It's been a week nang mabinyagan ang pamangkin nya. It was a hell week for him. Tahimik na natitig si Kiero sa kanyang monitor ng pumasok si Chienne sa kanyang opisina na may dalang cappuccino at vanilla cake. Inilapag ito ng dalaga sa table nya. Kumunot pa ang noo nya ng makita ang cake.
"I just asked for a cappuccino. Remove that from my desk." Malamig nyang tugon. He was referring to the vanilla cake.
"In-order ko pa yan sa Crystine Cakeshop." She pouted her lips saka yumuko. "Kainin mo nalang. Pampawala ng pagod." She added and tried to smile.
"I said to remove that from my desk. Just do what I said!" Pagalit nyang sabi.
Walang nagawa si Chienne kundi alisin iyon sa mesa ng binata. Malungkot itong lumabas ng opisina. Hindi nya alam kung bakit naging magagalitin si Kiero nitong nakaraan. Masungit ito at nakakayanan naman nya ang pagsusungit ng binata pero ang pagiging magagalitin nya lately ay nakakasakit na ng damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Chienne, lahat nalang kasi ng ginagawa nya ay pinagagalitan sya ng binata kahit tama ang mga ginawa nya ay pilit hinahanapan ni Kiero ng mali. Lahat ng masasakit na salita ni Kiero ay tumatagos sa kanyang puso. She don't even no what to do.
Today is the schedule of site visitation. Inayos nya ang kanyang gamit saka naghandang umalis.
"Lanie, where is Ms. Monteverde?" Ani Kiero ng makalapit sya cubicle table ng kanyang employee.
"Ah sir. Nasa kitchenette po inuubos yung binili nyang cake." Tumawa ang dalaga "Sayang daw po kasi. Ang mahal daw po ng bili nya. Eh diet kaming lahat dito. Bakit po sir?"
Nagiwas ng tingin si Kiero. He clenched his jaw saka pumikit. Memories flashed back...
"Nag away ba kayo ni Erica?" Pagalit natanong ni Stella.
"Hell no! Nasaan sya? Kanina ko pa syang hinahanap?" Sagot ng binata.
"Nasa canteen. Inuubos yung cake na binili nya para sayo! Palagi mo nalang pinapaiyak ang bestfriend ko! Ano bang nangyari?" Sagot ni Stella na inis na inis.
"Gumagawa kasi kami ng thesis. Kinukulit nya ako na kainin yung cake."
"Tapos sinigawan mo sya?"Ani Stella at umirap.
"Hindi ko naman sinasadya. Pupuntahan ko lang sya."
Nagmadaling tumakbo papunta si Kiero sa canteen. Naabutan nya ang kasintahan na umiiyak habang pilit na inuubos yung cake kahit puno pa ang bibig. Nilapitan nya ito at mahigpit na niyakap...
"Sir?" Ani Lanie. Napamulat si Kiero saka huminga ng malalim.
Wala itong imik na pumunta sa kitchenette. Nakita nya si Chienne na pilit inuubos ang cake kahit puno pa ang kanyang bibig. Nakasimangot ito at padabog na sinusubo ang cake. Nilapitan nya ito at inagaw ang kahon sa dalaga. Laking gulat naman ni Chienne ng makita si Kiero kaya nabilaukan ito. Agad na ikinuha sya ng binata ng tubig. Uubo ubo pa itong uminom.
"S-Salamat." Hingal nyang sabi.
"What are you trying to do?" Ani Kiero hawak hawak ang kahon ng cake na halos paubos na.
"Wala. Nagugutom lang ako." She said without looking at him.
Alam ng binata na nagsisinungaling ito. Nagi-guilty tuloy sya sa ginawa nya kanina. Inagaw ni Kiero ang tinidor sa kamay ng dalaga saka inubos ang natitirang cake sa kahon. Chienne is dumbfounded as she looked at the empty box.
"I hated this cake 2 years ago." Tipid nyang sabi. Tumingin ito sa dalaga na bakas pa din ang pagkagulat sa kanyang mga mukha. "Mag ayos ka. Sasamahan mo ako ngayon sa site. Don't wear heels." He added and looked away.
"O-Okay. May sneaker ako sa locker. Kukunin ko lang." Tumakbo palabas ng kitchenette si Chienne.
Malakas na napasuntok si Kiero sa pader. Kanina pa kasi syang nagpipigil. Naiinis sya hindi nya alam kung bakit. Siguro ay dahil palaging naalala nito si Erica sa katauhan ni Chienne and he hate it. Gusto nyang makalimot pero paano nya magagawa iyon kung araw araw nyang nakikita si Chienne.
"Sir dito po tayo. Wear these safety gears, delikado kasi dahil kinakabit ang mga bakal sa 2nd floor." Ani ni Engineer Lucas Dawson ang pinaka batang engineer ng kumpanya.
"Okay. Thanks." Mabilis na sinout ni Kiero ang helmet at vest. Tumingin ito kay Chienne. Ganun din si Engineer Lucas
"Are you gonna go with us, Ms. Monteverde?" Tanong ni Engineer Lucas.
"No. She's not. Dito ka nalang."He said with a fretful voice at nauna ng naglakad.
"He has a peevish attitude, right?" Pabulong na sabi ni Engr. Lucas kay Chienne saka ngumiti at kumindat. Ngumiti lang din ang dalaga. "I have to go." He added.
Isa isang chinecked ni Kiero ang bawat sulok ng construction site habang ginaguide sya ng head engineer na si Lucas. Nang masatisfied sya sa quality ng mga materials ay lumabas na ito ng construction site.
"We will do the framing on the 3rd floor by next week. Hindi pa dumadating yung rebar na pinadagdag ko. Ipinabalik ko naman yung I-beam kahapon dahil hindi maganda ang quality nya." Ani Lucas habang papalapit sila kay Chienne.
"Ms. Monteverde, nafollow up mo na ba yung rebar na nirequest ni Lucas?" Tanong nya sa dalaga habang hinihubad ang safety vest at helmet.
"Ah yes. They will deliver it tomorrow morning." Mabilis nyang sagot.
"Sila din ba ang supplier natin ng I-beam?" Ani Kiero saka iniabot ang safety gears kay Lucas.
"No. I think ang Home Builders ang supplier natin ng mga I-beam at ng trussels dahil mas mababa ang pricing nila." Ani Chienne.
"Okay. Alam mo naman na ipinabalik ni Lucas ang mga I-beam because of the quality. Kapag nagbigay pa din sila ng low-quality materials sa atin ay papalitan na natin sila." Seryoso nyang sabi. Tumango lang si Chienne. Tumingin naman it okay Lucas. "We have to go. Good job Lucas. See you next week." He added saka nya tinapik ang braso ni Engineer Lucas at naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Ngumiti naman si Chienne kay Lucas bago ito sumunod kay Kiero.
"Hindi na ba tayo babalik sa office?" Ani Chienne nang ibang way ang tahaking daan pabalik ni Kiero.
"Yep. It's already 5:40. Bakit? May naiwan ka ba?" He said. Binagalan na nga nya ang pagpapatakbo ng sasakyan incase na may naiwan nga ang dalaga ay willing naman itong bumalik.
"Wala naman. Nothing's important." Matipid nyang sagot habang nakatingin sa bintana. Naiwan lang naman nya ang cellphone nya sa kanyang desk. Wala rin naman tatawag o magtetext sa kanyang importante kaya okay lang sa kanyang bukas na ito balikan pag pasok nya.
Sabay silang bumaba ng kotse ng makarating sila sa mansion.
"Wazzup bro!" A familiar voice caught his attention as he walked into the main door of the mansion. Lumingon si Kiero sa lalaking nakatayo malapit sa garden.
"Jake?" Gulat nyang sambit saka iiling iling na ngumiti at lumapit sa kaibigan. "Kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo sinabing uuwi ka sa Pilipinas?" Nag fist bump ang dalawa.
"Surprise?" He laughed. "Akala ko sa condo ka tumitigil. Bakit dito ka nag stay sa Alabang? Mas malapit ang condo mo sa opisina diba?" Tanong ng kanyang kaibigan.
"Mas gusto ko dito. Maraming alaala sa condo ko na ayoko ng balikan. It will kill me slowly kung doon ako titigil." Seryoso nyang sagot. Inakbayan naman sya ni Jake at agad nagets ang sinabi ng kaibigan. "So kailan ka pa dumating?" He added.
"Yesterday. Alam kong busy ka sa kumpanya kaya hindi na muna kita inistorbo."
Napatingin si Jake kay Chienne na nakatayo sa harap ng main door ng mansion at matalim ang tingin sa kanya. Nanlaki naman ang mata ng binata ng mamukhaan nya ang dalaga.
"Woah!" Gulat nyang reaksyon saka lumapit kay Chienne. "The girl in paris, right? Magkakilala kayo?" takang tanong ni Jake habang nakatingin ito sa dalaga.
"What do you mean?" Malamig na sabi ni Kiero.
"Well, she's the one who brought you in the hospital at nagtyagang magbantay sayo habang wala ako. What a small world. How did you know each other?" Tanong nya kay Chienne.
"I'm his executive assistant." Nakakunot ang noon nyang sumagot "So you mean si Kiero yung lalaking yon? Hindi ko sya namukhaan? Kaya pala familiar ang mukha nya nang una ko syang makita." She said saka tumingin kay Kiero.
Tama ang sinabi ni Chienne. Hindi nga nya ito namukhaan dahil mahaba ang buhok noon ni Kiero when she was in Paris. Dinaig pa ang buhon ni Daomingsi ng F4 sa haba. He also had a mustache and beared kaya ibang iba ang itsura nito ngayon. With his semi Mohawk hair and clean face na bumagay sa featured ng mukha nya.
"Yeah. Mas okay sya ngayon. Hopefuly! So how are you? Dito kana mag dinner. I'll do the cooking." Excited na sabi ni Jake. Napangiti ng hilaw si Chienne saka huminga ng malalim.
"She's living here, Jake. You don't have to invite here. Let's go inside." Ani Kiero saka naunang pumasok sa loob ng mansion.
Nagluto ng ilang french foods si Jake. Dahil may dalawa syang restaurant sa France ay bihasa na ito sa French cuisine.
"So how's the taste?" Tanong ni Jake kay Chienne.
"It's good." Tipid na sagot ng dalaga. Halata sa mukha nya na naiilang ito dahil parehong nakatingin sa kanya si Jake at Kiero.
"I bet you haven't tasted Cassoulet. Ang tabang, Jake." Ani Kiero habang mariin na nakatingin kay Chienne. Tumawa naman si Jake.
"Matabang ba?" Tinikman ulit ito ng kaibigan.
Yumuko si Chienne at mukhang napahiya sa sinabi ng binata.
"Oo nga. Nagmamadali kasi akong tapusin yan." Nahihiyang sagot ni Jake.
Tumunghay si Chienne at ngumiti kay Jake saka huminga ng malalim.
"It's okay. The best naman itong Bouillabaisse mo." Ani Chienne para bumawi sa pagkapaihiya nya.
"Well, Thanks. That's my favorite French cuisine. I'm glad you liked it." Ngumiti din si Jake.
"Dito ka ba matutulog, Jake?" Pagiiba nito sa usapan.
"Uh... Yes. Naalala mo yung sinabi kong magtatayo ako restaurant dito? Pwede mo ba akong tulungang humanap ng pwesto?" Sagot ni Jake.
"Yeah. Sure. Maybe Sabrina can help us. His boyfriend have a strip malls." Ani Kiero.
Kumunot naman ang noo ni Jake ng marinig ang sinabi ng binata saka iiling iling na ngumiti.
"May boyfriend na pala sya? Hindi talaga ako type ng pinsan mo no? O baka naman nilalaglag mo ako?" Tatawa tawang sabi ni Jake saka uminom ng wine.
"2 months pa lang sila. Pwede mo pang agawin. You're good at that, right?" Tumawa si Kiero.
"Gago! Baka maniwala sayo si Chienne. He's kidding." Ani Jake sa dalaga.
After dinner. Iniwan na ni Chienne ang magkaibigan. Matagal walang communication ang magkaibigan. Hindi kasi mahilig sa gadgets si Kiero kaya madami daming pinag kwentuhan ang dalawa. Maaga naman silang nagising kinabukasan dahil nag-yaya si Jake na mag jogging at mag gym. They did it almost everyday. Sa loob ng 2 months ay bumalik na muli ang magandang katawan ni Kiero. His muscles are well toned now, kaya naman mas dumami pa ang mga babaeng naaakit nito.
"Hi. Nakabalik na pala kayo. Pinagluto ko kayo ng breakfast." Bati ni Chienne nang makita si Jake at Kiero na kakarating lang mula sa pag jojogging.
"Anong niluto mo?" Ani Jake habang nagpupunas ng pawis.
"Arozz caldo" Chienne smiled to them. Umiwas naman ng tingin si Kiero.
"Wow! Lalo akong nagutom." Jake said saka naunang nagtungo sa kusina.
Naupo si Kiero sa sofa habang nagpupunas ng pawis. Pinapanood sya ni Chienne.
"What?" Iritadong nyang tugon.
"Wala naman. Ipapaalala ko lang yung meeting bukas ng umaga." She smiled saka umalis.
Tahimik na kumakain si Kiero habang nagbibiruan naman sina Jake at Chienne. Nakaramdam ng pag kainis ang binata ng walang dahilan kaya inis itong tumayo sa kinauupuan at nagtungo sa kanyang kwarto. Hapon ng magpaalam si Jake pabalik ng manila. Twice a week lang kasi ito natutulog sa mansion dahil inaasikaso din nya ang bagong bukas na restaurant sa strip mall malapit sa kanyang condo sa Makati.
"Manang Len. Hindi po ako dito maghahapunan kaya wag nyo na akong hintayin." Ani Kiero habang inaayos ang kanyang black leather jacket.
"Saan ka pupunta iho?" Tanong ng matanda.
"Sa UBar po. Aalis na ako." He said saka pumunta sa garahe.
Malimit mag night club si Kiero kahit mag isa lang sya sa tuwing naaalala nya ang yumaong kasintahan kaya madalas din itong umuwi ng lasing.
"Oh my gosh. Ang Naughty mo talaga. Stop it!" Malanding sabi ng babaeng kasama ni Kiero habang gegewang gewang silang naglalakad papasok sa mansion.
"You know what, we can do it here." She added while they are kissing.
He pushed the girl kaya pareho silang bumagsak sa sofa. Mas lalong naging mapusok ang halik ni Kiero. While they were kissing his hands started to roam.
"Ooh... Baby..." The girl moaned. That made him stopped.
"What did you just said?" Inis na tanong nito.
"Baby... Please don't stop." Sagot ng babae saka humalik. Bahagyang lumayo si Kiero but he still on top.
"Stop calling me baby!" Inis nyang sabi "Si Erica lang ang..."
Natigilan si Kiero ng bumukas ang ilaw sa sala. Dahan dahan syang tumingin sa pinagmulan ng tunog. Nabitawan ni Chienne ang hawak nyang baso. Dahan dahan itong tumayo at inayos ang suot na polo. Ganun din ang babae. Ibinaba nya ang kanyang palda at naupo ng maayos.
"Bakit gising ka pa?" Malamig nyang tanong.
Matagal bago nakasagot si Chienne. Tulala pa din ito sa nasaksihan. Napalunok nalang sya at yumuko.
"Kiero... Let's continue this to your room." Ani ng babae saka pumulupot sa bewang nito.
"I'm... I'm sorry. Hindi... Hindi ko sinasadyang maistorbo kayo. Aakyat na ako..." Ani Chienne saka nagmadaling tumungo sa hagdan.
"Wait!" Ani Kiero saka inalis ang kamay ng babae sa kanyang bewang.
"Pwede mo ba syang samahan sa guess room?" He added.
"What?! Are you kidding? Baby... I will sleep in your room." The girl said. Kumunot na naman ang noo ni Kiero.
"What the f**k did I said? Diba sabi ko wag mo akong tawaging baby?!" Pasigaw nyang sabi.
"What the hell is wrong with you?!" Inis namang sigaw ng babae. Nawalan ng pagasa ang babae ng tumitig ito sa mga mata ni Kiero. His eyes are burning of anger. "Fine. I'm tired. Where's my room?" tumingin sya kay Chienne.
Sabay na umakyat sa hagdan ang dalawang dalaga. Saka naman sumunod si Kiero at pumasok sa kanyang kwarto. Uminom ito ng tubig mula sa mini ref nya saka pabagsak na naupo sa kanyang kama. Tahimik syang nakatitig sa kisame hanggang sa kusa nalang tumulo ang luha nya.
"I hide my tears when i say or hear your name. Nandito pa din kasi yung sakit, it's still the same. There's is no one who misses you more than me." He said habang humahagulgol ng iyak. Minutes later may kumatok sa kwarto nya.
Pinunasan nya ang luha nya saka tumayo para pagbuksan ang kumakatok.
"I made you sandwich and fresh lemon juice. This banana will also help you sober up fast." Ani Chienne saka ngumiti.
Umalis si Kiero sa pinto para makapasok si Chienne. Agad inilapag ng dalaga ang tray sa end table.
"Take a good shower after para maayos ang tulog mo, maaga pa kasi ang meeting bukas. Importante ang meeting na iyon diba?"
Kumunot ang noo ni Kiero. Napatingin muli sya sa tray. That's what exactly Erica prepares for him kapag nakakainom ito. He clenched his fist.
"Who are you?" He said with a cold voice.
"Huh? Hindi kita..."
"Who are you?! Bakit mo ginagawa sa akin to'!" Sigaw nya kay Chienne.
Napaatras si Chienne sa takot. Nakatingin lang ito sa binata. Mabilis na lumapit si Kiero sa dalaga and he pushed her against the wall. Mariin nyang hinawakan ang dalawang balikat ng dalaga. Nagtataka namang nakatitig si Chienne sa galit na mukha ni Kiero. She really have no idea what he was saying.
"Sino ka ba?! Bakit ba palagi mo syang pinapaalala sa akin!" He shouted. His eyes is filled with tears.
"A-Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!" Natatakot na sagot ni Chienne.
Paulit ulit na nagmura si Kiero hanggang nagbreak down na sya. He cried on Chienne's shoulder. Hindi makagalaw ang dalaga. Hindi nya kasi alam ang gagawin nya. Should she comfort him? Humagulgol ng iyak ang binata.
"I try not to miss you but at the end... I still f*****g do!" Sambit nya habang umiiyak.
Napapikit si Chienne at huminga ng malalim. Hinimas nya ang likod ng binata.
"Pwede bang bumalik kana? Miss na miss na kita Erica..." Ani Kiero. His voice is begging.
Hindi namamalayan ni Chienne kusa na ding tumutulo ang luha nya. Masyado syang nadala sa emosyon ng binata. Unti unti nya itong niyakap ng mahigpit. Hindi din maipaliwanag ng dalaga ang sakit na nararamdaman habang binabanggit nito ang pangalan ni Erika.
Kahit masakit ang ulo ay tumuloy pa din si Kiero sa meeting. This will be the biggest project this year if they close the deal.
"If anyone has any questions about anything we discussed today, feel free to send me an e-mail. Again, I want to thank you all for taking time out of your busy schedules to be here today." Ani Kiero saka nakipagkamay sa mga kameeting nya.
Lumabas sya ng conference room at agad syang sinalubong ni Chienne.
"How was it?" Excited na tanong ng dalaga.
Sumimangot si Kiero. Nagets ito ng dalaga kaya unti unting nawala ang kanyang mga ngiti. Kiero thumb's up and smile.
"We got it!" Nakangiting tugon ng binata.
Muling ngumiti ang dalaga at sa sobrang tuwa ay napayakap sya kay Kiero. He hugged her back. Kumalas agad si Chienne at tumingin sa binata.
"Congratulations! You did it again." Ani Chienne.
"Thank you Chienne." Seryosong sabi ni Kiero while staring at her eyes. Ngumiti sya at ginulo ang buhok ng dalaga. "Let's celebrate it. Saan mo gusto kumain? Huwag sa restaurant ni Jake ha? Sawang sawa na ako sa pagkain doon." He added saka tumawa.
"Kahit saan."
"That answer made my head hurt. Kayong mga babae talaga ang hilig sumagot ng kahit saan, kahit ano at ikaw ang bahala." Reklamo nya.
"How about in ancestral house? Let's visit your mom? Gusto ko rin magpaturo sa kanya magbake eh." Pinagtaasan sya ng kilay ni Kiero.
"Okay. Matagal ko na ding hindi nadadalaw si Mommy." Pagsang ayon nya saka ito naunang maglakad.
Nagsimula ng masanay si Kiero sa presence ni Chienne. Hindi na sya naiinis sa mga ngiti ng dalaga sa halip ay mas gumagaan pa ang pakiramdam nito. Ang hindi lang nya makayanan ay ang maalala nya si Erica sa katauhan ni Chienne. He knows it's wrong but sometimes it makes him satisfied dahil parang kasama na rin nya si Erika.