"Yes. I have a meeting mom. Mamaya nalang. Bye." He said with a tired voice. He ended the call.
"Oh." Inabot ni Chienne ang bote ng juice sa kanya na agad nyang tinanggap at ininom. "Kaya mo yan. Naisend ko na yung list ng mga items sa Banzai Builders. Kaya daw nilang i-deliver ang mga iyon within this week." She added and smiled.
Kumunot ang noo ni Kiero at mariin na tumingin sa dalaga.
"Are you serious?" Iritado nyang tanong. Tumango lang si Chienne. "How come they agreed? Diba tumanggi na sila sa atin noong isang araw?" Unti unting nagliwanag ang mukha ni Kiero.
"Oo. Miracle do happen diba? Mr. Chung is waiting in the conference room. Sana bigyan nila tayo ng another 1 week." She smiled.
"Thanks Chienne. Nawalan na ako ng pag asa kanina. Thanks talaga." He said saka niyakap ang dalaga. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." He added with a husky voice.
Kumalas si Chienne sa pagkakayakap. Halata ang pamumula sa mukha nya. Nag iwas ito ng tingin.
"It's my job. Sige na... Baka mainip si Mr. Chung. Good luck."
Nagmadaling umalis si Kiero papunta sa conference room. Huminga muna ito ng malalim bago buksan ang pintuan.
Nakangiti itong lumabas ng conference room with Mr. Chung. Pumayag sa sya 1 more week extension sa mga supplies. Agad nyang hinanap si Chienne para sabihin ang good news pero wala ito sa kanyang table.
"Lanie, si Chienne?"
"Ay. Lumabas. May kakausapin lang daw sya sa kabilang building. How's the meeting po?" Nakangiting sagot ni Lanie.
"They gave us another week extension." Halata sa boses ni Kiero na masaya sya.
"Wow. Bilib na talaga ako sa karisma ni Chienne." Ani Lanie saka tumingin sa monitor nya.
"What do you mean?" Kumunot ang noon g binata.
Napakagat naman si Lanie sa kanyang labi saka yumuko.
"Sir.. Kasi... Ayaw na sana ipaalam ni Chienne ito eh... Ang daldal ko talaga." Marahan nyang pinalo ang bibig nya. "Kasi sir. Kahapon, maghapong kinulit ni Chienne yung may ari ng Banzai Builder. Tinataboy na nga sya noong matandang may ari eh. Kahit anong yaya ko sa kanya ayaw nyang umalis hanggat hindi sila pumapayag na magsupply. Tapos noong bandang hapon dumating yung anak ng may ari ng Banzai at mukhang nabighani sa ganda ni Chienne. Kinausap nya si Chienne at pumayag na sila na magsupply with in this week."
Nagiwas ng tingin si Kiero. "That's it? Are you referring to Fabio?"
"Opo Sir. Kaso may kapalit yung pagpayag ni Sir Fabio. Magdate daw sila ngayong sabado." Ngumuso si Lanie. Lalong nagsalubong ang kilay ni Kiero at tumingin ng masama kay Lanie.
"What the hell is she thinking? Nababaliw na ba sya? Bakit sya pumayag?!" Galit na sabi ni Kiero.
"Excuse me po, Delivery po para kay Ms. Maria Chiennevy Monteverde from Fabio of Banzai Builders." Singit ng delivery boy na may bitbit na bulaklak.
Sakto naman ang pagdating ni Chienne. Nanlaki ang mata ng dalaga ng makita ang matatalim na tingin ni Kiero sa kanya. Natatakot pa itong lumapit kay Lanie.
"Walang ganyang pangalan dito. You got in the wrong building." Inis na sabi ni Kiero saka umalis at nagtungo pabalik sa kanyang office.
Padabog syang naupo sa kanyang swivel chair.
She's crazy! He thought saka pumikit at inihilamos ang kamay sa kanyang mukha.
Nauna itong umuwi sa mansion. Hindi din nya kinakausap si Chienne. Masyadong tahimik ang naging hapunan nila. Napansin iyon ni Manang Len kaya sinadya na sya ng matanda sa kanyang kwarto.
"Nag away ba kayo ni Chienne, iho?" Tanong ng matanda saka inabot ang isang basong gatas.
"Salamat." Kinuha nya ang baso "No. Hindi kami nag away. I don't care about her personal life manang Len. I really don't care at all." Mariin nyang sagot saka naupo sa kanyang kama.
"Ganoon ba. Napansin ko kasing hindi kayo nag uusap at nagpapansinan. Okay naman kayo kaninang umaga. Parang bumalik yung dati nyong samahan. Sige. Maiwan na kita, kapag may kailangan ka sabihan mo lang ako." Ani ng matanda saka lumabas.
Nagring ang cellphone nito na agad nyang sinagot. Nakita palang nya na ang ina nya ang tumatawag ay napa facepalm na ito. Nakalimutan nya kasi yung pinabibili ng kanyang ina.
"Mom? I'm sorry. Nakalimutan ko." Bungad nya.
"What are you saying? Tumawag ako para mag thank you sayo anak. Ang gaganda nitong mga orchids na binili mo. Itong ito yung gusto kong ipabili sayo noon pa." She said with a bubbly voice on the next line.
Nagsalubong ang mga kilay ni Kiero.
"Mom? What are you talking about?"
"Ano ka ba. Pinadala mo pa kay Chienne ang mga ito. Nakakahiya tuloy. Ang sabi nya ay busy ka daw kaya sya na ang nagdala. Nakakatuwa talaga ang batang iyan."
Napasuntok si Kiero sa kanyang kama.
"Yeah. I was busy. I'm sorry. Sige na mommy... Matutulog na ako. Goodnight." He said saka pinutol ang tawag.
Lumabas ng kwarto si Kiero at nagtungo sa garden para magpahangin. May bitbit din syang isang boteng beer. He is staring on the pool side near the garden, kung hindi sya nagkakamali ay si Chienne yung babaeng nakaupo sa poolside at nilalaro ang tubig gamit ang kanyang paa. Tahimik syang lumapit sa dalaga saka umubo para mabaling sa kanya ang atensyon ng dalaga.
"Kiero..." Tumayo si Chienne.
"Bakit gising ka pa?" Malamig nyang tanong.
"Hindi kasi ako makatulog." Ani Chienne saka tumingin sa pool.
"Tumawag si Mommy. She said thanks. Why did you do it?" Nahihiyang sabi ni Kiero saka uminom ng beer. "Hindi mo na sana sinabing galing sa akin ang mga iyon." He added.
"I'm sorry." Tumingin ito kay Kiero habang sa beer naman nakatuon ang mata ng binata. "Hinihintay ka kasi ng mommy mo. She texted me asking if papunta kana sa ancestral house. Ayoko lang umasa ang mommy mo. Masakit kayang umasa." She said while pouting her pinkish lips.
Tumango tango si Kiero at saka inubos ang laman ng bote. Tumingin ito sa dalaga at sarkastikong ngumiti.
"So, you have a date with Fabio?"
Nanlaki ang mata ni Chienne sa narinig. Nag iwas ito ng tingin sa binatan. Binalik nya ang tingin sa pool saka itinago ang kamay sa kanyang likod.
"Sinabi ba sayo ni Lanie?" Mahina ang boses nya.
"Yes." Sagot nya saka tumingin sa dalaga.
"Gusto ko lang makatulong. Besides it's my job and responsibilities... Ang importante ay hindi nawala ang malaking kliyente ng kumpanya." Ani Chienne.
Kiero sarcastically laughed. Matagal sya bago sumagot. Huminga muna ito ng malalim.
"Hindi mo trabaho ang makipag date sa anak ng may ari ng supplier ng kumpanya para lang pagbigyan tayo. I thought it was really a miracle. Nice one, Ms. Monteverde. You fooled me... And you're right. Mas importante ang kliyente so goodluck sa date mo kay Fabio." Malamig nyang tugon saka naglakad pabalik ng mansion.
Maagang nagtungo sa Gym si Kiero ganun din ang magkapatid nyang pinsan na sina Ricky at James. Pinagbubulungan na sya ng magkapatid dahil sa mood nito. Hindi kasi sya makausap at seryoso lang sa kanyang mga ginagawa. Napapailing nalang si James at Ricky sa kanya.
"What do you think bro?" Ani Ricky habang pinapanood si Kiero na binubugbog ang punching bag.
"I don't know. Mukha syang nabroken hearted sa itsura nya." Sagot ni James saka inabutan ang kanyang kuya ng mineral water.
Straight na ininum iyon ni Ricky saka nagpunas ng pawis sa mukha at leeg.
"Kiero!" Tawag ni Ricky pero gaya kanina ay hindi sya nito pinansin. Patuloy lang ito sa pagsuntok sa punching bag.
"Kuya. Si Brye ba yun?" Ani James na nakatingin sa lalaking bagong pasok sa gym.
Hearing that name made Kiero stop. Tumingin sya sa lalaking tinutukoy ni James. Nang magtama ang paningin nila ay nilapitan sya ni Brye sarkastikong ngumiti.
"Nasa Pilipinas kana pala." Bungad nya ng makalapit ito. Matalim lang na nakatingin si Kiero sa kanya. "I'm sorry about what happened to Erika..."
Hindi na pinatapos nito ang sasabihin ni Brye dahil nahila na agad ni Kiero ang kwelyo ng binata.
"Mention her name again at hindi na ako magdadalawang isip basagin yang mukha mo." He said. Matalim pa din itong nakatingin.
"Okay, I hope you didn't blame me for what had happened. Hindi ko din gusto ang nangyari sa kanya. I hope you have time to visit her." Mahinahong sagot ni Brye.
Saka lang sya binitawan ni Kiero. Nagsalubong lalo ang dalawa nyang kilay sa sinabi ni Brye. Yeah. He's right. Wala syang oras para dalawin ang puntod ng yumaong kasintahan. Wala syang oras dahil ayaw nya itong bigyan ng oras. Matalim pa din ang tingin nya kay Brye bago ito lumabas ng Gym. Padabog nyang isinara ang pinto ng kanyang kotse at mabilis itong pinaandar.
Papunta ito ng bar at habang tinatahak nya ang highway papunta doon ay natuon ang atensyon nya sa babaeng nakaupo sa labas ng coffee shop. Lumampas sya at ng makarating sya sa intersection ay agad itong nag U-turn at bumalik sa coffeeshop. Pinark nya ito sa gilid ng daan at tahimik na pinapanood si Chienne. 30 minutes na ay wala pa din ang kadate nya kaya naisipan ni Kiero na tawagan ang dalaga.
"Nasaan ka?" Malamig nyang tanong.
"Huh? Nandito sa coffeeshop. Mamaya kana tumawag, nakakahiya kay Fabio. Bye." Agad pinutol ni Chienne ang tawag.
Kumunot naman ang noon nito dahil ni anino ni Fabio ay hindi nya nakikita. Nakayukong naghihintay ang dalaga at paulit ulit na sinisilip ang kanyang cellphone. Tatawagan nya sana ulit ito ng makita nyang may limang lalaking lumapit sa dalaga at pilit syang pinapasama sa kanila. Kitang kita nya kung paano kaladkalarin ng mga ito si Chienne.
Tinanggal nya ang seatbelt saka nagmadaling sinundan ang mga lalaking kumakaladkad kay Chienne. Madilim na eskenita ang tinigilan ng mga ito. Chienne is shaking at umiiyak, nagmamakaawang wag syang saktan. Inagaw ng mga ito ang bag ng dalaga. Mas lalong uminit ang ulo ni Kiero ng makita nya kung paano hawakan ng matangkad na lalaki ang mukha ni Chienne.
"5 thounsand lang ang laman ng wallet nya mga dude!" Sigaw ng pinakamaliit sa limang lalaki.
"Maganda naman sya eh. Okay na din. Maghanap nalang tayo ng ibang mahoholdap." Sagot ng lalaking may hawak sa mukha ng dalaga. "Ang pula ng labi mo miss. Ang sarap siguro..."
"Bitawan mo sya!" Sigaw ni Kiero. His eyes is burning. Para syang tigre na handa ng sunggaban ang kalaban.
"Tangina! May epal." Ani ng lalaking may hawak kay Chienne.
Sinugod agad si Kiero ng lalaking nakapula. Nasalo nya ang suntok ng lalaki at agad nyang pinilipit ang kamay nito at malakas na sinipa at pinatalsik sa susunod na susugod sa kanya. Isa isa nyang pinatikim ang kanyang kamao sa limang holdaper. Nagkakandarapang tumakas ang mga ito ng halos duguan na ang kanilang mukha.
He took a deep breath ng tumingin sya kay Chienne. She's still crying and shaking. Dahan dahan itong lumapit sa dalaga at saka hinila palapit sa kanya. He hugged her tight while he pats her head.
"It's okay. Wala na sila." He is trying to calm her down. Pero mas lalong umiyak ang dalaga.
"Yung... Yung bag ko... Dinala nila yung bag ko... Regalo sa akin ni daddy yun bago sya mamatay... Iyon nalang ang natitirang alaala ni Daddy." Hagulgol na sabi ni Chienne.
Iniuwi na ni Kiero ang dalaga sa mansion. Tahimik lang ang dalaga hanggang makapasok ito sa kanyang kwarto. Agad namang tumawag ang binata kay Jake para magpatulong sa kakilala nyang detective.
Naghahapunan na sila ng may tumawag sa cellphone ni Kiero.
"Hello." Napatingin sya kay Chienne ng mabosesan nya ang tumawag. Tumayo sya at lumayo sa kusina.
"Hello, Mr. Sy. We already reviewed the CCTV near the coffee shop. Nakilala na namin yung limang lalaki. Matagal na silang minamanmanan ng mga kapulisan dahil sa panghoholdap. Hawak na namin ang isa sa kanila." Ani ng detective na kausap nya.
"Pupunta ako dyan. Hintayin nyo ako." Agad nyang sagot saka inend-call. Bumalik ito ng kusina.
"Manang Len. Aalis ako saglit." Tumingin ito kay Chienne. "Can you wait me? Babalik din agad ako."
Napatingin sa kanya ang dalaga at kumunot ang noo. Hindi nya alam kung bakit kailangan pa nyang hintayin ang binata pero tumango nalang si Chienne. Umalis na si Kiero.
"Where is the bag?" Tanong nya sa lalaking nakapula.
"Hindi ko alam!" Tumawa ito at pilit na inaalis ang tali sa kanyang kamay na nasa likod. "Baliw ka ba? Sa dami naming nahalbot na bag sa tingin mo maalala ko pa yang bag na sinasabi mo?" Muli itong tumawa. Sa inis ni Kiero ay sinapak nya ito ng malakas.
"Siguro naman tanda mo pa ako? Now tell me where that damn bag is!" Galit nyang tugon.
"Ang kulit mo! Tangina! Pa Ingles Ingles ka pa!" Muli syang sinapak ni Kiero kaya inawat na sya ng detective na nasa likod nya.
"Ako na ang bahala." Ani nito saka nag give way si Kiero.
"Saan nyo dinadala ang mga bag ng mga nahoholdap nyo?" Hindi na sumagod ang lalaking nakapula. "Uulitin ko pa ba ang tanong ko? Ayoko nang inaaksaya ang oras ko kaya sagutin mo ang tanong ko." He added at mariin na pinisil ang balikat ng lalaki.
"Kapag sinabi ko edi parang itinuro ko na din ang hideout naman. Hindi ko sasabihin!" Tumawa na naman ito.
Sa inis ni Kiero ay malakas nyang sinipa ang upuan ng lalaking nakapula. Hinila nya ang kwelyo nito saka inilapit ang mukha sa lalaki...
"You're f*****g wasting our time. Sasabihin mo ba o papatayin kita?!" Mariin nyang banta.
Kitang kita sa mukha ng lalaking nakapula ang takot. Yumuko ito...
"Sa Brgy. Dimagiba. 34th street... Yung abandonadong bahay sa dulo ng daan." Mahina nyang sagot. "Nandoon lahat ang mga gamit ng mga hinoholdap namin. Hindi ko talaga alam yung bag na sinasabi nyo. Lima na ang nahoholdap namin sa maghapon kaya hindi ko na..." Sinapak ulit sya ni Kiero. "Aray! Tangina! Sinasabi ko na nga kung saan."
"Hindi mo tanda? Ilan ba ang bumugbog sa inyo ngayong maghapon?" Inis na sabi ni Kiero.
"Tama na. Puntahan nalang natin yung hideout nila para matapos na ito." Ani ng detective.
Pinuntahan nila ang lugar na sinabi ng holdaper. Hindi naman sya nahirapang hanapin yung bag dahil nasa mahabang mesa ang mga bag na naholdap nila sa araw na ito. Pagkarating nito sa mansion si Manang len lang ang naabutan nya sa sala.
"Si Chienne po?"
"Nandito kana pala iho. Nasa garden sya, ano bang nangyayari sa batang iyon at tulala?" Takang tanong ng matanda.
"Because of this." Ipinakita nya yung bag. "Maiwan ko po muna kayo." Lumabas na sya at nagtungo sa garden. Malayo palang kitang kita na nya si Chienne na umiiyak.
"Can you stop crying?" Ani Kiero ng makalapit. Ipinatong nya ang bag sa round table na nasa harap ng dalaga.
Nanlaki ang mata ni Chienne saka tumingin kay Kiero. Mas lalo itong umiyak. Tumayo sya at niyakap ang binata.
"I miss Dad." Malungkot nyang sabi habang umiiyak. "Sya nalang yung meron ako pero bakit ang aga naman nyang kinuha sa akin." She added.
Kiero hugged him back. Naiintindihan nya ang dalaga. Alam nya ang pakiramdam ng iwanan. Sobrang sakit sa pakiramdam ang maiwan magisa lalo pa at sanay kana sa taong iyon. You want to move on but you can't because you don't want to let go. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya ngayon basta ang alam nya ay komportable sya sa yakap ng dalaga kahit mabilis ang t***k ng kanyang puso.