Chapter 23

2021 Words
CHAPTER 23 SHANE'S POV "Akala ko mga hapon ka pa aalis." sabi ko kay Courtney nang makababa sya sa hagdanan bitbit ang ilang mga gamit. Nakangiti naman nya akong sinalubong ng yakap na syang ginantihan ko rin naman. Tumagal ng ilang segundo ang yakapan na yon bago namin napagpasyahang maghiwalay. "Oo, ngayon na. Baka pag pinaabot ko pa 'to ng hapon, hindi na talaga ako makauwi." natatawang sabi nya. Natawa nalang rin ako dahil tama naman sya. Baka maghapon ko pa syang kulit kulitin na wag umuwi hanggang sa hindi na talaga sya tumuloy dahil sa kakulitan ko. "Oh sya, alis na ako. It'll take some time to open the portal and my presence is needed until it opens." nakangiting sabi nya. Tumango tango naman ako sa kanya bago sya tuluyang maglakad pababa sa basement. Doon kasi located ang ilan sa mga gamit na nadala namin dito na galing sa Underworld. Para na rin maiwasan ang kung anong disgrasya o ang may makagalaw noon lalo na at may anak kami kaya doon namin napagpasyahang ilagay nalang yon. Kumaway kaway pa kami sa isa't isa bago sya tuluyang makababa. "Finally ready my Ms. Professor?" napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses na yon ni Jethro. Napangiti ako sa kanya nang makita ko sya at napatango tango. Nakangiti rin naman syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. "There's someone who saw the poster I posted on our front gate. I think she's interested to the job." nakangiting sabi nya. Napaawang naman ang labi ko at napa-form ng 'o'. Natigilan ako sa sinabi nya at halos hindi makapaniwala. May nakapansin agad noon nang ganoon kabilis? Kagabi lang yon nilagay ni Jethro doon ha. Wala rin naman masyading nadaan na tao dito sa amin kaya medyi nakakapagtaka. Napansin agad yung poster doon? Ang talas naman ng mga mata no'n kung sino man sya. "Oh, is that so? Then where is she?" tanong ko at sabay lingon lingon sa sala, umaasang makikita sya doon. "She's still outside, making some calls. Sinabihan ko naman sya na pumasok na sya pagkatapos nya." sagot naman ni Jethro na tinanguan ko nalang. Gusto kong makita kung ano ang itsura ng posible naming magiging yaya. Maya maya nalang siguro muna ako aalis, maaga pa naman. Hindi pa rin naman bumababa si Levy at mukhang kausao pa ang asawa nya. Hindi naman ako umaalis nang wala yon kaya aantayin ko nalang sya habang nag aantay din ako doon sa mag a-apply. Bahagya akong napatayo nang makita ang babaeng naglalakad na papasok sa sala namin. Napansin siguro ni Jethro ang naging reaksyon ko kaya napatingin na din sya sa likuran ko. "That's the girl I'm talking about." sabi nya sa akin habang nakatingin din sa babae. Narinig ko ang sinabi nya pero hindi ko naman na sya nilingon dahil napako ang mga mata ko sa babaeng yon. She has a long ang wavy hair, may kulay yon na parang maroon na may shade rin na brown. Maputi at maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong at medyo may pagka-singkit ang mga mata. Eto ang magiging yaya namin? Hindi sya nababagay maging maid kung tutuusin. Bagay sya sa mga company-type na trabaho. Mas pwede pa syang maging secretary sa isang company kesa sa maging yaya sa ganda nya. Or even sa mga beauty pageant, bagay na bagay sya sa ganoon. Why did she decided to be a yaya kung sobrang daming opportunities na pwedeng pwede nyang makuha? Maybe I should ask her that question later to know her well. Nakangiti nya kaming sinalubong at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Nakipagkamay sya kay Jethro at sumunod naman ay sa akin. Nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko habang nakangiti at nakikipag kamay. Never trust anyone. Natigilan ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang naging text message sa akin ni Burn habang nakatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Bakit ganoon nalang ang naisip ko habang nakatingin sa kanya? Iniling iling ko nalang nang bahagya ang ulo ko para mawaglit yon sa isipan ko. Dahil sa mga sinabi sa akin ni Burn ay hindi ko tuloy magawang ikalma ang utak ko kada nakakakita ako ng ibang tao. Ramdam ko na parang wala sa kanila ang dapat pagkatiwalaan. Kasalanan nya talaga 'to, kung nilinaw nya lang sana sa akin ng maayos eh 'di sana hindi ako ganito ka-paranoid. Paano kung ka-tiwa tiwala naman pala 'tong babae na 'to tapos pinagiisipan ko ng kung ano ano hindi ba? Napakasama ko namang tao kung ganoon. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa paraan ng pagtitig nya sa akin, or is it just me? "Adelene this is my wife, Shane. Shane this is Adelene, she's the girl I was talking about. The one who's interested on taking the job were offering." nakangiting pagpapakilala ni Jethro sa aming dalawa. "Hi Miss Shane! I'm Adelene but you can call me Adel for short." nakangiting sabi nya sa akin. Nginitian ko naman sya at hindi na nagsalita. Adelene? Seems familiar. Parang narinig ko na yon somewhere before. "Since wala naman nang ibang nag inquire regarding the job, I think she could take it. Is that okay for you?" tanong ni Jethro sabay baling ng tingin sa akin. Inangatan ko sya ng kilay at tyaka ako nagsalita. "Yes, yes of course. I think she's more qualified to take it." nakangiting sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa babaeng nasa harapan ko. Mas lalo naman syang napangiti dahil sa sinabi ko nang hindi pa rin umiiwas ng tingin sa akin. There really is something by the way she stares at me. "Shane? Ano tara na ba?" napalingon kaming lahat sa likuran nang marinig ang boses ni Levy. Naglakad sya papunta sa direksyo namin at napatitig din sya sa babaeng nasa harapan ko, which is Adel. "Levy, this is Adel. And she will be the one to take care of Seth." nakangiting sabi ko. Nakipagkamay din naman sya sa kanya habang nakangiti. I don't think she recognize something. Baka hindi nya napansin pero swear, iba talaga sya kung tumingin lalo na pag sa akin. Ikekwento ko nalang siguro sa kanya pag nasa campus na kami. Hinarap ko si Jethro nang makalapit na si Levy. "Alis na kami, ikaw na bahala mag assist sa kanya dito sa mansyon ha? Even to Seth. Introduce him to his yaya." nakangiting sabi ko sabay baling ng tingin kay Adel na nakangiti pa rin hanggang ngayon. Tumango tango naman sa akin si Jethro sabay halik sa labi ko. "Ako na maghahatid sa kanila palabas ng mansyon. I-assist mo nalang yang bagong yaya dito." bungad na sabi sa amin ni Lawrence nang makababarin sya. Tumango naman si Jethro sa kanya bilang pagsang-ayon. Sumunod na ako kay Levy palabas ng mansyon pero kahit na palabas na kami ay hindi pa rin inaalis ng babaeng yon ang tingin nya sa akin. Why does she keeps on looking at me like that? Para nya akong kakainin ng buhay even though nakangiti naman sya. She's smiling yet her eyes tells the opposite. Should I be worried about her? Or masyado nga lang talaga akong nagiisip ng kung ano ano kahit hindi naman dapat? ** Lunch break na namin pero hindi pa rin ako mapakali sa kakaantay ng message galing kay Burn. I don't know why pero after ng huling text message nya sa akin last night ay hindi na yon nasundan pa. Hindi ko na rin sya nakikita dito sa school grounds, nag abang pa ako sa labas ng library kanina hoping I could see him there pero wala talaga. How am I supposed to know everything if the person who's capable of answering my questions is out of reach? I don't even have any clue on where he is right now. "Kanina ka pa hindi mapakali dyan sa phone mo. Kainin mo kaya muna yang pagkain mo, no?" napaangat ako ng tingin kay Levy na nasa harapa ko nang magsalita sya. Kanina nya pa pala napapansin. Alam kong alam na din nya yung tungkol sa mga nalalaman ko these past few days. Even about Burn and Mhadelene na hindi ko alam bakit nadawit dito. Nagusap usap kami tungkol doon kaninang umaga and both of them, as expected, were totally shocked about what theu just discovered. Sino ba namang hindi magtataka, yung taong alam mong patay na years ago, madadawit pa sa ganitong issue. Hindi ko rin naman pwedeng pagisipan si Burn ng kung ano na kesyo gumagawa lang sya ng kwento, because the way he said those words and the way he reaced emotionally when he called her name is not something I can consider as just a joke. "Have you noticed something suspicious about that girl?" tanong ko bigla na naging dahilan para matigil sa pagkain si Levy. "Who's girl? The new yaya?" tanong nya na syang tinanguan ko naman. Umakto sya na parang nagiisip. "Yeah, sya nga. Ewan ko ba pero the way she looks at me, I can't explain why pero iba yung feeling na hatid no'n sa akin. Do you think it's a good idea to accept her as Seth's yaya?" tanong kong muli kay Levy. Nilapag nya ang tinidor na hawak hawak nya at uminom ng tubig bago sumagot sa akin. "Wala naman akong masyadong napansin, she seems nice? Napansin ko lang kanina na parang tumalim yung tingin nya sayo when Jethro kissed you in front of us. Pero siguro normal lang yon, baka bitter. Ganoon din naman ako pag nakikita ko kayong ganon ni Jethro kahit na may asawa na ako." paliwanag nya na nakaagaw ng atensyon ko. "Tumalim ang titig? What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Yep, tumalim. When Jethro kissed you something reflected in her eyes, pero gaya nga ng sabi ko, natural lang naman yon." nakakibit balikat na sagot nya sa akin. Napaisip ako at napainom na rin ng tubig. Hindi ko na talaga alam kung anong maiisip ko. "Wala pa rin bang paramdam si Burn sayo? Maybe he's just goofing around. You know, usual Burn years ago." sabi nya sabay subo ulit ng pagkain. Umiling iling ako. "He's not the same Burn he is years ago. Sobrang laki ng pinagbago nya, not just how his body is built now, even the way he looks at people changed. At isa pa.." pagpuputol ko sabay kagat sa burger na hawak ko. "... I don't think he's bluffing. Gaya nga ng sabi ko, umiyak pa sya sa harapan ko. Ibang iba na sya ngayon Lev. That's why I need to know all the things that he wants to tell me." uminom ako ng tubig matapos sabihin yon. Nagpakalumbaba naman sya sa lamesa at nakatingin lang din sa akin. "Siguro nga tama ka, pero asan sya ngayon? Kung may gusto syang sabihin sayo bakit hindi sya nagpapakita sayo ulit or nagpaparamdam manlang?" makahulugang tanong nya. Mas lalo akong napaisip nang marinig yon. "Hindi ko rin talaga alam. Maybe he has his reason. At isa pa, may nabanggit sya sa akin last time na magkausap kami sa library." pumikit ako at pilit na inaalala ang nagawang paguusap namin. "Ano naman yun?" nakakunot ang noong tanong nya. Na-curious siguro sya dahil sa sinabi ko. "She already knows we've met' that's what he told me." sabi ko sa kanya nang maalala yon. Mas lalong nangunot ang noo nya at hindi na sya nagtuloy pa sa kinakain. "She? Who's that 'She'?" naguguluhang tanong nya. Umiling iling nalang rin ako at napayuko dahil maging ako ay hindi talaga alam kung sino ang tinutukoy nya don. "What if it's Mhadelene that he's referring to?" napaangat ako ng tingin sa kanya nang sabihin nya yon. I gave her an 'are-you-actually-kidding-me' look at nagkibit balikat lang sya. "Mhadelene's dead, imposibleng may kinalaman pa sya sa mga nangyayaring to." medyo frustrated na sabi ko sa kanya. "Who knows? Wala tayong alam sa mga posible o imposibleng mangyari. Hula ko lang naman. You should still look for Burn to know the truth." suhestyon nya. Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang magkabilang palad ko sa sobrang pag iisip. Where the hell are you Burn?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD