CHAPTER 25
MHADELENE'S POV
"Please, don't do this. I'm begging you.." Burn said as if his pleading will do something to change my mind.
Nginisian ko nalang sya ng pagkalawak lawak habang matalim ang titig na ipinupukol ko sa kanya.
"What's with the change of heart? I thought you're so desperate to avenged me and you even thought of killing her. Pero ano ang nangyayari ngayon? Para kang kung sinong maamong hayop dyan na kung makapag makaawa sa akin ay parang ang linis linis ng budhi mo." nanggagalaiting sabi ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi mapatiim bagang sa sobrang inis.
He's the one who started all of this tapos may gana pa syang pigilan ako sa gagawin ko? What kind of brain does he have?
"I told you... this isn't what I wanted at the first place!" naiiyak na sabi nya. Natatawa akong napailing iling habang pinapaikot ikot sa kamay ko ang hawak hawak kong kutsilyo.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya dahilan para umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng itim na stilettos na suot suot ko.
I leaned towards him and grabbed his chin. Diniinan ko ang pagkakahawak ko doon at gamit ang kutsilyong hawak ko, ginawa kong parang may sinusulat ako sa baba nya.
I continued doing that while intently staring at his eyes.
"If this isn't what you wanted, then what do you want?" malambing na sabi ko. Nagsisimula nang magdugo ang baba nya dahil sa ginagawa ko kahit na hindi naman ganon kadiin yon.
Maybe because of the sharpness of the knife, well I don't even care if he bled to death.
Ginantihan nya ang mga titig na ipinupukol ko at kita ko rin ang pagtiim bagang nya dahil na rin siguro sa dugo nyang unti unting nang tumutulo.
"I-I just wanted to bring you back, that's all that I wanted." nanginginig ang labi na sabi nya.
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya at seryoso syang tinitigan.
"You just wanted to bring me back? But you lived with anger towards Shane that you even wished death upon her for the past few years after my death tapos sasabihin mong gusto mo lang akong ibalik?!" I lashed out. Hindi na nagawang pigilan ang galit na umusbong sa akin.
He's talking nonsense! Kung hindi ako nagkakamali ay siguro sinasabi nya lang yan kasi he still has feelings for her!
Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko sa sobrang galit at nakita ko kung paano sya maapektuhan nang mapansin nya yon.
"Mhadelene..." mahinang sabi nya habang may namumungay na mga mata.
Marahas kong pinalis ang luhang namuo sa gilid ng mga mata ko at mas tinitigan sya ng matalim.
"Why did you bring me back?" seryosong tanong ko habang nakatitig sa kanya.
Ilang segundo syang hindi nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa akin. I can see the visible sorrowness plastered in his eyes pero ewan ko ba.
I could not feel anything but anger. Anger towards someone who stole a few years of my life.
"Because I love you. I missed you, and I wanted you back.." pumiyok ang boses nya sa huling mga sinabi nya.
Napaiwas ako ng tingin nang makitang naluluha sya matapos nyang sabihin yon. I have to resist him, hindi ako pwedeng magpakita ng awa sa kanya.
He have to realize that bringing me back will also not bring back the days, the years of my life!
Ang daming taon ng buhay ko ang nasayang dahil sa babaeng yon at hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti sa kanya.
She deserves to suffer.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya but this time ay wala nang ibang emosyon na makikita sa mga mata ko kundi galit.
"You loved me?" tanong ko na syang tinanguan nya naman.
I pressed something in my wrist and in just a blink of an eye, my physical form changed.
Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat nya sa nasaksihan nyang ginawa ko.
"... Then don't stop me from avenging myself." matigas na sabi ko sabay talikod sa kanya dala dala ang bagong pisikal na anyo ko.
I will turn her to something she thought she'll never be.
**
Napangisi ako nang makitang nakadungaw sa labas ng bintana ng kwarto nya si Shane.
She's standing there as if nothing bad is about to happen to her.
I think she noticed me pero hindi na ako nag abala pa na mas lalong magtago sa mga halamanan. I don't even care if she sees me.
Mas lalong umusbong ang galit ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya ng ganito.
The way she enjoyed her life, fall inlove, had a family, and spent a few years of her life with the people she loved and trusts.
I envy her.
Nangyari sa kanya ang mga bagay na hindi nangyari sa buhay ko and all of that was because of her.
Dahil sa kanya kaya nasayang ang ilang taon ng buhay ko. Because of her I didn't get a chance to spend a lot of time with the man I loved.
Kung hindi dahil sa kanya, sana masaya na ako ngayon. Sana masaya na kami ni Burn na nagsasama. But no.
She ruined it all, she ruined everything.
Napakuyom ako sa magkabilang kamao ko nang dahil sa mga naisip ko na yon at mas lalo lang tumalim ang mga titig ko sa kanya.
Lahat ng masasayang araw mo, mapapalitan ng sakit at paghihirap. Mas lalong lumawak ang ngisi ko habang nakakuyom pa rin ang mga palad ko.
I will bring you to hell with me.
JETHRO'S POV
"Oh sya, all you have to do is to look after my Son. Nandoon sya sa taas, sa may kwarto nya. He's not that difficult to handle since he's friendly and I think you two will get along pretty well. But of course, ilagay mo na muna yung mga gamit mo. The room beside Seth's room will be yours." I said to Adel while smiling.
Ngumiti naman sya pabalik at sabay tumango tango bago nagpaalam sa akin na aakyat na sa itaas.
Sinundan ko sya ng tingin habang naglalakad paakyat ng hagdan bitbit bitbit ang mga bagahe nya.
I couldn't stop myself from staring at her and I don't even know why.
"Wagas makatitig ha." napatingin ako sa gilid ko nang marinig kong magsalita si Lawrence.
Nasa tabi ko na pala sya kanina pa at hindi ko manlang naramdaman yon. Nakasunod din sya ng tingin kay Adel hanggang sa tuluyan syang mawala sa mga paningin namin.
"Wag kang masyadong ma-issue. Walang malisya yung pagtitig ko sa kanya, It's just that... There's something about her na hindi ko mapaliwanag." makahulugang sabi ko habang nakatanaw pa rin sa dinaanan nya.
Binalingan ko sya ng tingin at nakitang nagkibit likat sya.
"Hmm, I can say you're right. Sa tingin mo ba tamang desisyon yung tanggapin sya bilang taga-alaga ni Seth?" tanong nya sa akin.
Nangunot ang noo ko nang marinig ang naging tanong nya na yon.
"Why not? Wala nang ibang mga pumunta dito para mag inquire tungkol sa job na yon, at isa pa, mukha naman syang maayos. She's even over-qualified for the job." sagot ko sa kanya. Tinignan naman nya ako ng seryoso.
"Yes, she's OVER QUALIFIED. That is given because I can see that. Pero gaya ng sabi mo, there's something about that girl.." napaisip nalang rin ako sa sinabi.
I tried to not think about it. Masamang pinagiisipan ng kung ano yung ibang tao especially if it's your first time meeting them.
And I don't even know her attitude.
"Oo alam ko, sinabi ko yon. If she's not that of a saint, then keeping an eye on her wouldn't hurt right?" tanong ko na tinanguan naman ni Lawrence.
Naglahad sya sa akin ng isang can ng beer na syang tinanggap ko naman kaagad.
"So, what's the progress? About the murder case on Bradford 'shitty' Academy and the mysterious person behind the welcoming messages we received? May leads ka ba?" tanong nya sabay upo sa couch at inom ng hawak hawak nya rin na beer.
Naupo naman ako sa tabi nya at ganoon din ang ginawa.
"Nothing. Wala rin sinasabi sa akin si Shane kung may connection ba sila ulit nung Burn na yon. Speaking of that guy, he's your highschool friend right?" tanong ko sabay tingin sa kanya.
Lumaklak muna sya ulit ng beer bago sinagot ang tanong ko.
"Yeah, before. But something happened na naging dahilan para mamuo yung galit nya. And it's towards your wife.." napatingin ako sa kanya ulit nang dahil sa isinagot nyang yon.
"My wife? Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ko.
"I'm not in the position to tell you that. Si Shane ang dapat magsabi sayo ng mga yan, ask her about it or wait for her to tell it to you. Ayokong magmarunong." yun lang ang naging sagot nya kaya hindi na ako namilit pa.
He's right, if it's about Shane, sya ang kailangang magsabi ng kusa ng mga yon sa akin.
If she has a plan to tell it to me at the first place.
Pero anong ibig sabihin nya na may galit si Burn kay Shane? Tama ba na hinahayaan kong magkaroon sila ng connection sa isa't isa?
I have to keep an eye on her.
MHADELENE'S POV
I can't help myself but to smirk while listening to their conversation.
Maybe I should improve the way I act more professionally. They're guessing as if there's something they need to worry about me.
Well, hindi naman sila nagkakamali. But disguising myself is one of the major steps that I need to master in order to properly deceived them.
Especially her.
"What are you doing there po?" napaigtad ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Nang lingunin ko yon ay isang batang may kaputian at itsura ang nakita ko.
Maybe ito na yung anak nilang dalawa ni Shane. His name is Seth, if I'm not mistaken.
"You look like eavesdropping." dagdag nya pa. Pilit akong ngumiti kahit na namumuo na ang iritasyon ko.
Binaling ko ang buong atensyon ko sa kanya at naupo ako sa harapan nga. I ruffled his hair before saying anything.
"Oh, Hi! I'm Adel and I will be your personal yaya starting today. If I remember it well, Seth is your name right?" I tried to sound as cheerful as possible nang sabihin ko yon.
I have to win her child's trust in order to get through her.
At magagawa ko yon kung magigin mabait ako sa kanya.
"Yes, that's right. Can you play with me?" inosenteng tanong nito sa akin.
Palihim akong napakuyom sa palad ko nang marinig yon. I badly want to slit his throat and watch him bled to death pero I know I should behave.
The f**k. Hindi ko na talaga maiwasang hindi mag isip ng mga ganoong bagay simula nang mapadpad ako sa lugar na yon.
I tried everything to compose myself at ngumiti akong muli sa kanya.
"Of course! I would be glad to. Tara na? Nasaan ba ang room mo?" masiglang sabi ko sa kanya.
I saw how both of his eyes twinkled with joy na mas lalo ko namang ikinainis pero pinigilan ko ang sarili ko.
Hindi sya nagsalita at inilahad lang ang kaliwang kamay nya sa akin. Nagtataka man ay tinanggap ko yon at sumunod sa kanya nang magsimula syang maglakad sa kung saan.
Dinala nya ako sa kwarto nya at hindi ko maiwasang hindi mailibot ang mga mata ko sa loob no'n.
Ang kwarto nya ay aakalain mong kwarto na rin ng mga magulang nya dahil sa lawak.
Natigil ang mga mata ko nang dumapo yon sa ibabaw ng side table nya at doon ko nakita ang iba't ibang pictures.
May mga pictures ni Shane, ng asawa nya, ng anak nila, and even family pictures.
Mas lalo lang akong nainis nang makita yon pero hindi ko naman napigilan ang sarili kong damputin yon at titigan.
Hindi naalis ang titig ko sa larawan ni Shane na nakangiti. Napahigpit ang pagkakahawak ko do'n.
I want her life. I want everything she has.