Chapter 27

2072 Words
CHAPTER 27 SHANE'S POV "Ano nang balak mo nyan?" dinig kong tanong ni Levy sa gilid ko pero hindi ko sya pinansin. Nanatili lang akong nakapikit habang nakasandal sa driver's seat. Hindi naman sa ayaw ko syang kausapin. Sabihin na nating hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya nananatili nalang akong tahimik. Hindi ko rin kasi talaga alam kung anong sasabihin ko. I'm so confused on what should I do next. Hindi ko magawang makapag isip ng maayos. Ang mga sinabi ni Aling Margot sa amin ngayon ngayon lang ay nakatatak lang sa isipan ko. Hindi ko maiwasang hindi mag alala. Why did she have to say those words as if something bad will happen to my kids? Napabuga nalang ako sa hangin sa sobrang pagiisip. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. The crimes at Bradford were still left unsolved, the mystery about Mhadelene's possible resurrection, Burn's nowhere to be found, at dagdag pa itong sinabi sa akin ni Aling Margot na dapat magiingat ako at ang mga bata. Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag lang sa dashboard ng kotse at nakitang waa pa rin akong natatanggap na text message galing kay Jethro. Ano kayang pinagkakaabalahan nya? Why doesn't he texts me? Binalingan ko ng tingin si Levy sa gilid ko na nakadungaw lang sa labas ng bintana. "Lev, nag text na ba sayo si Lawrence?" tanong ko sa kanya. Ilang segundo akong nag intay ng sagot galing sa kanya pero wala akong narinig. Napakunot ang noo ko nang mapansing wala namang nakasapak na earphone sa tainga nya. Is she mad at me for ignoring her? Dinungaw ko sya at napa 'ahh' nalang ako nang makitang nakapikit na pala sya. Ang bilis naman nitong makatulog. Parang kakatanong lang nya sa 'kin tapos malalaman ko nahilik hilik na pala dyan. Napabuntong hininga nalang ako sabay paandar ng makina ng kotse. Mas mabuti pa nga sigurong umuwi nalang para malaman ko kung bakit hindi manlang nya ako minemessage kahit isa. What are you up to Jethro Axel Jimenez? BURN'S POV "...Then don't stop me from avenging myself." she said and walked away from me. The sound of her black stilettos echoed in this dark and eerie place. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa tuluyan syang makalabas sa lugar na yon. I can't do anything but to hope she'll come back and say that she changed her mind. This is not what I wanted, and it will never be. Gusto ko lang syang buhayin dahil miss na miss ko na sya. I longed for her for years and when I finally get a chance to revive her, this happened. Hindi ko lubos maisip na ang babaeng minahal ko at ang ginawa kong pagbuhay muli sa kanya ay isang malaking pagkakamali naman pala. People will die because of me. Maling mali na binuhay ko pa ang taong dapat ay matagal nang patay. You could miss a dead loved one but reviving them back to life will never be a good option. Hindi ko na kilala ang babaeng kanina lang ay nasa harapan ko. It's like as if she's another person. Na para bang may ibang tao na ang nagko-kontrol ng katawan nya. Nagsisisi ako sa ginawa ko but I know regretting things now will not do anything to bring back everything to normal. Napayuko nalang ako at napapikot ng mariin habang iniisip ang lahat ng nagawa ko. "I will do anything maibalik nyo lang sya sa akin. I miss her so much, I want her back pero alam kong imposible ang kagustuhan kong yon." umiiyak na sabi ko habang nakatingala sa altar sa harapan ko. Dito ako dinala ng mga paa ko matapos kong bisitahin ang puntod nya. This day is her death anniversary yet I'm the only one who visited her. Wala ni isa sa mga kaibigan namin ang nag abalang dalawin sya kahit na saglit lang. Napakuyom ako sa magkabilang palad ko habang iniisip yon. All of them are busy with that murderer. She's the one who killed Mhadelene but why don't she looked like she's regretting what she did? Babalik sya dito 2 years after she killed her na parang walang nangyari? Is she out of her f*****g mind? I will kill her, even if that makes me a murderer, I will not be hesitant to do it. Natigil ako sa pag iyak nang may sumagi sa isipan ko. Is it possible to bring someone back to life? Marami akong articles na nabasa noon tungkol sa resurrection, but will that work? Hindi ko alam. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina kahit ano pa yan, I'm more willing to do it just to bring her back. Hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng kahit na ano maibalik ko lang si Mhadelene. ** I researched a lot of things regarding resurrecting someone who's been dead for years back to life at marami akong nabasa. Pero may iisang article talaga ang nakakuha ng pansin ko kumpara sa ibang mga nabasa ko. "Bringing someone back to life will be a lot of work. But if you're more willing to do it, you can make it happen." pagbasa ko sa nakita ko sa isang libro na natagpuan ko sa isang bookstore. Ang cover ng libro na yon ay nakakapagtaka dahil parang may kung anong kakaibang star na nakaukit sa harapan noon. May kung ano anong words din na nakasulat na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin dahil sa kakaibang lenggwahe ang nakalagay don. Hindi ko talaga alam kung paano ko nagawang mabili ang libro na 'to pero nang makapasok ako sa bookstore na yon ay parang may kung anong nag udyok sa akin para hanapin ang librong 'to. At hindi nga ako nagkamali dahil ang laman ng librong 'to ay napakaraming demonic ritual. Demonic ritual to bring someone back to life. At yun ang matagal ko nang gustong malaman. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at ginawa ko na ang instructions na nakasulat sa libro na yon. Desperado na ako. I will do everything it takes just to bring her back to me. Even if it'll cost me my life. I will not hesitate to do it. Ilang gabi kong binasa ang librong yon para maintindihan ko nang husto ang bagay na gagawin ko hanggang sa isang araw ay napagpasyahan kong gawin na yon. By creating a circle and placing lit candles surrounding it, kailangan kong umupo sa loob no'n. Patay ang lahat ng ilaw at tanging ang mga kandilang yon lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. I'll cast a phrase while sitting in the middle of the circle nang paulit ulit hanggang sa mamatay ang mga kandilang nandoon. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ang bagay na yon at anong emosyon ang nag udyok sa akin pero isang araw matapos kong makumpleto yon ay nagising nalang ako na nasa tabi ko na si Mhadelene. Napahilamos ako sa mukha ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko nang maalala ko yon. Nang mangyari ang araw na yon ay hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko, but days after that napansin ko na ang mga kakaiba sa kanya pero pinili kong balewalain lahat ng yon. And now, people are in danger because of what I did. Hindi ko na mababalik ang nagawa ko pero kaya ko silang tulungan para harapin si Mhadelene. But that could only happen pag nakawala na ako sa lugar na 'to. At hindi ko alam kung paano ko gagawin yon. Shane, wait for me. SHANE'S POV Nakarating na kami sa mansyon at buti ay gising na si Levy no'n. Hindi ko na sya kinailangang gisingin pa. Ang hirap hirap pa naman nyan gisingin. Masyadong tulog mantika. Nang makapasok kami ay si Lawrence lang ang naabutan namin sa sala, at tulog pa. Kaya naman pala wala rin syang message kay Levy at tulog na tulog sya dito sa sala. Napalinga linga ako sa paligid at hindi ko nakita si Jethro at si Seth. Kahit na ang bago naming yaya ay wala doon. Where are they? Lumingon ako kay Levy at nakitang nakahiga na sya sa dibdib ni Lawrence na mahimbing pa rin na natutulog. "Dito kana lang ba muna sa baba? Titignan ko sa taas kung nandoon si Jethro." sabi ko sa kanya na syang tinanguan nya naman. Nagkibit balikat nalang ako. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at umakyat na ako sa taas. "Antukin talaga yan simula pa nung sanggol palang sya." nangunot ang noo ko nang marinig ang mga salitang yon. Teka, boses ni Jethro yon ah. Nanggagaling yon sa kwarto ni Seth kaya doon na ako dumiretso. Hindi ako tumuloy na pumasok sa loob at nanatili akong nasa tapat lang ng pintuan. Nakita ko si Jethro na nakaupo sa kama habang si Seth ay mahimbing na natutulog doon. Napabaling naman ako ng tingin kay Adel at nakitang nakatingin na pala sya sa akin. Hindi ko alam pero parang matalim ang titig nya sa akin, o namamalikmata nanaman ba ako? Napansin siguro ni Jethro ang paninitig sa akin ni Adel kaya napalingon na din sya sa direksyon ko. "Wife... how long have you been there? Kadadating mo lang ba?" sabi nya nang makita ako sabay tayo at lakad palapit sa akin. Nakangiti nya akong sinalubong. Nang nasa harapan ko na sya ay niyakap nya ako at hinalikan sa labi. "Oo halos kadadating ko lang. May dinaanan pa kasi kami ni Levy." sagot ko sa kanya habang nakangiti nang bahagya. "Why didn't you texted me?" tanong ko pa sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha nya at wala namang bahid ng kung ano do'n. Why am I expecting him to deny such accusations? Bakit parang gusto ko syang hulihin na ewan? "I was busy drinking with Lawrence. Adel was the one who played with Seth until he falled asleep. Nakatulog na rin si Lawrence nang makaubos kami ng ilang cans ng beer and then I got here to look after Seth. At ayan, nakita ko nalang tulog na. Halos kaaakyat ko lang rin dito. I'm sorry for not texting you." mahaba at kalmadong paliwanag nya. Mukha naman syang hindi nagsisinungaling kaya napatango tango nalang ako sa naging sagot nya na yon. "How about you? How was my beautiful wife's day?" tanong nya na hindi ko naman kaagad sinagot. Naglakad ako papasok sa kwarto ni Seth at naupo sa kama. Hinalikan ko sya sa noo sabag bumaling ako kay Adel na hindi ko malaman kung nakangiti ba o nakangisi sa akin. It's difficult to differentiate her smile with her smirks kaya hindi ko nalang pinansin yon. Maybe I should stop thinking or worrying about her, mukha naman syang mabait. Ganoon lang talaga siguro sya kung makatingin. Na akala mo bigla ka nalang nyang sasakalin out of nowhere. "Thank you Adel for taking care of him properly." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya. Lumawak naman ang pagkakangiti nya sa akin biglang sagot sa sinabi ko. Naramdaman ko ang presensya ni Jethro sa likuran ko kaya nanatili lang muna akong nakaupo doon. "Adel could you please go get Shane a glass of milk? May fresh milk sya doon sa fridge. Pakidala nalang sa kwarto namin." dinig kong sabi ni Jethro mula sa likuran ko. Tinanguan naman sya ni Adel at sabay lakad na palabas ng kwarto ni Seth. "Are you tired? You could rest in our room after you finished the milk I requested for you." malambing na sabi nya habang hinahawak hawakan ang balikat ko. Napapikit ako sa sarap sa pakiramdam na hatid ng ginagawa nyang bahagyang paghilot sa akin. Naramdaman nya siguro na nagugustuhan ko ang ginagawa nya kaya mas maayos nyang ginawa yon. Napadilat ako at napaawang ang labi nang maramdaman ang labi nya sa leeg ko. "Jethro.." mahinang tawag ko sa kanya. Mamaya magising pa si Seth sa ginagawa nya or may makakita pa sa amin dito. "What? I'm just giving you neck kisses." malambing ang boses na sabi nya. Napapikit nalang akong muli dahil sa ginagawa nya na yon. Nang bahagyang malayo nya ang labi nya sa leeg ko ay tumayo ako at humarap sa kanya. I stared at his face. Iiwasan ko na ang magisip isip ng kung ano ano sa ngayon. Just by staring at his face I can say that it doesn't matter if I'll have a lot of problems. As long as he's here, will not face them alone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD