Chapter 22

2015 Words
CHAPTER 22 SHANE'S POV Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Burn sa akin nung nasa library kami. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit nadawit ang pangalan ni Mhadelene dito. Matagal na syang patay, pero bakit ganoon nalang ang naging reaksyon ni Burn mamg mabanggit nya si Mhade? Ewan ko, hindi ko na alam kung anong maiisip ko. "Let's talk upstairs." bungad sa akin ni Jethro nang makababa kami ng kotse. Napaawang ang labi ko nang marinig ang sinabi nya na yon. The way he said those words sounded so serious. Ano kaya ang sasabihin nya sa akin? Hindi na nya ako hinintay na makapagsalita dahil tuloy tuloy na sya sa loob ng mansyon matapos sabihin yon sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na din sa loob. Nakita ko si Courtney sa may sala at si Seth naman ay nasa tabi nya lang na nanonood ng cartoon. Napansin kong tulog na si Seth kaya hindi ko na sya nilapitan pa at dumiretso nalang ako sa taas. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay napako agad ang tingin sa akin ni Jethro na prenteng nakaupo lang sa kama. "Are you hiding something from me?" bungad na tanong nya pagkapasok ko dahilan para matigilan ako. Nangunot agad ang noo ko at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nanatili lang akong tahimik na nakasandal sa pintuan. Nagsimula naman syang maglakad palapit sa akin. Unti unti namang lumakas ang t***k ng puso ko habang ginagawa nya yon. "Why do I feel that you're hiding something? Shane?" may halong diin sa tono ng boses nya na sabi nya. I tried to compose myself at sinagot sya ng diretso. "At bakit mo naman naisip yan?" diretsong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Nilagay nya ang magkabilang braso nya sa magkabilang gilid ko at tinignan ako ng diretso. Ilang dipa nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. "Azalea told me what's going on inside your mind. I know everything now, why did you chose to hide them from me?" tanong nya. Napaawang ang labi ko nang marinig yon. I didn't know na hihingi sya ng tulong kay Azalea para lang malaman ang mga nangyayari. "I'm your husband, asawa mo ako Shane. You can tell me everything, maiintindihan ko lahat ng yan kahit ano pa yan." mapungay ang mga mata na sabi nya sa akin. Hindi ko sya magawang tignan ng diretso kaya napaiwas nalang ako ng tingin. "Look at me." seryosong sabi nya. Hindi ako sumunod sa kanya kaya sya na mismo ang naghawak sa baba ko para mapatingin ako sa kanya. Kitang kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata nya ng mga oras na yon. "Nakakalimutan mo ba? Buntis ka Shane. You're pregnant with our baby. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo at sa anak natin so please, never hide anything from me starting now." seryosong sabi nya habang nakatitig mg mariin sa mga mata ko. Wala na akong nagawa kundi ang mapatango nalang. Alam ko naman na mali yung ginawa kong paglihim sa kanya ng tungkol doon, pero ayoko lang na mas magalala pa sya lalo. Inalis nya na sa magkabilang gilid ko ang dalawang braso nya at inilayo nya na rin sa akin ang katawan nya. Naglakad sya papunta sa kama at umupo. Tinapik tapik nya naman ang tabi nya doon sa kama bilang senyas na maupo ako sa tabi nya. Sinunod ko naman sya at naupo. "I guess you knew everything by now." sabi ko nang makaupo sa tabi nya. Binalingan ko sya ng tingin at tumango tango naman sya. "I just don't understand. Why would Burn include someone who's been dead for how many years?" naguguluhang tanong ni Jethro. Alam na nya pala lahat maging yung tungkol kay Mhadelene and that she's dead. Pero siguro ang hindi nya pa alam ay yung dahilan ng pagkamatay nya. And I think I'm not yet ready to tell him that. "Hindi ko rin talaga alam. Nagulat nga ako nung sinabi nya yon, tapos umiyak pa sya. Hindi lang natuloy yung sasabihin nya dahil sa nangyari sa library." pagpapaliwanag ko sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ko at tyaka sya nagsalita ulit. "Pag magkikita kayo ulit para sabihin nya na yung iba pa nyang hindi nasasabi, I'll be with you. We're in this together, okay?" sabi nya habang hawak ang kamay ko. Inangat ko naman ang tingin ko para tignan sya at napangiti nalang ako. Napaka understanding nya. Instead of getting mad at me for not telling him about it, mas pinili nyang intindihin ako. I'm so lucky to have a man like him. Nilapit ko ang katawan ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Napapikit nalang ako nang maramdaman ang mga daliri nya na nilalaro ang buhok ko. ** "Bukas na bukas din babalik na ako sa Underworld. I have a few things to deal with." pagbasag ni Courtney ng katahimikan. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jethro nang marinig yon. "I'm so sorry. I know you both need someone to take care of Seth, pero may mga kailangang gawin sa Underworld na ako lang ang makakagawa." dagdag nya pa nang mapansin ang reaksyon ng mga mukha namin. Nginitian ko naman sya at nagsalita. "Ano ka ba, ayos lang yon. Magiisip nalang kami ng paraan sa paano mababantayan si Seth." nakangiting sabi ko sa kanya sabay subo ng pagkain. Umakto naman sya na parang nagiisip. "Why don't you get a nanny? Na magaalaga kay Seth while all of you are busy solving the mystery." suhestyon nya. Napaisip naman ako sa sinabi nya na yon. Tama naman sya, pwede rin na kumuha nalang kami ng yaya. Pero paano naman? Wala naman kaming gaanong ka-close dito sa neighbourhood na 'to kaya paano kami makakahanap ng yaya? "Sounds nice. Pero paano naman kami makakahanap ng yaya?" tanong ni Lawrence. Bumaling sa kanya si Courtney at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Easy! Magpaskil kayo dyan sa gate nyo." sabi nya na para bang nagmamalaki pa ang boses. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Jethro at parehas na nagkibit balikat dahil sa sinabi nya. Sabagay, pwede naman. Wala naman sigurong masama kung yun ang gagawin namin. "We'll see.." sagot naman ni Jethro at nagtuloy na rin sa pagkain. Nang matapos kaming lahat ay nagpasya kaming hindi na muna pagusapan ang tungkol sa nangyari kanina. Iniisip kasi nung dalawang lalaki na naiistress kaming dalawa ni Levy kakaisip kaya wag nalang daw muna pagusapan. Nandito ako ngayon sa may tapat ng bintana at nakadungaw lang. Umaasa akong makikita ko sa labas ng bintana na yon si Burn para ipaintindi pa sa akin ang mga hindi ko nalalaman, pero wala akong nakitang bakas nya. Nangunot ang noo ko nang may makitang parang tao na nasa labas. Siningkit ko ang mga mata ko para makita nang maayos kung sino yon. Sino Burn kaya yon? Napailing iling ako sa naisip ko. Imposibleng si Burn yon, para kasing babae yung figure ng taong nakita ko don. Anong gagawin ng isang babae doon sa bandang yon nang ganitong oras? Nilingon ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakitang mag a-alas dyis na ng gabi. Binalik ko ang tingin ko sa labas at nawala na yung nakita kong parang tao na yon. Nakakapagtaka. Sino naman kaya yon? "What are you doing there?" napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses na yon ni Jethro. Nakapasok na pala sya ng kwarto. Isinara ko na ang bintana at pilit na iwinaglit sa isipan ko ang tungkol sa misteryosong babae na yon. "Wala nagpapahangin lang. Bakit natagalan ka?