Kakapasok lang nya sa Gym ng mapansin nya ang lalaking nag tetreadmill. Inilagay nya ang mga gamit nya sa locker saka sinet up ang treadmill katabi ng kay Fabio. Habang naglalakad sa treadmill ay uminom ito ng tubig at saka nya sinadyang matapon ito at tumalsik kay Fabio.
"What the..." Tumingin ito ng masama kay Kiero at ng mamukhaan ang binata saka nagiba ang tingin nya at ngumiti ng pilit.
"Hindi ko sinasadya." He said with a tight voice.
Dito nya unang nakilala si Fabio kaya alam na alam nyang babaero ang lalaking ito. Kapag nakakakita ito ng maganda sa gym ay agad nyang pinopormahan. Bumalik sa treadmill si Fabio at isinet sa mas mabilis kaysa kanina.
"Pwede mo bang pauwiin ng maaga si Ms. Monteverde? We have a date today."
Kiero clenched his jaw saka pinabilisan ang threadmill.
"Today?" He scoffed. "Nasaan ka pala kahapon?"
"Remember Shane? Yung hot girl dito lastweek. I can't say no to her. Alam mo naman tayong mga lalaki we just wanna have fun. I heard you hooked up with Grace? Whoah! Ang swerte mo, halos lahat gustong gusto si Grace... I mean she's a famous model..." He stop talking nang makita nyang nagiba ang mood ni Kiero. Tumawa lang ito.
"Mas okay kasama si Shane during Saturday night kaysa kay Ms. Monteverde. I think she's a kinda boring dude, Alam kong ayaw mo din sa mga boring na babae... kung hindi lang talaga sya maganda... Pero sexy sya ha! I can see her curve and sexy ass. Fabio grinned.
He pushed Kiero's button. He has a sudden urge to punch him in the face and he can't resist it kaya walang imik na sinapak nito si Fabio. Hindi nya alam pero sumakit ang tenga nya sa narinig nya.
"What is your f#cking problem dude?!" Inis na sigaw ni Fabio saka pinunasan ang dugo sa kanyang labi.
"Wag na wag mo akong ikukumpara sayo! Hindi ako katulad mong pumapatol kung kani-kanino. I'm not an asshole like you!" His loud, booming voice seemingly shook the room.
Namula ang mukha ni Fabio ng mapansin nyang halos lahat ay nakatingin na sa kanya. Tumawa ito saka matalim na tumingin kay Kiero.
"G@go ka pala eh!" He said saka bumawi ng sapak kay Kiero.
Napaupo si Kiero sa sahig. Pinunasan nya yung dugo sa labi nya saka dahan dahan na tumayo. Lalapit na ito kay Fabio para gumanti ng may dalawang lalaki ang umakbay kay Fabio.
"Are you messing up with him?" Ani Ricky.
"Then you messed up with the wrong guy bro. Good luck! Jimenez yata ang nakabangga mo." James added with a proud voice.
Mas pinagpawisan si Fabio nang macorner sya ng magkapatid. His face was frozen in a glassy stare of horror. Nilapitan sya ni Kiero at hinila ang kanyang kwelyo. Napalunok naman si Fabio ng magtama ang paningin nila. It's hard for him to breathe while he looks at Kiero's monster face. His limbs went numb with absolute fear.
"Layuan mo sya. I'm warning you! Oras na paglaruan mo si Chienne...I will beat you until your white meat show!" He said with a rough voice saka nya itinulak palayo si Fabio at umalis.
Saka lang nakahinga ng maayos si Fabio ng mawala sa paningin nya ang binata. Nilapitan sya ng magkapatid at tinapik ang balikat.
"It's going to happen so be careful bro." Ani James.
"I hear Chienne's name, right?" Curious na tanong ni Ricky.
Hindi sya pinansin ni Fabio. Umalis din ito palabas ng Gym.
Bumalik ng mansion si Kiero na mainit ang ulo. Pabagsak itong naupo sa malaking sofa nang maamoy nya ang mabangong niluluto mula sa kusina. Tumayo ito at nagtungo sa kusina. It's chienne. Sinisilip nya ang laman ng oven.
"What are you doing?" Ani Kiero. Napalingon si Chienne saka tumayo.
"I'm baking Vanilla Cake. Nakakarelax sa pakiramdam ang amoy ng Vanilla." Sagot niya and she gave her a warm smile.
Lumapit si Kiero sa ref at kumuha ng maiinom. Napansin nyang matalim ang tingin sa kanya ng dalaga kaya tumigil ito sa paginom ng tubig at humarap kay Chienne.
"What?" Inis nyang tanong.
Lumapit sa kanya ang dalaga at marahang hinaplos ang mukha nito. Biglang uminit ang pakiramdam nya and his heart beat fast na akala moy gustong kumawala sa kanyang katawan. Hinawi nya ang kamay ng dalaga.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Her voice was worried.
"Wala ito." Nag-iwas sya ng tingin.
"Hayaan mong gamutin ko yan. Kukuha lang ako ng gamot." Tatakbo na sana si Chienne nang pigilan sya ni Kiero. He took a deep breath.
"I'm okay." He said with less emotion. Naglakad sya palayo ng kusina.
Naupos si Kiero sa kanyang kama at inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya lalo na sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. Para syang mababaliw kakaisip. His heart is still beating so fast.
Why do I feel this way? Hindi pwede! He thought while he took a deep breath.
"Kiero? Iho? Nasa baba ang mga pinsan mo." Ani manang len sa labas ng kanyang kwarto. Muli syang huminga ng malalim at lumabas ng kwarto.
Nangtungo sya sa sala kung nasaan ang kanyang mga pinsan. Nakaupo sa malaking sofa si James, Ricky at Clarence habang si Sabrina naman at Maxine ay patungo sa kusina.
"Why are you here?" Malamig nyang tanong.
"Galing kaming Valky at muntik ng mapaaway itong si Clarence dahil sobrang seloso kaya pumunta nalang kami dito."Natatawang sumbong ni James. ". Gandang lahi kasi namin bro. Swerte mo malalahian ka ng Jimenez." He added.
"Shut up bro. Maganda din ang lahi namin. Montejo yata ito." Bawi Clarence.
"Tama na ang yabangan guys. Tikman nyo nalang itong binake ni Chienne." Sigaw ni Sabrina habang bitbit ang isang buong vanilla cake. Kasunod naman nya si Maxine at Chienne na may bitbit na kitchen utensils at juice.
"Wow! VANILLA." Ani Ricky saka ngumise nang nakakaloko nang magtama ang mata nila ni Kiero.
"Kiero oh" Inabot ni Chienne sa kanya ang isang slice ng vanilla cake kaya lalong ngumise si Ricky.
Tinanggap naman ni Kiero ang inaabot ng dalaga saka naupo sa single sofa malapit kay Sabrina.
"Wow! Ang sarap mo pala magbake, Chienne. Bakit Vanilla?" Tanong ni Ricky.
"Salamat. Ewan ko ba, narerelax ako sa amoy ng vanilla eh. Nakakawala ng stress." Sagot nya saka ngumiti.
Natigilan sa pagkain si Kiero saka tumingin ng masama kay Ricky. He knew what Ricky is trying to do. Ayaw nyang magpa apekto pero hindi nya maiwasang mainis sa bawat nakakalokong ngiti ng kanyang pinsan. Parang gusto nya itong batuhin ng hawak na platito sa mukha.
"May kilala akong ganyan ang pananaw sa Vanilla." Humagalpak ng tawa si James.
Alam nyang pinagtutulungan syang asarin ng makgapatid. Hindi naman sila nabigo dahil nagwalk out na ito papunta sa kusina.
"Stop it guys. Gusto nyo na namang ma-beastmode yung isa. Badtrip na nga kaninang umaga. Kayo talaga!" Saway ni Sabrina.
"Gusto nyo ba ng ice cream?" Alok ni Chienne. "Bumili kasi ako kanina."
"Vanilla flavor din ba?" Ngumisi ulit si Ricky.
"Hindi. Rocky road." Sagot nya agad.
"I want! Favorite ko yun." Excited na sigaw Maxine na parang bata.
Nagpunta agad si Maxine sa kusina para kunin ang ice cream sa ref. Nakita nya si Kiero na tahimik na kumakain ng vanilla cake. Napansin nyang basa ang mga mata ng binata kaya natigilan ito sa paglalakad.
"O-Okay ka lang?" Her voice is worried.
Tumalikod si Kiero at pinunasan ang kanyang luha. Nilapitan sya ni Chienne at inabutan ng tissue mula sa dining table.
"Okay ka lang ba?" Ulit nya. Hindi sya sinagot ng binata.
Umatras si Chienne saka tumalikod sa kanya. She thinks he needs to be alone. Hahakbang na ito palapit sa ref ng magsalita si Kiero.
"Noong nasa Paris ka... Bakit mo ako tinulungan? Pinabayaan mo nalang sana akong mamatay."
Kumunot ang noo ng dalaga at mariing tumingin sa binata.
"How can you say that?" Huminga ito ng malalim "Noong nakita kita sa daan na umiiyak at wala sa sarili sinundan na kita noon dahil iba yung kutob ko and I am right. You gave me a nightmare Kiero... Unang beses kong makakita ng nagsuicide lalo na noong makita kong duguan ka. Takot ako sa dugo pero there was a voice inside me saying to go and help you. Noong sinabi ng doctor na stable kana para akong nabunutan ng tinik." Tumawa ng pilit si Chienne kahit papaiyak na din ito. "How can you say that? Ang daming gustong mabuhay. Why did you try to kill yourself?" She added while staring at Kiero's eyes.
"I just... I just want to end my suffering na hanggang ngayon ay pinagdudusahan ko pa din." Mariin nyang sagot.
Napahawak si Chienne sa kanyang ulo tila hindi nito nagustuhan ang sagot ng binata. Hindi nya talaga ito nagustuhan. She's disappointed right now.
"Kung gusto mong patayin ang sarili mo bakit hindi mo nalang patayin yung mga ayaw mo sa buhay mo?" Suhestyon niya pero hindi ito nakuha ni Kiero kaya mas kumunot ang noo nito. "I mean, kill what made you suffer... Ibalik mo yung dating ikaw. You can kill all the negative s**t in your life, not your own life." Ani Chienne saka nagtungo sa ref para kunin ang ice cream.
"Do you think I can do it? Kung kaya ko lang ay matagal ko na sanang nagawa. Napakadali kasing sabihin ng mga yan para sa inyo dahil hindi nyo alam yung pakiramdam." Mahina pero mariin ang pagkakasabi ni Kiero sa mga ito.
Nang makuha ni Chienne ang ice cream sa ref ay humarap ito sa binata at pilit na ngumiti.
"I know... I understand. Alam kong mahirap. When I was 16 years old namatay ang bunso kong kapatid dahil sa kumplikasyon sa puso and after a months ay sumunod si Mommy. Ilang buwan na hindi umuwi noon si Daddy dahil sa depression. Katulong lang ang kasama ko noong mga panahon na kailangan ko si Daddy. Wala nang mas sasakit pa doon. Nang maging okay si Daddy nangako ako sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ko pababayaan si Daddy dahil sya nalang ang meron ako but I failed. Sinisisi ko noon ang sarili ko sa nangyari but I realized that I should stop blaming myself and move on." Huminga sya ng malalim at pinipigilan nyang umiyak. "You should stop blaming yourself too for the things you can't change, Kiero... Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya. Learn how to let go and move on. Maiwan na kita." She added saka bumalik sa mga pinsan ng binata. He left in the kitchen dumbfounded.
Hindi nya lubos akalain na ganun ang mga napagdaanan ng dalaga. Now he realized na magisa na nga lang talaga si Chienne. Magi sang lumalaban sa buhay at heto sya dinadagdagan ang pasakit ng dalaga. He's really an asshole. How can he do that? Mas lalo syang nagiguilty ngayon. Pakiramdam nya ay napakasama nyang tao.
11pm na ay hindi pa din mawala sa isip ni Kiero ang mga sinabi sa kanya ni Chienne. Paulit ulit itong umi-echo sa kanyang tenga. Daig pa nya ang masisiraan ng ulo. Tumingin ito sa isang box kung saan nadoon lahat ng mga pictures, sulat, notebook at ilang alaala ni Erika. Nilapitan nya ito at binuksan. Habang tinitingnan nya ang mga larawan nila ay isa isa ding nag paflashback ang lahat sa isipan nya. Tears rolled down his cheeks. Pinunsan nya agad ito saka tumayo at nagtungo sa likod ng mansion. Sinindihan nya yung bakal na container at isa isa nyang nilaglag doon ang mga laman ng kahon na bitbit nya.
"Siguro dapat na kitang pakawalan... It's so hard to keep you like this... Gusto kong maging masaya ulit pero hindi ko magagawa yun hanggat hindi kita napapakawalan... Now I am letting you go..." His voice is about to cry pero pinipigilan nya ito.
Nang maubos ang laman ng kahon ay huminga sya ng malalim saka pumasok sa loob ng mansion. Nasa hagdan na sya ng maalala nyang naiwan ang kanyang cellphone sa lumang mesa malapit sa container na sinindihan nya. Inilapag nya ang bitbit na kahon at bumalik sa likod ng mansion. He saw Chienne. Pinapagpagan nya ang notebook na sunog na ang kalahati.
"Bakit mo pinakikialaman yan? It's already late. Matulog kana." Malamig nyang sabi.
Nagulat si Chienne kaya ibinalik nya ang hawak na notebook sa container at tumingin kay Kiero.
"Kahit sunugin mo ang mga yan mamimis mo pa din naman sya diba?" Mahina na ang boses nya. Nag iwas ng tingin si Kiero. Dinampot nya yung cellphone nya sa mesa.
"You don't care. You don't know half the s**t that I've been through!" Pagalit nyang sagot.
"Pero... Ba-Bakit hindi mo nalang subukang magmahal ulit?"
"Ano bang alam mo Chienne?" He sarcastically smiled. "Magmahal ulit? I don't believe such a thing anymore. You don't know anything so shut up!" Sigaw ulit nya saka naglakad papasok sa mansion.
"Kahit sunugin mo ang lahat ng yan, you will still miss her, Kiero. Habang lalo mo syang hinahanap hanap, mas lalo ka lang masasaktan. Hindi ka ba talaga naniniwala na sa pagibig o ayaw mo nang maniwala? Ayaw mo ng maniwalang pwede ka pang magmahal muli dahil duwag ka! Duwag ka...Takot ka dahil baka masaktan ka ulit." Sigaw nya kay Kiero and her tears began to fall.
Napalingon si Kiero sa mga sinabi ni Chienne at nang makita nya itong umiiyak ay bigla nalang bumilis ang t***k ng puso nya. Ito na naman yung pakiramdam nyang hindi nya maipaliwanag. He clenched his jaw and fist. Mabilis syang lumapit kay Chienne. He grabbed her waist towards him. He can smell her heavenly scent. He holds her chin up and kissed her hard. Hindi nakapalag si Chienne, napapikit nalang ito. It's like she liked what Kiero did.