CHAPTER 26
SHANE'S POV
"Saan ba kasi tayo pupunta? Ay no, let me rephrase that. Do you know where were going at the first place?" tanong ni Levy sa gilid ko nang itigil ko ang kotse.
Binaba ko yung window sa tabi ko at naglinga linga sa paligid.
"If I'm not mistaken, this is the place. Hindi ko lang sigurado kung andito pa rin nga sya." sabi ko sa sarili ko, not minding what Levy said.
"Ano bang sinasabi mo dyan? What place are you talking about? At sinong 'sya'?" dagdag nya pang tanong na hindi ko nanaman pinansin ulit.
Bahala sya magdakdak nang magdakdak dyan. I have to know if she's still living here para hindi naman sayang ang punta namin dito.
Lumabas ako ng kotse at pumasok na sa loob ng bahay na yon. Narinig ko pa na tinawag ako ni Levy pero hindi ko pa rin sya pinansin.
Bahala syang sumunod dyan.
Wala akong nakitang kung sinong tao na nagbabantay manlang sa harapan ng bahay pero ang mga gamiy na dati ko nang nakita dito ay nandoon pa rin.
Naiba lang ng pwesto ang iba sa mga yon pero ganun na ganun pa rin ang mga gamit na nakita ko noon.
Except nalang sa wala nang nakalagay or naka-display sa harapan nito na mga Kpop Merch kagaya ng dati.
Siguro hindi na nga sya nagtitinda ng nga yun.
"Manang?" tawag ko sa loob. Walang lumabas na matanda kaya dumire diretso nalang ako ng pasok.
I can't help myself but to roam my eyes around the place. Ang amoy na dala ng lugar na yon sa akin ay parang nagpapaalala sa akin ng mga panahong andito ako.
And I know Levy will noticed it too.
Ramdam kong nakasunod lang sya sa akin at nagmamasid. Hindi ko na sya narinig na nagsalita para magreklamo pa.
She probably remembered the place and I guess alam nya na rin kung ano ang pakay ko sa lugar na 'to sa ngayon.
"Shane ija?" sabay kaming napalingon ni Levy sa likuran namin nang marinig namin pamilyar na boses na yon.
Napangiti ako nang makita ang pamilyar na mukha na yon.
"Aling Margot." nakangiting sabi ko sabay lapit sa kanya para yumakap.
Ganoon din naman ang ginawa ni Levy na may bahid rin na ngiti sa mga labi nya. I can also see the happiness in her eyes as she hugged us back.
Pero may napansin ako sa mga mata nya the moment she touched me. Parang there's something reflected in her eyes na hindi ko maipaliwanag.
I can't also even identify what emotions does her eyes are showing. Hindi ko masabi kung masaya ba or what.
Mas lalong nadepina ang pagiging may edad nya. Mas dumami rin ang mga wrinkles sa mukha at sa balat nya pero ang ganda nya simula nung pagkadalaga ay hindi pa rin maikakaila.
Humiwalay kami sa pagkakayakap sa kanya at nakangiti syang hinarap.
"Kamusta na ho kayo? I see... hindi pa rin ho pala kayo umaalis dito." nakangiting sabi ko habang nagtitingin tingin pa rin sa paligid.
Napatawa naman sya ng mahina bago magsalita.
"Oo ija, wala rin naman akong maisip na pwedeng lipatan at tyaka ang lugar na ito naman ay presko. Walang masyadong dumadaan na mga tao rito kaya wala na rin naman akong dapat na ipagalala." nakangiting sagot nya at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa.
"Halika maupo tayo at marami akong gustong malaman sa inyo." pagaaya nya at naunang maglakad. Tumango tango naman ako at sumunod kami sa kanya.
Naglapag sya tatlong tasa sa lamesa na nasa harapan namin. Nang tignan ko ang laman no'n ay kulay berde ang likido na nandoon.
"Kamusta ho kayo? Maayos naman ba kayo dito?" panimulang tanong ko nang lahat na kami ay nakaupo na.
Kinuha ko ang tasang nasa harapan ko at humigop doon. Napapikit ako sa ka-preskuhang hatid ng inumin na yon sa katawan ko.
Parang bahagyang nawala ang mga alalalahanin ko dahil do'n.
"Ayos lang naman ako dito. Kahit papaano naman ay may sumasadya pa sa akin dito para magpahula at bumili ng mga agimat at anting anting na tinitinda ko. Meron din na tumatambay dito na parang ginagawang kapehan ito dahil sa mga tsaa na ginagawa ko..." nakangiting sabi nya sabay higop ng tsaa.
Magsasalita na sana ako nang unahan nya ako.
"...ikaw ija? Kamusta ka? Buntis ka pala ngayon." walang bahid na ngiti sa labi na sabi nya na bahagyang ikinagulat ko.
Napabaling ang tingin ko sa tyan ko nang ilang segundo sabay tingin ulit sa kanya na may ngiti na sa labi.
"Ay, opo. Pangalawang anak ko ho." pag amin ko sa kanya. Humawak ako sa tyan ko at dinama ang hindi pa gaanong halatang umbok no'n.
Kung natural na tao siguro ang nasabihan ng ganon ni Aling Margot ay iisipin na ang creepy no'n.
Hindi ko naman kasi maalala na hinawaman nya ang tyan ko para mahalata nya pero sa kalagayan nya bilang isang manghuhula ay hindi na nakakapagtakang malalaman nya yon nang ganun ganun lang.
Nanatili naman na tahimik si Levy sa tabi ko na nagtitingin tingin pa rin sa paligid hanggang ngayon.
"Ahh, pangalawa na pala. Maayos naman ba ang pagbubuntis mo?" seryosong tanong nya. Hindi ko alam kung ngingiti pa ba ako dahil parang magmumukhang pilit na yon dahil sa ekspresyon ng mukha nya.
Hindi ko alam pero nang mawala ang bakas ng ngiti sa mga labi nya ay parang iba ang dating sa akin.
It's like she felt or saw something and I'm afraid to know what that is.
"Maayos naman ho. Hindi naman din maselan ang nagiging pagbubuntis ko at hindi na ako nahihirapan." sagot ko sabay ubos sa tsaa na hawak ko.
Hindi sya sumagot kaya bumwelo na ako para sabihin ang pakay ko.
I need to know answers for the questions that are inside my head. Hindi ko na kayang manatili nalang na tanong ang mga yon.
Umayos ako sa pagkakaupo at tumikhim bago nagsalita.
"Sya nga po pala. Tungkol sa sinadya namin rito. Alam kong posible pa na mabuhay ang isang tao na patay na kung sasadyain sa kabilang mundo, pero posible pa rin ho ba kung ang taong bubuhayin ay ilang taon nang patay?" panimulang tanong ko na naging dahilan upang mapatingin sa akin si Levy.
Alam kong alam na nya kung sinong patay ang tinutukoy ko. She just probably didn't expected me to be this curious about what she just suggested.
Nanatili namang seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Aling Margot at kaming dalawa naman ay nagaantay lang sa magiging sagot nya.
Nilapag nya ang tasa sa lamesa na nasa harapan namin at diretsong tumingin sa akin.
"Walang imposible Shane. Maaaring mabuhay ang isang taong matagal nang patay kung ang gagawa ng bagay na yon ay may matinding kagustuhan. Pwedeng may matinding pangungulila, matinding pagmamahal o galit. Pero ang bagay na yon ay may kapalit na..." sagot nya. Nangunot ang noo ko sa huling sinabi nya kaya hindi ko mapigilan ang hindi magtanong.
"Kapalit na ano?" nakakunot na noong tanong ko sa sobrang pagtataka.
Nagpalipat lipat sya ng tingin sa amin pero sa akin pa rin tumigil ang mga mata nya sa huli. Nakita ko rin na napabaling sya ng tingin sa tyan ko dahilan para mapahawak ako do'n.
"Dahil ang bubuhay na sa taong yon ay demonyo. May malaking posibilidad rin na pag nagtagumpay ang paggawang pagbuhay sa patay na yon, hindi na sya ang magkokontrol ng katawan na yon kundi ibang nilalang na." makahulugang sabi nya. Napaawang ang labi ko nang marinig yon at hindi ko maiwasang hindi magisip isip.
Kung may posibilidad nga na tama ang hinala ni Levy na nabuhay si Mhadelene, dapat na ba akon mangamba?
Should I be more careful regarding me and my family's safety?
Napahimas ako ng wala sa oras sa tyan ko habang nagiisip ng tungkol do'n.
If what Aling Margot said just now are true, that can only mean that I need to find Burn.
Kasi kung may tao na maaaring gumawa no'n, na buhaying muli si Mhadelene, ay sya lang.
I badly need to find him, but how?
"Thank you for answering my questions, mauuna na po kami." nakangiting pagpapaalam ko sa matandang nasa harapan ko at sabay na tumayo.
Napaangat ng tingin sa akin si Levy at tumayo nalang rin. Wala syang kahit na anong sinabi simula nung maupo kami dito para magusap.
Mukhang nangangapa lang sya sa mga nangyayari.
Binalingan kong muli ng tingin si Aling Margot ngunit wala akong nakitang bakas ng ngiti sa mga labi nya ng mga oras na yon.
I don't know what to feel. Hindi ko alam bakit sya ganoon kanina pa nung mabanggit ang tungkol sa pagbubuntis ko.
I tried composing myself kaya tumikhim ako bago nagsalitang muli.
"Alis na po kami." pagpapaalam ko. Nang wala pa rin akong narinig na response galing sa kanya ay umamba na akong aalis.
Hinawakan ko ang pulsuhan ni Levy at bahagya syang hinila as a sign that we should actually leave.
Na-realize naman nya ang gusto kong ipararing just by the looks in my eyes kaya sumunod na rin sya.
Bago pa kami makaalis ay nagsalita ang matanda.
"Magiingat ka. Magiingat kayo. Wag kang basta basta magtitiwala sa kahit na sino, isipin mo ang anak mo sa lahat ng oras."
MHADELENE'S POV
"Yaya, let's go downstairs. I want to see Daddy." natigil ako sa pagmumuni muni nang marinig ang sabi ng bata na yon.
Tinignan ko sya at nakitang nakatingin lang din sya ng diretso sa akin.
I want so bad to throw this child out of the window. Kung hindi ko lang talaga kailangang magbait bait-an dito ay ginawa ko na yon nung una palang.
Hinawakan nya ang kamay ko at bahagya akong hinatak hatak.
I tried my best to smile at him despite of the urge to smack him in the face.
"You want to go downstairs?" I asked. He immediately nodded multiple times kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at magpatianod sa kanya.
"I heard you're going to be a big brother soon. Your Mommy's pregnant, right?" tanong ko sa batang si Seth na nahawaka lang sa kamay ko habang naglalakad.
Tinango tango naman nya ang ulo nya as a response to what I just said.
"Yes, a big brother. There's a baby inside my Mommy's tummy and I'm so excited to know the gender." he answered. Hindi ko man makita ang mukha nya dahil hindi naman nya ako binalingan ng tingin but I know he's smiling when he said that.
Baby, huh.
No matter how hard I tried to focus my revenge only to Shane, I can't help myself.
Hurting her loved ones means breaking her heart and making her suffer, yun ang gusto ko kaya yun ang gagawin ko sa kanya.
I can't feel anything but anger towards her. Ni hindi ako nakakaramdam ng awa pag naiisip kong gusto kong pataying maging ang mga anak nya.
That's what she deserves to have at the first place. A very miserable life.
"Daddy!" salubong ni Seth sa tatay nya nang makababa kami. Bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo papunta sa dalawang lalaki na nagiinom sa sala.
Sumunod naman ako sa kanya at nanatiling nakatayo lang sa gilid habang pinagmamasdan sila.
"How's my baby?" Jethro asked him. Hindi sumagot si Seth at niyakap lang nang niyakap ang tatay nya.
Speaking of Jethro, I can say that he really is a beautiful man. I can't deny that.
Hindi ko maiwasang hindi sya titigan at ang parte ng katawan nya. His body is well built and even with a shirt on, I can still see his muscles.
A smirk formed in my lips.
Maybe seducing him will be a good idea. Besides, I want Shane to lose herself.
I want her to be the psychopath she used to be. At alam kong pag ginawa ko syang magisip nang magisip ng kung ano ano, she'll start to lose control with her mind.
Dagdag pa yung isa pang gusto kong gawin. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko habang iniisip ang mga balak kong gawin sa kanya.
A win win situation.