CHAPTER 24
SHANE'S POV
"So, how's the interview?" bungad na tanong sa akin ni Lev nang makalabas ako sa police station.
Ngayon lang ako nakapag bigay ng statement about sa case na nangyari nung nakaraang araw, tapos na si Lev last time and hindi na din sya pinilit pa na mas marami ang saguting mga tanong.
She's the first one who saw the dead body at the first place and I don't think talking about that again is a good idea.
"Okay naman. Wala naman na masyadong tinanong sa akin." tipid na sagot ko sa kanya habang nag aayos ng gamit.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagbakasakaling may makikita nang message galing kay Burn pero napabuntong hininga nalang ako sa disappointment nang wala akong nakita.
Nasaan na ba kasi sya? Ang dami nya pa raw gustong sabihin sa akin pero hindi naman sya mahagilap ngayong kailangang kailangan ko sya.
"Still has no clue on where he is?" tanong ni Lev na syang tinanguan ko naman.
Hindi ko na talaga alam ang trip ng lalaking yon. Masyado nyang ginulo ang isipan ko tapos ngayon hindi naman sya nagpapakita sa akin.
Imbes na wala akong iniisip na kung ano ngayon, bwiset talaga Burn.
Pag nakita kita ewan ko nalang kung anong magagawa ko sayo.
"Miss Shane? Miss Levy?" napalingon kaming dalawa ni Lev nang marinig namin na may tumawag nang pangalan namin.
Pagtingin namin ay si Red, ang secretary ni Ma'am Shin. Hindi na sya mukhang mataray ngayon.
Para syang naging isang maamong tupa.
"May gusto lang po sana akong i-share sa inyo." dagdag nya. Hindi nya kami magawang titigan ng diretso at nanatili lang syang nakayuko habang nagsasalita.
Nagkatinginan naman kami ni Lev at alam kong maging sya ay nagtataka sa nagiging kilos ng babaeng nasa harapan namin ngayon.
"Ah, sige sure. Ano naman yun?" medyo nagdadalawang isip na tanong ko.
Hindi pa rin sya nag angat ng tingin pero sinagot nya naman ang tanong ko.
"Gusto ko ho sanang pagusapan privately. Kung ayos lang, sa school office nalang. Wala naman nang tao doon ngayon." sagot nya habang nilalaro ang mga kuko nya.
"Sure." maikli na sagot ko sabay ngiti ng tipid sa kanya kahit na hindi naman nya yon nakita.
Hindi ko alam pero may kung anong parte sa akin ang interesado sa balak nyang sabihin.
Why do I feel like something's about to change kapag nalaman namin ang gusto nyang sabihin?
**
Nang makarating sa school ay hindi na kami nag aksaya pa ng oras at dumiretso na sa office.
As expected, wala ngang tao doon. Maaga kasing nag dismiss dahil na rin sa request ni Miss Shin.
Mas iniintindi nila kung paano malalaman kung sino ang may pakana o nasa likod ng mga pagpatay na nangyari.
Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas kwatro na ng hapon pero hindi pa rin ako nakakareceive ng text or kahit missed call manlang kay Jethro.
That's unusual. Nasabi ko naman sa kanya kanina na baka maaga kami makauwi, and he's supposed to be here kanina pa pero wala pa sya.
Imposible namang na-busy sya sa pagaasikaso kay Seth kasi may newly hired yaya naman kami.
Speaking of yaya, I really want to know the rest of the background of that girl named Adelene.
Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa pagkatao nya. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Burn na wag akong basta basta magtitiwala kung kani-kanino.
"Alam kong gusto nyong malutas ang nagiging problema ng school na to kaya kayo ang naisip kong mga tao na pwede kong pagsabihan ng mga bagay na to." naagaw ni Red ang atensyon namin nang magsalita sya.
Nangunot ang noo ko sa pagtataka nang marinig ang mga sinabi nya na yon.
"Anong ibig mong sabihin? Related ba 'tong ipapaalam mo sa amin sa nangyayari ngayon dito sa Bradford?" kuryosong tanong ni Levy.
At last ay tinignan kami ni Red ng diretso at nakita ko sa mga mata nya na walang bahid ng kahit na anong emosyon doon bukod sa pagiging seryoso lang.
Hindi nga sya nagbibiro.
"Oo. Hindi man lahat, pero makakatulong itong mga to para mas maintindihan nyo ang mga nangyayari." sagot nya. Nagkatinginan kami ni Levy na parehas pa rin na nagtataka.
Lumapit sya sa table nya at may kung anong nilabas na mga dokumento sa drawer nya.
Nilatag nya lahat ng yon sa ibabaw ng desk nya at kahit nagtataka na kami ay inantay namin syang magsalita ulit.
May kinalkal sya doon at binuksan sabay tingin sa akin.
"Shane, Shane Callahan. Dito ka nag aral dati 'di ba? Kayo kayo ng mga kaibigan mo?" panimulang tanong nya na dahilan para matigilan ako.
How did she knew about that?
"All of your friends studied here. Until isang araw may nangyaring hindi mo inaasahan and that resulted to you flying to states with your parents. And after 2 years bumalik ka dito, tama ba?" pagpapatuloy nya.
Nanikip ang dibdib ko nang maalala ang lahat ng yon dahil sa sinabi nya.
"H-hey, stop that." pagpigil sa kanya ni Levy. Hinawakan ko naman sya sa braso at napatingin sya sa akin.
Tinignan ko sya at pilit na nginitian upang iparating na ayos lang sa akin ang ginagawa ni Red.
Binalik ko ang tingin ko kay Red at tinanguan sya.
"Yes, that's right." sagot ko sa kanya.
"Kung hindi ako nagkakamali, Mhadelene ang pangalan ng babaeng naging issue dito na sinabing pinatay mo daw. But you didn't know that you killed her." dagdga nya pa at mas lalo kong naalala ang lahat ng mga nangyari.
Kung tatakasan ko 'to, walang mangyayari sa akin.
Hindi na ako nagsalita at inantay nalang sya na magpatuloy sa pagsasalita.
"Mika, Maia and Mia, there are the girl who's found dead inside the campus for the past months. 2 sa mga yon ay sa iisang week lang namatay. Isn't it odd na pare parehas pa silang M ang simula ng mga pangalan? And speaking of M, Mhadelene also starts with letter M." mahabang pagpapaliwanag nya habang nagkakalkal pa rin ng mga papeles.
Hindi pa rin ako nagsalita kahit si Levy at nanatili kaming tahimik na nakikinig sa kanya.
"And now look at this. Nakita ko 'to sa mga katawan ng mga babaeng namatay na yan." sabi nya at may inilabas syang isang papel na may kung anong picture.
Nahugot ko ang hininga ko nang makita kung ano ang mga nasa larawan na yon.
"NIBEFMFOF, sa lahat ng katawan ng nila Mika, Maia and Mia ko nakita ang pare parehas na letra na yan. Coincidence? Sa tingin ko hindi. May kung anong meanin yan. Sinubukan ko yang i-decode." pagpapaliwanag nya pa.
Tinignan ko si Levy at maging ang kanyang reaksyon din nang marinig yon ay parehas lang sa naging reaksyon ko.
Those letters are familiar. Nakita ko na yon, nakita na namin yon.
Hindi ko alam kung dapat bang sabihin sa babaeng to ang mga napagusapan namin sa mansyon pero sa tingin ko wala namang masama doon.
And besides, mukhang konektado nga ang lahat ng mga nangyayaring kung ano dito sa Bradford sa nangyayari din sa bahay namin.
"We saw that too last night." sabi ko sa kanya na naging dahilan para mapatingin sya sa amin.
"There's someone, that we don't know who, na nagpapadala sa amin ng mga sulat with welcoming messages nung makabalik kami sa mansyon. Those letters that you found on the victims body, NIBEFMFOF, is also included in the paper that my husband receive the other night." sabi ko sa kanya.
Napaawang ang labi nya dahil sa sinabi ko na yon.
"At sabi mo sinubukan mong i-decode yan, tama ba?" tanong ko na tinanguan nya naman kaagad.
"I tried decoding the meaning of the jumbled letters by guessing the next letter na katabi nyan sa alphabet." sabi nya sabay labas ng papel at ballpen.
Sinulat nya ang mga jumbled letters na yon maging ang alphabet na from A to Z.
Napakagat ako sa labi ko nang ma-realize ko ang decoding na nagawa nya.
Why didn't I thought of that before? Ang dali lang palang malaman ang meaning no'n pero hindi ko nagawa.
"NIBEFMFOF means MHADELENE." may diin sa tono na sabi nya.
Nagsimulang magtaas baba ang dibdib ko sa kaba na biglang umusbong sa akin.
Hindi ko magawang i-explain ang nararamdaman ko nang marinig ko pa mismo sa kanya ng diretso ang mga salitang yon.
Kaya ba ganon nalang ang sinasabi sa akin ni Burn? Kaya ba nya nabanggit si Mhadelene nang isang beses na magkausap kami?
Pero paano? Paano sya naging involve dito eh patay na sya?
"T-that's impossible... Mhadelene's dead. Hindi pwede yang pinapamukha mo na may kinalaman sya dito dahil ilang taon na syang patay." nanginginig ang boses na sabi ni Levy.
Napahawak ako sa braso nya dahil maging ang mga kamay ko ay nanginginig na rin.
"I once got back to life nang may makakita sa akin sa Underworld. Hindi imposibleng ganoon din ang nangyari sa kanya, there's a high possibility that she's still alive." sagot nya na dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Did you just say Underworld?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. Tumango tango naman sya bilang sagot.
Napalunok ako ng ilang beses at pilit na ipinroseso ang lahat ng mga nalaman namin.
These informations are too much for me. Hindi ko magawang i-sink in lahat ng mga yon sa isang upuan lang.
Tumayo ako sabay hawak sa braso ni Levy na ngayon ay nakatulala na rin sa sobrang pagkagulat.
"I-I think we should go." nauutal na sabi ko sabay hatak kay Levy na ngayon lang nahimasmasan.
Dinampot ko na rin ang bag naming dalawa at akma na sanang lalabas ng office nang marinig ko pa syang magsalita.
"Be careful. Iba ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari sa inyo. Wag kang basta basta magtitiwala sa kahit na sino." pahabol nya.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa office na yon.
"Shane.. what if she's right." dinig kong bulong ni Levy habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
Hindi ko sya binalingan ng tingin at nagdiretso lang sa paglalakad.
Alam ko ang mga sinasabi nya, at alam kong malaki ang possibility na tama ang mga yon.
Pero paano? Paanong makakabalik dito si Mhadelene kung napunta sya sa Underworld nung namatay sya?
Ang tagal namin do'n! Ilang taon kami do'n pero wala kaming nakitang katawan nya or records manlang na napunta sya do'n.
At kung nagawa nga nyang makabalik, sino ang naging daan nya para magawa yon?
Imposibleng ang mga kilala kong mga tao sa Underworld ang nasa likod non.
Sobrang nakakapagtaka.
Nang makapasok kami sa kotse ay hindi ko agad yon pinaandar. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko habang nakahawak sa manibela.
Hindi mawala wala sa isipan ko ang mga narinig ko kay Red kani kanina lang.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.
Kung buhay nga si Mhadelene, paanong may kinalaman sya sa mga nangyayaring pagpatay sa Bradford?
Hindi sya ganoong klaseng tao na papatay. I know her too well since we're high school.
If she really is alive, I should be happy 'di ba? Kasi kaibigan ko sya, tapos buhay sya.
Hindi dapat ako matakot at kabahan ng ganito pero bakit eto ang nararamdaman ko imbes na matuwa?
Burn knew everything about this. Kailangan ko syang makausap, kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol sa mga nangyayari ngayon.
I need to find him, but how?
"May text na ba sayo si Lawrence?" tanong ko kay Levy. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inilabas nya ang phone nya.
"Meron, he's just asking if were about to go home." sagot nya. Bakas din sa boses nya nang sabihin nya yon ang labis na kaba at pag aalala.
"Tell him maya maya pa tayo makakauwi. May pupuntahan pa tayo." sagot ko sa kanya sabay paandar ng makina ng kotse.
Ramdam kong napatingin sya sa akin nang marinig ang sinabi ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong nya na hindi ko sinagot.
Hindi ko alam kung nandoon pa rin sya q lugar na naaalala ko pero magbabakasakali nalang ako.
I'm desperate. I need to know everything.