kay Miss Faye nang pumasok ako sa teacher's lounge.
Nilibot libot ko ang paningin ko sa loob pero wala akong makitang kahit anong bakas ni Shane.
"Ay, lumabas sya kanina. Hindi ko nga lang alam kung saan sya pumunta. Akala ko magkasama kayo?" nakakunot ang noong tanong nya. Mas lalo naman akong napuno ng pagtataka nang marinig yon.
"Hindi, hindi kami magkasama. Mas naunang mag dismiss ang klase nya kaysa sa 'kin." naguguluhang sabi ko.
Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan yon. Mas lalo akong napaisip nang wala akong makitang ni isang mensahe galing kay Shane.
That's so unusual of her. Hindi sya basta basta nawawala nang hindi nagsasabi sa 'kin lalo na't pag magkasama kami.
"Ay Ma'am, si Miss Shane ba?" napatingin ako sa babaeng nagsalita at nakitang isa sya sa mga teachers din dito na ka-batch ko.
Hindi ko namalayan na umalis na pala si Miss Faye kaninang nagkakalikot ako sa phone ko, siguro may gagawin pa.
"Yes Ma'am. Bigla kasi syang nawala nang hindi manlang nagpapaalam sa 'kin." pag amin ko. Wala namang nagbago sa itsura ng babae, nakangiti pa nga sya.
"Ah Ma'am nagtanong kasi sa akin si Miss Shane kanina kung saan located yung Main library. Siguro may kinailangan lang syang libro." nakangiting sabi ng babae. Napaisip naman ako.
Kung sa library ang punta nya at may kukunin lang or may hahanapin, bakit hindi sya nagpaalam sa akin or nagsabi manlang?
Not to sound overreacting pero ganun kasi talaga si Shane. As much as possible she'll keep those people around her updated para maiwasan ang pagaalala.
But now, sa library lang ang punta nya pero ni simpleng text na 'Lev punta lang akong library' wala eh. Nakakapagtaka.
Nakakapanibago.
Napilitan akong ngumiti nalang sa teacher na nasa harapan ko kahit na nababagabag pa din ako.
Siguro titignan ko nalang sya sa Main Library kung nandoon nga sya.
"Ganun ba, thank you Ma'am. Titignan ko nalang po sya doon kung nandon nga sya." nakangiting sabi ko sa teacher na ginantihan din naman ako ng ngiti.
Umalis na sya sa harapan ko at lalabas na sana ako ng office nang biglang mag vibrate ang cellphone ko.
Nang tignan ko yon ay napakagat ako sa labi ko nang makitang si Jethro ang nag text.
Siguradong tatanungin nito kung nasaan si Shane. Anong isasagot ko? Hindi ko pa nasisigurong nasa library nga sya.
Huminga nalang ako ng malalim bago tuluyang tinignan ang nai-send nya sa 'kin na mensahe.
From: Shane's bebe
Is shane with you? She's not answering any of my texts nor my calls. I know her schedule, her classes are done. Where is she? Dadalhin ko ang baon nya dyan.
Napapikit ako ng mariin nang mabasa ng buo ang isinend nya.
Anong irereply ko? Alam ko pag hindi ko sinagot ang text nya na to, mas lalo nyang iisipin na may nangyayari.
Magsisinungaling nalang ako, tutal pupuntahan ko naman si Shane sa library.
Magkikita rin naman kami.
Nagsimula na akong magtipa ng mensahe para sa kanya habang napapalunok.
To Shane's bebe:
Oo tapos na morning classes nya. Kasama ko sya ngayon nasa library kasi kami, nag aya eh. Bawal mag phone dito kaya siguro 'di nya masagot. Ako lang talaga matigas ulo na naglabas ng phone nung nag vibrate. Text nalang kita pag dadalhin mo na lunch nya.
Nakakagat sa labi kong pinindot ang send sa message na yon.
Sana lang talaga nandoon si Shane. Hindi lang ako kay Jethro mayayari pag nagkataon, kundi kay Lawrence rin.
SHANE'S POV
Hindi ko maiwasang hindi mapalunok habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
I can't believe it's actually him. At gaya ng una kong nakita ang mukha nya after many years, wala na akong makitang bakas ng galit doon.
All I could see as I stare into his eyes is, sadness.
And I want to know what's wrong and why isn't he mad at me anymore.
"Hi Shane, long time no see." nakangiting sabi nya. Nakatitig lang ako ng diretso sa kanya at hindi ko magawang ngumiti kahit na ngiting ngiti sya sa harap ko.
Lumunok muna ako ng ilang beses bago tuluyang nagsalita.
"L-long time no see too." nauutal na sabi ko. Napatawa naman sya nang dahil don sabay ayos ng upo.
Nilagay nya ang magkabilang kamay nya sa baba nya at tinitigan ako ng diretso. Nawala na ang bakas ng kalokohan sa mukha nya at seryosong seryoso nalang nya ako kung tignan.
"First of all, I want to apologize. About the days were I was so mad at you." panimula nyang sabi.
Napaiwas naman ako ng tingin nang dahil sa sinabi nya na yon.
Naalala ko ang lahat, kasama na rin ang panahong napilitan akong lumuwas ng ibang bansa para lang lumayo sa kanila.
Mas pinili kong manahimik muna at hinayaan syang magsalita nang magsalita.
"I was just so devastated that time, about my girlfriend's death that I put all the blame to you. But everything makes sense now.." pagpuputol nya. Nangunot ang noo ko at tinuon lang sa kanya ang buong atensyon ko.
May namumuong luha sa mga mata nya kaya mas lalo akong nagtaka kung ano pa ang mga susunod nyang sasabihin.
"I-I messed up. Real bad." nanginginig ang labi na sabi nya. Mas lalo akong naguluhan kaya hindi ko na napigilan ang hindi magsalita.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang noong tanong ko.
Tuluyan nang tumulo ang luha nya at ako naman ay hindi alam ang gagawin. Nagaabang lang ako ng susunod nyang sasabihin dahil gulong gulo na talaga ako.
"It's Mhadelene." diretsong banggit nya dahilan para mapaawang ang labi ko.
Mhadelene? Anong nais nyang iparating?
"Anong meron kay Mhadelene? Bakit ka nagkakaganyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Magsasalita na sana syang muli nang mabulabog kami ng kung anong sigaw galing sa isang estudyante.
May iilan na nagtatakbuhan at may iba naman na nagsimulang mag iyakan.
Dali dali kaming napatayo at napasunod sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw at nanginig nalang ang labi ko sa nakita ko.
May kung sinong nagtakip ng mga kamay nya sa mata ko at ramdam kong si Burn yon dahil na rin sa pabangong naaamoy ko galing sa kanya kanina pa.
"Don't look. She already knows we've met.." bulong nya sa akin habang nakalagay ang mga palad sa mga mata ko.
What does he mean by 'She'? Sino ba ang tinutukoy nya?
Hindi ko na alam gulong gulo na ako sa mga nangyayari.
Basta ang nasisiguro ko lang, may babae nanamang patay at natagpuan yon dito sa Library.
I'm thankful na tinakpan nya ang mga mata ko, hindi ko kakayaning matulog ng ilang araw kung nagtagal pa ang paningin ko do'n.
**
"I'll just text you if I have a spare time to talk about the rest. Sa ngayon, magpahinga ka nalang muna." nakaupo sya sa harapan ko nang sabihin nya yon.
He planted a kiss on my forehead na dahilan para manumbalik sa akin ang mga dating nangyari.
Nginitian nya ako at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti sa kanya.
Umalis na sya pagkatapos non at naiwan akong nakaupo sa tapat ng infirmary ng school.
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko.
Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip.
Why am I letting him touch me like those gestures he's doing as if he's someone special for me?
Mahal ko ang asawa ko. I love him with all of my heart, but there is something.
There is something inside me that wants to know what's happening to Burn.
Bakit nya nababanggit si Mhadelene? Why did he cried as he mentioned her name?
Alam kong masakit pa sa kanya ang nangyari kay Mhadelene noon pero bakit ibang iba na ang emosyon na nakikita ko sa kanya?
Na para bang hindi tungkol sa pagkawala ni Mhade kaya sya nagkakaganon.
Iba talaga ang kutob ko, and I have to know what that is.
"Shane!" napaangat ako ng tingin nang may marinig na tumawag sa akin. Nakita ko si Levy na humahangos na naglalakad takbo papalapit sa direksyon ko.
"Where the hell have you been? Alalang alala ako sayo! I even lied to you husband about your whereabouts!" humihingal na bungad nya sa akim nang makalapit sya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Si Jethro? Bakit? Nandito ba sya?" sunod sunod na tanong ko.
Inangat nya ang isa nyang palad at ang isa naman ay nakahawak sa dibdib nya habang hingal na hingal pa rin.
Hinayaan ko muna syang makahinga ng maayos at nang medyo kumalma na sya ay tyaka sya sumagot.
"He's been calling and texting you pero hindi ka sumasagot. Tapos ako naman ang tinext nya, sabi ko magkasama tayo kahit hindi." seryosong sabi nya habang tumataas baba pa rin ang dibdib nya.
Naupo sya sa tabi ko at ako naman ay dali daling nilabas ang phone.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita almost 50+ text messages and even missed calls ang hindi ko napansin kanina pa at lahat ng 'yon ay galing kay Jethro.
Dali dali akong nagtipa ng mensahe sa kanya.
To: Hub
Hon I'm sorry, medyo na-busy ako sa library at hindi ko na natignan ang cellphone ko. Bawal din kaisi ang gadgets sa library. Wag mo na ko dalhan ng lunch, I already ate. I'm so sorry, I'll make it up to you once I got home.
Hinigpitan ko ang hawak ko don at hinayaang nakapatong lang sa hita ko ang magkabilang kamay ko nang mai-send ko yon sa kanya.
Napapikit ako ng mariin at paulit ulit na huminga at bumuga ng malalim.
"There's another girl dead. 2 in a row this week. Her name is Mia." napatingin ako kay Levy nang magsalita sya.
Napaawang ang labi ko nang marinig ang huling mga sinabi nya.
Another girl with an M.
"Hindi ko na kayang isipin na coincidence lang ang mga nangyayari. Hindi pwedeng nagkataon lang na pare parehas silang nagsisimula sa M ang pangalan." dagdag nya pa.
Napalunok ako at napasandal nalang.
Tama sya, hindi pwedeng nagkataon lang ang lahat ng 'to. They are somehow related, pero hindi ko maintindihan kung saang paraan.
Na-explain na din yun sa amin kanina nung kasama ko pa si Burn.
The three victims are not related to each other by blood, hindi rin sila magkakaibigan.
Kaya hindi ko lubos maisip kung saang banda sila related sa isa't isa bukod nalang sa pare parehas M ang simula ng mga pangalan nila.
"At isa pa, kanina. May teacher na nagsabi sa akin kung nasaan ka. Kaya pinuntahan kita sa library, pero hindi na kita naabutan doon. Ang naabutan ko nalang ay yung kumpol ng mga estudyante dahil may namatay nanaman. Pero meron pa..." napatingin ako sa kanya nang tumigil sya.
"Meron pang alin?" tanong ko. Nakita kong hindi mapakali ang mga kamay nya kaya hinawakan ko yon at hinintay syang magsalita.
"S-si Mika. Nakita ko nanaman sya. Nandoon sya sa isa sa mga estudyante na nakakumpol. At parang ako lang talaga ang nakakakita sa kanya ng mga oras na yon." nanginginig ang labi na sabi nya.
Napakagat ako sa labi ko nang marinig yon.
Mas lalo ko lang napatunayan na may koneksyon nga sila sa isa't isa.
Pero bakit nangyayari sa kanila ang mga ganitong bagay?
Bakit isa isa silang namamatay? At sino ang nasa likod ng mga pagpatay na 'to?
**
Dahil ulit sa nangyari ay naudlot nanaman ang klase sa hapon na yon.
Napilitan na rin kaming umuwi dahil na rin sa pinuntahan kami kaagad ni Lawrence at ni Jethro nang malaman nila ang nangyari.
Hindi ko na rin ulit nakita si Burn sa school grounds bago man kami makaalis.
Tinignan ko ang phone ko na nasa mga kamay ko at ewan ko, nag aantay ako ng message mula sa kanya.
Hindi na ako mapakaling malaman ang mga hindi nya pa nasasabi sa akin.
I need to know everything. Every detail and every bits of what he's going to say.
Sumandal ako sa sandalan ng upuan sa kotse at napapikit.
Mhadelene.
How are you related to all of this?