CHAPTER 28
MHADELENE'S POV
"Jethro.." paungol na sabi ni Shane na akala mo silang dalawa nalang yung nasa loob.
She didn't even let me go out of the room completely before letting her tiny moans escape her mouth.
Kung hindi ako nagkakamali, wala naman talaga syang pakialam kung may makarinig na iba sa ginagawa nila.
Gusto nya lang magmukhang inosente kahit hindi naman just to protect her image pero ang totoo, she is a w***e.
I just stood there standing close to the door, not minding if they can see me hearing their conversations or not.
"What? I'm just giving you neck kisses." malambing ang boses na sabi ni Jethro sa kanya. Nawala ang bakas ng ngisi sa labi ko nang marinig ang boses na yon ng asawa nya.
Why am I feeling this way? Hindi ko naman gusto si Jethro and that's not why I'm here at the first place but just by hearing that, why do I feel this thing na ayokong si Shane ang ginaganon nya?
What he's doing brings satisfaction and enjoyment to that slut at yun ang ayaw ko.
I want her to suffer forever and if stealing Jethro away from her will do the trick then I will not hesitate to do it.
Napakuyom ako sa magkabilang palad ko bago tuluyang lumabas ng kwarto na yon.
Milk huh? Then I'll give you a milk that'll make you slowly lose your mind.
Wala akong pakialam kahit ako pa ang magdala ng mga inumin at pagkain araw araw sa kanya kahit na bilang yaya lang naman ni Seth ang trabaho ko dito.
That gives me opportunity to slowly corrupt her mind, aangal pa ba ako?
Shane, you're digging your own grave. Binalaan kana ng ilang mga kasama mo na wag basta bastang magtitiwala yet you really trusted me nang ganon ganon lang.
What a stupid mind you have.
Akala ko talaga mahihirapan pa ako dahil nagawa na nilang magkita ni Burn, pero hindi. Sobrang dali lang gawin nitong mga gusto kong gawin sa kanya.
Not a hassle anymore.
Napangisi ako habang sinasalinan ng gatas ang isang malinis na baso. Pinuno ko yon at nang bahagyang mapuno ay inilabas ko na ang mga gamot na nasa bulsa ko kanina pa.
Napangisi ako habang tinitignan ang mga tablets na nasa loob ng isang maliit transparent na container.
These tablets will make her see things that she's not supposed to see. She'll start to lose herself if I continue everyday giving her tablets like these.
Kumuha ako ng isa sa loob ng container na yon at nakangising nilaglag yon sa baso ng gatas na hawak hawak ko.
I watched how the tablet slowly mixed with the drink. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko habang tinitignan yon.
Shane, this is your biggest nightmare. For letting in a demon to your own home, you already let me be in control of your life.
**
Bitbit bitbit ang basong may gatas ay naglakad na ako muli pabalik sa itaas. Napansin ko ang tingin ng isang babae sa may sala.
If I'm not mistaken her name is Levy, at and lalaking nakahiga ngayon sa sofa ay ang asawa nya. And she is also pregnant, dalawa sila ni Shane.
Nakatitig lang sya sa akin na parang may gusto syang hukayin sa kaloob looban ko. Hindi ko binago ang ekspresyon ng mukha ko at nanatili akong mukhang walang pakialam.
If she noticed na nagtataka ako sa ginagawa nyang pagtitig ay probably she'll think na alam ko na kung ano ano ang iniisip nya sa akin.
That'll slowly ruin my cover. I should just pretend that her stares doesn't treaten me.
Hindi ko sya pinansin at hinayaan kong sya ang maunang umiwas ng tingin.
Nagtuloy ako sa paglalakad na parang hindi alam kung bakit sya nakatingin sa akin.
I know and I am well aware that she's probably thinking about what attitudes do I really have. O kung ano nga ba talaga ang background ko.
What kind of person am I. Little did she know that she's looking at someone who can't be identified as a person.
Ramdam ko pa rin ang mga titig nya sa likuran ko pero napangisi nalang ako habang iniisip yon.
I will not let her get in my way. Si Shane lang talaga ang pakay ko sa paghihiganti kong 'to pero kung mangingialam sila then I don't have any other choice but to make them feel that getting in my way was a big mistake.
SHANE'S POV
"Jethro.." mahinang pagtawag ko sa kanya. Tinuon nya naman ang buong pansin nya sa akin, waiting for the next words I'll say.
"You do know we can't do things like what we did earlier anymore right? Hindi nalang tayo ang tao dito sa mansyon. We can do those inside our room but not in different parts if the house." mahabang paliwanag ko sa kanya habang nakatitig ng diretso sa mga mata nya.
He just gave me a bored look, not minding what I just said. Napairap nalang nang makita ang naging reaksyon nya na yon.
Tinaasan ko sya nang kilay nang mapansin na parang wala syang balak na sumagot sa sinabi ko.
"What?" he innocently said. Napabuntong hininga nalang ako habang iniirapan sya ng paulit ulit.
"Seriously, Jethro? I am not joking!" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. Wala pa rin nagbago sa ekspresyon ng mukha nya kaya napangiwi nalang ako sa kanya.
"What? Did I said that you're joking?" nakataas ang dalawang kilay na sabi nya.
I looked at him with disbelief. Akala nya siguro nagbibiro talaga ako sa mga sinabi ko.
"Look, doing those things in different parts of the house now that we have a yaya, is a bad idea. Sa kwarto nalang natin gawin yung mga yon, sigurado pa na walang ibang makakakita sa atin." I tried my best to sound serious habang sinasabi ang mga salitang yon.
Tinignan naman na nya ako ng diretso matapos marinig ang sinabi ko na yon.
"Fine. Pero pag wala sila sa bahay, you'll let me do those things to you kahit saan pang parte ng bahay." seryosong sagot nya. Napairap nalang ako sa kanya sabay napatawa ng mahina.
Hindi talaga sya magpapatalo, gusto nya masusunod yung mga gusto nya.
"Okay, fine. Pumapayag na ako." natatawang sabi ko sabay yakap sa kanya.
Pumikit ako habang nakayakap sa kanya at hinayaan kong maramdaman lang kahit ng ilang minuto ang init na dala ng katawan nya.
He's home.
**
Pagkapasok namin sa kwarto ay naagaw agad ng pansin ko ang baso na may lamang gatas na nakalapag sa ibabaw ng side table ng kama ko.
Did Jethro gave Adel a key to our room? Paano sya nakapasok kung ganon?
Hinarap ko si Jethro na nagtatanggal ng damit nya. Mags-shower siguro.
"Did you gave Adel a spare key to our room?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa baso na nasa table.
Hindi sya humarap sa akin at patuloy lang sa pagtanggal ng mga damit nya.
"No, why would I do that? Hindi ko lang ni-lock 'tong kwarto kaya sya nakapasok." sagot nya sa akin nang matapos sa pagtanggal ng mga suot.
Hinarap nya ako at umiwas kaagad ako ng tingin sa kanya, mukhang hindi naman nya yon napansin.
Binalingan ko nalang ng tingin ang baso na yon at lumapit.
Tinikman ko yon at mukhang maayos naman ang pagkakatimpla non kaya dire diretso ko nang ininom yon.
Maybe we should raise her salary for this. Si Seth lang ang dapat na inaalagaan nya pero tumatanggap rin sya ng utos galing sa amin.
Tama nga siguro na wag syang pagisipan ng kung ano ano. Hindi naman sya mukhang masamang tao na may balak gawin sa amin.
I should give her a chance to prove to us that she's worthy to be trusted to, hindi ko na sya pagiisipan ng kung ano simula ngayon.
"What do you think of her?" I asked nang maubos ko ang laman ng baso.
Ramdam ko pa naman na hindi pa nakakapasok sa bathroom si Jethro kaya nagsalita na ako.
"Who?" tanong nya.
"Adel." simpleng sagot ko sabay harap sa kanya. Tumingin din naman sya sa akin at animo'y umaktong nagiisip.
Naglakad lakad ako sa loob ng kwarto at tumigil ako sa tapat ng bintana. Binuksan ko yon at bahagyang dumungaw.
Naalala ko yung gabi na nakita ko dito si Burn. Kung araw araw akong mag aabang dito sa kanya gagawin ko.
Nasa kanya lahat ng kasagutan sa lahat ng mga tanong sa utak ko.
"Hmm, I think she's okay. Well, as Seth's Yaya." sagot nya. Tinignan ko sya at nakitang papasok na sya ng bathroom.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba sa kanya? Like, you really think we can trust her?" tanong ko pa. Napatingin sya sa akin na may nangungunot na noo.
Kakasabi ko lang kanina na susubukan kong pagkatiwalaan sya ng buo but look at me now.
Kung ano ano nanamang sinasabi ko regarding how trustful she is.
"The way she stares. Bukod don ay wala naman na. She seems nice." simpleng sagot nya habang nakatingin sa akin.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan na syang makapasok sa banyo.
I decided to just sleep inside our room habang nag aantay sa kanya. Aayain ko nalang sya na bumili ng pet para naman hindi ako nabuburyong masyado sa bahay.
Pagkatapos nya na maligo tyaka ko sasabihin. Hindi naman sya makakatanggi sa akin. Napangiti ako nang nakakaloko nang maisip yon.
Sabagy buntis ako, he'll give me what I want without hesitations pag nag inarte ako sa kanya.
Napahagikhik nalang ako sabay higa ng patihaya sa kama.
Nakangiti akong pumikit at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Underworld
ZEIGHMOUR'S POV
"What do you mean a dead body is missing?" I frustratedly asked.
Hindi naman sumagot ang mga nasa harapan ko at nanatili lang na nakayuko.
Bullshit, this can't be. This created an imbalancement to living and the dead.
Hindi 'to maaari.
I tried my best to compose myself. Nakailang hinga at buga ako ng malalim bago nagsalitang muli sa kanila.
"How many years that the body has been dead?" nagtitimping tanong ko habang nakapikit ng mariin.
Pagkadilat ko ay nakita kong nasa gilid si Blizz at nagaalalang nakatingin sa akin.
"Almost five years, sir." nakayukong sagot ng nasa harapan ko. My hands formed into fists.
This is a big problem. Kailangang mahanap ang katawan na yon sa lalong madaling panahon kung hindi ay mas lalong lalala ang sitwasyon.
"Get out of my sight." nagpipigil na sabi ko. Umalis naman ang mga tauhan na nasa harapan ko nang marinig ang sinabi ko na yon.
I am starting to lose my temper but I know that this will not result to anything.
Letting my emotions out will only a mess.
"Hon, are you okay lang ba? What happened?" tanong sa akin ni Blizz nang makalapit sya.
She cupped my face and stared at them. My breathing started to get back to normal as I stared at her beautiful face.
She really brings out the best in me. Sa kahit na anong sitwasyon basta makita ko lang sya, I don't need to worry about things anymore.
"Something happened but were working on it now." simpleng sagot ko habang pilit pa rin na kinakalma ang sarili ko.
Tinitigan nya lang ako at hinawakan ang mukha ko hanggang sa tuluyan akong makalma.
"Everything will be alright." nakangiting sabi nya pero pansin ko pa rin ang pagaalala sa mga mata nya.
Napangiti nalang rin ako nang marinig syang magsalita.
She's known for being so conyo but she started to help herself to speak in english straight.
Alam kong pinaghihirapan nyang matuto para lang hindi na sya naaasar ng iba and I am so proud of her little achievement.
"What really happened ba?" tanong nya. Napabuntong hininga nalang ako at sabay hinawakan ang mga kamay nya na nakahawak sa mukha ko.
"A dead body is missing. And that body was been long gone. Kailangang mahanap yon as soon as possible." I tried my best not to sound as worried as I was earlier para maiwasan ang pagaalala nya sa akin.
I need to scheduled a meeting. Kailangan ko rin ipaalam 'to kila Shane.
Because that body is no longer in the Underworld.