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa may kama. Naupo ako doon samantalang sya naman ay ni-lock na ang pintuan ng kwarto at sumunod na rin sa akin sa may kama. "Naglagay ako ng sign sa tapat ng gate natin about the nanny hiring." sabi nya nang makalapit sa akin. Napatawa naman ako nang marinig yon, pinanindigan nya ngang talaga. Tinignan nya naman ako na may nangungunot na noo. "What are you laughing at?" nakakunot ang noong tanong nya. Umiling iling nalang ako habang may bakas pa rin ng ngiti sa mga labi ko. Nahiga na rin ako sa kama habang nakayakap ng bahagya sa kanya. Nilaro laro nya naman ang buhok ko kagaya ng palagi nyang ginagawa. Napapikit nalang ako sa sarap ng hatid ng ginagawa nya na yon. Maya maya pa ay hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari at nakatulog na ako ng tuluyan. ** Nagising ako nang may marinig na kung ano. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at napabaling ng tingin sa tabi ko. Nakayakap sa bewang ko si Jethro na mahimbing na natutulog. Naririnig ko pa rin ang kung anong tunog na yon na parang vibrate kaya hinanap ko yon. Nang mapatingin ako sa side table ay doon ko nakita ang cellphone ko na nakabukas. Inabot ko yon at nakitang may ilang mensahe na nandoon. Galing kay Burn lahat ng yon. Nilingon kong muli si Jethro at nakitang tulog na tulog pa rin naman sya kaya binasa ko na ang mga messages. From: B Don't trust anyone. From: B Always choose your guts, don't listen to other people. From: B I can't meet you to tell you everything. She already found out about what I've been doing. Just... please. NEVER trust anyone. Habang binabasa ko ang mga yon ay hindi ko maiwasang hindi magtaka lalo na doon sa sinabi nyang wag akong magtitiwala sa kahit na sino. What does he mean by that? Does that includes the people around me? Siguro hindi naman, pero ano ba talagang ibig nyang sabihin? Magsesend pa sana ako ng message sa kanya na nagtatanong kung anong nais nya iparating pero hindi na ako makapagsend sa number na yon. Nakablock na ba number ko sa kanya? Napabuntong hininga nalang ako at nilapag na sa side table yung cellphone ko. Nahiga na ako ulit sa higaan at nakipagtitigan nanaman sa kisame. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ang gusto nyang iparating sa akin. Sana manlang ay mas naging detalyado yung sinabi nya 'di ba? Para hindi ako nababaliw sa kakaisip dito. Imbes na makatulog pa ako kaagad ay hindi ko magawa dahil doon sa mga nabasa ko sa kanya. Kasabay pa nung sa babae na nakita ko kani kanina lang sa may labas ng bintana. Ang gulo gulo na, hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Gumalaw galaw si Jethro at dinungaw ako. Nang makita nyang gising pa ako ay nangunot ang noo nya. "Why are you still up?" hr asked groggily. Nagkusot kusot pa sya ng mata habang pilit akong inaaninag. Umiling iling naman ako at sabay yumakap sa kanya. Humiga ako sa dibdib nya at pumikit. "Nothing, nagising lang ako." nakapikit na sabi ko. Nilaro laro nya ulit ang buhok ko pero saglit nalang yon dahil mas nauna pa sya ulit na makatulog kaysa sa akin. Nanatili naman akong nakahiga lang sa dibdib nya habang nakatulala pa rin sa kawalan. THIRD PERSON'S POV "Don't do this." nagmamakaawang sabi ng isang lalaki sa babaeng nasa harapan nya habang nakatali. Nakaupo ang lalaking yon sa isang upuan at nakagapos ang magkabilang paa at kamay nya doon. Ang babae naman na nasa harapan nya ay nakangisi lang at prenteng nakaupo habang tinitignan sya. "I thought you want me to live? Galit na galit ka pa sa kanya because she's the reason behind my death pero bakit ngayon ganyan kana ka-concern sa kanya?" nakangising tanong ng babae na yon habang may hawak na sigarilyo. Tumayo ang babae at pumwesto sa mukha ng lalaki. Humigop sya sa sigarilyong hawak nya at binuga ang usok sa mukha ng lalaking nakagapos sa harapa nya. Napaubo naman ang lalaki ng ilang beses dahil sa ginawa ng babae na yon. "T-this is not what I wanted." nauubo pa rin na sagot ng lalaki na yon. Hindi naman sya pinansin ng babae at naglakad lakad palayo sa kanya. "You're the one who did this, face the consequences." nakangising sabi ng babae habang nakadungaw sa labas ng isang bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD