Tasha
Nandito kami ngayon sa living room naka tayo. Si Grandma? Ayun, may hawak na latigo.
"Di nyo ba napapansin? Balisang balisa ako kakahanap sa inyo! Yun pala nagpunta kayo ng Trinoma!" Sigaw nya samin habang hinahampas ang latigo sa tiles.
"Grandma, di po ba kayo magshe-siesta?" Tanong ko at bigla ba naman akong ambaan na hahampasin ako ng latigo.
"Hindi na ako nakapag siesta dahil sa inyo! Uuwi kayo 3:00 ng hapon?! Diba ang uwi nyo 12:00?!" Nagsitanguan kami.
"Oh?! Bakit alas tres na kayo naka uwi?!" Aw! Dang kulit sabi nang nag Trinoma kami eh.
"Yun nga nag Trinoma kami, paulit ulit." Sabi ni Joy sabay irap.
"Trinoma?! Ano namag ginawa nyo dun?!" Hindi ba pwedeng hinaan ang boses? Ang lakas eh. Parang nagpo-protesta.
"Maki baka!" Biglang sigaw ni Kuya Peter habang naka tiklop ang kamao at nasa ere.
Tumawa kaming lahat sa sinabi nya at ginawa nya.
"Heh! Anong ginawa nyo dun?" Mas mahinahon nyang tanong.
"Nag timezone lang po, Grandma. Wala na pong iba." Sabi ni Zoe sabay taas baba ng kilay nya.
"Weh? Patingin ng cards kung meron." Wow! Alam nya yun?
Nilabas namin yung mga card namin except sa vape. Lagot na pag nalaman.
"Kurt, apo, bakit ang laki ng iyo saka dalawa pa. Isang one hundred at isang libo. Nagsasayang ka ba ng pera mo?" Natawa naman si Kuya sa sinabi ni Grandma.
"Hindi po. Yung one hundred lang ang akin yung isang libo napalanuhan ko." Sagot nya.
"Saan? Nakipag laban ka? Ano suntukan?" Sunod sunod na tanong sa kanya ni Grandma. Kami naman nakikinig lang.
"Hindi po, basketball."
Ngumiti si Grandma at...
"Wow! Ang galing naman ng apo ko. Osya! Sige na magbihis na kayo." Utos nya.
Tumango kami at kumaripas papunta sa sari-sarili naming kwarto.
Nilapag ko sa sofa dito sa kwarto ko yung bag ko at nagbihis ng pambahay. Pagakatapos kong magbihis kinuna ko yung vape at juice sa bag ko at nilagay sa ahm.
.. San ba pwede?
Pumunta ako sa bathroom at nilagay yun sa cabinet dito sa loob ng malaki kong bathroom.
*tok tok tok*
Binilisan ko yung pagtago at agad na sinarado yun at lumabas na ng bathroom para buksan ang pintuan.
"Grandma? Bakit po?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Bat ang tagal mong buksan ang pinto? Mag meryenda na kayo dun." Sabi nya na ikina tango ko.
Umalis na sya sa harap ko kaya na sarado ko yung pinto at sumandal dun.
Hoo! Muntik na ako dun. Pinagpawisan ako ng malagket! Sheeett!
Kinuha ko yung susi ng kwarto ko at nilock ang pintuan nito.
Mahirap na, mabuking pa eh.
Bumaba na ako at naabutan ko silang kumakain.
"Ang tagal mo naman bata ka. Ano bang ginawa mo dun?" Naka ngiti tanong sakin ni Grandma. And I felt nervous. What am I going to say?
Deym!
"Wala po. Nagligpit pa po kasi ako." Sabay ngiti ng fake.
Umupo ako sa gitna ni Kim at Kuya Kurt. Ayoko ng masyadong malapit kay Grandma.
"Felt nervous huh?" Umirap nalang ako kay Kuya at pinagpatuloy ang pagkain ko ng cassava cake.
Pagkatapos kong kumain inaya ko silang magvolleyball. Dapat lima lang kami kaso sumali sila Kuya.
"Okay na. 5 v 5. Game. Kung sino matalo lulusot samin ah." Maangas na sabi ni Kuya Frans.
"Kung kayo mananalo. Pano kung kami? Edi lusot?" Sabi ni Joy habang naka ngisi.
"Go!" Sabi nilang lahat.
"Tangina nyo. Pano kung silipan nyo kami? Iba nalang saming mga babae." Sabi ni Kim.
"Ay! Nahalata. Kim talaga oh." Nanghihinayang na sabi ni Den-den.
"Gagu! Ano samin?" Tanong ni Tricia at nilagay ang index finger sa chin nya.
"Ahm.. Pag nanalo kami ililibre nyo kami ng dirty ice cream o kay a DQ. Pero pag natalo kami. Lulusot kami sa inyo." Nag agree naman sila sa sinabi ko kaya nag simula na kami.
Okay. This is it pancit.
Kami unang magse-serve kaya naka posisyon na ang lahat. Naka limutan ko palang sabihin na nagba-volleyball din sila minsan basketball. Sumasali kasi sila samin paminsan minsan kaya marunong sila.
Nang maka serve na si Kim agad syang kumaripas ng takbo pabalik sa court kasi na recieve ni Den-den yung bola.
Nang pumalo si Kuya Kurt agad ko naman iyong nasalo at pinasa kay Joy na second ball para i-set sakin. Naka hanap agad ako ng butas, pumalo ako at pinapunta sa direksyon na yun kaya...
1-0
Nag serve ulit si Kim at pumasok na naman.
Pumalo si Kuya Frans at papunta iyon sa butas sa likod ko kaya ang ginawa ko tumakbo ako sa ni-recieve yun ng nakatalikod. Idol ata nickname ko. Haha.
Nang si Den-den naman ang papalo pinapunta nya iyon kay Kim at si Kim naman ay ni-recieve iyon kaso tumabinge. Nice try maganda kong pinsan.
1-1
Si Kuya Peter ang magse-serve napansin kong may butas sa likod. Kaya umatras ako ng konti at nginisian ko si Kuya Peter.
Nang maserve na nya papunta ito sa direksyon ni Tricia kaya ang ginawa ni Tricia ni-recieve nya ito kaso barangayan, di sya nagpaset.
"Tricia, mag set ka!" Utos ni Kim. Tumango nalang si Tricia at tinanguan din si Joy.
Ni recieve ko yun at pinasa kay Joy para mag set. Binalik nya yun sakin at papalo na ako ng na-block ni Kuya Kurt at Den-den. Buti nalang kamo naka alalay sa baba ko sina Joy at Tricia kaya nasalo nila.
"Isa pa!" Sigaw ko at sinet naman ulit sakin ni Joy yung bola.
Iba-block sana nila kaso sa ibang direksyon ko yun pintama. Kaya ayun...
2-1
"Up to ilan ba toh?" Tanong ko nang mag-break kami.
"15 nalang. Masyadong matagal ang 25." Nabobored na sabi ni Kuya Frans.
"Sige." Sabi ko at tumango. Nagsitanguan din sila ng...
*ding dong ding dong*
Dingdong? Dingdong Dantes? Ikaw ba yan?
"Yaya! Pakibuksan yung gate!" Sigaw ni Kuya Kurt.
Nagpatuloy kami sa paglalaro.
Ako na ang ang magse-serve. At mabuti nalang ng mairaos ko iyon.
"Mga mam and sir." Napa hinto kami sa paglalaro ng makita namin ang papasok na kotse. Sila Dad and Mom na siguro toh.
Nagpunta silang lahat dun. Maliban sakin.
Nauuhaw ako eh.
"Mom! Dad!" Napakaripas ako ng takbo papuntang parking lot dahil sa narinig ko.
Confirmed, andun sila Mommy.
Finally, naka uwi narin sila
galing Ilocos. Yipi!
Pumunta ako dun at niyakap ang parents ko.
"I miss you Mom, Dad." Sabi ko sabay halik sa pisngi nilang dalawa.
"I miss you too, my unica ija." Sabay yakap ng mahigpit sakin ni Mom.
Mommy's girl ako at si Kuya naman Daddy's boy.
Mga spoiled brat kaming lahat. Kaya as you can see, marami kaming pera.
"Let's talk inside. We have something to tell you kids." Sabi ni Tito, Dad ni Kim.
Tumango nalang kami at sumunod na sa kanila papuntang dining.
Kaya sila nasa Ilocos Norte dahil sa bussiness matter saka yung isang kapatid ni Grandma nakapag asawa ng Ilocano kaya kahit papano may tinitirhan sila Mom.
Pagpunta sa dining...
"Kids sit." Utos ni Grandma.
Umupo kami sa isang side na tabi tabi.
"Ahm.. Kids we need to move. Because of bussiness matter. Siguro sa bakasyon lilipat na tayo. Sa Alegria, Cebu." Nabigla ako sa sinabi ni Tito Mike.
"Sir, andito na po sila sir Jurrel at sir Dean kasama po yung asawa." Singit ni yaya.
"Thanks." Sagot ni Grandma. Sir sya ah.
Pagpasok nila tumakbo agad papunta si Dean kay Kuya Frans. Bestfriend yan eh.
"So, ayun nga lilipat tayong LAHAT sa Alegria and dun nyo ipagpapatuloy ang pagaaral nyo." Sabi pa ulit ni Tito Mike.
"Saan?" Sabay sabay naming tanong.
"Sa Alegria National Highschool. Don't worry hindi sya private." Hayy salamat naman nakahinga ako nga maluwag dun ah.
"Okay lang sakin. May bahay ba tayo dun?" Tanong ni Tricia.
"Meron mas malaki pa dito. Kaso walang malls don't worry. Ibibigay namin mamaya ang mga atm nyo. Para makapag shopping kayo. At para narin masulit nyo ang mga araw na nandito kayo sa manila." Sagot ni Dad.
"Okay lang sakin. Basta may aircon. Saka may wifi." Sabi ko naman.
"Syempre fully aircondition ang bahay. Yung kwarto nyo dun mas malaki ng konti kesa dito. Kayo narin ang bahala kung gusto nyong dalhin ang mga kotse. Sabagay, pwede naman kasi may mas malaking garage dun. It's up to you kids!"
Napa wohoo naman kami sa nalaman namin.
"Pero may wifi nga?" Pag uulit ni Den den sa tanong ko.
"Wala. But you can buy pocket wifi." Ay! Wala ng direktang wifi? Tch.
"Pakabitan nyo na lang Dad. Para di na kami mag aaksaya ng pera pambili ng pocket wifi." Sabi ni Kuya Peter.
"Okay. Kung yan ng gusto nyo." Yes! We won! Hayy.. Buhay probinsya.
"May mapapasyalan ba doon?" Tanong ni Grandma.
"Syempre po. Sa Tinago Falls, Alp Spring at Heritage Park ng Alegria."
"Sounds fun. Bakit hindi na lang agad tayo lumipat dun?" Si Grandma mas nae-excite pa samin eh.
"Hindi po pepwede. Basta pag grade ten ba ang mga bata." Sagot ni Tita Malou asawa ni Tito Mike.
"Okay." Sagot na lamang ni Grandma.
"So, siguro next year na namin ibibigay ang nga atm. May mga pera pa---" Hindi na natuloy ni Tito Andrei (Father nila Kim) kasi nakapag salita agad kami.
"Wala na po."
"Oh. I see. Sige bibigyan namin kayo." Bat kaya ang bait ng pamilya namin?
DEN-DEN
"Seriously mga pinsan, lilipat tayo ng probinsya?" Pagsisigurado ko kasi wala pa akong experience sa buhay probinsya.
"Oo nga. Bat ba ang kulit mo Den-den?" Inis na sabi sakin ni Frans.
"Eeh.. Kasi diba wala tayong experience sa buhay probinsya?" Tanong ko pa ulit.
"Di naman tayo magta-trabaho dun ah." Sabi ni Tricia.
Ay! Oo nga pala noh? Hehe. Sorry naman po mga readers.
"Sabi ko nga eh." Sabi ko sabay kamot sa batok.
Bigla nalang sumingit si Super Mario kaya napa tingin kami sa kanya.
"Students. Kayo ang napili na sasayaw sa school festival next year. Di dapat kayo mawala dun." Sabi nya at umalis na. Di man lang hinintay ang sasabihin namin.
Naka awang pa naman ang bibig namin.
"Yung Super Mario na yun. Malapit ko na yun sisantihin eh. Gago yun. Di man lang marunong kumilala." Nababanas na sabi sa kanya ni Frans.
Mas matanda sakin si Frans kaso ayoko syang tawaging Kuya.
"So, pano yan? Sasayaw tayo sa school festival? Ghe mga pinsan! Kitakits!" Sigaw samin ng mga babae at umalis na.
"Ano kayang magandang ipangalan sa group natin?" Tanong ni Kurt habang naka lagay ang index finger sa chin.
"Ahm.. Ano na lang. Ahm.. Ah.. Basta! Putcha! Pasok nalang tayo." Iritadong sabi ni Kurt. Sabay gulo ng buhok nya.
"Tara na. Male-late na tayo eh." Sabi ni Glen at nauna nang maglakad.
Habang nadaan kami sa hallway lahat ng mga babae including gays naka tingin samin at halos manigas na sa kinatatayuan.
Hayy.. Nako nagagawa namang kapogian. Bawat madadaanan naming room nagtitilian yung mga babae pati bakla. May grupo pa ng mga babae na lumapit samin at may binigay na letter. Tinanggap naman namin. Kami kasi yung klase ng tao na hindi dedma.
"Salamat." Sabi namin dun sa mga babaeng nag bigay samin.
Kailangan para mas lalo kang habulin ng mga babae, kailangan hindi ka dedma hindi ka rin dapat masungit saka pag dadaan ka sa harap nila angasan mo. Kunyari, pag dadaan ka tapos may mga babae o di kaya bakla haplusin mo ng marahan yung buhok mo gamit ang mga daliri mo, tignan mo titili yan (kung famous ka nga lang). Tapos kailangan din na kinakausap mo sila. Kasi pag hindi tapos panay pa ang pagiging cold mo edi turn off wala din. Sayang kapogian kung di ka marunong pumorma.
Pagkadating namin sa room namim umupo na agad kami ng tabi tabi. May lumapit naman saming mga babae at may binigay sila.
"Haha. Salamat. Kailan pala ang school festival? Di kami updated eh. Hehe." Sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Ang gwapo mo talaga Den-den! Sa January pa ata eh." Ang advance naman ng school nato.
December pa lang eh.
"Anong date?" Tanong ko ulit.
"January 16. Hep hep! May kiss yun. Two questions yun eh." Landi mo teh.
Tinapat nya sakin yung pisngi nya at ako naman ay sunod sunod ang paglunok. Deym! What am I gonna do?!
"Ano? Wag mo sabihing natatakot ka. Eh sa dami mong girlfriends." Sabi nya sabay kindat sakin.
Napa irap nalang ako sabay dikit ng labi ko sa pisngi nya.
Wala pa ngang isang segundo yun eh. Dinikit ko lang yung labi ko sa pisngi nya at si ate iisahan pako.
Wala kang maloloko dito.
Ngumisi ako sa kanya ng makita ko ang inis sa muka nya.
Umalis syang padabog at bumalik sa upuan nya.
"Nandyan na si mam!" Sigaw ng kaklase naming lalaki na naga-assume na...
Mas gwapo daw sya samin. Pwe! Tanginamo! Wala ngang nagkakagusto sayo eh gwapo ka pa nyan? Kainin ka na sana ng lupa.
Nang makadaan yung kaklase naming si Daniel (the assumero) tinignan nya kami ng masama tapos tinaas pa yung kamao.
"Hayy.. Mukang makakapag exercise na naman ako neto." Sabi ni Kurt habang pinapa putok ang mga daliri nya.
"Exciting pre, mamaya sa labasan." Nag agree naman kami sa sinabi ni Glen.
"Hayy.. Basketball tayo mamaya sa bahay." Yaya samin ni Peter.
"After?" Tanong ko sabay sulyap kay Daniel.
Nakita ko si Daniel na naka tingin sakin kaya ngumisi ako. Nag iwas sya ng tingin at inayos ang polo nya.
Alam ko sa loob loob mo na kinakabahan ka nang gago ka. *smirk*
Nakinig nalang kami kay mam nang mag bell na. Second subject. Tumingin ako sa wrist watch ko and it's already 6:50. Bawat isang subject 50 mins. Kaya 6:00 to 6:50. Tapos 6:50 to 7:40 naman.
Hayy.. Sana matapos na toh. Gusto ko nang mag uwian eh. Nakaka excite na eh.
-
Nandito kami ngayon sa canteen kasama yung mga babae at naguusap tungkol sa sayaw NEXT YEAR. Di rin sila excited eh nuh?
"Ahm.. Kung ang isayaw nalang natin yung nobody's better?" Suggest ni Frans.
"Bat ba pinag uusapan nyo yan eh next year pa naman." Nagulat sila sa sinabi ko kaya napa tingin sila sakin.
"Next year? Kailan?" Tanong ni Kim.
"January 16." Sabi ko sabay subo ng siomai tapos bigla ba namang maghiyawan yung mga babae.
Tumingin kami sa kanila at naka tingin silang dalawa samin ni Frans. Ako ngumunguya si Frans naman may hawak na stick ng siomai at susubo bale.
Pati ba naman sa pagkain namin tinitilian nila kami.
Kinawayan ko sila kaya ayun, muntikan na mahimatay yung isa.
Grabe ang charming ko talaga.
"Anong charming? Tangina mo. Wag ka ngang assuming." Nagulat ako sa sinabi ni Tricia.
Nasabi ko ba yun?
"Oo naman." Mind reader siguro tong babaeng toh. Basang basa ako eh.
"Tss. Sinabi ko ba yun?" Tanong ko sa kanya sabay irap.
"Kaya nga ako sumagot eh." Binato ko nama sya ng plastic bottle pero naka ilag sya
"Ikaw! Pilosopo ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Sshh.. Den-den andun si Daniel oh, naka tingin satin tapos nakikipag bulungan sa mga kasama nya pang ibang lalaki.
"Di natin kakayanin. Lima tayo, sampu sila." Sabi ni Glen.
"Angat! Kaya yan. Bente pa sila eh." Sabi naman ni Kurt.
"Bakit? Makikipag away kayo? Sama kami please..." Sabi ng mga babae sabay puppy eyes.
"Osya. Basta magingat kayo ah. Saka para narin di kami magalusan. Magalit pa si Grandma eh." Sabi ni Peter.
"Yes!" Sabay sabay na sabi nila.
"Basta pagkatapos basketball ah." Pagkasabi nun ni Kurt sumali na naman yung mga babae.
Ang kukulit eh.
"Oo na nga!" Iritadong sabi ni Kurt habang ginugulo ang buhok nya.
"Pano pala yung sa sayaw?" Tanong ni Joy.
"Lah? Ang kulit ni Joy oh. Next year pa nga yun." Sabi naman sa kanya ni Tasha.
"Haha. Punta ulit tayo Trinoma paalam nalang tayo kay Grandma." Sabi naman ni Zoe.
"Makikipag bakbakan pa tayo eh. Masyado na tayong late makakauwi nyan." Sabi ni Kim sabay subo ng siomai. Favorite eh.
Sumubo ulit ako ng siomai tapos naghiyawan na naman yung mga babae kaya napatingin ulit kami dun.
Kinunutan ko sila ng noo at di nalang pinansin. Mga masyadong mababaw. Susubo lang eh. Tsk.
-
After ng break time nagsibalikan na kami sa room namin. Tapos ang iingay pa ng mga estudyante. Tili ng tili amputa. Porket pogi ako syempre naiinis din ako. Mga babes ko talaga oh.
Habang nakkikinig ako sa teacher namin may nahagip ang mata ko na babae na kinukuhaan ako ng litrato. Humarap ako sa kanya at ngumiti sa camera.
Ganyan, ganyan dapat para habulin ng mga chikababes.
Nang matapos na ang klase, dumaan muna kami sa room nila Kim para isama sila sa bugbugan. Bakbakan na dis! Saka di ko maiwasang di mag alala. Babae sila tapos makikipag bugbugan sila especially lalaki pa yun.
Augh.. Ayokong may mangyari sa mga pinsan kong babae, pati sa aming nga lalaki.
Habang naglalakad kami palabas (papuntang guard) nakita na namin sila Daniel.
"Oh, andyan na pala sila eh." Sabay turo samin ni Daniel.
"Wow! May kasamang chix!" Sino toh? Parang hindi naman ata taga school toh eh.
"Anong chix? Pakyu ka!" Sabay taas ni Zoe ng mid fing nya.
"Zoe." Saway sa kanya ni Kim.
"Exciting!" Sigaw ng isa sa kasama ni Daniel.
Tinignan ko yung guard house buti nalang walang bantay.
Nag simula ng sumugod yung kalaban kaya lumaban na din kami. Kesa naman tumayo lang kami diba?
Nang mapa tumba ko yung kasuntukan ko tinignan ko yung mga babae and I just want to say na....
Ang galing nila.
Si Zoe kinakarate na yung lalaki.
Bigla nalang may pumito, patay. Guard na to panigurado.
Tumigil kami sa pakikipag away at tinignan ang mga teachers na nagpupunta sa direksyon namin.
Tapos may nakita naman akong isang pamilyar na tao. Si Super Mario.
"Ano na namang gulo ang pinasok nyong mga bata kayo?!" Galit na tanong nya samin.
"Bat hindi mo sya tanungin eh, sya yung nagpapasok ng outsider dito." Bawal kasi ang outsider.
"Ano?! Maninisi ka na naman?! Rory Francis Adams Polk! Hindi porket kayo ang may ari ng school nato magmamataas ka na!" Nagulat ako sa sinabi nya.
Nilapitan sya ni Frans at kinulwelyuhan.
"Eh gago ka pala eh! Ikaw ang walang karapatan! Tarantado! Teacher ka lang dito at kami! Kami ang may ari ng school nato! Kaya ngayon palang mag balot ka na kasi ayoko sa mga taong mapagmataas katulad mo! Ulol!" Galit na galit na sabi nya kay Super Mario at binitawan ito.
Napuno na yan ibig sabihin. Napuno na.
Kapag ganyan yan, hindi mo sya pwedeng pigilan baka kasi madamay ka pa. Katapusan mo na pag ganun. Haha.
"Pwe!" Sigaw nya at tuluyan ng umalis kaya sumunod na rin kami.
Pero bago ako tuluyang lumabas kinausap ko muna yung guard.
"Kuya, bat nyo naman po hinayaang makapasok yung mga outsider na yun?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry po sir. Hindi na po mauulit." Tumango ako sa kanya at ngumiti bago tuluyang umalis.
Hayy.. Ang kapatid ko napuno na.