TRICIA
Pagkatapos ng isang linggong pagiging suspended namin balik skwela na naman. Sana pala 5 weeks ang suspended namin. Masyado akong nage enjoy sa pagaalaga sa aso kong si Cia (Siya).
Habang naglalakad kami sa corridor naka salubong namin si Kristine the Queen Bee kuno.
"Oh, look who's here. The gangsters." Mataray nyang sabi sabay irap.
"Wow! Nag english si bobo. Di bagay sayo, para kang tanga. Saka pinag aralan mo yan noh." Natawa kaming lima sa sinabi ni Zoe. Palaban talaga tong babaeng to.
Biglang nag usok sa galit si Kristine at susugurin na bale si Zoe pero pinipigilan nya ang sarili nya.
"Oh? Bakit ka huminto? Naalala mo bang nagkakarate ako?" Parang ako ata ang nakalimot na nagkakarate sya eh.
"Bakit ko naman makakaiimutan yun? E tuwing magkakabangga naman tayo palagi mong pinagmamalaki 'yang karate mo." Bigla siyang sinugod ni Zoe kaya ang ending.
Napahiga si Kristine tapos nagulat ako ng pinagsasampal sya ni Zoe.
"Ano papalag ka?! Tandaan mo! Pinsan ko may ari ng school nato." Sabi nya at tumigil sa pagsabunot kay Kristine at inapakan ang paa nito.
"Ouch!" Sigaw ni Kristine.
"Tandaan mo Kristine Muebles, hinding hindi kita uurungan." Nakakakilabot naman tong babaeng to.
Inayos ayos nya yung buhok nya at tinadyakan ang braso ni Kristine.
"Zoe, dapat hindi mo na pinalagan eh. Kakapasok lang natin eh." Sabi sa kanya ng kapatid nya.
"Wala akong pake. Ayoko ng ginaganun ako." Sabi nya naman.
Pagpasok namin sa room nag bulong-bulungan agad yung mga kaklase namin.
"Oh? Binubulong-bulong nyo dyan? Para kayong mga bubuyog eh." Mataray na sabi ni Joy.
Ngumisi yung mga kaklase namin at...
"Welcome back Guys!" Sigaw nilang lahat.
"Last week may program. Pinagalitan pa si Super Mario kasi sinuspend daw kayo eh kailangan kayo dahil papatugtugin ang banda nyo." Sabi ng isa naming kaklase na si Mayla.
"Wala kaming pake. Hayaan mo yun si Super Mario patanggal ko yun eh." Sabi ni Zoe.
"Hayy.. Nakita namin Zoe na binugbog mo si Kristine yung queen bee kuno. Astig ka talaga." Sabi ni Jun-jun.
"I know. Hayaan mo yung p****k na yun." Sabi ni Zoe sabay flip hair.
Kaartihan nitong babaen to.
Oh, Kim? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Sabi nya sabay iling.
"Hayy.. Pinsan kita. Alam kong may problema ka." Sabi ko sa kanya sabay tap ng balikat nya.
"Ninenerbyos ako. Kasi magkaka anak na si Kuya Jurrel, Tricia ayoko pang maging tita." Sabi nya at niyugyog ako.
Tumawa ako at. "Gaga. Hindi naman pwedeng ipalaglag yung bata eh. Saka blessing yun. Yun ata ang pinaka mahalaga sa mag asawa eh."
"Yun nga eh. Pero kung magkaka anak sila gusto ko ang tawag sakin ay Ate. Duhh.. Sa ganda kong toh papayag akong maging Tita?" Sabi nya at umupo sa upuan nya.
"Hayy.. Kaartihan mo." Naiiling na sabi ko.
"Di naman sa ganun like, sa bata kong toh papayag akong tawagin akong Tita? Well, hindi naman sa ayaw kong magka pamangkin pero ayoko talagang tawagin akong Tita." Sabi nya sabay irap.
"Hindi naman pwedeng hindi ka tawaging Tita kasi pamangkin mo yun." Singit ni Zoe.
"Tasha, what can you say?" Tanong sa kanya ni Joy.
"Ayokong tawagin akong Tita, kasi bata pa ako. So, I agree with you Kim." Sabi nya sabay tutok ulit sa cellphone nya.
"Hayy.. Ewan." Sabi ko sabay sandal sa upuan.
"Bakit Kim, may pamangkin ka na?" Tanong ni Kyle.
"Yep." Tipid nyang sagot.
"Tricia sayo na lang oh." Nag alab agad ako sa sinabi ni James.
Yung pagkaka banggit nya kasi Tri-sha hindi Tray-sha. Pwe.
"Salamat. Pero it's Tray-sha not Tri-sha." Sabi ko sabay kuha ng galon ng stick-o.
"Woi! Bakit si Tricia lang?" Tanong ni Kim sabay pout.
"Kiss ko muna." Sabi ni James sabay nguso.
"Ulul. Ayoko nga." Sabi ni Kim sabay irap.
"Hayy.. Buti pa si Tricia ki-kiss ako. Pero sa pisngi." Bigla naman akong namula sa sinabi ni James.
Kaya mailap ako sa mga lalaki eh, konting salita lang nila na nakakapag pakilig mamumula na agad ako.
"A-Ayoko ng-nga." Nauutal na sabi ko.
"Haha. Ang ilap nyo talaga sa mga lalaki. Ay! Mali pala. Kayong dalawa lang." Naiiling nyang sabi.
"Tss." Sabay naming sabi ni Kim.
Nagtataka ba kayo kung bakit ku minsa'y nagkakasabay sabay kami ng mga isasagot? Pag sa mga walang kwentang salita lang ang sinasabi samin, tss lang ang iasasagot namin.
Kapag naman kwento itatanong pang alam nyo ba, ang isasagot naman namin, hindi namin alam. Kapag english naman we don't know kaya nga nung nagkwento si Grandma diba sabi nya you know what tapos ang isinagot namin we don't know.
Pagkadating ng first subject namin kami agad ang pinuntirya.
"Oh. Nandito na pala kayo. Kamusta ang bakasyon." Hindi. Hindi. Wala kami dito.
"Hindi. Wala kami dito." Nabigla yung teacher namin sa sinabi ni Zoe.
Bastos talaga toh.
"Alam mo, Zoe---" Bago nya pa matuloy yung sasabihin nya sinagot na agad sya ni Zoe.
"Hindi ko alam." Nanlaki yung mata ng teacher namin sa sinabi nya.
"Hayy.. What's our topic last friday?" Tanong nya.
Everyday routine na naman. Syempre puro aral.
Next subject na. Uhmm.. Math pa. Buti nalang at katabi ko si Kim. Matalino kaya yan sa math at AP. Hayy gustong gusto ko nang lumipat ng school.
"Kim, anong masasabi mo dito sa school nato?" Bulong ko sa kanya.
Nagle-lecture pa naman yung teacher di bale nasa dulo naman kami eh.
"Uhmm.. Hindi ko alam eh. Masaya naman."
"Tss. Gusto ko na kasing lumipat ng school." Mahina ko paring sabi.
"Excuse me, may narinig akong ingay sa likod. Sino yun?" The terror teacher is in. Ahaha.
"Wala po. Baka po guni-guni nyo lang yun." Natatawang sabi ni Kim.
"Ewan. Everybody listen!" Sigaw nya sabay tutok ulit sa blackboard.
Natapos ulit ang isang subject and break time na!
"Bye class! See you tommorow!" Sigaw nya at lumabas na.
"Gusto kong mag cutting. Ang boring eh. Putspa." Sabi ni Zoe sabay hikab.
"Uy! Si Tasha?" Tanong ni Joy.
"Ayun oh. Tulog." Sabay turo ni Kim sa natutulog na.
Ginising sya ni Zoe at ang gaga binitbit ang bag.
"Huy! Bat mo dadalhin bag mo?" Tanong naming lahat sa kanya.
"Basta. Dalhin nyo rin yung inyo." Irita nyang sabi.
Wala kaming nagawa kundi sundin tong babaeng toh.
Lumabas kami ng room dala dala ang bag namin.
Nang makapunta kami sa canteen nandun na sila Kuya sa tambayan.
"Pinsan!" Sabay sabay na sigaw namin sabag high five sa kanila.
"Mga pinsan cutting tayo." Aya ni Tasha.
"Paano? Di tayo makakalabas ng sabay sabay tayo. Kailangan isa-isa pa." Sabi ni Den-den.
"Oo nga. Saka alam ko na." Sabay taas ng index finger ni Frans.
Parang nay nakita naman akong malaking ilaw sa taas ng ulo ni Kuya Frans habang naka taas ang index finger nya sa ere.
"Ano yun?" Sabay-sabay naming tanong.
"Kunyare, yung isa masakit ang tyan. Sino may dala sa inyo ng kotse?" Nagtaas ng kamay ang lima samin.
"Aha! Kunyare yung isa masakit ang tyan tapos yung isang hindi naman tutulungan sya papuntang bahay at tadah! Naka uwi na tayo." Masaya nyang sabi.
"Anong idadahilan natin kay Grandma kapag naka uwi tayo?" Nagaalangang tanong ni Tricia.
"Edi mag mall muna tayo diba?" Sabi ko.
"I agree with you, kailangan kong bumili ng vape." Sabi ni Kim.
"Ako din." Sabi ko akay naki sali narin sila.
Kurt
Habang akay akay ako ni Tasha papuntang labas actually di pa labas, pagkatapos mong madaanan yung guard parking lot.
Astig nuh? Public lang toh pero may parking lot.
Pagkadating namin sa guard.
"San ang punta nyo?" Tanong ni manong guard.
"Sa-Sa bahay po. Ma-Masakit po kasi yung tyan ng Kuya ko eh." Sabi ni Tasha.
"Siguraduhin nyong uuwi kayo ah."
"Opo." Sabi ni Tasha at hinila na ako palabas.
"Ghad! Akala ko hindi maniniwala si manong guard, hindi ka kasi nadaing eh." Sabi ni Tasha sakin.
"Hoy! Natasha Gail Adams Hayes, masyado naman atang OA yun." Sabi ko sa kanya sabay irap.
"Whatever!"
Nakita ko naman sa peripheral view ko na may kausap sya sa phone nya.
"Oo. Tapos na kami. Mabait naman yung- Ano? Oo. Sunod na nga kayo! Sige. Hintay kami sa park- Ha? Sige. Ingat." Sabi nya at binaba na ang call.
"Sino yun?" Tanong ko.
"Si Kim. Una na daw tayo sa Trinoma." Tumango ako sa kanya at pumasok na kami sa kotse ko.
Yeah, Trinoma kami ngayon.
Balita ko kasi magaganda ang vape dun. So, dun napagpasyahan ng buong tropa/magpipinsan.
Ganun naman talaga ang turingan namin sa isa't isa. Tropa. And syempre walang iwanan.
Pagkadating namin, pinark ko yung kotse ko at lumabas.
"Maybe we should stay here muna." Sabi ni Tasha kaya napahinto ako sa paglalakad.
Aishh.. Matagal pa yun eh.
Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa frustation.
"Tsk. Oo na." Sabi ko sabay sandal sa porsche kong itim.
"Oh, ayan na pala sila eh." Sabay turo sa puting porsche.
Sila Kim at Zoe. Hanep talaga.
"Pinsan!" Sabay labas nila sa kotse ni Kim.
Inakbayan naman ako ni Kim. Well, ganyan yan lagi. Sanay na ako. Sa aming limang lalaki ako lang ang inaakbayan nya wala naman sa babae.
"Ang tagal naman nila." Pagkasabi nya nun sakto naman na may bumisina.
Isang lamborghini sa likod naman nito ay isang ferrari at porsche.
Ganyan lang talaga ang mga taste namin sa kotse. Ayaw namin sa Mercedes Benz at Audi o kaya yung iba pa dyan. Porsche, Ferrari at Lamborghini lang talaga kami.
"Let's go!" Sigaw nila aat nagsimula ng maglakad.
Hanggang sa paglakad namin naka akbay parin sakin si Kim. Mailap talaga sya sa mga lalaki pero sa ibang pinsan namin na lalaki hindi. Simula bata palang kasi kami magkakasama na kami sa iisang bubong.
Hindi ko alam kung sadyang mailap sya o ayaw nya lang sa mga lalaki dun sa school. Pero minsan nakikipag usap sya sa mga lalaking mga kaklase nya eh. Tsk. Ano bang paki ko?
Pagpasok namin nagtanong ako sa guard.
"Manong, san po ba may bilihan dito ng vape?"
Nagkibit balikat sya at. "Hindi ko alam pogi eh. Basta meron dyan sa loob."
Tumango at nagsabi ng salamat.
Alam ko namang pogi ako eh. Di mo na kailangang ipamuka sakin.
Pagkadating ko dun.
"Oh? San daw?" Tanong nila.
"Hindi daw alam ni manong kung saan meron. Pero meron daw sa loob." Sabi ko sabay turo sa loob nga.
Tumango sila at nagsimulang maglakad.
Once again, inakbayan na naman ako ni Kim.
"Hiyown! Ayun oh!" Sabay turo ni Zoe sa isang pamilihan ng vape.
Agad kaming pumasok dun at namili ng pwedeng bilhin.
Tinignan ko ang isang kulay silver na vape. Maganda sya. Tinignan ko ang price.
4,500 pesos.
"Imported po yan sir. Saka ayan nalang po yung natitiranng stock na ganyan ang itsura. Yan po kasi ang pinaka mabili dito." Biglang singit nung saleslady.
Sumulyap ako sa kanya at ngumuti.
"Key. I'll get that." Sabi ko na ikina tango nya.
Sumunod ako sa kanya sa counter para bayaran yung binili ko. At aksidenteng nahawakan ko ang kamay nya. Si ate nangingisay na sa kilig.
Tss. Di sya papasa sa taste ko di hamak na saleslady lang sya.
"Salamat." Sabi ko at ngumiti at iniwan sya dung stunned at namumula isama mo pa na nangingisay sya. Ahaha!
Lumapit ako sa kanila habang sila naman ay pinapagalitan si Frans.
"Ang bagal mo! Kanina pa kami nakabili eh. Oh, tapos na si Kuya Kurt. Geez.. Hanggang sa pagpili eh pagong ka parin." Naiiling na sabi ni Tasha sa kanya.
"Pa import talaga si Frans ampota." Sabi naman ni Glen.
Tinignan ko sila isa isa. Bakas sa muka nila ang pagmamadali.
"Frans, ito oh maganda." Sabi ko sabay turo dun sa napansin kong vape. Silve din sya at kamuka nyaa yung akin pero mas maganda padin yung akin syempre. Kaso mas mura. 4,000 lang. Hehe.
Kinuha nya yun at dinala sa counter. Nang bumalik naman sya dito halos mapunit na yung labi nya sa ngisi. Nagpunta lang sa counter nagkaganyan na. Tss.
"Oh? Bakit ganyan ang muka mo?" Tanong sa kanya ni Kim.
"Haha. Kurt naanghihingi ng number yung saleslady. Sating limang lalaki." Sabi nya.
"Tss. In her dreams. Di ako nakikipag text sa mga babaeng katulad nya." Sabi ko sabay iling.
"Pe-Pero na-nabigay ko yung cellphone number m-mo K-Kurt."
Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"WTF! Ano?! Binigay mo?! Kung hindi ka ba naman gago't kalahati eh." Napa sabubot nalang ako sa sarili ko dahil sa frustation.
Damn it!
"Tara timezone nalang tayo mga pre." Aya ni Peter.
"Ang sarap lang manapak." Sabi ko habang pinpa putok yung mga daliri ko.
Nagtago naman si Frans sa likod ni Tasha kaya hindi ako naka atake.
"Tama na yan Kuya. Pag nagtext wag mo na lang pansinin." Sabi ni Tasha. Hininaan nya pa yung pagkakasabi nung huling linya.
Naglakad nalang kami papuntang timezone para maglaro. Hindi pa naman ako sanay mag laro. Internet kid lang ako eh.
Nakisakay nalang ako at bumili ng card na worth 100, tagtipid ako eh. Hehe.
Ano bang pwedeng laruin? Hmm... Basketball nalang. Kahit papano naman nagbabasketball ako sa bahay. Malaki kaya ang lawak ng lupa ng mansion. Kaya meron dung basketball court (na hindi covered). Tapos volleyball court. Yun lang.
Habang nagi-swipe ako ng card. May sumabay saking lalaki na malaki ang ngisi habang naka tingin sakin. Ngumisi ako sa kanya pabalik at hinamon sya.
"Laban tayo. Kung sino ang pinaka maraming scores sya ang panalo. Ang matatalo ibibigay yung card sa nanalo." Hindi sa nagmamayabang ah. Gusto ko ngang matalo eh.
Sabay kaming nag swipe at nagunahan na mag shoot.
Una syang naka lamang kahit ako ang unang naka shoot. Deym. Hindi ako pwedeng matalo. Marami nang nanonood samin kaya ayokong ipahiya ang sarili ko.
May nakakilala na rin saking mga babae kaya chini-cheer nila ako. That's my babies. Haha.
5...4...3...2...1...
Tapos na ang game and guess what? I won. Idol nyo ata toh.
"Card?" Tanong ko sa kanya at lahad ng kamay.
Inabot na sakin yun ng may bahid ng galit at irita. Tinignan ko ang paligid para hanapin ang mga pinsan ko, at nandun sila sa isang sulok naka ngisi sakin. Tumingin ako sa wrist watch ko at 12:00 na pala. Kaya pala may nakikita na akong taga school namin.
Lumapit ako sa kanila ng bigla silang naghiyawan.
"Idol alabyu!" Sigaw ni Glen.
"Tignan mo kung magkano yung card." Sinunod ko yung utos ni Kim at nanlaki sa nakita ko.
Worth 1000. Hiyown!
Di ko naman kailangan makipag kumpitensya para lang dito. Kayang kaya kong bumili ng kahit magkanong card nuh.
"1000? Akala pa naman namin 2K." Naiiling na sabi ni Den-den.
"Expecting too much is worse nga naman." Napa tingin kaming lahat kay Kim.
"Lalim ng hugot ni pinsan!" Sabay sabay na sabi namin at binatukan si Kim.
"Aray!" Daing nya.
"Hayy.. Tara dun tayo sa food court, boring na dito eh." Sabi ni Frans.
Sa aming lima, si Frans ang pinaka mabilis mabored ako naman ang cold at mailap sa mga babae including Peter. Si Glen naman ang kwela at playboy well, lahat naman kami. Kung magpalit nga kami ng babae parang nagpapalit lang ng damit. Iba iba kada araw, ako minsan iba sa umaga iba sa gabi.
Pagkadating namin sa food court namilina kami kung anong kakainin namin.
"Ahm.. Mga pinsan. Wag nalang kaya tayo kumaun dito, kasi wala pa tayong juice ng vape." Nanlaki ang mga mata namin sa narealize namin.
Napatayo kaming lahat at napa takbo papunta sa bilihan ng vape.
Pagpasok namin, nabigla yung mga saleslady kanina na naga-assist samin.
Welcome back sir, anything?" Tanong nung babae.
"Juice?" Singit pa nung isang babae na ikina tango naming lahat.
"This way mam and sir." Sinundan namin yung babaeng kanina pa nagpapacute sakin.
Sya yung nasa counter na nag assist din sakin.
Pinakyaw namin isa isa lahat ng juice dun at binayaran para makauwi at maka kain na.
Pagkadating namim sa bahay.
"Bakit ang tagal nyong umuwi?!" Our warfreak Grandma.
"Sorry Grandma. Nag Trinoma pa po kasi kami." Sabi ni Kim.
Sa aming sampu, si Kim ang pinaka magalang at matino kausap. Pangalawa ako, hehe. Pero hindi ko lang ipinapakita. Soon or sooner baka makita nyo rin.