"Good Morning sir." Bati sa kanya ni Marya na nagwawalis sa kusina. "Ahh... Sir, hinabilin po ito ni mam Chienne ang umagahan nyo. Sya po ang nagluto nyan tapos po inumin nyo daw po itong gamot." Dugtong ni Marya at ipinakita ang nakahain sa mesa.
Tumango lang si Kiero at naupo na para kumain.
"Where is she?" Matipid niyang tanong.
"Kanina pa pong umalis."
"Okay."
"Ah, sir... Nag car racing po ba kayo kagabi? O na-a-ccidente po ba kayo?"
Kumunot ang noo ni Kiero. Tumingin ito ng masama kay Marya. Natakot naman si Marya sa mga tingin nito kaya bahagya itong napaatras.
"Why?"
"Yung sports car nyo po kasing bago ang daming gasgas. Hindi lang po basta gasgas eh. Yupi yupi pa po sir... Tapos yung headlight po laglag na. Basta po tingnan nyo nalang po. Magwawalis lang po ako."
Itinabingi nito ang ulo nya habang inaalala ang nangyari kagabi. Kaunti lang ang matandaan nya. He looked back to Marya.
"Where is Manang Len?"
"Nasa garahe po, nililinis yung isa nyo pong sasakyan baka daw po kasi iyon ang gamitin nyo." Tumango lang ito at tuluyan ng kumain.
Dumaan muna si Kiero sa ancestral house para dalhan ang kanyang mommy ng fresh flowers bago pumunta sa opisina. Pinuntahan agad sya ni Chienne para iabot ang isang envelop ng weekly report ng kumpanya.
"Uhm... may tumawag ba sa akin?" ani Kiero agad namang tumawa ng mahina si Chienne.
"Yes Sir. May limang tao na tumawag simula pa kanina saying that they will sue you kapag hindi mo binayaran ang mga kotseng binagga mo kagabi at yung huling tumawag naman yung wall glass ng boutique nya ang binagga mo. So Mr. Sy are you okay now?" She smiled. Umiwas naman ng tingin ang binata.
"Yes." Matipid nyang sagot. Bigla namang nagring ang kanyang telepono.
"Sasagutin ko lang yung tawag. Pang anim na siguro ito sa magdedemanda sayo. Maiwan na muna kita." Ani Chienne na nagmamadaling umalis.
"uhhm... Chienne!"Sigaw nya. Tumigil naman agad ang dalaga. "Salamat sa breakfast at sa gamot." Nahihiya nyang sabi.
Halos mapunit ang labi ni Chienne sa pagngiti. Umiwas na naman ng tingin si Kiero. Naiinis talaga sya kapag nginingitian sya ng dalaga. Muli itong tumingin dahil hindi pa din ito lumalabas. She's still smiling at him.
"What the hell, Ms. Monteverde? Stop smiling! Sagutin mo na ang telepono!" Inis nitong sigaw.
"Sorry. That was the first time you say my name. Okay, aalis na ako." She said as she goes.
Maya maya pa ay bumalik na ulit si Chienne. Kumatok muna ito bago pumasok sa loob.
"Sir. It's your mom. Hindi kana daw nya iistorbohin pero gusto nyang iparating sayo na sunduin mo daw sya mamaya dahil sa mansion sya matutulog. Bukas na nga pala ang binayagan."
"Yeah. Sumabay kana sa akin mamaya. Madaming tao mamayang hapon sa bahay. All my cousins will stay there."
"Okay. Sinabi din ng mommy mo na samahan mo syang mamili mamaya ng ireregalo." Ngumiti ito.
"Seriously? Bakit kailangan ko pa syang samahan? Sige na. Go back to your work." Inis nyang sabi.
Hindi mahilig magshopping si Kiero. Si Erika ang bumibili noon ng mga gamit nya dahil tamad nga ito. Minsan naman ay napapabili lang sya ng bagong gamit kapag sinasamahan nyang mag shopping ang yumaong kasintahan. Ultimo sa pagbili ng regalo kay Erika ay ipinapabili pa nya noon sa kanilang katulong at iyon minsan ang isa sa pinag aawayan nila.
"Pero... Sir kung ayaw nyong samahan ang mommy nyo, pwede ko naman syang samahan. Isa pa, bibili din naman ako ng pangregalo sa pamangkin mo."
Tumango lang si Kiero saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Nang nagdapit hapon gaya ng gusto ng mommy nya ay sinundo nya ito kasama si Chienne. Madaling nagkasundo ang dalawa. Matagal na din kasing kilala ng mommy ni Kiero si Chienne at madalas din silang magkwentuhan noong nabubuhay pa lang ang kanyang tatay.
Kahit ayaw ni Kiero ay sinamahan nya ang dalawa sa pamimili ng regalo. Sanay naman syang bumuntot noon kay Erica kapag nag sashopping ang namayapang kasintahan kaya hindi na ito bago sa kanya. Ayaw lang nya yung ganoong pakiramdam dahil naaalala nya si Erica.
Nang makauwi ang tatlo ay nandoon na ang buong maganak ng tito Darren nya kasama ang mag asawang si Dustin at Kara. Hindi sila gaanong nagpapansinan ni Maxine dahil sa huling gabing nagtalo sila. Kasunod naman nilang dumating ay ang magkapatid na si Ricky and James at si Zack.
"Where're your parents Zack?" Tanong ni Darren ang tatay ni Dustin.
"Hi Tito Darren. Bukas na daw sila paparito. May inaasikaso pa po kasi si Dad."
Tinapik nito si Darren habang tumatawa.
"Yan talagang kapatid kong yan napaka workaholic. Naayos nyo na ba yung lupang binibili nyo sa laguna para sa bagong warehouse?"
"Yes Tito. Inaayos na nila ang titulo." Nakangiti naman sagot ni Zack.
"How about you Kiero. Kamusta ang business? Naturuan kaba ng maayos nitong si Dustin? Balita ko pinaltan mo lahat ng supplier mo? Matagal ko na yang sinasabi noon sa daddy mo pero ayaw nyang makinig sa akin. Mabuti naman at naisipan mong gawin yun iho." Medyo may pagka proud ang tono sa boses ng tito Darren nya.
"Opo. Matagal na din po kasing problema ang quality sa bawat project ng kumpanya. So far so good naman po. Mayroon na kaming mga bagong suppliers na mas mababa ang presyong binigay sa amin kumpara noon. We also closed 3 deals kahapon. Ano nga ba iyon Chienne?" Ani Kiero saka tumingin sa dalaga na tahimik lang na nakikinig sa isang sulok.
Nanlaki pa ang mata nya ng marinig nya ang kanyang pangalan. Halos lahat sila ay nakatingin na ngayon sa dalaga kaya sobra ang pamumula ngayon ni Chienne. Ikaw ba naman palibutan ng nag gugwapuhang lalaki.
"Ahh... Yes. 2 condominium extension sa Davao at Boracay at bagong mall sa Cebu." Nanginginig pa ang boses nya.
"Wow. It's a big project huh! Are you his secretary?" Tanong ng tito nito.
"Yes, Sir. I'm the daughter of Mr. Rolando Monteverde." Nagumiti ito sa matanda saka tumingin kay Kiero.
"Oh! I heard the news about what happened and I am sorry. Are you okay now? Sabi ng anak ko you're staying here. Napakabait talaga ng pamangkin kong ito. Is he treating you good iha?" Natatawang tanong ng matanda. Tumikhim si Kiero para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.
"I'm not that bad tito." Ani Kiero. Tumawa naman si Ricky.
"He is nice naman po. Mabait naman po. Hindi nga lang po sya pala imik." Tumingin ito kay Kiero. Inirapan naman sya ng binata. She doesn't need to lied about it dahil alam naman ng lahat na naging masungit at mainitin ang ulo nito simula ng mamatay si Erica.
"Mabuti kung ganoon..."
"Hi guys! Late na ba kami?" Bati ni Sabrina na papasok pa lang sa main door ng mansion kasama ang kanyang parents. Napunta ang atensyon ng lahat sa bagong dating kaya lumapit si Kiero sa dalaga at bumulong.
"Hindi mo kailangang magsinungaling to build me up." Ani Kiero saka tumayo at umakyat sa hagdanan patungo sa kanyang kwarto. Sinundan nalang sya ng tingin ng dalaga.
After dinner ang mga babae ay tinutulungan si Kara na magprepare ng venue sa likuran ng mansion. Si Maxine ay nag dedecorate ng sweet tables habang si Sabrina naman at James ang magkatulong na nagdedecorate ng bulaklak. Si Dustin naman ang nagmamando sa mga caterer na nagseset up ng mga lamesa at kung ano ano pa. Si Kiero at Ricky ang magkatulong sa pagbubuhat ng mga giveaways na iaarange naman ni Tita Susan at Tita Xina. Halos 11pm na ay hindi pa sila tapos sa ginagawa.
"Magmeryenda muna kayo." Ani Kara na may dalang tuna bread si Zack naman ang may dala ng orange juice.
"Hoy Zack bakit hindi ka nalang magbuhat ng mesa. If I know pinopormahan mo yang si Chienne." Pag aasar ni Sabrina. Nagkatinginan naman si Kiero at Chienne.
"Ako na naman nakita nyo. Kumain nalang kayo." Tatawa tawang sabi ni Zack saka kumain ng tinapay.
Dumampot ng dalawang tinapay si Maxine at iniabot ang isa kay Kiero.
"Kuya Kiero." Ani Maxine saka inabot ang tinapay.
Naghiyawan naman ang mga pinsan nya chanting "Bati na sila" napatawa tuloy si Maxine ganun din si Kiero ng tanggapin nya ang tinapay.
"This is so childish. Stop it guys." Iiling iling na sabi ni Kiero.
"Nauna na nga palang matulog ang mga parents nyo. Aayusin ko muna ang kusina." Ani Chienne na akmang paalis na.
"Chienne." Agad na tumigil ang dalaga. "Hayaan mo na ang mga katulong doon sa kusina. Magpahinga ka nalang." He said with a serious voice.
"Huh? O-Okay. Aakyat na ako." Sagot nya saka pumasok sa loob ng mansion.
Nagtinginan naman ang mag pipinsan at nag-ngitian ng nakakaloko. Nakita ito ni Kiero kaya tinaasan nya ng kilay ang mga ito.
"Ikaw din Honey. Magpahinga kana. Baka hinahanap kana ni Baby Max. Maaga pa tayo bukas." Ani Dustin habang nakabackhug ito sa asawa.
"Tangina! Sweetness overload dito ah! Zack, Babe. Let's go matulog na din tayo." Sigaw ni James saka pumulupot ito sa braso ng binata.
"Bigwasan kaya kita. Kilabutan ka nga. Pero seryoso, matutulog na ako saan ba yung kwarto ko? Yung katabi ba ng kwarto mo Kiero?" Ngumisi si Zack.
"f**k off dude. Wala pang matutulog sa ating mga lalaki kaya kayo Sab at Maxine, umakyat na kayo. Kami na ang tatapos dito." Seryosong sabi ni Kiero.
"Naku buti nalang gentleman ka Kiero. Tara na Max. Kanina pa ako inaantok." Ani Sabrina at hinila si Maxine at Kara papasok ng mansion.
Halos 1am na ng matapos sila. Umaakyat ng hagdan si Kiero ng makasalubong nito si Chienne na kakalabas lang ng pinto ng kanyang kwarto.
"Bakit gising ka pa?" Inis na tanong nito.
"Nagising lang ako at tsaka nauuhaw din ako kaya kukuha ako ng maiinom sa kusina. Kakatapos nyo lang ba?" Ani Chienne. Tumango ito.
"May tubig ako sa kwarto, kumuha ka nalang sa mini ref katabi ng computer table. Nasa kusina pa ang mga pinsan ko, baka pagtripan ka lang nila."
Sumunod si Chienne kay Kiero papasok sa kwarto ng binata. Agad namang nakita ni Chienne ang mini ref kaya kumuha na din agad ito ng tubig bago pa sya matarayan ng binata.
"Salamat. Goodnight." Ani ng dalaga bago lumabas.
8am nagising si Kiero. Kung hindi pa sya ginising ng kanyang ina ay baka tanghali na ito bumangon. Kape lang ang inumagahan nito pagkatapos maligo. 10am kasi ang oras ng binyag. Nauna ng pumunta sa simbahan ang iba nyang pinsan. Ang magkapatid na si Ricky at James nalang ang naiwan sa mansion.
"Bro. Paalis kana din ba?" Ani James habang inaayos ang kanyang polo.
"Oo. Si Mommy nakita nyo?"
"Sumabay na kanya Tita Susan. Ang bagal mo kasi." Tatawa tawang sagot ng kanyang pinsan.
"Sino kaya ang mabagal! Bakit kasi may kapatid akong pagong!" Maktol ni Ricky habang pinapaikot ikot ang susi ng kanyang kotse sa daliri.
"Let's go, old man! Una na kami Kiero? Si Chienne nga pala isinabay na ni Zack." James grinned.
"Aalis na din naman ako." Sagot nya saka kumunot ang noo at nagiwas ng tingin sa kanyang pinsan. "Marya pakuha ng susi ko sa kwarto." Sigaw nya sa katulong.
Marami ng tao ng makarating sila sa simbahan. Una nitong hinanap si Chienne at ng makita nya ay agad nya itong tinabihan sa upuan. Ang nasa kaliwa ng dalaga ay ang ina ni Kiero.
"Mom. Sa akin na kayo sumabay mamaya." He said with a low voice. Parehong napatingin si Chienne at ang kanyang ina at pareho ding ngumiti ito sa kanya.
"O sige anak." Malambing na sagot ng kanyang ina.
"Yung cake, dumating na kanina. They gave you a free box of a vanilla cupcakes. They are so generous. Sabi ng mommy mo suki na daw ang pamilya nyo sa cakeshop na yun." Ani Chienne. Tumango lang si Kiero ng hindi tumitingin sa dalaga. Napawi tuloy ang ngiti ng dalaga.
"Kay Zack ka pa din ba sasabay mamaya?"
Nanlaki ang mata ni Chienne ng mapatingin it okay Kiero. Hindi nakatingin ang binata sa kanya kundi sa paring nagsasalita sa unahan.
"Huh?" yun nalang ang naisagot nya.
"Nevermind, Sa akin kana din sumabay mamaya." He said without looking at her.
"O-Okay." Sagot nya saka tumingin sa paring nagsasalita.
Masayang naidaos ang binyagan. Maraming bisita ang dumating. Hapon na ay may mga dumadating pa ding bisita. Nang mag-gabi ay nagkayayaan ang magpipinsan na maginuman sa tabi pool area. May sarili namang grupo ang mga babae, ayaw nilang uminom kaya nag swimming nalang ang mga ito.
"Chienne. Okay ka lang?"Sigaw ni Maxine at agad itong nilapitan.
Halos lahat ay napatingin sa kanya dahil malakas ang impact ng pagkakadulas nito sa poolside.
"I'm okay." Ani Chienne. Pero halata sa boses nya na nasaktan sya.
"No. You're bleeding. Look...Ang laki ng gasgas mo sa tuhod at braso." Alalang sabi ni Kara habang tinutulungan nilang tumayo si Chienne. Napapikit naman si Chienne.
"What happened?" Malamig na tanong ni Kiero mula sa kanilang likuran.
Umayos sa pagtayo si Chienne kahit sobrang sakit ng kanyang paa. Pakiramdam nya ay nabalian sya sa pagkakadulas na iyon.
"Na out of balance sya ng umahon sa pool." Sagot ni Sabrina.
"I'm okay. Konting galos lang ito." Her voice is shaking.
"Are you sure? Ang lakas ng impact ng pagkakabagsak mo sa sahig. Kukuha ako ng gamot para sa sugat mo." Ani Kara. Aalis na ito pero pinigilan sya ni Chienne.
Dahil masakit ang paa ni Chienne ay muli na naman itong natumba. Napapikit sya sa sakit na naramdaman. Hawak hawak nya ang masakit na parte habang pinipigilang umiyak. Halos hirap na rin syang huminga sa sobrang sakit. Pakiramdam nya ay naputol ang buto nya sa paa. Walang imik na lumapit sa kanya si Kiero at binuhat sya. Napanganga tuloy ang mga babae nyang pinsan.
"Nasprain siguro ang ankle mo." Ani Kiero saka sya dinala papunta sa kwarto ng dalaga.
Marahan syang inilapag sa kama at saka inabutan ng bathrobe dahil naka swimsuit ito.
"Wear that. Kukuha lang ako ng gamot." His voice is flat. Mabilis syang lumabas ng kwarto.
May first aid kit ito sa kanyang cabinet kaya kinuha nya iyon at bumalik sa kwarto ni Chienne. Muli nyang binuhat si Chienne papunta ng banyo para hugasan ang mga sugat na dumudugo. Dahil masakit ay napabuntong hininga nalang ang dalaga at marahan na iniisod ang kanyang paa sa tuwing nasasaktan.
"Don't move or else bubuhusan ko ito ng alcohol." Mariin na sabi ni Kiero.
"Wag! Gusto mo akong mamatay?" Pumikit si Chienne at muling huminga ng malalim "Takot ako sa dugo. Mahihimatay yata ako." She added with a tight voice.
Natigilan si Kiero sa pagbubuhos ng tubig sa mga galos ng dalaga. Nag angat ito ng tingin sa dalaga. Bigla nyang naalala si Erica. Ganoong ganoon din kasi ang reaksyon ng yumao nyang kasintahan sa tuwing nasusugatan ito. Nag flashback pa sa isipan nya noong nasugatan si Erica habang nagbabalat ng hilaw na mangga. Halos mamutla si Erica ng makita ang dugo sa kamay nya at ganoon din si Chienne namumutla ang mga labi nya. OA kaya natatawa si Kiero. Iiling iling itong ngumiti saka pinagpatuloy guhasan ang sugat ni Chienne.
"Wala na bang dugo?" Mangiyak ngiyak nitong tanong.
"Wala na. You can now open your eyes." Sagot ni Kiero. Ngumiti sya habang nilalagyan ng betadine ang mga sugat.
"You are smiling? This is the first time I saw you smile. Why? Dahil ba nasugatan ako?" Sarkastikong tanong ni Chienne at the same time ay amazed ang tono ng boses nya.
"Namamaga na ang paa mo. Kukuha lang ako ng yelo." Tumayo si Kiero at pinunasan ang basang kamay.
Bumalik si Kiero na may dalang ice pack at bandage. Dahan dahan nyang inilapat iyon sa namamagang ankle ni Chienne. Napasigaw naman ang dalaga sa sakit. Ilang minute silang tahimik habang tinatalian nya ng bandage ang sprain ng dalaga. Binuhat nya muli ito at inilipag sa kama.
"Wag ka nalang munang pumasok bukas." He said with a flat voice. Nakatingin ito sa paa ng dalaga.
"Salamat." She smiled kahit kumikirot pa din ang paa nito.
"Are you okay?" tanong nya saka nagiwas ng tingin.
"No. Kumikirot pa din. Pero kaya ko naman. Pwede ka ng bumalik sa baba. Baka hinihintay ka na ng mga pinsan mo." Muli itong ngumiti.
"Okay. Tawagin mo nalang si Manang Len kung may kailangan ka. Wag mo pwersahin ang paa mo dahil baka lalong mamaga yan. Kung wala si Manang just text me." Ani Kiero saka lumabas ng kwarto.
Tahimik itong bumalik sa mga pinsan nya. Napansin nya ang malalagkit na tingin sa kanya ng mga ito kaya kumunot ang noo nya habang nilalaklak ang bote ng beer.
"What the f**k?" Bulalas nya sa mga ito. Nagtawanan naman ang mga pinsan nya.
"Nice one bro!" Ani Ricky at tinapik pa sya sa likod.
"Huh?" Lalong kumunot ang noo nya. Wala kasi syang idea sa tinutukoy ni Ricky.
"Akala namin hindi kana babalik." Humagalpak ng tawa si James. "Matinik talaga itong si Kiero. Ang bilis naman?" Dugtong nya habang tumatawa.
"Wala na akong pag-asa. Lahat nalang!" Maktol naman ni Zack.
"What the heck are you talking about?" Inis na sabi ni Kiero saka pabagsak na nilapag ang bote ng beer.
"Painosente! Samantalang noong isang araw lang kaliwat kanan ang babae. Bigwasan kita eh." Tatawa tawang sabi ni Ricky. Kiero gave him a nasty look.
"Wala kaming ginawa. Ginamot ko lang yung sugat at sprain nya. Stop your bullshit!" Depensa ni Kiero. Tinapik naman sya ni Dustin.
"Hindi kana ba nasanay sa mga yan? Kaya nga kami malimit mag away ni Kara noon dahil sa mga yan." Tatawa tawang sabi ni Dustin.
"Shut up bro. Hindi kami kasali. Baka itong si Zack lang ang dahilan?" Depensa naman ni James.
"He's the main reason, though." Ani Dustin saka uminom ng beer.
"Stop blaming me for your bullshit Bro!" Inis na sabi ni Zack. "Hindi pa ba kayo matutulog? Wala ba kayong mga pasok bukas?" Dugtong nyang sabi.
"We are the boss." Sabay sabay na sabi ng magpipinsan.
Yeah. They are the boss. Sila na ang nag hahandle ng mga negosyo ng pamilya nila. Dahil galing sila sa mayamang pamilya halos hawak nila ang lahat ng oras nila at sobrang dali ng ng buhay para sa kanila.
After lunch ng pumasok si Kiero sa opisina. Ganun din ang mga pinsan nya. Umuwi na sa kani kanilang bahay. He attended 3 meetings bago bumalik sa mansion. He untied his tie nang makababa sya ng kotse.
Papunta siya ng kusina para uminom ng malamig na tubig ng makita nya si Chienne na nasa harap ng stove at nagluluto.
"What do you think you are doing, Chienne?" Inis nyang tanong.
Napalingon sa kanya ang dalaga at hilaw na napangiti.
"Nandito kana pala. Okay naman na itong paa ko. Magaling yung ointment na nilagay ni manang len kagabi."
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Para kang si Er..." Natigilan ito nang magtama ang mga mata nila. Bigla syang nakaramdam ng lungkot kaya yumuko ito. "Nevermind." He said with a toneless voice saka umalis.
Pabagsak syang humiga sa kama ng makinom ng tubig mula sa kanyang mini-ref sa kwarto. He was fine 3 minutes ago and now everything is like crashing around him again. Saglit itong tumitig sa kisame. I'm sorry, Babe. I still can't get myself to visit your grave... It kills me. Hindi ko pa kaya. He thought as he closed his eyes and his tears are started to flow. He is still feeling the same pain and loneliness and he thinks he deserved it all.
"Why does everything have to be so f*****g hard?" Sambit nya habang humahagulgol ng iyak.
.